31.3.19

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Kuwento . Isang Dakilang Bundok, Isang Maliit na Sapa, Isang Mabagsik na Hangin, at Isang Dambuhalang Alon

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Kuwento . Isang Dakilang Bundok, Isang Maliit na Sapa, Isang Mabagsik na Hangin, at Isang Dambuhalang Alon



May isang maliit na sapa na nagpapaliku-liko paroo’t parito, hanggang nakarating sa wakas sa paanan ng dakilang bundok. Hinaharangan ng bundok ang daanan ng maliit na sapa, kaya tinanong ng maliit na sapa ang bundok sa kanyang mahina, maliit na boses, “Pakiusap padaanin mo ako, ikaw ay nakatayo sa aking dinaraanan at hinaharangan ang aking daanan pasulong.” Nagtanong ang bundok pagkatapos, “Saan ka pupunta?” Na tinugon naman ng maliit na sapa, “Hinahanap ko ang aking tahanan.” Sinabi ng bundok, “Sige, magpatuloy kang dumaloy ka sa ibabaw ko!” Ngunit dahil ang maliit na sapa ay masyadong mahina at masyadong bata, walang paraan para ito makadaloy sa ibabaw ng gayong kalaking bundok, kaya wala itong magawa kundi ang manatiling dumaloy sa paanan ng bundok …

30.3.19

Kahulugan ng Buhay-Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran

Ni Yixin
Isang payak na nayon na napag-iwanan na ng panahon, ang aking mga magulang na hapung-hapo mula sa kanilang trabaho, isang buhay na gipit sa pinansyal … ito ang malulungkot na ala-ala na nakatatak sa aking murang isipan, ito ang mga una kong pagkakilala sa salitang “kapalaran.” Pagkatapos kong magsimulang mag-aral, sa unang pagkakataong narinig ko ang aking guro na nagsabi ng “Hawak mo ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay,” pinakatandaan ko ang mga salitang ito. Naniwala akong kahit na hindi ko mababago ang katotohanan na ako ay ipinanganak sa kahirapan, maaari ko pa ring baguhin ang sarili kong kapalaran sa pamamagitan ng pagsusumikap. Bilang resulta, ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas upang makipagbuno sa aking “kapalaran,” at makamtan ang isang kapirasong langit na matatawag kong akin.

29.3.19

Pagbalik sa Diyos-Matapos Ang Desperadong Paghahangad na Bumaba ang Diyos mula sa mga Ulap, Sa Wakas ay Nakasama Ko na Siyang Muli (II)


Ni Wen Zhong
Salamat at pinakinggan ng Panginoon ang dalangin ko. Makalipas ang ilang araw, bumalik muli ang kaibigan ko. Malugod ko siyang tinanggap at sinabi sa kanya ang tungkol sa naranasan ko kamakailan lang, mga iniisip, at pagkalito. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay, at nasasabik na sinabing, “Salamat sa Panginoon. Hangga’t mayroon tayong puso na naghahanap, lilitaw sa harap natin ang Panginoon. Tungkol sa tanong mo, basahin natin ang ilan sa mga taludtod ng mga propesiya sa Biblia at pagkatapos ay maiintindihan mo iyon.” Nakahanap siya ng dalawang taludtod para basahin ko, “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” Pagkatapos ay nagbahagi pa siya: “Dahil sinasabi nitong ‘Anak ng tao’ ay tinutukoy nito ang nagkatawang-tao na Diyos. Kung Siya ay isang Espiritu, hindi Siya maaaring tawaging ‘Anak ng tao.’ Ang espirituwal na katawan ng Panginoong Hesus matapos Siyang mabuhay muli ay kayang tumagos sa mga dingding, at mawala sa iyong paningin at bumalik muli. Hindi iyon pangkaraniwan. Kaya hindi Siya maaaring tawaging ‘Anak ng tao.’ Ang dahilan kung bakit tinawag ang Panginoong Hesus na ‘Anak ng tao’ at ‘ Kristo’ ay dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos. Ang ‘pagdating ng Anak ng tao’ na sinabi ng Panginoon Hesus ay nangangahulugan na lihim Siyang babalik muli sa mga huling araw bilang nagkatawang-taong Diyos.

28.3.19

Pagbalik sa Diyos-Paniniwala ng mga Katoliko: Bakit Inabot ng 11 Taon Para Tanggapin Niya ang Pagbabalik ng Panginoon?

Pagbalik sa Diyos-Paniniwala ng mga Katoliko: Bakit Inabot ng 11 Taon Para Tanggapin Niya ang Pagbabalik ng Panginoon?


Ni Gan’en, Unites States
Si Ming’ai ay isang Katoliko mula pa nung bata siya. Palagi niyang iginigiit ang pagbabasa ng Biblia at pagpunta sa misa, at pangungumpisal sa pari minsan sa isang taon, at nagpatuloy nang walang patid sa loob ng 40 taon. Nang marinig niya ang balita na nagbalik na ang Panginoon, tinanggihan niya ang pagliligtas ng Panginoon. Labing isang taon ang nakalipas, narinig niyang muli ang tinig ng Diyos, at tinamaan siya ng pagsisisi… Bakit inabot ng 11 taon bago bumalik si Ming’ai sa Panginoon? Ano ba ang nangyari sa kanya?

Bulag na Pagsunod sa mga Pari Kaya Isinara Niya ang Puso Niya sa Diyos
Sinabi ni Ming’ai na, bago ang taong 2000, maraming bagay ang sinasabi ng mga pari sa kanilang mga sermon sa simbahan na sumira, lumapastangan, lumaban at humatol sa Kidlat ng Silanganan, para mahikayat ang mga mananampalataya na huwag sumunod sa daan ng Kidlat ng Silanganan, at tahasang itinanggi ang patotoo na nagbalik na ang Panginoon.

“Kung totoo nga na nagbalik na ang Panginoon, hindi ito ikokondena ng mga pari at Papa. Pero kung tatanggihan ng mga pari ang Kidlat ng Silanganan, kung ganon tiyak na hindi tama ang daan na ‘yon.” Ganon ang naisip ni Ming’ai noong panahon na ‘yon, at dahil sinamba niya nang husto ang mga pari, sinunod na niya ang pagtanggi tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos.

27.3.19

Mga Paksa sa Debosyonal-Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao.

26.3.19

Pag-aaral ng Biblia-Job 42:2

|

Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil.

-Job 42:2

Mga Saloobin na Talata sa Linggong na ito…

Ito ang mga salitang sinabi ni Job sa Diyos nang ang Diyos ay magpakita sa kanya. Sa pagbasa ng bersikulong ito, nawawala ako sa sarili napaisip ng malalim : Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos.

Wala pang Biblia sa panahong iyon at hindi nakikipagpulong si Job sa iba, ngunit paano niya nadarama ang pag-iral ng Diyos, makita ang Kanyang kapangyarihan at malaman ang Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay? Ito ay nakatala sa Job, “Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa. Narito, siya’y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya’y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan. Narito, kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo; muli, kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa” (Job 12:13-15). “Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa? Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig. Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin. Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat. Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan. Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang”(Job 9:4-10). “Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon. Sapagka’t tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit; Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan. Nang siya’y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog”
(Job 28:23-26)

25.3.19

Pagbalik sa Diyos-Bumalik sa Bahay ng Diyos


Pagbalik sa Diyos-Bumalik sa Bahay ng Diyos

Ni Mu Yi, South Korea

Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao. Inosente at puro, hindi nababagabag, puno ng biyaya sa buhay. … Ng taong may konsensya at may pagkatao, may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya” (“Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Sa tuwing maririnig ko itong himno ng mga salita ng Diyos, palagi akong hinihipo nito. Minsan akong nawala sa Diyos at kinalaban Siya. Ako, para akong isang nawalang tupa, na hindi makita ang daan pauwi. At ang dakilang pagmamahal ng Diyos ang nagbalik sa akin sa Kanyang pamilya. Gusto kong ibahagi ang karanasan ng pagbabalik ko sa pamilya ng Diyos kasama ang mga kapatid sa Panginoon at mga kaibigan na hindi pa bumalik sa Diyos.

Dahil madalas mag-away ang mga magulang ko noong bata pa ako, araw-araw akong nabuhay sa takot. Pakiramdam ko walang halaga ang buhay ko, pero takot ako sa kamatayan, hindi kasi natin alam kung bakit tayo nabuhay, bakit tayo namamatay; pero kahit pa’no naramdaman kong may pares ng kamay na sumusuporta sa akin para mabuhay.

24.3.19

Pananampalataya at Buhay-Ang Paghihirap ay isang Hakbang Tungo sa Tagumpay



Pananampalataya at Buhay-Ang Paghihirap ay isang Hakbang Tungo sa Tagumpay

Ni Xichen

Narinig ko ang ganitong kwento: Ang pinagdaraanan ng agila sa paglaki ay malupit. Para makalipad sa papawirin ang mga batang agila, itutulak sila ng inang agila mula sa ibabaw ng bangin kapag ganap nang tumubo ang pakpak nila. Habang nahuhulog, buong lakas na ipapagaspas ng mga batang agila ang pakpak nila para mabuhay. Sa pamamagitan ng labis na paghihirap, sa wakas pwede na silang lumipad. Gayun pa man, para makalipad sila nang matayog sa kalangitan, babaliin ng inang agila ang mga pakpak nila at muli silang itutulak sa bangin. Sa pagkakataong ito, mas matinding sakit ang dadanasin nila kaysa dati. Kahit na nasasaktan sila nang husto, kailangan pa rin nilang ipagaspas ang baling mga pakpak. Dahil sa pamamagitan lang ng paggawa nito sila makakalipad sa mataas na kalangitan; dahil kung hindi, hindi na sila makakalipad sa asul na langit.

23.3.19

Pananampalataya at Buhay-Ano ang tunay na madala sa langit?


Pananampalataya at Buhay-Ano ang tunay na madala sa langit?



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero.” (Pahayag 19:9).

Pananampalataya at Buhay-Ano ang madala sa langit bago sumapit ang kalamidad? Ano ang isang mananagumpay na ginawang ganap bago sumapit ang kalamidad?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili. Yaong mga nagkamit ng estado ng pagiging mga panganay na anak, ang estado ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng mga tao na nadagit. Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng tao na nadagit sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking naordinahan bago pa man ay madadagit sa harap Ko.

Pananampalataya at Buhay-Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?


Pananampalataya at Buhay-Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?


Ni Xuesong, Tsina

Sa labas ng bintana, nakakikilabot ang lamig at malakas ang buhos ng niyebe. Alas-9 na ng gabi nang makauwi si Xuesong mula sa pangangaral ng ebanghelyo.

Mabilis na ininit ng kanyang asawa ang hapunan niya. Nang kakain na siya, bumalik na rin ang kanyang anak na babaeng si Xiaoyuan matapos suportahan ang simbahan. Nagmamadaling nagsandok si Xuesong ng pagkain para dito at handa nang kumain ng hapunan kasama nito. Ngunit hindi gustong kumain ni Xiaoyuan. Nang makita iyon, tinanong siya ni Xuesong, “Anong problema, Xiaoyuan? Mukhang may iniisip ka.”

Nagtataka niyang sinabi, “Papa, Mama, nitong nakaraan ay may iniisip akong tanong. Kapag nangangaral ang mga pastor at mga matatanda, palagi nilang sinasabi na kung mas makakapangaral ng marami ang isa at magbunga iyon, tatakbo, gagasta at magtatrabaho ng husto para sa Panginoon, makapapasok siya sa kaharian sa langit. At talaga namang malaki ang nagastos natin para sa Panginoon at nagbayad ng malaki. Ngunit sinabi minsan ng Panginoon, ‘Sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang (Mateo 22:14). Kaya nag-umpisa akong isipin na: “Hindi mabilang ang mga mananampalataya sa Panginoon na nagagawang gumastos ng malaki para sa Kanya, ngunit bakit sinabi ng Panginoon na kakaunti lamang ang pinili? Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian sa langit sa huli sa pamamagitan ng pagdurusa, paggastos, at pagtatrabaho ng husto para sa Panginoon?”

22.3.19

Katotohanan ng Diyos-Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Dumating habang Muling Ipinatupad ng Diyos ang Kanyang Awtoridad

Ginamit ng Maylalang ang Kanyang mga salita para tapusin ang Kanyang plano, at sa paraang ito, natapos Niya ang mga unang tatlong araw ng Kanyang plano. Sa loob ng tatlong araw na ito, hindi nakitang naging abala ang Diyos, o napagod ang Kanyang sarili; bagkus, natapos Niya ang kamangha-manghang unang tatlong araw ng Kanyang plano, at nakamit ang dakilang gawain ng pagpapanukala ng malubhang pagbabago sa mundo. Isang bagong mundo ang lumitaw sa Kanyang harapan, at, isa-isa, ang magandang larawan na nakatago sa loob ng Kanyang kaisipan ay sa ganap na naibunyag na sa mga salita ng Diyos. Ang paglitaw ng bawat bagong bagay ay parang kapanganakan ng isang bagong silang na sanggol, at nalugod ang Maylalang sa larawang minsa’y nasa Kanyang kaisipan, ngunit ngayon ay nabigyan na ng buhay. Sa oras na ito, nagkaroon ng kapirasong kasiyahan ang Kanyang puso, ngunit nagsisimula pa lamang ang Kanyang plano. Sa isang kisap mata, dumating na ang bagong araw—at ano ang susunod na pahina sa plano ng Maylalang? Ano ang sinabi Niya? At paano Niya ipinatupad ang Kanyang awtoridad? At, kasabay nito, anong mga bagong bagay ang dumating dito sa bagong mundo? Sa pagsunod sa gabay ng Maylalang, matutuon ang ating pagtingin sa pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, isang araw na kung saan ay may panibagong simula. Siyempre, para sa Lumikha, walang duda na ito’y kamangha-manghang panibagong araw, at panibagong araw na napakahalaga para sa sangkatauhan sa kasalukuyan. Ito nga, siyempre, ay isang araw na hindi matantya ang halaga. Paano ito naging maganda, paano ito naging napakahalaga, at paanong hindi matantya ang halaga nito? Makinig muna tayo sa mga salitang binigkas ng Maylalang….

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus-Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay


Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus-Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay



Susunod, basahin natin ang unang pangungusap sa Genesis 1:9-11: “At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan.” Ano ang mga pagbabagong naganap matapos simpleng sabihin ng Diyos ang, “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan”? At ano ang nasa espasyong ito bukod sa liwanag at sa kalawakan? Sa mga Kasulatan, nakasulat ito: “At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.” Ibig sabihin, nagkaroon na ng lupa at mga karagatan sa espasyong ito, at naghiwalay ang lupa at karagatan. Ang paglitaw ng mga bagong bagay na ito ay sumunod sa utos mula sa bibig ng Diyos, “at nagkagayon.” Inilarawan ba sa Kasulatan na naging abala ang Diyos habang ginagawa Niya ito? Inilarawan ba nito na Siya’y pisikal na gumagawa? Kaya, paano ba ito lahat ginawa ng Diyos? Paano ba ginawa ng Diyos ang mga bagong bagay na ito? Malinaw na, gumamit ang Diyos ng mga salita para makamit ang lahat ng ito, para likhain ang kabuuang ito.

21.3.19

Mga Aklat ng Ebanghelyo-Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan


Mga Aklat ng Ebanghelyo-Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan



Sabi ng mga Kasulatan, “At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:20-21). Malinaw na sinasabi ng Kasulatan na, sa araw na ito, ginawa ng Diyos ang mga nilalang sa mga katubigan, at ang mga ibon ng himpapawid, ibig sabihin ay Kanyang ginawa ang iba’t-ibang isda at ibon, at inuri ang mga ito ayon sa klase. Sa ganitong paraan, pinasagana ng paglikha ng Diyos ang lupa, kalangitan, at mga katubigan…Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan…

Mga aklat ng ebanghelyo-Nilikha ng Diyos si Eba


Mga aklat ng ebanghelyo-Nilikha ng Diyos si Eba



(Gen 2:18-20) At sinabi ni Jehova, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya. At nilalang ni Jehova sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa’t itinawag ng lalake sa bawa’t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa’t ganid sa parang; datapuwa’t sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya.

(Gen 2:22-23) At ang tadyang na kinuha ni Jehova sa lalake ay ginawang isang babae, at ito’y dinala niya sa lalake. At sinabi ng lalake, Ito nga’y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya’y tatawaging Babae, sapagka’t sa Lalake siya kinuha.

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Ang Utos ng Diyos kay Adan


Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Ang Utos ng Diyos kay Adan



(Gen 2:15-17) At kinuha ni Jehova ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. At iniutos ni Jehova sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka.

May nakuha ba kayo na kahit anong bagay mula sa mga bersikulong ito? Ano ang naramdaman ninyo sa bahaging ito ng banal na kasulatan? Bakit hinango mula sa banal na kasulatan ang “Utos ng Diyos kay Adan”? Ang bawat isa na ba sa inyo ay may dagliang larawan ng Diyos at ni Adan sa inyong mga isipan? Maaari ninyong subukin na gunigunihin: Kung kayo yung naroon sa eksenang yun, ano kaya ang magiging anyo ng Diyos sa inyong puso? Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa imaheng ito? Ito ay nakapupukaw at makabagbag-damdaming larawan. Bagamat ang Diyos at ang tao lamang ang narito, ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ay lubhang karapat-dapat na kainggitan: Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay walang-kabayarang ipinagkaloob sa tao, bumabalot sa tao; ang tao ay parang bata at inosente, walang kabigatan at walang alalahanin, napakaligayang nabubuhay sa ilalim ng pagtingin ng Diyos; nagpapakita ang Diyos ng malasakit para sa tao, habang ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pag-iingat at pagpapala ng Diyos; ang bawat isang bagay na ginagawa at sinasabi ng tao ay malapit na naka-ugnay at hindi maihihiwalay sa Diyos.

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Sa Ilalim ng Awtoridad ng Maylalang, Perpekto ang Lahat ng mga Bagay


Ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, kasama na ang mga nakagagalaw at mga di nakagagalaw, tulad ng mga ibon at isda, tulad ng mga puno at mga bulaklak, at kasama ang mga hayop, mga insekto, at mga mababangis na hayop na ginawa noong pang-anim na araw—maganda ang lahat ng mga ito sa Diyos, at, dagdag pa rito, sa mga mata ng Diyos, ang mga bagay na ito, ayon sa Kanyang plano, ay umabot lahat sa rurok ng pagka-perpekto, at narating ang mga pamantayan na nais makamit ng Diyos. Paunti-unti, nagawa ng Maylalang ang mga gawang Kanyang nilalayon ayon sa Kanyang plano. Sunod-sunod, lumitaw ang mga bagay na Kanyang binalak likhain, at ang pagpapakita ng bawat isa ay pagpapahiwatig ng awtoridad ng Maylalang, at pagkatatag ng Kanyang awtoridad, at dahil sa mga pagkatatag na ito, hindi maiwasang kumilala ng utang na loob ang lahat ng mga nilalang sa biyayang ipinagkaloob ng Maylalang, at ang probisyon ng Maylalang. Habang nakikita sa kanilang mga sarili ang mapaghimalang mga gawa ng Diyos, lumobo ang mundong ito, paisa-isa, sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, at nabago mula sa kaguluhan at kadiliman patungo sa kalinawan at kaliwanagan, mula sa nakamamatay na katahimikan hanggang sa kabuhayan at walang hangganang kasiglahan. Sa lahat ng mga bagay sa paglikha, mula sa malaki hanggang sa maliit, mula sa maliit hanggang sa napakaliit, walang hindi nilikha sa pamamagitan ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at nagkaroon ng natatangi at likas na pangangailangan at kahalagahan sa pag-iral ng bawat nilalang. Sa kabila ng mga kaibahan sa kanilang mga hugis at istruktura, ginawa pa rin sila ng Maylalang para mabuhay sa ilalim ng Kanyang awtoridad. …

20.3.19

Paano dapat maranasan ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para maligtas?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos.

mula sa “Punong Salita”

Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa iyo.

Hiwaga ng Ikalawang Pagparito ni Jesus-Sa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa


Hiwaga ng Ikalawang Pagparito ni Jesus-Sa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa



Hindi namalayan, nagpatuloy ang paggawa ng Manlilikha sa lahat ng mga bagay nang limang araw, kasunod agad na sinalubong ng Manlilikha ang pang-anim na araw ng Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay. Panibagong simula na naman ang araw na ito, at panibagong pambihirang araw. Ano, ngayon, ang plano ng Maylalang sa bisperas ng bagong araw na ito? Anong mga bagong nilalang ang Kanyang ilalabas, lilikha ba Siya? Makinig, iyan ang boses ng Maylalang….

“At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:24-25). Anong mga buhay na nilalang ang kasama rito? Ang sabi ng Kasulatan: mga hayop, at mga gumagapang na nilalang, at mga iba’t-ibang uri ng hayop sa lupa. Ibig sabihin, sa araw na ito, hindi lang mayroong iba’t-ibang uri ng mga buhay na nilalang sa lupa, ngunit nakauri sila lahat ayon sa klase, at ganoon din, “nakita ng Dios na mabuti.”

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45).

“At ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.

19.3.19

Mga Diskarte ng Lugar ng Trabaho: Ang Mahimalang Taktika ng Pagpapanatili sa Ating Trabaho

Mga Diskarte ng Lugar ng Trabaho: Ang Mahimalang Taktika ng Pagpapanatili sa Ating Trabaho


Gawa ni Mary, Estados Unidos

Noong una akong dumating sa Estados Unidos, dahil sa hadlang sa wika, inabot nang matagal bago ako nakahanap ng trabaho sa isang restawran. Pero napakarahas ng pagiging magagalitin ng amok o. Sa parehong bago at lumang mga empleyadoo, kapag may nakita siyang mali sa sino man, o kung may nagawang hindi niya gusto ang empleyado, sisigaw siya, o sisisantehin niya ang mga tao doon din mismo. Noong una akong dumating, madalas din niya akong masigawan.

Pamilya-Paano Dapat Tumugon ang Kristiyano sa Krisis sa Kanilang Buhay May-asawa?


Pamilya-Paano Dapat Tumugon ang Kristiyano sa Krisis sa Kanilang Buhay May-asawa?

Ni Shuxing, Pransiya

Isang Kahanga-hanga, Masayang Buhay na May-asawa
Hanggang sa aking maaalala, magtatalo sa lahat ng oras ang aking mga magulang at makikita kong madalas ang aking inang umiiyak. Sa oras na iyon, masyado akong nanabik para sa payapa, masayang pamilya. Sa aking paglaki, napagpasiyahan kong humanap ng isang asawa na magiging maunawain sa akin at maaaring mag-alaga sa kanyang pamilya, at umasa ako para sa isang kahanga-hanga, masayang buhay na may-asawa.

Nakilala ko ang aking asawa sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang kamag-anak, at nagpakasal kami at nagkaroon kami ng dalawang anak na babae. Sa panahong iyon, kinontrata kaming magpatakbo ng isang tibagan ng buhangin, at nagtrabaho nang matindi ang aking asawa araw-araw. Ngunit sa sandaling umuwi siya sa bahay, gagawa pa rin siya ng mga bagay tulad ng paglalaba at paghahanda ng hapunan. Mahal na mahal ako ng aking asawa, at hindi niya kailanman hinayaan akong mag-alala o hiningi ang aking tulong sa anumang bagay, maging malaki o maliit man. Nainggit ang lahat ng aking kabitbahay na nagkaroon ako ng ganitong kabuting asawa at ganitong kasayang pamilya. Masyado akong nasiyahan at nadamang nakapag-asawa ako ng isang mabuting lalaki, at mayroon akong isang tao para sumuporta sa akin sa buong buhay ko. Di naglaon, ang aking asawa at isang kamag-anak ay umalis upang magsimula ng isang negosyo, at ako ang naiwang namahala ng negosyo ng tibagan ng buhangin. Kahit na napakahirap at nakakapagod, nadama kong sulit ito, hindi lamang sa naalis ang tensyon sa aking asawa, ngunit gayon din upang ang aming buhay ay bubuti nang bubuti. Sa ganitong paraan, magkasama ako at ang aking asawa na nagtatrabaho tungo sa parehong hangarin, pagkaraan ng isang taon ay bumili kami ng isang bahay sa lungsod. Nakakuha ako pagkatapos ng isang trabaho sa lungsod, at ibinigay namin ang pamamahala sa tibagan ng buhangin sa aking biyenang lalaki.

Pamilya-Paano Natin Lalayuan ang Anino ng kataksilan sa Pagsasama ng Mag-asawa?


Kumusta mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot,

Dalawampung taon na akong kasal. Ang akala ko ay tapat kaming mag-asawa sa isa’t isa. Ngunit hindi inaasahan, nagtaksil ang aking asawa. Napakasama ng aking loob at hindi ko alam kung paano iyon haharapin. Nais kong itanong: Bakit napakahina ng pundasyon ng kasal? Paano ako makakatakas sa dalamhati?

Sumasaiyo,
Moyan

Kumusta Kapatid na Moyan,

Habang binabasa ang iyong liham, naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo ngayon dahil naranasan ko rin iyan. Sa madidilim na araw na iyon, kung hindi dahil sa paggabay ng mga salita ng Diyos, hindi ko malalaman kung paano tatahakin ang landas sa aking harapan. Ang paggabay ng mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin na maintindihan kung bakit napakarupok ng pagsasama ng mag-asawa, at hinayaan din ako niyong malaman ang ugat ng pagdurusa ng tao. Kalaunan, nagawa kong lumayo sa anino ng pagtataksil ng aking asawa.

Bata pa lamang ay magkasama na kami ng asawa ko, at marami kaming pagkakapareho sa interes at hindi matapus-tapos ang mga bagay na sasabihin sa isa’t isa. Hindi pumayag ang mga magulang ko na magpakasal ako sa kanya, ngunit nalagpasan namin ang lahat ng balakid at nanatiling magkasama. Matapos kaming ikasal, napaka-maalalahanin at maasikaso ang asawa ko sa akin. Naisip kong malalim ang damdamin namin para sa isa’t isa kung kaya’t palagi kaming magiging masaya. Ngunit marahas akong ginising ng katotohanan

Nag-umpisang kumita ng mas malaki ang asawa ko at mas maraming nakakahalubilong tao, ngunit nangangahulugan din iyon na mas maraming mga mapagsamantalang kaibigafDiyosn sa paligid niya. Isang araw, aksidente kong nabuksan ang WeChat niya at nakakita ng mensahe. Doon ay may babae siyang tinawag na “honey.” Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ng mga sandaling iyon. Hindi matigil ang panginginig ko. Nangako siyang mamahalin ako sa buong buhay namin—paano niya nagawang tawagin ng ganoon ang ibang babae? Napakatagal na naming magkasama—paano niya ako nagawang pagtaksilan? Sa pagtatanong ko, umamin siya na nagkaroon siya ng ibang relasyon, at balewalang sinabi na hindi iyon malaking bagay at na marami sa mga katrabaho niya ang may kabit.

Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit. Galit, pagkapahiya, at kawalan ng magawa ang naramdaman ko. Hindi ko mapigilan ang sakit sa aking puso, at luhaang humiyaw.

18.3.19

Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan…. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Mga Propesiya sa Biblia Tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw


Mga Propesiya sa Biblia Tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).

At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).

“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).

“Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48).

“At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay” (Roma 2:2).

Ginaganap at Tinutupad ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang mga Propesiya sa Biblia

Ang pinakamaraming inihula sa loob ng Kasulatan ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Binabanggit sa Kasulatan ang paglalapat ng paghatol ng Diyos sa may halos dalawang daang lugar; maaaring sabihin na hinulaan nilang lahat na isasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Dito, gamit ang kakaunti lamang na bahagi ng mga kasulatan ay sapat na upang patunayan na ang paglalapat ng Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo ay isang hindi mapipigilang hakbang ng Kanyang gawain sa mga huling araw. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang paggamit sa pamamaraan ng paghatol at pagkastigo upang dalisayin, iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan; ito ay ang gawain ng pagbukod-bukod sa bawat tao ayon sa kanilang sariling uri sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo upang tapusin ang kapanahunan at sa huli ay itatag ang kaharian ni Cristo–ang pinakamamahal na kaharian ng Diyos.

17.3.19

Pananampalataya at Buhay-Paano Makakasundo ng Walang Modo, at Mayabang na Kabataang Tulad Ko ang Lola Ko?



Ni An Qi
Ako si An Qi. Bago ang gulang na anim, nakatira ako sa bahay ng aking lola. Noong panahong iyon, ang aking lola ang nadama kong tao na pinakamalapit ako. Bawat araw tuwing pumapasok ako sa kindergarten, pinagpapasyahan ng aking lola kung aling mga damit ang aking susuotin at kung paano ko susuklayin ang aking buhok. Dama ko na ginawa ito ng aking lola nang buong galing. Unti-unti, lumaki ako at nagsimula kong masamain ang mga bagay na ginagawa ng aking lola. Nagsimula rin akong masamain ng lola. Sa bawat pagkakataon na pumunta ako sa kanyang bahay, pinagagalitan niya ako. Kung hindi niya ako kinagagalitan sa isang bagay, kinagagalitan niya akong sa ibang bagay. Labis akong naging balisa.

Edukasyon ng mga Bata-Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)

Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay….” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.

Edukasyon ng mga Bata-Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)


Edukasyon ng mga Bata-Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)



Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata. Bagaman medyo mahal nang kaunti ang matrikula, hangga’t ang mga bata ay nalilinang nang mas maayos at nakakakuha sila ng mas mahusay na edukasyon, sulit ang paggastos ng mas maraming pera.

16.3.19

Bersikulo sa Bibliya Mateo 4:19


Bersikulo sa Bibliya Mateo 4:19



“At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.” – Mateo 4:19

Magbasa nang higit pa : Paglikha ng Diyos  -  Mga Talata sa Biblia Tungkol sa Pag-ibig

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw

Gawa ni Guoshi

Mga kapatid:

Sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon! Ngayong araw, ang ating paksa sa pagbabahagi ay “ang tatlong problemang dapat nating lutasin sa panalangin.” Gabayan nawa ng Panginoon ang ating pagbabahagi. Alam nating magkakapatid na ang panalangin ang daan para sa pagtatatag ng isang normal na relasyon sa Diyos. Umaasa tayong lahat na diringgin at tatanggapin ang mga panalangin natin, pero maraming mga kapatid ngayon ang nababagabag sa katotohanang hindi dinirinig o tinatanggap ang kanilang mga panalangin. Kaya, pa’no tayo magdadasal nang naaayon sa kalooban ng Diyos, at ano’ng mga problema ang dapat nating lutasin sa mga panalangin natin para pakinggan ‘yon ng Panginoon?

Bersikulo sa Bibliya – Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos


Bersikulo sa Bibliya – Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos



Bersikulo sa Biblia:
Sinabi ni Jesus:“Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.”
(Mga Hebreo 13:5)

15.3.19

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos



Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay.

Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao—o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito.

Mga Kwento sa Bibliya: Ang Karunungang Natamo Ko Mula sa Nakamit ng Diyos Kay Abraham

Gawa ni Xiaoguo, Tsina

May isang kwento sa Biblia: Pinangako ng Diyos na bibigyan Niya ng anak na lalake si Abraham kapag isandaang taong gulang na ‘yon. Kahit inakala ni Abraham na imposible ‘yon, tinupad ng Diyos ang pangako Niya at nagbigay nga Siya ng anak na lalake. Gayunpaman, nang lumaki ang anak ni Abraham, hiniling ng Diyos na ialay niya ang bata. Sinunod ni Abraham ang Diyos at walang pasubaling inilagay ang nag-iisa niyang anak sa altar. Gayunpaman, sa huli, bukod sa hindi hinayaan ng Diyos na ialay ni Abraham ang kanyang anak, binigyan din siya ng maraming biyaya, na nagpahintulot sa kanyang mga inapo na maging dakilang mga bansa. Kung gano’n ano’ng karunungan ang matututunan natin mula sa nakamit ng Diyos kay Abraham? Ngayon, gusto kong ibahagi sa lahat ang tungkol sa kung ano’ng nakamit ko sa pagbabasa ng kwentong ito.

14.3.19

Ano ang paghatol?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”

May Silbi ba Talaga ang Panalangin? Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan?


Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo. Nang marinig si Jonah na nagpapahayag ng kalooban ng Diyos at malaman na wawasakin ng Diyos ang buong siyudad sa loob ng apatnapung araw, ang mga mamamayan at hari ng Nineveh ay nag-ayuno at nanalangin, nagsisi sa kanilang mga kasalanan suot ang damit na sako at abo, tinalikdan ang karahasan at tumalikod sa kanilang masasamang gawain. Sa bandang huli, tinanggap nila ang awa ng Diyos na Jehova: Hindi na nagpadala ng mga sakuna ang Diyos at nakaligtas sila. Sa pamamagitan ng pananalangin sa Diyos, nagpastol si Moises ng mga tupa sa ilang sa loob ng apatnapung taon at natamo ang tunay na pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos, tinanggap niya ang panawagan ng Diyos at dinala ang mga Israelita papalabas ng Ehipto. … Matapos na mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, umaasa sa panalangin, nagawa ng mga disipulo Niya na ikalat ang ebanghelyo sa isang mapanagnib na kapaligiran.

Paano makakapagbuo ng normal na kaugnayan sa Diyos ang isang tao?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos.

13.3.19

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).

“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Pahayag 20:11-15).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati-ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos-ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagáwâ nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di-kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal, aalingawngaw ito hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong nakakatakot at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong tagpo ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawa’t tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga tao, at sa buong panahong ito ikaw ay mahimbing na natutulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni’t ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na.

… Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos.

Tanong 3: Ng sabi sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Pagkatapos mabuhay muli ng ang Panginoong Jesus, ang Kanyang espirituwal na katawan ang bumangon at umakyat sa langit. Sa pagbabalik ng Panginoon, dapat ang Kanyang espirituwal na katawan ang bababa sa ibabaw ng ulap. Gayunman, nagpapatotoo kayo na nagkatawang-tao ang Diyos—ang Anak ng tao—muli para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Halatang hindi ito ayon sa Biblia. Madalas na sinasabi ng mga pastor at elder na anumang patotoo ukol sa pagdating ng Panginoon na pagkakatawang-tao ay mali. Kaya iniisip kong imposibleng bumalik ang Panginoon sa katawang-tao. Hindi ko matatanggap ang inyong patotoo. Hihintayin ko na lang na bumaba ang Panginoon sa ulap at dalhin kami sa kaharian ng langit. Tiyak na hindi ito isang pagkakamali!


Sagot: Sinasabi ninyong imposibleng bumalik ang Panginoon sa anyong-tao, tama ba? Nakasulat sa Biblia na babalik ang Panginoon sa anyong-tao. Ibig n’yo bang sabihin hindi ninyo ito matagpuan? Maraming propesiya ang nasusulat sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kung saan ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa anyong-tao ay napakalinaw. Halimbawa, noong sinabi ng ang Panginoong Jesus na, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

12.3.19

Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.


Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.