Ipinapakita ang mga post na may etiketa na manlilikha. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na manlilikha. Ipakita ang lahat ng mga post

14.12.19

11.12.19

Tagalog Music Documentary | “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” Tagalog Dubbed Video


Tagalog Music Documentary | “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” Tagalog Dubbed Video


Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit.

14.11.19

Tagalog Christian Musical Documentary | “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 3/15)


Paglikha ng Diyosl Documentary | “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 3/15) Diyos na Naghahari at Sumusuporta sa Sangkatauhan at sa Lahat ng Bagay

Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay ….

12.11.19

“Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 1/15) Diyos na Naghahari sa Sansinukob


Tagalog Christian Musical Documentary | “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 1/15) Diyos na Naghahari sa Sansinukob


Ang sansinukob ay walang hanggan ang kalawakan, na may napakaraming bituin na maingat na umiikot…. Gusto mo bang malaman kung sino ang lumikha ng mga katawang selestiyal sa sansinukob, at sino ang nag-uutos sa pag-ikot nila? Ipapakita sa iyo ng kamangha-manghang maikling pelikulang Kristiyano na Namamahala ang Diyos sa Sansinukob ang malaking kapangyarihan ng Lumikha.


Paano nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay, at paano Niya pinamamahalaan at kinokontrol ang lahat ng ito? Ginagabayan kayo ng bahaging Paglikha ng Diyos na pahalagahan ang mahimalang paglikha ng Diyos at ang Kanyang dakilang kapangyarihan.

26.9.19

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kapanganakan: Ang Unang Sugpungan

Kung saan ipinanganak ang isang tao, sa anong pamilya siya naipanganak, ang kanyang kasarian, anyo, at oras ng kapanganakan: ang mga ito ay mga detalye ng unang sugpungan sa buhay ng isang tao.

Walang pagpipilian ang sinuman hinggil sa mga bahaging ito sa sugpungang ito; ang lahat ng ito ay matagal nang itinadhana ng Lumikha. Hindi naiimpluwensiyahan ang mga ito ng panlabas na kapaligiran sa anumang paraan, at walang mga kadahilanang ginawa ng tao ang maaaring makapagpabago sa mga katotohanang itinakda ng Lumikha. Kapag ipinanganak ang isang tao, nangangahulugan ito na natupad na ng Lumikha ang unang hakbang ng kapalaran na Kanyang isinaayos para sa taong iyon.

24.9.19

Salita ng Diyos | Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Hindi Maihihiwalay Mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Lumikha

Lahat kayo ay nasa hustong gulang na. Ang ilan sa inyo ay may edad na ; ang ilan ay nakapasok na sa katandaan. Mula sa isang di-mananampalataya tungo sa isang mananampalataya, at mula sa simula ng paniniwala sa Diyos tungo sa pagtanggap sa salita ng Diyos at pagdanas sa gawain ng Diyos, gaano karaming kaalaman na ang nakamtan ninyo tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos? Anong mga pananaw ang natamo ninyo tungkol sa kapalaran ng tao? Maaari bang makamit ng isang tao ang lahat ng kanyang mga inaasam sa buhay? Ilang bagay sa loob ng ilang dekada ng inyong buhay ang naisakatuparan na ninyo ayon sa inyong ninais? Ilang bagay ang hindi nangyari gaya ng inasahan?

21.8.19

Mga Pagbigkas ni Cristo | Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t ibang Paraan

Sinasabi ng Kasulatan, “At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:20-21). Malinaw na sinasabi sa atin ng Kasulatan na, sa araw na ito, ginawa ng Diyos ang mga nilalang sa mga katubigan, at ang mga ibon ng himpapawid, na ang ibig sabihin ay Kanyang ginawa ang iba’t ibang isda at ibon, at pinagsama-sama ang mga iyon ayon sa uri. Sa ganitong paraan, pinasagana ng paglikha ng Diyos ang lupa, ang mga papawirin, at mga katubigan …

28.7.19

Salita ng Diyos | Ang mga Karne, Pinagmumulan ng Tubig at mga Halamang Gamot na Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan

Ang mga butil, mga prutas at gulay, at ang lahat ng klase ng mga mani ay lahat mga pagkaing walang karne. Kahit na ang mga ito ay mga pagkaing walang karne, mayroon silang sapat na mga sustansiya upang punan ang mga pangangailangan ng katawan ng tao. Gayunpaman, hindi sinabi ng Diyos na: “Ang pagbibigay ng mga ito sa sangkatauhan ay sapat na. Maaaring kainin na lamang ng sangkatauhan ang mga ito.” Hindi tumigil ang Diyos doon at bagkus ay naghanda ng mga bagay na mas masarap pa ang lasa para sa sangkatauhan. Ano ang mga bagay na ito?Ito ang iba’t ibang uri ng karne at isda na nais ninyong makita sa inyong mga hapag kainan at kainin araw-araw. Mayroong maraming uri ng karne at isda. Ang lahat ng isda ay nabubuhay sa tubig; ang pagkakahabi ng kanilang karne ay kaiba kaysa sa karne na pinatubo sa ibabaw ng lupa at maaari silang magbigay ng iba’t ibang mga sustansya sa sangkatauhan. Ang mga katangian ng isda ay maaari ring magsaayos ng lamig at init sa katawan ng tao, kaya ang mga ito ay lubos na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. Ngunit kung ano ang masarap ay hindi maaaring abusuhin. Ito ay pareho pa ring kasabihang: Nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan ng tamang dami sa tamang oras, upang maaaring mamuhay nang normal at maayos na matamasa ang mga bagay na ito ayon sa panahon at oras. Ano ang kasama sa mga manok? Ang manok, pugo, kalapati, atbp. Maraming tao rin ang kumakain ng itik at gansa. Kahit na nagsagawa ang Diyos ng mga paghahanda, para sa mga napiling tao ng Diyos,

16.5.19

mga awit ng papuri | Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang



mga awit ng papuri | Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang



Nais kong umiyak nguni’t walang maiyakan.
Nais kong umawit nguni’t walang maawit.
Nais kong ipahayag pag-ibig ng isang nilalang.
Naghahanap saan-saan, ngunit nadarama’y di masabi.
Praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko.
Kamay ‘tinataas sa pagpupuri’t galak, naparito Ka sa mundo.

15.5.19

Daan ng Walang-Hanggang Buhay-Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?

Daan ng Walang-Hanggang Buhay-Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?


Mga kapatid:

Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?

28.4.19

Pagkilala sa Diyos-Alam Mo ba ang Kahalagahan ng Sampung Utos ng Diyos?


Pagkilala sa Diyos-Alam Mo ba ang Kahalagahan ng Sampung Utos ng Diyos?


Mga mahal na kaibigan,
Papuri sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng oportunidad upang magkakasamang pag-aralan ang Torah.

Nakasisiguro ako na ang Sampung Utos ay isang pamilyar na paksa sa ating lahat. Nakatala sa Bibliya na matapos pangunahan ni Moses ang mga Israelita palabas ng Ehipto, ginamit ng Diyos si Moses upang ipahayag ang Sampung Utos upang turuan ang mga Israelita kung paano mamuhay. Ngunit alam mo ba ang kahulugan sa likod ng pagpapahayag ng Diyos ng Sampung Utos? Habang magkakasama nating pinag-aaralan ang Torah ngayong araw, sana ay matulungan ko kayong lahat.

1. Ang Sampung Utos ay may ginaganapang mahalagang papel sa pag-unlad ng tao, sibilisasyon, at kaligtasan ng buhay.
Sa isang aklat, sinabi na, “Ang mga alituntunin at mga patakaran ay sumasakop sa napaka-lawak na nilalaman, ang mga ito ay mga detalye ng paggabay ng Diyos sa sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kautusan, sila ay kailangang tanggapin at parangalan ng mga tao na dumating bago pa man ang Kapanahunan ng Kautusan, ang mga ito ay isang talaan ng mga gawain na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, at ang mga ito ay tunay na katibayan ng pamumuno at patnubay ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan.” “Ang pinakaunang sangkatauhan ay walang alam, at sa gayon ang Diyos ay kailangang simulan ang pagtuturo sa kanila mula sa pinaka-mababaw at mga pangunahing mga prinsipyo para patuloy na mabuhay at mga alituntuning kinakailangan para sa pamumuhay, pinupuspos ang mga bagay na ito sa puso ng tao nang paunti-unti, at binibigyan ang tao ng unti-unting pag-unawa sa Diyos, isang unti-unting pagpapahalaga at pag-unawa sa pamumuno ng Diyos, at isang pangunahing konsepto ng kaugnayan sa pagitan ng tao at Diyos, sa pamamagitan nitong mga alituntunin, at sa pamamagitan nitong mga patakaran, na mga salita. Pagkatapos makamit ang epektong ito, saka lamang nakapagsimula ang Diyos, unti-unti, na gawin ang gawaing gagawin Niya sa bandang huli, at kaya ang mga alituntuning ito at gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang saligan ng Kanyang gawain sa pagliligtas ng sangkatauhan, at ang unang yugto ng gawain ng plano sa pamamahala ng Diyos” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”).

23.4.19

Mga Aklat ng Ebanghelyo-Magpatawad ng Makapitumpung Pito Ang Pag-ibig ng Panginoon


Mga Aklat ng Ebanghelyo-Magpatawad ng Makapitumpung Pito Ang Pag-ibig ng Panginoon    


       1. Magpatawad ng Makapitumpung Pito


(Mateo 18:21-22) Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

2. Ang Pag-ibig ng Panginoon

(Mateo 22:37-39) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Sa dalawang talatang ito, ang isa ay tumutukoy sa pagpapatawad at ang isa ay tumutukoy sa pag-ibig. Ang dalawang paksang ito ay talagang nagtatampok sa gawain na gustong ipatupad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.

Salita ng Diyos-Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa



Salita ng Diyos-Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa



(Mateo 18:12-14) Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu’t siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw? At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu’t siyam na hindi nangaligaw. Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.

Ito ay isang talinghaga—anong uri ng pakiramdam ang nakukuha ng mga tao mula sa talatang ito? Ang paraan ng pagkakapahayag ng talinghagang ito ay gumagamit ng isang tayutay sa wika ng tao; ito ay isang bagay na nakapaloob sa saklaw ng kaalamang pantao. Kung ang Diyos ay nagsalita ng kaparehong bagay sa Kapanahunan ng Kautusan, maaaring madama ng mga tao na hindi ito talaga katugon ng kung sino ang Diyos, ngunit nang ipahayag ng Anak ng tao ang talatang ito sa Kapanahunan ng Biyaya, ito ay nakaaaliw, malugod, at malapit sa mga tao. Nang ang Diyos ay maging tao, nang Siya ay nagpakita sa anyo ng isang tao, gumamit Siya ng isang angkop na angkop na talinghaga upang ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan. Ang tinig na ito ay kumakatawan sa sariling tinig ng Diyos at ang gawain na gusto Niyang gawin sa kapanahunang iyon. Kinakatawan din nito ang isang saloobin na mayroon ang Diyos tungo sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung titingin mula sa pananaw ng saloobin ng Diyos tungo sa mga tao, inihambing Niya ang bawat isang tao sa isang tupa. Kung ang isang tupa ay mawala, gagawin Niya ang lahat nang makakaya upang mahanap ito. Kinakatawan nito ang isang panuntunan ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng sangkatauhan sa panahong ito. Ginamit ng Diyos ang talinghagang ito upang ipaliwanag ang Kanyang kapasyahan at saloobin sa gawaing iyon. Ito ang kabutihan ng pagkakatawang-tao ng Diyos: Maaari Niyang samantalahin ang kalaman ng sangkatauhan at gamitin ang wika ng tao upang magsalita sa mga tao, upang ipahayag ang Kanyang kalooban. Ipinaliwanag Niya o “isinalin” sa tao ang Kanyang malalim, pagka-Diyos na wika na pinagsisikapang maintindihan ng mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao. Nakatulong ito sa mga tao na maintindihan ang Kanyang kalooban at malaman kung ano ang gusto Niyang gawin. Maaari din Siyang makipag-usap sa mga tao mula sa pananaw ng isang tao, gamit ang wika ng tao, at makipagniig sa mga tao sa isang paraan na kanilang maiintindihan. Maaari pa Siyang magsalita at gumawa gamit ang wika ng tao at kaalaman nang upang maramdaman ng mga tao ang kabaitan at pagiging malapit ng Diyos, nang upang makita nila ang Kanyang puso. Ano ang nakikita mo dito? Na walang pagbabawal sa mga salita at mga pagkilos ng Diyos? Sa paraang nakikita ng mga tao, walang paraan na magagamit ng Diyos ang pantaong kaalaman, wika, o mga paraan ng pananalita upang pag-usapan ang tungkol sa kung ano ang gustong sabihin ng Diyos Mismo, ang gawain na gusto Niyang gawin, o upang ipahayag ang Kanyang sariling kalooban; ito ay maling pag-iisip. Ginagamit ng Diyos ang ganitong uri ng talinghaga nang upang maramdaman ng mga tao ang pagiging totoo at ang sinseridad ng Diyos, at makita ang Kanyang saloobin sa yugto ng panahong iyon. Ginising ng talinghagang ito ang mga tao mula sa isang panaginip na nabubuhay sa ilalim ng kautusan sa napakahabang panahon, at kinumbinsi din nito ang maraming salinlahi ng mga tao na nabubuhay sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa pagbabasa sa talatang ito ng talinghaga, malalaman ng tao ang sinseridad ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan at maintindihan ang bigat ng sangkatauhan sa Kanyang puso.

18.4.19

Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo-Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Hangin


Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo-Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Hangin



Una, nilikha ng Diyos ang hangin upang makahinga ang tao. Ang “hangin” bang ito ay hindi ang hangin ng pang-araw-araw na buhay na palaging nararamdaman ng tao? Ang hanging bang ito ay hindi ang bagay kung saan ang mga tao ay dumedepende sa bawat saglit, kahit na sila ay tulog? Panghabang-panahon na mahalaga para sa sangkatauhan ang hangin na nilikha ng Diyos: Ito ang mahalagang sangkap ng kanilang bawat hininga at ng buhay mismo. Ang sangkap na ito, na siyang kaya lamang maramdaman at hindi makita, ay ang unang kaloob ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Matapos likhain ang hangin, umalis lang ba basta ang Diyos? Mayroong mga aspeto nito na hindi mailarawan sa isip ng tao. Pagkakalikha ng hangin, ang eksaktong densidad at dami ng hangin ay kinailangang maging tiyak na angkop sa sangkatauhan para sa kanilang pamumuhay. Tungkol sa densidad, mayroon munang bagay tungkol sa nilalaman ng oksigeno. Ito ay isang tanong para sa pisika. Ano ang iniisip ng Diyos noong nilikha Niya ang hangin? Bakit nilikha ng Diyos ang hangin, at ano ang Kanyang paliwanag? Kailangan ng tao ang hangin, at kailangan nilang huminga. Una sa lahat, dapat magkabagay ang densidad ng hangin sa baga ng tao. Alam ba ng sinuman ang densidad ng hangin? Hindi ito isang bagay na kailangan malaman ng tao; walang pangangailangan upang ito ay malaman. Ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang ideya ay mainam lamang—hindi natin kailangan ng isang eksaktong numero ukol sa densidad ng hangin. Una, nilikha ng Diyos ang hangin nang may densidad na magiging angkop para sa mga baga ng tao upang huminga—ito ay naangkop sa paghinga ng tao. Iyon ay, kapag nilanghap, ang hangin ay nasa isang densidad na hindi nakapipinsala sa katawan. Ito ang ideya sa likod ng densidad ng hangin. Una sa lahat, ang mga nilalaman ng hangin ay hindi nakakalason sa mga tao at sa gayon ay hindi makapipinsala sa mga baga at sa katawan. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos ang lahat ng ito. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos na ang hangin na nilalanghap ng mga tao ay dapat dumaloy papasok at palabas nang maayos, at, matapos malanghap, ang nilalaman at dami ng hangin ay dapat na ang dugo at ang dumi sa hangin ay maayos na maproseso sa paraang maaaring magamit ng baga at katawan ng tao, at gayundin ang hangin ay hindi dapat magtaglay ng nakalalasong mga sangkap. Tungkol sa dalawang pamantayang ito, hindi ko nais na tustusan kayo ng isang kumpol ng kaalaman, ngunit sa halip ay hayaan lang kayong malaman na nagkaroon ang Diyos ng isang tiyak na kaisipan noong nilikha Niya ang bawat isang bagay—ang pinakamahusay. Kung tungkol sa dami ng alikabok sa hangin, ang dami ng alikabok, buhangin at dumi sa mundo, at ang alikabok na bumababa mula sa himpapawid, mayroon ding plano ang Diyos para sa mga bagay na ito—isang paraan ng paglilinis o pagreresolba ng mga bagay na ito. Habang mayroong kaunting alikabok, ginawa ito ng Diyos upang ang alikabok ay hindi makapinsala sa katawan at paghinga ng tao, at ang mga bahagi ng alikabok ay magiging isang sukat na hindi nakapipinsala sa katawan. Hindi ba misteryoso ang paglikha ng Diyos sa hangin? (Oo.) Kasing-simple lang ba ito ng pag-ihip ng hangin mula sa Kanyang bibig? (Hindi.) Kahit sa Kanyang paglikha ng mga pinakasimpleng bagay, ang misteryo ng Diyos, ang Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga saloobin, at Kanyang karunungan, lahat ay maliwanag. Makatotohanan ba ang Diyos? (Oo.) Ibig sabihin, kahit sa paglikha ng isang bagay na simple, iniisip ng Diyos ang sangkatauhan. Una, malinis ang hangin na nilalanghap ng mga tao, ang mga nilalaman nito ay nababagay sa paghinga ng tao, sila ay hindi nakakalason at hindi nagdudulot ng pinsala sa mga tao, at ang densidad ay ginawa akma para sa paghinga ng tao. Ang hangin na ito na nilalanghap at hinihinga palabas ng tao ay kailangan para sa kanilang katawan at, para sa kanilang laman. Kaya maaaring langhapin ito nang malaya ng mga tao, nang walang pagpilit o pag-aalala. Maaari silang huminga nang normal. Ang hangin ang nilikha ng Diyos noong simula at ang kailangang-kailangan para sa paghinga ng tao.

17.4.19

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Liwanag



Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Liwanag




Ang ikaapat na bagay na may kaugnayan sa mga mata ng tao—iyon ay, ang liwanag. Napakahalaga nito. Kapag nakakita ka ng maliwanag na ilaw, at ang liwanag ng ilaw na ito ay umaabot sa isang partikular na saklaw, ang iyong mga mata ay mabubulag. Gayunpaman, ang mga mata ng tao ay gawa sa laman. Sila ay hindi tinatablan ng pinsala. Mayroon bang sinuman ang nangahas na tumingin nang direkta sa araw? (Wala.) Nasubukan na ba ito ng sinuman? Nasubukan na ito ng ilan. Kaya mong tumingin nang may suot na salaming pang-araw, tama? Kinakailangan nito ang tulong ng mga kagamitan. Kung wala ang mga kagamitan, ang hubad na mga mata ng tao ay hindi mangangahas na tumitig nang direkta sa araw. Walang ganitong kakayahan ang mga tao. Nilikha ng Diyos ang araw upang magdala ng liwanag sa sangkatauhan, ngunit minanipula rin Niya ang liwanag na ito. Hindi lamang basta iniwan ng Diyos ang araw at isinawalang-bahala ito matapos itong likhain. “Sino ang may pakialam kung ang mga mata ng tao ay kayang matagalan ito!” Hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay gaya niyon. Gumagawa Siya ng mga bagay nang napakaingat at isinasaalang-alang ang lahat ng aspeto. Binigyan ng Diyos ang sangkatauhan ng mga mata upang sila ay makakita, ngunit naghanda rin ang Diyos ng saklaw ng kaliwanagan kung saan kaya nilang makakita. Hindi ito mangyayari kung walang sapat na liwanag. Kung masyado ring madilim na hindi na kayang makita ng mga tao ang kanilang kamay sa kanilang harapan, kung gayon mawawala ang tungkulin ng kanilang mga mata at mawawalan ng bisa.

11.4.19

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus-At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus-At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan



(Gen 3:20-21) At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.

Tingnan natin itong pangatlong pahayag, na nagsasabing may kahulugan sa likod ng pangalan na binigay ni Adan kay Eba, di ba? Ipinakikita dito na pagkatapos nilikha, may sariling mga kaisipan si Adan at nakakaintindi ng maraming mga bagay. Ngunit sa ngayon hindi natin pag-aaralan o sasaliksikin kung ano ang kanyang naintindihan o kung gaano karami ang kanyang naintindihan dahil hindi ito ang pangunahing punto na nais kong talakayin sa ikatlong pahayag. Kaya ano ang pangunahing punto ng ikatlong pahayag? Tingnan natin ang linyang, “At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” Kung hindi natin pagsasamahan ang tungkol sa linyang ito ng banal na kasulatan sa araw na ito, marahil ay hindi ninyo kailanman mauunawaan ang kahulugan na nasa likod ng mga salitang ito. Una, hayaan ninyong magbigay Ako ng ilang mga palatandaan. Palawakin ninyo ang inyong pag-iisip at ilarawan ang Hardin ng Eden, kung saan nakatira sina Adan at Eba. Binisita sila ng Diyos ngunit nagtago sila dahil sila ay hubad. Hindi sila makita ng Diyos, at matapos Niya silang tawagin, sinabi nila, “Hindi kami mangangahas na makita Kayo dahil ang mga katawan namin ay hubad.”

22.3.19

Katotohanan ng Diyos-Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Dumating habang Muling Ipinatupad ng Diyos ang Kanyang Awtoridad

Ginamit ng Maylalang ang Kanyang mga salita para tapusin ang Kanyang plano, at sa paraang ito, natapos Niya ang mga unang tatlong araw ng Kanyang plano. Sa loob ng tatlong araw na ito, hindi nakitang naging abala ang Diyos, o napagod ang Kanyang sarili; bagkus, natapos Niya ang kamangha-manghang unang tatlong araw ng Kanyang plano, at nakamit ang dakilang gawain ng pagpapanukala ng malubhang pagbabago sa mundo. Isang bagong mundo ang lumitaw sa Kanyang harapan, at, isa-isa, ang magandang larawan na nakatago sa loob ng Kanyang kaisipan ay sa ganap na naibunyag na sa mga salita ng Diyos. Ang paglitaw ng bawat bagong bagay ay parang kapanganakan ng isang bagong silang na sanggol, at nalugod ang Maylalang sa larawang minsa’y nasa Kanyang kaisipan, ngunit ngayon ay nabigyan na ng buhay. Sa oras na ito, nagkaroon ng kapirasong kasiyahan ang Kanyang puso, ngunit nagsisimula pa lamang ang Kanyang plano. Sa isang kisap mata, dumating na ang bagong araw—at ano ang susunod na pahina sa plano ng Maylalang? Ano ang sinabi Niya? At paano Niya ipinatupad ang Kanyang awtoridad? At, kasabay nito, anong mga bagong bagay ang dumating dito sa bagong mundo? Sa pagsunod sa gabay ng Maylalang, matutuon ang ating pagtingin sa pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, isang araw na kung saan ay may panibagong simula. Siyempre, para sa Lumikha, walang duda na ito’y kamangha-manghang panibagong araw, at panibagong araw na napakahalaga para sa sangkatauhan sa kasalukuyan. Ito nga, siyempre, ay isang araw na hindi matantya ang halaga. Paano ito naging maganda, paano ito naging napakahalaga, at paanong hindi matantya ang halaga nito? Makinig muna tayo sa mga salitang binigkas ng Maylalang….

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus-Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay


Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus-Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay



Susunod, basahin natin ang unang pangungusap sa Genesis 1:9-11: “At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan.” Ano ang mga pagbabagong naganap matapos simpleng sabihin ng Diyos ang, “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan”? At ano ang nasa espasyong ito bukod sa liwanag at sa kalawakan? Sa mga Kasulatan, nakasulat ito: “At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.” Ibig sabihin, nagkaroon na ng lupa at mga karagatan sa espasyong ito, at naghiwalay ang lupa at karagatan. Ang paglitaw ng mga bagong bagay na ito ay sumunod sa utos mula sa bibig ng Diyos, “at nagkagayon.” Inilarawan ba sa Kasulatan na naging abala ang Diyos habang ginagawa Niya ito? Inilarawan ba nito na Siya’y pisikal na gumagawa? Kaya, paano ba ito lahat ginawa ng Diyos? Paano ba ginawa ng Diyos ang mga bagong bagay na ito? Malinaw na, gumamit ang Diyos ng mga salita para makamit ang lahat ng ito, para likhain ang kabuuang ito.

20.3.19

Hiwaga ng Ikalawang Pagparito ni Jesus-Sa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa


Hiwaga ng Ikalawang Pagparito ni Jesus-Sa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa



Hindi namalayan, nagpatuloy ang paggawa ng Manlilikha sa lahat ng mga bagay nang limang araw, kasunod agad na sinalubong ng Manlilikha ang pang-anim na araw ng Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay. Panibagong simula na naman ang araw na ito, at panibagong pambihirang araw. Ano, ngayon, ang plano ng Maylalang sa bisperas ng bagong araw na ito? Anong mga bagong nilalang ang Kanyang ilalabas, lilikha ba Siya? Makinig, iyan ang boses ng Maylalang….

“At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:24-25). Anong mga buhay na nilalang ang kasama rito? Ang sabi ng Kasulatan: mga hayop, at mga gumagapang na nilalang, at mga iba’t-ibang uri ng hayop sa lupa. Ibig sabihin, sa araw na ito, hindi lang mayroong iba’t-ibang uri ng mga buhay na nilalang sa lupa, ngunit nakauri sila lahat ayon sa klase, at ganoon din, “nakita ng Dios na mabuti.”

18.3.19

Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan…. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).