Ang pangalan ng Diyos ay Jehovah, gaya ng nakatala sa Lumang Tipan, “
Ako, sa makatuwid baga’y ako, Jehova; at liban sa akin ay walang tagapagligtas” (Isaias 43:11).
“Ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15). Gayunman, nakatala sa Bagong Tipan, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). Mula sa mga bersikulo na ito, makikita na parehong mga pangalan ng Diyos ang Jehovah at
Jesus. Tinawag na Jehovah ang Diyos sa Lumang Tipan, ngunit tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Ano ang kahulugan ng Kanyang mga pangalan? Talakayin natin ang aspetong ito ng
katotohanan nang magkakasama.
Minsan kong nabasa ang isang sipi sa isang aklat, na nagbigay sa akin ng kaunawaan tungkol sa kahulugan ng pangalang Jehovah. Sinasabi ng sipi, “‘Jehova’ ang pangalan na Aking ginamit sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugang ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gumabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na may-angking dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. … Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng piniling bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng mga tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang panahon, lahat ng mga Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. … Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subalit may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamimitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”).