Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paghatol. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paghatol. Ipakita ang lahat ng mga post

26.12.19

Ano ang Kahulugan ng “Pagdala Bago Ang Mga Kalamidad”? Ano ang Kahulugan ng “Mga Nagawang Mananagumpay Bago Ang Mga Kalamidad”?

mga propesiya ng mga huling panahon,ang paraan ng pagbabalik ng Panginoon,nagkatawang tao ang diyos,Ang Katotohana,Kaligtasan

Kamusta mga kapatid sa Espirituwal Q&A,

Narito tayo ngayon sa huling yugto ng mga huling araw, nakita ko sa balita na ang lahat ng mga uri ng kalamidad ay palawak ng palawak ang nasasakop, at kung madadala o hindi ako bago ang mga sakuna at magawang isa sa mga mananagumpay bago ang mga sakuna ay pangunahing isyu para sa akin.

19.12.19

“Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay” (5/7) Bakit Babalik ang Panginoon upang Gawin ang Gawaing Paghatol sa mga Huling Araw?



Panimula


Maraming mga tao ang naniniwalang napatawad na ang ating mga kasalanan at natamo na ang kaligtasan dahil ihinayag natin ang ating pananampalataya sa Panginoon, kaya bakit hindi dumarating ang Panginoon upang dalhin tayo nang direkta sa makalangit na kaharian? Bakit kailangan pa rin Niyang hatulan at dalisayin ang mga ito? Ang paghatol ba ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw ay pagdalisay at kaligtasan, o paggawad ng parusa at pagkawasak ng sangkatauhan? Ibubunyag ng clip na ito ang mga hiwaga sa iyo.

Malaman ang higit pa: Sermon Tungkol sa Kaligtasan

18.8.19

Mga Paksa sa Debosyonal | Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus

1. Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus

(Mc 3:21-22) At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya’y hulihin: sapagka’t kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait. 

19.4.19

Salita ng Diyos-Mga talata sa Biblia tungkol sa Pagsisisi

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.” (Mateo 4:17). Ang pagkumpisal at pagsisisi sa Panginoon ang landas na dapat gawin ng mga mananampalataya sa Panginoon kung gusto nating pumasok sa kaharian ng langit at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kung gayon, paano natin dapat ipagtapat at magsisi sa Panginoon upang papurihan Siya? Basahin ang sumusunod na mga talata sa Biblia tungkol sa pagsisisi at makikita mo ang paraan ng pagsisisi.


Mateo 4:17
Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.

20.3.19

Paano dapat maranasan ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para maligtas?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos.

mula sa “Punong Salita”

Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa iyo.

18.3.19

Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan…. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

14.3.19

Ano ang paghatol?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”

26.2.19

Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo.