Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post

11.10.19

Bakit Makapangyarihang Diyos ang Pangalang Ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?

pangalan ng Diyos, Biblia, propesiya, Panginoong Jesus, Kaharian,

Bakit Makapangyarihang Diyos ang Pangalang Ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Yamang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, maraming tao ang hindi nakakaunawa kung bakit tinatawag na Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus kapag dumarating Siya para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi Siya patuloy na tawaging Panginoong Jesus? Sa katunayan, may bagong pangalan ang Diyos tuwing ginagawa Niya ang isang yugto ng Kanyang gawain.  

28.2.19

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus|Tungkol sa Biblia (2)

Ang Biblia ay tinatawag din na Lumang at Bagong Tipan. Alam ninyo ba kung ano ang tinutukoy ng "tipan"? Ang "tipan" sa "Lumang Tipan" ay mula sa kasunduan ni Jehova sa bayan ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Ehipto at iniligtas ang mga Israelita mula sa Faraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa mga biga, kung saan nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, isa na kung saan sinabi na ang lahat nang may dugo ng tupa sa itaas at mga gilid ng hamba ng pintuan ay mga Israelita, sila ang piniling bayan ng Diyos, at silang lahat ay maliligtas ni Jehova (sapagkat papatayin na ni Jehova noon ang lahat ng mga panganay na lalaki ng Ehipto at panganay na mga tupa at baka).

26.2.19

Mga Aklat ng Ebanghelyo|Tungkol sa Biblia (1)

Paano dapat pag-aralan ang Biblia tungkol sa paniniwala sa Diyos? Ito ay isang tanong ng prinsipyo. Bakit natin pinag-uusapan ang tanong na ito? Dahil sa hinaharap ay ipalalaganap mo ang ebanghelyo at palalawakin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi sapat na pag-usapan lamang ang gawain ng Diyos ngayon. Upang palawakin ang Kanyang gawa, mas mahalaga na malutas mo ang mga lumang relihiyosong pagkaintindi ng tao at lumang paraan ng paniniwala, at iwan sila na lubos na kumbinsido—at ang pagtungo sa puntong ito ay may kinalaman sa Bibilia.