Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

17.11.19

Tagalog Christian Musical Documentary “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 7/15)


Tagalog Christian Musical Documentary “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 7/15) Ginagabayan ng Diyos ang mga Israelita Palabas ng Egipto


Para mailabas ng Egipto ang mga Israelita, nagpadala ang Diyos ng sampung salot doon, ginamit ang Kanyang awtoridad sa paghahati ng dagat, at pinalaya ang mga Israelita mula sa kanilang pagkaalipin—lahat ng ito ay nagpakita ng Kanyang malaking kapangyarihan, at nagpadama ng Kanyang matinding pagmamahal at pag-aalala sa mga hinirang.

Rekomendasyon: Panan ampalataya sa Diyos

                        
                 

16.11.19

“Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 6/15) Pagwasak ng Diyos sa Sodoma at Gomorra


Tagalog Christian Musical Documentary “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 6/15) Pagwasak ng Diyos sa Sodoma at Gomorra


Umaapaw sa kasamaan at pangangalunya, ginalit ng dalawang malalaking lungsod ng Sodoma at Gomorra ang disposisyon ng Diyos. 

15.11.19

Tagalog Christian Musical Documentary “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 5/15) Ang Pagwasak ng Diyos sa Daigdig sa Isang Baha


Tagalog Christian Musical "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Clip 5/15) Ang Pagwasak ng Diyos sa Daigdig sa Isang Baha



Kapag pinanood mo ang kamangha-manghang maikling pelikulang Kristiyano na Ang Pagwasak ng Diyos sa Daigdig sa Isang Baha, matutuklasan mo ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang malasakit at habag sa sangkatauhan, at ang landas tungo sa pagliligtas ng Diyos sa gitna ng mga kalamidad.

Rekomendasyon: Pananampalataya sa Diyos

                        Panalangin sa Diyos                       


18.8.19

Mga Paksa sa Debosyonal | Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus

1. Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus

(Mc 3:21-22) At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya’y hulihin: sapagka’t kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait. 

7.5.19

Naniniwala tayo na ang pagbalik ng Panginoon ay mangangahulugan na ang mga nananalig ay direktang itataas sa kaharian ng langit, dahil nakasulat sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tes 4:17). Pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon Jesus, kaya bakit narito tayo ngayon sa lupa at hindi pa tayo nadadala sa langit?

Sagot:

Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ‘Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ‘yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin,” sino’ng nagsabi no’n? Mga salita ba ‘yon ng Panginoong Jesus? Walang sinabing gano’n ang Panginoong Jesus. Hindi rin ‘yon sinabi ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang sinasabi at pinaniniwalaan mo ay mga salita ni Pablo. Kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo ang mga salita ng Panginoong Jesus? Pwede ba siyang maging kinatawan ng Diyos? Tanging ang Diyos lang ang may alam sa sagot sa misteryong ito. Kung susubukan nating mga masamang tao na gumawa ng mga bulag na kahulugan at hatol gaya nito, isa ‘yong seryosong problema. Hindi si Kristo si Pablo. Isa lang siyang karaniwang masamang tao. Puno ng mga ideya at imahinasyon ng tao ang mga sinulat niya. Hindi ang mga salita niya ang katotohanan, kaya hindi natin ‘yon magagamit na pruweba. Lahat ng pruweba ay dapat nakabase sa mga salita ng Diyos sa Bibliya.

Sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo at nagsusumikap tayo para sa Panginoon, sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Panginoon, at pagpapastol sa mga iglesia ng Panginoon, gaya ni Pablo: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya.” Hindi ba pagsunod ito sa kalooban ng Diyos? Ang ibig sabihin ng ganitong pamumuhay ay karapat-dapat tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit, kaya bakit natin kailangang tanggapin ang gawain ng paghatol at pagdalisay ng Diyos sa mga huling araw bago tayo madala sa kaharian ng langit?

Sagot:

Ang tanong n’yo ay napakahalaga. Tungkol ito sa kung madadala ang isang tao sa kaharian ng langit sa pananalig sa Panginoon. Nadarama ng maraming nananalig sa Panginoon na ang pagsunod sa halimbawa ni Pablo sa pamamagitan ng paggugol at pagsisikap para sa Panginoon ay kapareho ng pagsunod sa daan ng Panginoon at pagkamarapat na tanggapin sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Ito ang pagkaunawa ng maraming tao. Ang pagkaunawa bang ito ay batay sa salita ng Panginoon? Nasisiyahan ba ang puso ng Panginoon kung ganito ang gagawin natin? Talaga bang sinusunod natin ang daan ng Panginoon sa pagsisikap para sa Panginoon na katulad ni Pablo? Magiging karapat-dapat ba tayo para sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?

6.5.19

Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos


Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos




na, tingnan natin ang mga talata sa kasulatan na naglalarawan sa “Pagwasak ng Diyos sa Sodoma.”

(Gen 19:1-11) At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila’y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo’y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo’y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag. At kaniyang pinakapilit sila; at sila’y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila’y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain. Datapuwa’t bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga’y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya. At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan. Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila’y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila’y nangasa silong ng aking bubungan. At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito’y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga’y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan. Datapuwa’t iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan. At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, ang munti’t malaki: ano pa’t sila’y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos


Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus-Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos



Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang dahilan sa pagdating, ni may isa man lang na nagtanong kung dumating ba sila upang ipahayag ang kalooban ng Diyos. Sa kabaligtaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo. Pinagmamasdan ba ng Diyos ang mga bagay na ito habang nangyayari? Ano kaya ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso sa uri ng pag-uugaling ito ng tao, sa bagay na ito? Nagpasya ang Diyos na wasakin na ang lungsod na ito; hindi na Siya mag-aatubili o maghihintay pa, ni magpapakita pa ng pagtitiyaga. Dumating na ang Kanyang araw, at inihanda na Niya ang gawaing nais Niyang gawin. Kaya ang sabi sa Genesis 19:24-25, “Nang magkagayo’y nagpaulan si Jehova sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Jehova na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.” Sinasabi ng dalawang talatang ito sa mga tao ang paraan ng pagwasak ng Diyos sa lungsod na ito; gayun din sinasabi sa mga tao kung ano ang winasak ng Diyos. Una, isinasaad sa Biblia na sinunog ng Diyos ang lungsod sa pamamagitan ng apoy, at ang lawak nito ay sapat na upang malipol ang mga tao at lahat ng nabubuhay sa lupa. Ibig sabihin, hindi lamang winasak ng apoy na nagmula sa langit ang lungsod; sinira din nito ang lahat ng mga tao at lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa loob, na walang anumang naiwan kahit isang bakas. Pagkatapos masunog ang lungsod, sa lugar ay walang makitang buhay na mga bagay. Wala nang may buhay o anumang senyales nito. Ang lungsod ay naging kaparangan, isang lugar na walang laman at puspos ng nakabibinging katahimikan. Wala nang anumang masamang gawa na laban sa Diyos sa lugar na ito; wala nang mangyayaring patayan o pagdanak ng dugo.

5.5.19

Pagkilala sa Diyos-Makakapasok ba ang mga Kristiyano sa Kaharian ng Langit sa Pamamagitan ng Paggawa?



Pagkilala sa Diyos-Makakapasok ba ang mga Kristiyano sa Kaharian ng Langit sa Pamamagitan ng Paggawa?



Kumusta mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot,

Kamakailan lamang, isang tanong ang gumugulo sa akin, at nais kong humingi ng mga sagot mula sa inyo: Maraming taon na akong naniniwala sa Panginoon, at palagi akong tumatalikod, gumugugol sa Diyos, at ginagawa ang gawain ng Panginoon, dahil palagi akong naniniwala na kapag naniwala ako sa ganitong paraan, kapag dumating ang Panginoon, hahayaan ako nitong maitaas sa kaharian ng langit. Ngunit kamakailan lamang, nakita ko sa Biblia na sinabi ng Panginoong Hesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Nalilito ako dito. Bakit hindi maaaring pumasok sa kaharian ng langit ang mga nagpapakalat ng ebanghelyo, nagpapagaling ng may sakit, at nagpapalayas ng demonyo sa ngalan ng Panginoon? At bakit sinasabi ng Panginoon na sila ang mga gumagawa ng kasamaan? Nangangahulugan ba ito na tayo na nagtatrabaho, tumatalikod at gumugugol sa Diyos ay hindi yaong mga gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit? Ano ang mga pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit? Umaasa ako na matutulungan ninyo akong malutas ang mga kalituhan ko.

4.5.19

Mga Patotoo sa Biyaya ng Diyos-Si Jesus ay Nagsasagawa ng mga Himala


Mga Patotoo sa Biyaya ng Diyos-Si Jesus ay Nagsasagawa ng mga Himala



1) Pinakain ni Jesus ang Limang libo

(Jn 6:8-13) Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro, May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa’t gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan? Sinabi ni Jesus, Inyong paupuin ang mga tao. Madamo nga sa dakong yaon. Kaya’t nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang. Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay; at nang makapagpasalamat, ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila. At nang sila’y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang. Kaya’t kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.

3.5.19

Mga Pagbigkas ni Cristo-Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus


Mga Pagbigkas ni Cristo-Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus



1. Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus

(Mc 3:21-22) At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya’y hulihin: sapagka’t kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait. At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem, Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.

23.3.19

Pananampalataya at Buhay-Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?


Pananampalataya at Buhay-Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?


Ni Xuesong, Tsina

Sa labas ng bintana, nakakikilabot ang lamig at malakas ang buhos ng niyebe. Alas-9 na ng gabi nang makauwi si Xuesong mula sa pangangaral ng ebanghelyo.

Mabilis na ininit ng kanyang asawa ang hapunan niya. Nang kakain na siya, bumalik na rin ang kanyang anak na babaeng si Xiaoyuan matapos suportahan ang simbahan. Nagmamadaling nagsandok si Xuesong ng pagkain para dito at handa nang kumain ng hapunan kasama nito. Ngunit hindi gustong kumain ni Xiaoyuan. Nang makita iyon, tinanong siya ni Xuesong, “Anong problema, Xiaoyuan? Mukhang may iniisip ka.”

Nagtataka niyang sinabi, “Papa, Mama, nitong nakaraan ay may iniisip akong tanong. Kapag nangangaral ang mga pastor at mga matatanda, palagi nilang sinasabi na kung mas makakapangaral ng marami ang isa at magbunga iyon, tatakbo, gagasta at magtatrabaho ng husto para sa Panginoon, makapapasok siya sa kaharian sa langit. At talaga namang malaki ang nagastos natin para sa Panginoon at nagbayad ng malaki. Ngunit sinabi minsan ng Panginoon, ‘Sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang (Mateo 22:14). Kaya nag-umpisa akong isipin na: “Hindi mabilang ang mga mananampalataya sa Panginoon na nagagawang gumastos ng malaki para sa Kanya, ngunit bakit sinabi ng Panginoon na kakaunti lamang ang pinili? Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian sa langit sa huli sa pamamagitan ng pagdurusa, paggastos, at pagtatrabaho ng husto para sa Panginoon?”

20.3.19

Paano dapat maranasan ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para maligtas?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos.

mula sa “Punong Salita”

Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa iyo.

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45).

“At ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.

18.3.19

Ginaganap at Tinutupad ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang mga Propesiya sa Biblia

Ang pinakamaraming inihula sa loob ng Kasulatan ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Binabanggit sa Kasulatan ang paglalapat ng paghatol ng Diyos sa may halos dalawang daang lugar; maaaring sabihin na hinulaan nilang lahat na isasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Dito, gamit ang kakaunti lamang na bahagi ng mga kasulatan ay sapat na upang patunayan na ang paglalapat ng Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo ay isang hindi mapipigilang hakbang ng Kanyang gawain sa mga huling araw. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang paggamit sa pamamaraan ng paghatol at pagkastigo upang dalisayin, iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan; ito ay ang gawain ng pagbukod-bukod sa bawat tao ayon sa kanilang sariling uri sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo upang tapusin ang kapanahunan at sa huli ay itatag ang kaharian ni Cristo–ang pinakamamahal na kaharian ng Diyos.

10.3.19

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Ikalawang Bahagi)



Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan

Sa mga sumunod na araw, hindi man nahulog si Jingru sa tukso ni Satanas at alam niyang hindi na sila maaaring magsama ni Wang Wei, patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang pakikipagkita niyang iyon kay Wang Wei tulad ng isang eksena sa pelikula …

Nang muli siyang tawagan ni Wang Wei, saglit siyang hindi napakali, at sinabi niya sa kanyang sarili: “Hindi na maaring maging tayo, pero maaari pa naman tayong maging ordinaryong magkaibigan. Hangga’t alam ko ang aking mga kinikilos at hindi ako lalampas sa kung ano ang maaari kong gawin, ay ayos lang iyon.” Matapos nito ay sinagot niya ang tawag ni Wang Wei at nag-usap sila. Sa paglipas ng panahaon, madalas nang napapaisip si Jingru kung tatawagan ba siya ni Wang Wei o hindi, hanggang sa puntong nasasabik na ang kanyang puso sa kakaantay. Sa tuwing tatawag ito, palulubagin niya ang kanyang loob bago sasagutin ang telepono na parang wala lang….

8.3.19

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo





Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon.