23.3.19

Pananampalataya at Buhay-Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?


Pananampalataya at Buhay-Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?


Ni Xuesong, Tsina

Sa labas ng bintana, nakakikilabot ang lamig at malakas ang buhos ng niyebe. Alas-9 na ng gabi nang makauwi si Xuesong mula sa pangangaral ng ebanghelyo.

Mabilis na ininit ng kanyang asawa ang hapunan niya. Nang kakain na siya, bumalik na rin ang kanyang anak na babaeng si Xiaoyuan matapos suportahan ang simbahan. Nagmamadaling nagsandok si Xuesong ng pagkain para dito at handa nang kumain ng hapunan kasama nito. Ngunit hindi gustong kumain ni Xiaoyuan. Nang makita iyon, tinanong siya ni Xuesong, “Anong problema, Xiaoyuan? Mukhang may iniisip ka.”

Nagtataka niyang sinabi, “Papa, Mama, nitong nakaraan ay may iniisip akong tanong. Kapag nangangaral ang mga pastor at mga matatanda, palagi nilang sinasabi na kung mas makakapangaral ng marami ang isa at magbunga iyon, tatakbo, gagasta at magtatrabaho ng husto para sa Panginoon, makapapasok siya sa kaharian sa langit. At talaga namang malaki ang nagastos natin para sa Panginoon at nagbayad ng malaki. Ngunit sinabi minsan ng Panginoon, ‘Sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang (Mateo 22:14). Kaya nag-umpisa akong isipin na: “Hindi mabilang ang mga mananampalataya sa Panginoon na nagagawang gumastos ng malaki para sa Kanya, ngunit bakit sinabi ng Panginoon na kakaunti lamang ang pinili? Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian sa langit sa huli sa pamamagitan ng pagdurusa, paggastos, at pagtatrabaho ng husto para sa Panginoon?”

Matapos marinig ang kanyang mga salita, tiwalang sinabi ni Xuesong, “Xiaoyuan, wala kang dapat ikabahala. Makatwiran ang Panginoon. Kaya, hangga’t kumakapit tayo sa pangalan ng Panginoon, at magagawang magtrabaho ng husto, kumilos at gumastos para sa Panginoon, makakapasok tayo sa kaharian sa langit. Hindi ba’t sinabi ni apostol Pablo na ‘Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran’ (2 Timoteo 4:7-8)? Sa mga taong ito, sinusundan natin ang mga salita ni Pablo, ikinakalat ang ebanghelyo, pinapatnubayan ang simbahan, at inaabandona ang lahat upang sundan ang Panginoon. At kahit na naranasan natin ang ilang taong paghihirap, hindi tayo tumigil sa pagsasagawa para sa Panginoon. Kaya naman naniniwala ako na lahat ng ginagawa natin ay siguradong gugunitain ng Panginoon, at kapag Siya ay nagbalik na ay siguradong dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit.”

Tumango ang kanyang asawa at sinabing, “Oo, Xiaoyuan, tama ang sinabi ng iyong ama. Siguradong tama ang ganitong paraan, kaya hindi mo kailangang mag-alala.”

Pagkatapos mag-isip ng ilang sandali, sinabi ni Xiaoyuan, “Mula nang maniwala tayo sa Panginoon, kumikilos na tayo ayon sa mga salita ni Pablo, iniisip na hanggang nagtatrabaho tayo ng husto, gumastos ng tama, maghirap, at ibigay ang kabayaran, nakasisiguro tayong makakapasok sa kaharian sa langit. Ngunit sinabi ng Panginoon, ‘Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’ (Mateo 7:22-23). Ang mga salita ng Panginoon ang katotohanan. Mawawala ang langit at lupa, ngunit hindi mawawala ang mga salita ng Panginoon. Kung lahat ng mga taong nagtatrabaho ng husto ay makakapasok sa kaharian sa langit, kung ganoon ay paano nagawa ng Panginoon na hatulan iyong mga nangangaral, nagtataboy sa demonyo, at gumawa ng magagandang gawain sa ilalim ng Kanyang pangalan bilang mga masasamang-tao?”


Napag-isip si Xuesong sa sinabi ng kanyang anak: Oo, sinabi ng Panginoon na hindi lahat ng tao na gumagastos ng malaki para sa Kanya ay makakapasok sa kaharian sa langit. Ang mga salita ng Panginoon ang katotohanan, at hindi maaaring magkamali. Gayunman, kumikilos kami ayon sa mga salita ni Pablo, iniisip na kailangan lang naming iwan ang lahat upang magtrabaho at magpalago para sa Panginoon upang makapasok sa kaharian sa langit; talaga nga bang naaayon sa kagustuhan ng Panginoon ang aming mga ginagawa?

Sa pagkakataong ito, isang katok sa pinto ang gumambala sa pag-iisip ni Xuesong. Tumayo si Xiaoyuan upang buksan ang pinto at nalaman na ang pinsan pala niyang si Cheng Xian iyon.

Ngumiti si Cheng Xian at sinabing, “Tito, Tita, sumama ako ngayong araw sa ilang mga katrabaho na magbasa ng Biblia, at napadaan lang sa bahay ninyo habang pauwi, kaya naisip kong dumalaw upang ibahagi sa inyo ang natutunan ko sa pag-aaral ng Biblia.”

Nakangiting sinabi ng asawa ni Xuesong, “Xiaoxian, may pinag-uusapan kaming isyu. Maganda ang tiyempo mo! Halika, sumama ka sa pag-uusap namin!”

Nagpatuloy si Xuesong sa pagbabahagi, “Oo, Xiaoxian, pinag-uusapan namin ang pamantayan ng pagpasok sa kaharian sa langit. Minsang sinabi ni Pablo, ‘Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran’ (2 Timoteo 4:7-8). Kaya naman, sa aking opinyon, habang sinusundan nating mga mananamplataya ng Panginoon ang halimbawa ni Pablo upang kumilos at magtrabaho para sa Panginoon, manindigan sa pangalan ng Panginoon, panatilihin ang paraan ng Panginoon, at manood at maghintay sa Kanyang pagdating, maaari tayong dalhin papasok sa kaharian sa langit. Sinasabi sa Biblia, ‘at ang nangaghihintay sa akin ay hindi mangapapahiya’ (Isaias 49:23). Kaya naman naniniwala kami ng tita mo na ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay naaayon sa kalooban ng Panginoon. Ngunit matapos makita ni Xiaoyuan ang mga salita sa Biblia, ‘Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’ (Mateo 7:22-23), bahagya siyang nag-aalala tungkol sa aming paraan ng aming pagsasagawa. Iniisip niya na hindi lahat ng walang kapagurang nagtatrabaho para sa Panginoon ay makakapasok sa kaharian sa langit. Xiaoxian, ano sa tingin mo? Sabihin mo sa amin ang opinyon mo.”

Tumango si Xiaoyuan at sinabing, “Oo, pinsan, hindi talaga namin maunawaan ang isyu na ito. Sabihin mo sa amin ang opinyon mo dito.”

Nakangiting sinabi ni Xiaoxian, “Papuri sa Panginoon! Pinag-usapan din namin ng mga katrabaho ko ang isyu na ito sa pagpupulong namin sa pag-aaral ng Biblia. Naniniwala tayo na habang nagtatrabaho tayo ng husto para sa Panginoon at susundin ang halimbawa ni Pablo, diretso tayong madadala sa kaharian sa langit kapag nagbalik ang Panginoon. Kahit na ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay naaayon sa pananaw ng mga tao, tunay nga kaya itong naaayon sa kalooban ng Diyos? Sa tingin ko ay dapat nating malaman na ang mga salita ng Diyos ang gabay sa ating mga pagkilos at ang pamantayan sa pagsukat sa lahat ng tao, bagay at mga pangyayari. Tungkol sa kung makakapasok nga ba sa kaharian sa langit ang mga taong nanonood at naghihintay at nagtatrabaho ng husto para sa Panginoon, tingnan natin ang sinabi ng Panginoon. Sinabi ng Panginoon Hesus, ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit’ (Mateo 7:21). Mula sa mga salita ng Panginoon, makikita natin na ang sinabi lang Niya na tanging ang mga gumawa lamang sa kalooban ng Ama sa langit ang makapapasok sa kaharian sa langit. Hindi Niya sinabing hangga’t pinanghahawakan ng mga tao ang Kanyang pangalan at nagtatrabaho ng husto para sa Kanya, magagantimpalaan sila, at makakapasok sa kaharian sa langit. Ayon sa mga salita ng Panginoon, ang mga makakapasok sa kaharian sa langit ay ang mga taong sumusunod sa paraan ng Diyos, nagpapasakop sa Kanya, minamahal Siya, at nananampalataya sa Kanya. Kaya paanong magiging kuwalipikadong makapasok sa kaharian ng Diyos ang mga hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos at hindi naaayon ang isip sa Diyos? Kapag ninanais nating makapasok sa kaharian sa langit, dapat nating gamiting batayan ang mga salita ng Panginoon Hesus. Iyon ay dahil ang Panginoon Hesus ang Hari ng kaharian sa langit, at tanging Siya lamang ang makapagsasabi kung makakapasok tayo sa kaharian sa langit at maliligtas.”

Tumango si Xiaoyuan at sinabing, “Oo, sa tingin ko ay tama ang sinabi ng aking Ppinsan. Tungkol sa pagpasok sa kaharian sa langit, dapat nating gamiting batayan ang mga salita ng Panginoon. At tanging sa pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos lamang natin masasabing naaayon tayo sa kalooban Niya.”

Salubong ang mga kilay na nagtanong si Xuesong, “Xiaoxian, ang ibinahagi mo ay naaayon sa Biblia at naaayon din sa mga salita ng Panginoon. Oo nga, ang makakapasok lamang sa kaharian sa langit ay ang mga kumikilos ayon sa kalooban ng Ama sa langit. Ngunit, nagsasagawa tayo ayon sa mga salita ni Pablo, nagtatrabaho ng husto at maraming isinasakripisyo para sa Panginoon; hindi ba ito naaayon sa kalooban ng Diyos?”

Mukhang nagtataka ang asawa ni Xuesong at sinabing, “Oo nga, Xiaoxian, sinusunod namin ang halimbawa ni Pablo, nagtatrabaho ng husto at maraming isinasakripisyo para sa Panginoon. Hindi ba namin isinasagawa ang kalooban ng Diyos?”

Sinabi ni Xiaoxian, “Tito, Tita, pag-aralan muna natin ang katunayan. Ikiniling ng mga Fariseong Hudyo ang lupa at dagat upang ikalat ang paraan ng Diyos at gawain. Sa mga taga-labas na nag-oobserba, mukhang marami silang ginagawang mabubuting bagay at mukhang mga maka-Diyos. Ngunit bakit sila hinatulan at isinumpa at tinuligsa gamit ang ‘Pitong Kapighatian’? Tinitingnan ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao! Kahit na nagtrabaho ng husto ang mga Fariseo, halos hindi sila nakisali sa mga relihiyosong seremonya at ipinaliwanag ang kaalaman sa Biblia at teorya. Hindi nila ginawa ang salita ng Diyos, ni minsan ay hindi sumunod sa Kanyang mga kautusan, at lahat ng kanilang ginawa ay upang makatamasa ng mga pagpapala at gantimpala, upang protektahan ang kanilang estado at kabuhayan. Hindi nila minamahal ang Diyos sa kanilang puso, ni wala silang puso upang matakot sa Diyos. Kaya naman nang dumating ang Panginoong Hesus upang gawin ang Kanyang gawain, marahas silang tumanggi at isinumpa Siya, tuluyang ipinapakita ang kanilang pagkasuklam sa katotohanan at pagiging ipokrito. Ipinapakita ng katunayang ito sa atin na ang pagtatrabaho ng husto o pagkilos ng tama ay hindi nangangahulugan na ginagawa natin ang kalooban ng Diyos. Kung hindi natin minamahal ang Diyos sa ating mga puso, hindi isinasagawa ang Kanyang mga salita o sumusunod sa Kanyang mga kautusan, kung gayon ang pagtatrabaho natin ay magandang-asal lamang at hindi nangangahulugan na sinusunod natin ang kalooban ng Ama sa kalangitan.

Sumasang-ayon na sinabi ni Xiaoyuan, “Ngayon ko lamang naintindihan ang dahilan kung bakit isinumpa ng Panginoong Hesus iyong mga nangaral at kumilos sa ilalim ng Kanyang pangalan ay dahil katulad sila ng mga Fariseong Hudyo. Kahit na nagtatrabaho sila ng husto para sa Panginoon, ginawa lamang nila iyon ayon sa kanilang mga sariling ideya, at ang kanilang layunin ay makatanggap ng mga pagpapala at mga benepisyo mula sa Panginoon sa halip na sundin at mahalin Siya, mas lalong sundin ang Kanyang kalooban. Sa mata ng mga tao, mukhang tama lamang na gawin natin ang ganito o ganyan sa ilalim ng pangalan ng Panginoon, ngunit kung hindi tayo kikilos ayon sa mga salita ng Panginoon, hindi Siya itinataas at sinasaksihan, at ang layunin natin ay hindi ang mahalin at magpasailalim sa Kanya, kung ganoon ay walang kinalaman sa kalooban ng Diyos ang ginagawa natin.”

Matapos marinig ang mga salita nina Xiaoxian at Xiaoyuan, biglang nakita ni Xuesong ang liwanag. Sinabi niya, bahagyang napapahiya, “Xiaoxian, tama ang ibinahagi mo. Hindi ang mga salita ni Pablo ang katotohanan. Tanging mga salita lamang ng Panginoon ang katotohanan. Kung ang pagtatrabaho ng husto at pagtakbo at paggastos para sa Panginoon ay katumbas lamang ng paggawa sa kalooban ng Diyos, kung ganoon ay malamang na nakapasok na sa kaharian sa langit ang mga Fariseong iyon. Bakit sila isinumpa ng Panginoon? Mukhang talagang sumasalungat ang mga salita ni Pablo sa Panginoong Hesus’. Noon ay hinahanap natin ang pasukan sa kaharian sa kalangitan ayon sa mga salita ni Pablo, talaga ngang napapalayo tayo mula sa paraan ng Panginoon. Kung nagpatuloy tayo sa paghahanap sa ganitong paraan, siguradong itatapon tayo ng Panginoon!”

Gulantang na sinabi ng kanyang asawa, “Kung titingnan sa ganitong paraan, iyong mga nagtatrabaho ng husto sa panlabas ngunit hindi isinasagawa ang mga salita ng Diyos ay hindi ginagawa ang kalooban ng Ama sa kalangitan. Kung gayon, Xiaoxian, ano nga ba ang paggawa sa kalooban ng Ama sa kalangitan?”

Nagpatuloy sa pagbabahagi si Xiaoxian, “Ang paggawa sa kalooban ng Diyos ay tumutukoy sa pagsasagawa ng salita ng Diyos, pagsunod sa Kanyang mga kautusan, sumusunod sa Kanyang pagdidirekta at pagsasaayos. At sa kahit anong oras, sa ilalim ng kahit anong sirkumstansiya, ay magagawa nilang kumapit at tapusin ang komisyon ng Diyos, mamuhay lamang sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Tanging kapag nagawa lamang nilang tuluyang sundin ang Diyos, maging tapat sa Kanya, at mahalin Siya lamang niya tuluyang masusunod ang kalooban ng Diyos. Gaya ng sinabi ng Panginoong Hesus, ‘Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita…. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita’ (Juan 14:23-24). ‘Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko’ (Juan 8:31). ‘Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili’ (Mateo 22:37-39). Halimbawa na lamang, si Pedro. Inalay niya ang buong buhay niya sa Panginoon, at pinatnubayan ang simbahan sa mahigpit na alinsunod sa kalooban ng Panginoon at mga kinakailangan. Hindi siya kailanman nagdasal sa Diyos para lamang sa sarili niyang mga personal na interes kundi nais lamang na mahalin ng buong puso ang Diyos. Sa wakas ay nagawa niyang makamit ang pinakamataas na antas ng pag-ibig para sa Diyos at pagka-masunurin hanggang sa kamatayan, at pabaligtad na ipinako sa krus para sa Diyos. Si Pedro ang tunay na nagmahal sa Panginoon, kaya ibinigay sa kanya ng Panginoong Hesus ang susi ng kaharian sa langit. Isa pang halimbawa si Job. Perpekto siya at matapat, at may takot siya sa Diyos at itinatakwil ang kasamaan. Kahit ano pa mang ibigay o kunin ng Diyos, at kahit pa biyayaan o isumpa siya ng Diyos, sinasamba niya ang Diyos, ipinagbubunyi ang pangalan ng Diyos, at palaging sumusunod sa gawain ng Diyos. Kaya naman perpekto si Job sa mga mata ng Diyos. … Lahat ng mga taong ito sa nakalipas na panahon na nakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos, nagagawa nilang sundin ang paraan ng Diyos, may takot sa Diyos at itinatakwil ang kasamaan, nagagawang tunay na mahalin ang Diyos, sundin ang Diyos, at ibigay ang buong sarili nila sa Diyos, at hindi humihingi ng kahit ano sa Kanya. Tanging ang mga ganitong tao lamang ang tunay na gumagawa ng kalooban ng Diyos at maaaring makapasok sa kaharian sa langit at tumanggap sa pangako ng Diyos.

“Makikita nating lahat na matapos maniwala sa Panginoon ay maraming tao ang talagang nagdusa at nagbayad ng kabayaran, at kahit pa nga sila ay nakulong o pinatay ay hindi naging dahilan iyon upang iwan nila ang Panginoon. Pinatutunayan lamang nito na tunay ang pananampalataya nila sa Panginoon. Gayunman, habang nagtatrabaho ng husto para sa Panginoon, nabigo silang matamo ang katotohanan, at hindi pinansin ang pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon o sumunod sa Kanyang mga kautusan; sa halip, sinusunod nila ang sarili nilang mga ninanais at ginagawa ang anumang ibigin nila, hindi sumusunod kahit kanino, at madalas na nagsisinungaling at nanloloko ng iba. Lahat ng ginawa nila ay upang magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at ng pagpasok sa kaharian sa langit at tanggapin ang korona. Mula rito, makikita natin na kung hindi natin isasagawa ang salita ng Diyos o maninindigan sa Kanyang mga kautusan, at hindi isinasapuso ang pagsunod at pagmamahal sa Kanya, hindi natin ginagawa ang kalooban ng Diyos, at kung gayon ay paano tayo magiging karapatdapat na madala sa kaharian sa langit? Ito ay katulad sa sinabi ng Panginoong Hesus, ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’” (Mateo 7:21-23).

Sa pagkakataong ito, mas nakaramdam ng hiya si Xuesong at nahihiyang sinabi kay Xiaoxian, “Xiaoxian, kahit na naniwala ako sa Diyos sa loob ng maraming taon, hindi ko pa rin naiintindihan ang Kanyang kalooban. Ngayon ay alam ko na na tanging ang pagsunod lamang sa mga kautusan ng Panginoon, pagpapalawak para sa Kanya nang may pusong nagmamahal sa Kanya, at ang madalas na pagpupuri at pagsaksi para sa Kanya ang paggawa ng kalooban ng Diyos.”

Sinabi ng kanyang asawa, halata ang pagkapahiya sa mukha, “Tama ang pagbabahagi ni Xiaoxian. Papuri sa Panginoon. Sa loob ng ilang taon kong pananampalataya sa Panginoon, ang tanging alam ko lang ay bulag na magtrabaho ng husto para sa Panginoon at ilaan ang sarili ko sa Kanya. At palagi kong isinasagawa ang naaayon sa salita ni Pablo at naisip ko na kailangan ko lamang magtrabaho ng husto para sa Panginoon upang makapasok sa kaharian sa langit. Wala talaga akong alam. Ngayon ko lamang nalaman: Hinihingi ng Diyos na magtuon tayo sa paghahanap ng Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay at paggawa ng Kanyang salita, ang gumastos para sa Kanya gamit ang puso na nagmamahal sa Kanya, at lubos na sundin ang Diyos at makinig sa Kanyang salita gaya nina Job at Pedro. Tanging sa paraang ito lamang natin magagawa ang kalooban ng Ama sa langit. Ito ang pinaka-mahalagang isyu, ngunit binalewala ko lamang ito. Labis akong nahihiya!”

Tumango din si Xiaoyuan, sinasabing, “Oo. Kung hindi dahil sa pag-uusap ngayong gabi, hindi ko malalaman na sa loob ng ilang taong pananampalataya ko, lahat ng mga sakripisyo at gastos ko ay para lamang makakuha ng mga gantimpala sa pamamagitan ng panloloko at pagsasamantala sa Panginoon. Mananatili sana ako sa maling landas, hindi nahihiyang ipagpalit ang pagtatrabaho ko sa Panginoon para makapasok ako sa kaharian sa langit. Sa huli, isusumpa ako at parurusahan ng Panginoon nang hindi man lang nalalaman kung bakit. Nakakatakot isipin iyon ngayon!”

Masayang sinabi ni Xiaoxian, “Papuri sa Panginoon. Ngayong gabi ay nagawa nating magbahagi; lahat ng ito ay bahagi ng plano ng Panginoon. Lahat ng papuri ay sumasaiyo Panginoon!”

Matapos marinig ito, si Xuesong, ang kanyang asawa, at kanyang anak ay nagtinginan sa isa’t isa at nakakaunawang ngumiti, dahil nalaman nila ang batayan sa pagpasok sa kaharian sa langit at nalaman ang daan sa pagsasagawa.