Ang mga propesiya ng pagbabalik ni Jesus-Cristo ay halos natupad. Paano dumating ang Panginoong Jesus? Paano natin matatanggap ang ebanghelyo ng kaharian ng langit? Ang mga aspeto ng katotohanan ay ang pinakamahalaga sa atin.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Propesiya sa Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Propesiya sa Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post
10.12.19
13.3.19
Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Pahayag 20:11-15).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati-ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos-ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagáwâ nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di-kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal, aalingawngaw ito hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong nakakatakot at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong tagpo ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawa’t tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga tao, at sa buong panahong ito ikaw ay mahimbing na natutulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni’t ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na.
… Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos.
Tanong 3: Ng sabi sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Pagkatapos mabuhay muli ng ang Panginoong Jesus, ang Kanyang espirituwal na katawan ang bumangon at umakyat sa langit. Sa pagbabalik ng Panginoon, dapat ang Kanyang espirituwal na katawan ang bababa sa ibabaw ng ulap. Gayunman, nagpapatotoo kayo na nagkatawang-tao ang Diyos—ang Anak ng tao—muli para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Halatang hindi ito ayon sa Biblia. Madalas na sinasabi ng mga pastor at elder na anumang patotoo ukol sa pagdating ng Panginoon na pagkakatawang-tao ay mali. Kaya iniisip kong imposibleng bumalik ang Panginoon sa katawang-tao. Hindi ko matatanggap ang inyong patotoo. Hihintayin ko na lang na bumaba ang Panginoon sa ulap at dalhin kami sa kaharian ng langit. Tiyak na hindi ito isang pagkakamali!
Sagot: Sinasabi ninyong imposibleng bumalik ang Panginoon sa anyong-tao, tama ba? Nakasulat sa Biblia na babalik ang Panginoon sa anyong-tao. Ibig n’yo bang sabihin hindi ninyo ito matagpuan? Maraming propesiya ang nasusulat sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kung saan ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa anyong-tao ay napakalinaw. Halimbawa, noong sinabi ng ang Panginoong Jesus na, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).
12.3.19
Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.
Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.
9.3.19
Tanong 1: Pero sabi mo nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawaing paghatol. May batayan ba ito sa Biblia, o tinutupad ang anumang mga propesiya sa biblia? Kung walang batayan sa biblia, hindi natin dapat paniwalaan ito kaagad.
Sagot: Anumang malalaking insidente ng gawain ng Diyos ay iprinopesiya sa Biblia, at marami-rami rin ang mga propesiyang nauugnay sa pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus at gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pero dapat nating maintindihan na sinasabi lang ng mga propesiya sa mga tao kung ano ang mangyayari. Paalala ang mga ito para maging mapagmatyag ang mga tao at maghanap at magsiyasat nang mabuti sa mga huling araw, para hindi sila abandonahin o alisin ng Diyos. Iyan lang ang magagawa ng mga propesiya. Hindi tayo matutulungan ng mga propesiya na malaman ang gawain ng Diyos, o maintindihan ang katotohanan, o tulungan tayong sumunod sa Diyos, o dagdagan ang ating pagmamahal sa Diyos. Kaya ang pinakamabuting gawin natin ay ang direktang siyasatin ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at ang ginawa Niyang gawain, at mula sa mga ito ipasya kung talagang tinig at pagpapahayag ng Diyos ang mga ito. Iyan ang pinakamahalaga at pinakamatalinong hakbang. Mas makatotohanan ito at nakakatulong kaysa sa paghahanap ng batayan sa mga propesiya sa biblia. Alam nating lahat na noong dumating ang Panginoong Jesus para magsagawa ng gawain, unti-unti lang na nakilala ng mga alagad at nananampalataya na sumunod sa Kanya, sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita, na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Tagapagligtas na iprinopesiyang darating. Alam na alam ng mga dakilang saserdote, kalihim, at Fariseo na nakakaalam sa mga kautusan at nag-aral sa Biblia na mga katotohanan at may kapangyarihan ang mga salita ng Panginoong Jesus, pero dahil namumuhi sila sa katotohanan, hindi lang sila tumangging sundin ang Panginoong Jesus, gumamit sila ng mga sulat at patakaran sa Biblia para kontrahin at kondenahin ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako Siya sa krus. Ipinapakita nito sa atin na hindi tayo maaakay o magagabayan ng Biblia para tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon.
7.3.19
Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).
“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).
“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
6.3.19
Ano ang mga layunin at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa China para gumawa sa mga huling araw?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka’t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil” (Malakias 1:11).
“Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa maraming lugar, hinulaan ng Diyos na magkakaroon ng isang grupo ng mga mananagumpay sa lupain ng Sinim. Nasa Silangan ng mundo kung saan nakamit ang mananagumpay, kaya walang duda na ang lupain ng Sinim ay ang lugar na lunsaran ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, eksakto kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon. Doon makukuha ng Diyos ang kaapu-apuhan ng malaking pulang dragon upang ito ay lubusang matalo at mapahiya.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)



