Sagot: Sinasabi ninyong imposibleng bumalik ang Panginoon sa anyong-tao, tama ba? Nakasulat sa Biblia na babalik ang Panginoon sa anyong-tao. Ibig n’yo bang sabihin hindi ninyo ito matagpuan? Maraming propesiya ang nasusulat sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kung saan ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa anyong-tao ay napakalinaw. Halimbawa, noong sinabi ng ang Panginoong Jesus na, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Paulit-ulit na nagpropesiya ang Panginoong Jesus na Siya ay magbabalik bilang ang Anak ng tao. Ang Anak ng tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng Panginoong Jesus sa katawang-tao na kamukha ng karaniwan, normal na tao sa labas, na kumakain, umiinom, natutulog at lumalakad gaya ng normal na tao. Ngunit iba ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus matapos Siyang mabuhay muli na kayang tumagos sa mga dingding, mabilis na magpakita at agad na maglaho. Iyon ay talagang mahiwaga. Kaya hindi Siya maaaring tawaging Anak ng tao. Noong nagpopropesiya tungkol sa pagbabalik ng Anak ng tao, ang Panginoong Jesus ay nagsabing, “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:25). Pero ayon sa sinasabi n’yo, ang Panginoon ay magbabalik bilang espirituwal na katawan na bumababa sa ulap at nagpapakita sa madla sa dakilang kaluwalhatian, kung kailan ang lahat ng tao ay kailangang magpatirapa at sumamba, sinong mangangahas na kumalaban at magkondena sa Kanya? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:25). Paano matutupad ang mga salitang ito? Kapag nagpakita lamang ang Diyos na nagkatawang-tao para gumawa bilang Anak ng tao, kapag hindi nakikilala ng mga tao na Siya ang Cristo na nagkatawang-tao, saka lang sila mangangahas na ikondena at tanggihan si Cristo ayon sa kanilang paniwala at imahinasyon. Ganyan ang nangyayari ngayon hindi ba? Bilang karagdagan, nagpropesiya din ang Panginoong Jesus, “Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama” (Mateo 24:36). “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo” (Pahayag 3:3). Kung ang Panginoon ay bababa sa ibabaw ng ulap sa espirituwal na katawan, kung gayon malalaman ng lahat ang tungkol dito at makikita ito. Gayunman ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya na kapag Siya ay babalik, yaon ay “walang nakakaalam,” “kahit ang Anak” at “gaya ng magnanakaw.” Paano matutupad ang mga salitang ito? Kung ang Panginoong Jesus ay magpapakita sa espirituwal na katawan, paano Niya Mismo malalaman ito? Tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw, naging isang karaniwan, normal na tao, matutupad ang mga salita na hindi malalaman ng Anak. Gaya ng Panginoong Jesus bago isagawa ang Kanyang ministeryo, maging Siya ay hindi alam ang tungkol sa Kanyang katauhan bilang Cristo na dumating para tuparin ang gawain ng pagtubos. Kaya’t, ang Panginoong Jesus ay nagdasal nang madalas sa Diyos Ama. Nang simulan ng Panginoong Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, noon lang Niya natanto ang Kanyang katauhan. Sinasabi n’yo ba na mas praktikal itong tanggapin sa ganitong paraan? Ngayon, mangangahas pa rin ba kayong magsabi na walang propesiya sa Biblia na ang Panginoon ay magbabalik sa katawang-tao? Ito ang propesiya ng Panginoong Jesus. Hindi ba’t ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao? Nadarama ng ilang tao na, kung magbabalik ang Panginoon sa katawang-tao, bakit hindi Niya ito direktang sinabi? Bakit kinailangan Niyang sabihin ang pagpapakita ng “Anak ng tao?” Likas ito sa mga propesiya. Ang mga propesiya ay mga pahiwatig. Kung sinabi na pagpapakita ito sa katawang-tao, kung gayon payak na wika ito sa halip na propesiya. Kapag inalam na mabuti ng mga taong may pandama ang ibig sabihin ng “Anak ng tao,” sila ay maliliwanagan, at matatanto nila na ang ibig sabihin ng “Anak ng tao” ay pagkakatawang-tao. Natanto na lang natin ito noong dumating ang Makapangyarihang Diyos at ibinunyag ang hiwaga ng pagkakatawang-tao. Lumitaw na ang propesiya ng Biblia na “ang pagparito ng Anak ng tao” ay nangangahulugan talaga ng pagkakatawang-tao. Dahil natitiyak na natin ngayon na ang pagbabalik ng Panginoon ay sa katawang-tao, paano natin matitiyak na Siya ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao? Para dito, kailangang makilala natin ang tinig ng Diyos. Kung Siya nga talaga ang pagpapakita ng Anak ng tao sa katawang-tao, magpapahayag Siya ng maraming katotohanan at malinaw na maipapaliwanag ang pinagmulan at layunin ng pagpapakita at gawain ng Diyos gayundin para gawin ang isang yugto ng partikular na gawain sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan. Kaya’t, ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay ipinahayag ang lahat ng mga katotohanan para sa pagdadalisay at kaligtasan ng sangkatauhan at ginawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang binigkas na salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng katawang-tao para kumatok sa mga pinto ng lahat ng mga umaasam sa Kanyang pagpapakita. Ang mga nakadarama sa salita ng Makapangyarihang Diyos bilang katotohanan at tinig ng Diyos ay ang matatalinong dalaga na dinala sa harapan ng Diyos para dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Kinakain nila at iniinom ang pinakabagong salita ng Banal na Espiritu araw- araw, nararanasan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at talagang pinatutunayan na ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kaya’t nagsisimula silang magpatotoo sa iba’t ibang denominasyon at mga sekta na ang Panginoong Jesus ay nagbalik bilang ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao at hinahayang lumapit ang mga tao para makinig sa tinig ng Diyos, ibig sabihin, ang pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos–Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ito ang katuparan ng propesiya ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito, Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Ang mga hindi makakakilala sa tinig ng Diyos, na magkokondena at hahatol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay ang mga mangmang na dalaga na ibinunyag at inalis. Ang mga taong ito ay mananangis na nagtatagis ang mga ngipin sa kalamidad.
Tungkol sa pagsalubong sa Panginoon, kung magtutuon lamang tayo sa pagmamasid sa langit para sa pagbaba ng Panginoon sa ibabaw ng ulap nang hindi talaga nakikinig sa tinig ng Diyos at hinahangad ang talumpati ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, kundi pabulag na nakikinig sa salita ng mga pastor at mga elder, at magsasabi na ang lahat ng patotoo tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa katawang-tao ay hindi totoo, hindi ba natin sinasalungat ang Biblia? Ano ang sinasabi sa Biblia? The apostle John stated clearly: “Sapagka’t maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo” (2Juan 1:7). “At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanglibutan na” (1Juan 4:3). Naaayon ba sa Biblia ang pagkakaila at pagkondena ng mga pastor at elder ng relihiyon tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi nila na ang lahat ng mga patotoo tungkol sa pagbabalik ng Panginoon bilang pagkakatawang-tao ay mali. Di ba’t mapanlinlang ang mga salitang ito? Kung pagbabatayan natin ang mga salita ng apostol na si Juan, hindi ba’t ang mga pastor at mga elder ng relihiyon na nagtatatwa sa pagkakatawang-tao ay mga anticristo? Kung nakikinig ba kayong lahat sa mga walang-saysay na panlilinlang na ikinakalat ng mga pastor at elder, magagawa n’yo bang batiin ang Panginoon? Masasaksihan n’yo ba ang pagpapakita ng Diyos? Madadala ba kayo sa harapan ng Diyos tulad ng matatalinong dalaga?
Paano nga ba matatagpuan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi naglalaman ng sustansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat natukoy ito ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang sustansya. At sa gayon, sa pagtukoy[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyan-pansin ang Kanyang sustansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba) sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pansinin ang Kanyang sustansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao”.
“Dahil tayo ay naghahanap ng mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, dahil ang mga salita ng Diyos, ang mga sinambit ng Diyos— na kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ Nang maraming tao ang nakatanggap ng katotohanan, sila ay hindi naniniwala na nahanap nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi nila tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at Kanyang sariling mga paraan. Hindi mahalaga sa Kanya na ipaalam ang Kanyang mga gawain kasama ang tao o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang sabihin sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos at, bukod dito, dapat tanggapin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at nais ninyong sundan ang mga yapak ng Diyos, nararapat niyo munang lampasan ang inyong kaisipan. Hindi niyo dapat ipag-utos na dapat gawin ng Diyos ito o iyon, mas lalo na ilagay mo Siya sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa iyong sariling mga pagkaintindi. Bagkus, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano niyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan”).
mula sa iskrip ng pelikulang Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian sa Langit
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay binabasang “bilang para.”