Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Pahayag 20:11-15).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati-ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos-ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagáwâ nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di-kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal, aalingawngaw ito hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong nakakatakot at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong tagpo ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawa’t tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga tao, at sa buong panahong ito ikaw ay mahimbing na natutulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni’t ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na.
… Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman.
Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”
Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at higit sa lahat, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nananatiling hindi nagbabago; gayundin ang kanyang puso, at ang mga araw ay dadaan gaya ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating kalagitnaan katulad ng isang karaniwang tao, katulad ng isang hamak na tagasunod at karaniwang mananampalataya. Siya ay may sariling mga gawain, Kanyang sariling mga layunin, at higit sa lahat, Siya ay may pagka-Diyos na wala sa kahit na sinong karaniwang tao. Walang sinuman ang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos, at walang sinuman ang nakaramdam ng kaibahan ng Kanyang diwa at sa kung ano ang sa tao.
mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo”
Ang ilan ay naniniwala na ang Diyos ay maaaring minsan pumarito sa lupa at magpakita sa tao, kung saan ay hahatulan Niya mismo ang buong sangkatauhan, sinusubukan ang bawat isa na walang sinuman ay malalampasan. Ang mga nag-iisip sa ganitong paraan ay hindi alam ang yugto na ito ng gawain ng pagkakatawang-tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga tao nang isa-isa, at hindi sinusubukan ang tao nang isa-isa; ang paggawa ng gayon ay hindi magiging gawain ng paghatol. Hindi ba ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan ay pare-pareho? Hindi ba ang diwa ng tao ay magkakapareho? Ang hinuhusgahan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng mga kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang ginagawa ng walang kapararakan at walang kabuluhang mga kamalian ng tao. Ang gawain ng paghatol ay kumakatawan, at hindi isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, ito ay gawain kung saan ang isang grupo ng mga tao ay hinahatulan upang kumatawan sa paghatol ng lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos sa katawang-tao ay ginagamit ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, kung saan pagkatapos ito ay unti-unting lalaganap. Ang gawain ng paghatol ay ganoon din. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na grupo ng tao, ngunit hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan-pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o panggugulo sa gawain ng Diyos, at iba pa. Ang hinuhusgahan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng nagkatawang-taong Diyos na nasaksihan ng tao ay gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na kung saan ay naisip ng tao sa mga panahon na nakaraan. Ang gawain na kasalukuyang ginagawa sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos ay eksaktong ang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Ang nagkatawang-taong Diyos sa panahon ngayon ay ang Diyos na humahatol sa buong sangkatauhan sa mga huling araw. Ang katawang-tao na ito at ang Kanyang gawain, salita, at buong disposisyon ay ang kabuuan Niya. Kahit na ang saklaw ng Kanyang gawain ay limitado, at hindi direktang nalalakip ang buong sansinukob, ang diwa ng gawain ng paghatol ay ang direktang paghatol sa lahat ng sangkatauhan; ito ay hindi lamang isinasagawa na gawain sa Tsina, o para sa isang maliit na bilang ng mga tao. Sa panahon ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, kahit na ang saklaw ng gawain na ito ay hindi kalakip ang buong sansinukob, ito ay kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob, at pagkatapos Niyang tapusin ang gawain sa loob ng gawaing saklaw ng Kanyang katawang-tao, agad Niyang palalawakin ang gawain na ito sa buong sansinukob, sa parehong paraan na ang ebanghelyo ni Jesus ay lumaganap sa buong sansinukob kasunod ng Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat. Hindi alintana kung ito ay ang gawain ng Espiritu o ang gawain ng katawang-tao, ito ay gawain na natupad sa loob ng isang limitadong saklaw, ngunit kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob. Sa panahon ng mga huling araw, nagpapakita ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain gamit ang Kanyang nagkatawang-taong pagkakakilanlan, at ang Diyos sa katawang-tao ay ang Diyos na hahatol sa tao sa harap ng malaking puting trono. Hindi alintana kung Siya ang Espiritu o ang katawang-tao, Siya na gumagawa ng gawain ng paghatol ay ang Diyos na hahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw. Ito ay inilalarawan ayon sa Kanyang gawain, at hindi inilalarawan ayon sa Kanyang panlabas na anyo o iba pang mga kadahilanan. Kahit ang tao ay may mga pagkaintindi sa mga salitang ito, walang sinuman ang maaaring tumanggi sa katotohanan ng paghatol at paglupig ng nagkatawang-taong Diyos sa lahat ng sangkatauhan. Hindi alintana kung paano ito tinatasahan, ang mga katunayan ay, sa kabila ng lahat, mga katunayan. Walang sinuman ang maaaring sabihin na “Ang gawain ay ginawa ng Diyos, ngunit ang katawang-tao ay hindi Diyos.” Ito ay kalokohan, dahil ang gawain na ito ay maaaring gawin lamang ng Diyos sa katawang-tao. Dahil ang gawain na ito ay ginawang ganap, ang susunod sa gawain na ito ang gawain ng paghatol ng Diyos sa tao ay hindi lilitaw sa pangalawang pagkakataon; ang pangalawang nagkatawang-taong Diyos ay tinapos na ang lahat ng mga gawain ng buong pamamahala, at walang magiging ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao”
Ang kasalukuyang mapanlupig na gawa ay gawaing sinadyang gawing maliwanag ang magiging katapusan ng tao. Bakit ko sinasabi na ang pagpaparusa at paghatol ngayon ay ang mga paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang mapanlupig na gawa ay ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay ginawa para ihayag kung ano ang kahahantungan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa loob ng mapanlupig na gawa ukol sa pagpaparusa at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at gayon uriin pagkatapos nito? Sa halip na sabihing ito ay ang paglupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahahantungan ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at gayon ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon mapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang mapanlupig na gawa ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at masasalubong ang sakuna. Gayon, ang tao ay uuriin ayon sa klase, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mga mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman.
mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”
Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang Diyos na nagkatawang-tao-ang Makapangyarihan sa lahat. Makatatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay. Makikita nila ang pangitain na hindi nakita ng mga tao nang nakaraan: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” (Pahayag 1:12-16). Ang pananaw na ito ay ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang ganoong pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos nang Siya ay nagkatawang-tao sa panahong ito. Sa mga dagsa ng mga pagpaparusa at mga paghuhukom, ang Anak ng Tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng Tao na nakita ni Juan. (Mangyari pa, ang lahat ng ito ay hindi makikita ng mga taong hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng Tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng Tao, pagkat ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabibigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Kapag naranasan ng tao ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, samakatwid malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga kandelero: “At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang halong pag-aalinlangan na itong karaniwang laman na nagbigkas ng napakaraming mga salita ay tunay na ikalawang Diyos na nagkatawang-tao. At tunay mong madarama kung gaano ka pinagpala, at mararamdaman na ang sarili mo ay napakapalad. Hindi ka ba magiging handa na tanggapin ang biyayang ito?
mula sa “Punong Salita”
Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos. Maraming may ‘di-kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na ang Diyos ay magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol. Gayunpaman, kailangang sabihin Ko sa iyo na kadalasan ang gawain ng Diyos ay lumalampas nang labis sa mga inaasahan ng tao at mahirap para sa mga isipan ng mga tao na tanggapin. Sapagka’t ang mga tao ay mga uod lamang sa lupa, samantalang ang Diyos ay Siyang kataas-taasang Isa na pumupuno sa sansinukob; ang isipan ng tao ay katulad lamang ng isang balon ng maruming tubig na nagdudulot lamang ng mga uod, samantalang ang bawa’t yugto ng gawain na pinapatnubayan ng mga kaisipan ng Diyos ay pagdadalisay ng karunungan ng Diyos. Patuloy na hinahangad ng tao na makipaglaban sa Diyos, kung saan ay sinasabi Ko na hayag na hayag kung sino ang magdurusa ng kawalan sa katapusan. Ipinapayo Ko sa inyong lahat na huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na mas mahalaga kaysa ginto. Kung kaya ng iba na tanggapin ang paghatol ng Diyos, kung gayon bakit hindi mo kaya? Gaano ka na ba kataas kaysa iba? Kung kaya ng iba na magyuko ng ulo sa harap ng katotohanan, bakit hindi mo rin magawa ang ganoon? Ang gawain ng Diyos ay mayroong hindi-mahahadlangang bilis ng pagtakbo. Hindi na Niya uuliting muli ang gawain ng paghatol para sa kapakanan ng iyong “mga katangian,” at walang-hangganan mong pagsisisihan ang pagkawala ng ganoon kagandang pagkakataon. Kung hindi mo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, kung gayon maghintay ka na lamang sa dakilang puting luklukan sa langit na magpasa ng paghatol sa iyo! Kailangang malaman mo na lahat ng mga Israelita ay tinanggihan at itinatwa si Jesus, at gayunman ang katunayan ng pagtubos ni Jesus sa sangkatauhan ay lumaganap pa rin hanggang sa mga dulo ng sansinukob. Hindi ba ito isang katunayan na matagal nang ginawa ng Diyos? Kung naghihintay ka pa rin kay Jesus na dalhin ka paakyat sa langit, kung gayon ay sinasabi ko na isa kang sutil na piraso ng tuyong kahoy.[a] Hindi kikilalanin ni Jesus ang isang huwad na tagasunod na kagaya mo na hindi tapat sa katotohanan at naghahangad lamang ng mga biyaya. Sa kabaligtaran, hindi Siya magpapakita ng awa sa pagbubulid sa iyo sa dagat-dagatang apoy upang masunog sa loob ng sampu-sampung libu-libong taon.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”
Mga Talababa:
a. Isang piraso ng tuyong kahoy: isang kawikaang Tsino, ibig sabihin “walang pag-asa.”