Isang Pag-uusap sa Facebook:Ano ang Tunay na Pagsunod sa kalooban ng Diyos?
Ni Xiaowei
Pagkatapos kumain ng almusal, binuksan ni Yeqi ang computer niya at nag-log on sa Facebook. Hinanap niya ang account ni Lina na kanyang kaibigan, at habang lumigid ang mga daliri niya sa buong keyboard, nagtanong siya, “Online ka ba? May tanong sana akong gusto kong pag-usapan natin. Ngayong umaga, sa pagbasa ko ng pangdebosyon ko, nakita ko ang bersikulong ito, ‘Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’