4.8.19

Isang Pag-uusap sa Facebook:Ano ang Tunay na Pagsunod sa kalooban ng Diyos?

Isang Pag-uusap sa Facebook:Ano ang Tunay na Pagsunod sa kalooban ng Diyos?

Ni Xiaowei

Pagkatapos kumain ng almusal, binuksan ni Yeqi ang computer niya at nag-log on sa Facebook. Hinanap niya ang account ni Lina na kanyang kaibigan, at habang lumigid ang mga daliri niya sa buong keyboard, nagtanong siya, “Online ka ba? May tanong sana akong gusto kong pag-usapan natin. Ngayong umaga, sa pagbasa ko ng pangdebosyon ko, nakita ko ang bersikulong ito, ‘Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan
(Mateo 7:22-23). Iniisip ko ‘yong tungkol sa mga salita ng Diyos, at medyo nalito ako. Bakit sinasabi ng Panginoon na ang mga nanalangin, nangaral, nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kahanga-hangang gawain sa Kanyang ngalan ay hindi lamang sa walang pagsang-ayon ng Panginoon, kundi talagang tinawag pa sila ng Panginoon na mga manggagawa ng kasamaan? Ano bang nangyayari dito? Napagtanto ko ito, na sa nakaraan, gaya lang ng mga tao na ito, naglakbay na ako upang ipalaganap ang ebanghelyo sa kabila ng hangin at ulan, masigasig na gumugol para sa Panginoon, at nagbigay ng ikasampung bahagi ng kita ko bilang ikapu. Naisip kong ito ang paggawa ng kalooban ng Diyos, at sa wakas matatanggap ang pagsang-ayon ng Panginoon. Ngunit ngayon, talagang hindi ako nakatitiyak tungkol sa mga tanong na ito, at hindi ko alam kung paano ko dapat tingnan ang isyu.”

Isang Pag-uusap sa Facebook Ano ang Tunay na Paggawa ng Kalooban ng Ama

Sa ilang sandali, isang abiso ang lumabas sa computer, at nakita ni Yeqi na nagpadala nang mensahe si Lina. Mabilis niyang binuksan ito. Sinabi nito, “Kakapasok ko lang sa online at nakita ang mensahe mo. Napakahalaga ng katanungan mo, isang tuwirang may-kaugnayan kung makakamit ang pagsang-ayon ng Panginoon at makapasok sa kaharian ng langit. Ngunit, napakalimitado ng pagkaunawa ko, kaya tungkol dito kakaunti lang ang masasabi ko ayon sa sarili kong mga pananaw, at pagkatapos tatalakayin natin ang mga ito.

“Maraming kapatid na mga lalaki at babae sa Panginoon ang pinanghahawakan ang pananaw na kung matatalikuran nila ang lahat upang gumugol para sa Panginoon, magdusa at magsakripisyo upang ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon, at paninindigan ang mga bagay na ito hanggang sa katapusan, matatamo nila ang pagsang-ayon ng Panginoon, at kapag bumalik ang Panginoon, itataas sila upang pumasok sa kaharian ng langit. Ngunit ang pananaw bang ito ay naaangkop sa kalooban ng Diyos? Alalahanin na ang mga Fariseo ay naglakbay sa lahat ng panig ng mundo upang ipalaganap ang ebanghelyo, paglingkuran ang Diyos sa templo sa kabila ng panahon, mainit, o malamig, at gumawa ng mabubuting gawa. Natanggap ba nila ang pagsang-ayon ng Panginoon? Mukhang hindi! Alam nating lahat na kahit na ang mga Fariseo ay nagmukhang nagdurusa nang matindi at nagbabayad ng masyadong malaking halaga upang ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa anyo ng Panginoong Jesus upang gawin ang gawain ng pagtutubos sa sangkatauhan, nanindigan sila sa kanilang mga sariling pagkaintindi at imahinasyon, nilabanan at isinumpa ang Diyos, at sinulsulan pa ang mga karaniwang tao na ipako sa krus ang Panginoong Jesus upang protektahan ang kanilang sariling katayuan at mga kita. Nagpapatunay ito na bagaman ang isang tao ay maaaring magpakita para magdusa, magsakripisyo, at gumawa ng mabubuting gawa, hindi ito kumakatawan na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos, ni hindi kumakatawan ito na nakikilala o sinusunod nila Diyos!

“Kung gayon tingnan sa gitna nating mga mananampalataya sa Diyos sa ngayon. Bagaman marami sa atin ang tinalikuran ang ating mga tahanan at karera, paggawa at trabaho, paglalakbay sa hangin at ulan, at ang pagdurusa nang husto, tunay ba tayong kaayon sa puso ng Diyos at ginagawa ang mga bagay na ito dahil sa pagmamahal sa Diyos? Ang ilang tao ay naniniwala na kung gumagawa sila para sa Panginoon, gagawaran sila ng kapayapaan at kagalakan, at matitiyak na ligtas at nasa mabuting kalagayan ang kanilang mga pamilya. Dahil ang kanilang intensiyon ay magkamit ng mga pagpapala, kapag humaharap sa mga kahirapan, pagsubok, at kalamidad, hindi nila nauunawaan at sinisisi ang Panginoon, o sa malulubhang kaso iniiwan pa o pinagkakanulo Siya. May iba pa, na habang gumugugol sila para sa Diyos, nagpapakasawa rin sila sa kanilang makamundong pagnanasa, nagsisinungaling at nanlilinlang upang pagsilbihan ang kanilang sariling mga interes, nagsasalita lamang ng tungkol sa magagandang aspeto ng kanilang mga sarili sa harap ng kanilang mga kapatid na lalaki at babae, at hindi kailanman sinasabi ang kanilang totoong kalagayan sa sinuman, inihaharap ang isang huwad, nakakalito, at mapanlinlang na imahe ng kanilang mga sarili. Ang iba pa rin ay gumagawa at nagbibigay ng mga sermon upang itayo ang isang imahe at posisyon para sa kanilang mga sarili. Naghahangad sila upang gawin ang iba na tingalain ang kanilang mga sarili, na may resulta na dinadala nila ang iba pa sa kanilang harapan, at ang mga kapatid na lalaki at babae ay sumasamba sa kanila samantalang walang lugar ang Diyos sa kanilang mga puso …. Paano bang ang ganitong mga tao ay magiging kaayon sa kalooban ng Diyos? Napakaraming karumihan sa loob natin, gayon man nagsasabi pa rin tayo na gumagawa ng kalooban ng Diyos. Hindi ba ito pagkukunwari? Hindi ba ito panlilinlang at paglalapastangan sa Diyos? Kaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’ (Mateo 7:22-23). Sa pamamagitan nito, malinaw na sinasabi sa atin ng Panginoon ang ibig sabihin ng Kanyang kalooban, na kinamumuhian Niya ang pagpapakita ng paggugol at pagbabayad ng halaga kung saan dinadala ang lahat ng sari-saring maling intensiyon at karumihan.”

Masyadong naantig si Yeqi nang nabasa niya ang pagkakaunawa ni Lina. Ang nagpapakita upang gumugol, magbayad ng halaga, at magdusa nang matindi para sa Diyos, habang mayroong maraming karumihan at maling intensiyon sa loob natin—ito ang ating tunay na kalagayan! Naisip niya kung paano siya sabik na gumugol para sa Panginoon at nagtiis ng maraming pagdurusa, ngunit ginawa niya ito upang matamo ang mga pagpapala ng Panginoon, upang titiyakin na ligtas ang kanyang pamilya at maayos ang karera niya, at kapag bumalik ang Panginoon, maitataas siya sa kaharian ng langit. Kapag nangyari ang mga bagay na laban sa kanyang mga kagustuhan o nagkaroon ng mga kahirapan ang pamilya niya, ginamit niya ang halaga ng kanyang sakripisyo bilang puhunan para makipagtalo ng mga kondisyon sa Diyos, sisihin ang Panginoon, at naghimagsik laban sa Panginoon. Ang pagbabayad ng halaga at paggugugol sa ganitong paraan ay tunay na hindi kailanman magtatamo ng pagsang-ayon ng Panginoon! Ang isinumpa ng Panginoon ay hindi ang ating sakripisyong panlabas, kundi ang mga maling intensiyon sa ating mga puso. Iyan ang mga kinamumuhian ng Panginoon.

Pagkaraan ng sandaling pag-iisip, nagpadala si Yeqi ng isang mensahe kay Lina, “Pagkatapos kong basahin ang iyong sagot, masyado akong naantig. Ngayon sa wakas naunawaan ko kung bakit ang pangangaral at gawain para sa Panginoon ay nagdulot lamang ng Kanyang poot at mga sumpa. Ito ay dahil mayroong masyadong maraming intensiyon at karumihan sa loob natin. Kapag naglilingkod tayo sa Diyos na may mga intensiyon at karumihan sa loob natin, napopoot dito ang Diyos, at hindi talaga ito umaayon sa Kanyang kalooban. Kaya, paano natin dapat isagawa na matamo ang pagsang-ayon ng Panginoon?

Sumagot si Lina, “Tingnan natin ang ilang bersikulo sa Biblia patungkol sa tanong na ito. Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit’ (Mateo 7:21). ‘Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko’ (Juan 8:31). ‘Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita…. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita’ (Juan 14:23-24). ‘Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos’ (Mateo 22:37-38). Mula sa mga salita ng Panginoon, nakikita natin na tanging ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama ang makakapasok sa kaharian ng Diyos. Tunay nga na ang paggawa sa kalooban ng Ama ay nangangahulugan ng pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon, pagsasakatuparan ng mg utos ng Panginoon, paggugol at paggawa ayon sa mga pangangailangan ng Panginoon, at paghahangad ng pag-ibig ng Diyos at pagbibigay kasiyahan sa Diyos sa lahat ng bagay. Ang mga tunay na gumagawa ng kalooban ng Ama, hindi alintana kung ang gawain at mga salita ng Diyos ay umaayon sa kanilang sariling mga pagkaunawa, ay ganap na makakasunod sa Diyos, magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, maghandog ng kanilang katapatan upang matapos ang ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila, hindi naghahanap sa Diyos na madagdagan pa ang kanilang personal na mga interes, hindi nagtatangkang makipag-kalakalan sa Diyos, at ilagay sa panganib pati ang kanilang mga buhay upang magpatotoo para sa Diyos. Ang mga taong katulad nito ay kaayon ng kalooban ng Diyos, at ang mga tao na natatamo ang pagsang-ayon ng Diyos.

Tulad lang ito nang hiningi ng Diyos kay Abraham na ialay ang minamahal niyang anak sa Kanya bilang isang sakripisyo, kahit na ang pangangailangang ito ay hindi angkop sa mga pagkaunawa niya, sinunod pa rin ni Abraham ang mga salita ng Diyos, hindi nakipagtalo, at taos pusong inialay upang ibalik si Isaac sa Diyos. Si Abraham ay may ganap na pagsunod sa Diyos. Katulad din ni Job, na hindi lamang isang tao na takot sa Diyos at lumayo sa kasamaan sa araw-araw ng buhay niya. Nang ang kayamanan at mga anak niya ay kinuha sa kanya sa panahon ng kanyang mga pagsubok, at hindi niya naunawaan ang kalooban ng Diyos, pipiliin pa niyang isumpa ang araw ng kanyang kapanganakan kaysa sa sisihin ang Diyos, at niluwalhati pa rin niya ang banal na pangalan ng Diyos. Walang pangangalakal o palitan sa pagsamba sa Diyos ni Job. Ano pa man ang ibinigay o kinuha ng Diyos, nagawa ni Job na magpatuloy sa pagtupad ng mga turo ng Diyos—matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Nariyan din si Pedro, na sumunod sa Panginoong Jesus sa buong buhay niya, at isinagawa kung ano ang ipinagkatiwala ng Panginoon sa kanya, “Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? … Alagaan mo ang aking mga tupa” (Juan 21:16). Natandaan niya ang mga salita ng Panginoong Jesus, hinangad ang pag-ibig ng Diyos at pagbigay ng kasiyahan sa Diyos sa lahat ng bagay, mahigpit na tinupad ang gawain ng pagpapastol sa iglesia ayon sa kalooban at pangangailangan ng Panginoon, at sa wakas ipinako sa krus na nakabaligtad, sumusunod hanggang kamatayan at minamahal ang Diyos nang sukdulan. Lahat silang mga tao na tunay na natakot at sumunod sa Diyos, at ang ganitong mga tao ang tunay na magagawa ang kalooban ng Ama. Kaya nga, ang paggawa ng kalooban ng Ama ay hindi tumutukoy sa pagpapakita ng pagtalikod at paggugol para sa Diyos, nangangahulugan ito ng pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay, paghahangad sa pagmamahal ng Diyos at pagbibigay ng kasiyahan sa Diyos, at pagkakaroon ng ganap na pagsunod at katapatan sa Diyos. Ito ang dapat nating isagawa at pasukin din.”

Tinitigan ni Yeqi ang computer screen niya, nabitag sa pag-isip ng mahabang panahon. Hindi kailanman niya naisip na sa kabila ng lahat ng taon niya ng paniniwala, ngayon lamang niya matutuklasan kung ano ang ibig sabihin na magawa ang kalooban ng Ama. Masaya siyang magawang maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan, ngunit nakilala rin na masyadong maraming karumihan sa kanyang gawain para sa Panginoon. Nais niyang ipagkanulo ang kanyang mga maling intensiyon, sundin ang mga halimbawa nina Job at Pedro, hanapin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, isagawa ayon sa salita ng Diyos, ipagpatuloy ang pagsunod at pagmamahal sa Diyos, at maging isang tao na gumagawa ng kalooban ng Ama. Nang napag-isip-isip niya iyon, nagpadala siya kay Lina ng isang malaking smiley face …