Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paniniwala. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paniniwala. Ipakita ang lahat ng mga post

4.12.19

Paano Ko Pinalaya Ang Aking Sarili Mula Sa Pang-akit ng Pera (II)

kapalaran, Mga Patotoo, paniniwala, prayers to God, Relasyon sa Diyos, soberanya,


Ni Su Xing, Tsina

Matapos isantabi ang aking mga ninanais at magsanay sa tamang kilos, nakahanap ako ng magandang trabaho.

Kahit kakaunti lang ang naiintindihan ko tungkol sa paggamit ni Satanas sa pananaw na “Pera ang una” para lasunin ang mga tao, at mayroon din akong lakas na talikdan iyon at tumigil sa pamumuhay nang naaayon doon, hindi ko pa rin magawang tuluyang makatakas mula sa kontrol niyon sa tunay na buhay habang naghahanap ng trabaho.

3.12.19

Paano Ko Pinalaya Ang Aking Sarili Mula Sa Pang-akit ng Pera (I)

 paniniwala, Relasyon sa Diyos, soberanya, kapalaran, prayers to God, finding God


Ni Su Xing, Tsina

       Naakit ng pera, umalis ako sa bahay upang magtrabaho.

Noong una akong nanampalataya sa Panginoon, wala akong masyadong pera o umaapaw na mga materyal na bagay, ngunit natamo ko ang kaligtasan ng Panginoong Hesus.

14.5.19

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos-Sa Pananampalatayang Katoliko: Alam mo ba ang Misteryo sa Likod ng Pangalan ng Diyos


Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos-Sa Pananampalatayang Katoliko: Alam mo ba ang Misteryo sa Likod ng Pangalan ng Diyos



Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos ang pangalang Yahweh; sa Kapanahunan ng Biyaya, kinuha Niya ang pangalang Jesus, at sa Aklat ng Pahayag pinopresiya na magkakaron uli ng bagong pangalan ang Diyos. Bakit nagbabago ng pangalan ang Diyos? Halos pagsarhan ko ng pinto ang pagbabalik ng Panginoong Jesus dahil hindi ko naiintindihan ang aspetong ito ng katotohanan. Pero sa huli, matapos ang panahon ng paghahanap at pag-iimbestiga, sa wakas naunawaan ko ang mga misteryo sa likod ng pangalan ng Diyos at sinalubong ko ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.

Itinatagong Paniwala, Pinagsasarhan ng Pinto ang Diyos
Noong Setyembre 2017, isang kaibigan ko ang nag-imbita sa isang Brother Yang para magbahagi ng isang sermon sa amin. Nung araw na ‘yon pumunta ako nang maaga sa pinag-usapang lugar at matapos magbatian ang lahat, sinimulan na namin ang pag-aaral ng Biblia.

27.4.19

Pagkilala kay Cristo-Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay

Pagkilala kay Cristo-Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay



(Lu 24:30–32) At nangyari, nang siya’y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya’y nakilala nila; at siya’y nawala sa kanilang mga paningin. At sila-sila’y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?

(Lu 24:36–43) At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.

21.4.19

Pinakahuli Mga Video-Kapag Mayroon kang Pananampalataya Gagawin kang Perpekto ng Diyos



Pinakahuli Mga Video-Kapag Mayroon kang Pananampalataya Gagawin kang Perpekto ng Diyos




“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.” (Marcos 11:24).

“... mula lamang sa loob ng iyong pananampalataya makakaya mong makita ang Diyos, at kapag mayroon kang pananampalataya gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung walang pananampalataya, hindi Niya magagawa ito. Ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang anumang inaasahan mong makamtan. Kung wala kang pananampalataya, hindi ka maaaring magawang perpekto at hindi mo makakayang makita ang mga pagkilos ng Diyos, lalo na ang Kanyang pagiging Makapangyarihan-sa-lahat.”

29.3.19

Pagbalik sa Diyos-Matapos Ang Desperadong Paghahangad na Bumaba ang Diyos mula sa mga Ulap, Sa Wakas ay Nakasama Ko na Siyang Muli (II)


Ni Wen Zhong
Salamat at pinakinggan ng Panginoon ang dalangin ko. Makalipas ang ilang araw, bumalik muli ang kaibigan ko. Malugod ko siyang tinanggap at sinabi sa kanya ang tungkol sa naranasan ko kamakailan lang, mga iniisip, at pagkalito. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay, at nasasabik na sinabing, “Salamat sa Panginoon. Hangga’t mayroon tayong puso na naghahanap, lilitaw sa harap natin ang Panginoon. Tungkol sa tanong mo, basahin natin ang ilan sa mga taludtod ng mga propesiya sa Biblia at pagkatapos ay maiintindihan mo iyon.” Nakahanap siya ng dalawang taludtod para basahin ko, “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” Pagkatapos ay nagbahagi pa siya: “Dahil sinasabi nitong ‘Anak ng tao’ ay tinutukoy nito ang nagkatawang-tao na Diyos. Kung Siya ay isang Espiritu, hindi Siya maaaring tawaging ‘Anak ng tao.’ Ang espirituwal na katawan ng Panginoong Hesus matapos Siyang mabuhay muli ay kayang tumagos sa mga dingding, at mawala sa iyong paningin at bumalik muli. Hindi iyon pangkaraniwan. Kaya hindi Siya maaaring tawaging ‘Anak ng tao.’ Ang dahilan kung bakit tinawag ang Panginoong Hesus na ‘Anak ng tao’ at ‘ Kristo’ ay dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos. Ang ‘pagdating ng Anak ng tao’ na sinabi ng Panginoon Hesus ay nangangahulugan na lihim Siyang babalik muli sa mga huling araw bilang nagkatawang-taong Diyos.

26.3.19

Pag-aaral ng Biblia-Job 42:2

|

Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil.

-Job 42:2

Mga Saloobin na Talata sa Linggong na ito…

Ito ang mga salitang sinabi ni Job sa Diyos nang ang Diyos ay magpakita sa kanya. Sa pagbasa ng bersikulong ito, nawawala ako sa sarili napaisip ng malalim : Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos.

Wala pang Biblia sa panahong iyon at hindi nakikipagpulong si Job sa iba, ngunit paano niya nadarama ang pag-iral ng Diyos, makita ang Kanyang kapangyarihan at malaman ang Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay? Ito ay nakatala sa Job, “Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa. Narito, siya’y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya’y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan. Narito, kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo; muli, kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa” (Job 12:13-15). “Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa? Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig. Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin. Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat. Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan. Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang”(Job 9:4-10). “Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon. Sapagka’t tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit; Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan. Nang siya’y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog”
(Job 28:23-26)

19.3.19

Pamilya-Paano Natin Lalayuan ang Anino ng kataksilan sa Pagsasama ng Mag-asawa?


Kumusta mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot,

Dalawampung taon na akong kasal. Ang akala ko ay tapat kaming mag-asawa sa isa’t isa. Ngunit hindi inaasahan, nagtaksil ang aking asawa. Napakasama ng aking loob at hindi ko alam kung paano iyon haharapin. Nais kong itanong: Bakit napakahina ng pundasyon ng kasal? Paano ako makakatakas sa dalamhati?

Sumasaiyo,
Moyan

Kumusta Kapatid na Moyan,

Habang binabasa ang iyong liham, naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo ngayon dahil naranasan ko rin iyan. Sa madidilim na araw na iyon, kung hindi dahil sa paggabay ng mga salita ng Diyos, hindi ko malalaman kung paano tatahakin ang landas sa aking harapan. Ang paggabay ng mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin na maintindihan kung bakit napakarupok ng pagsasama ng mag-asawa, at hinayaan din ako niyong malaman ang ugat ng pagdurusa ng tao. Kalaunan, nagawa kong lumayo sa anino ng pagtataksil ng aking asawa.

Bata pa lamang ay magkasama na kami ng asawa ko, at marami kaming pagkakapareho sa interes at hindi matapus-tapos ang mga bagay na sasabihin sa isa’t isa. Hindi pumayag ang mga magulang ko na magpakasal ako sa kanya, ngunit nalagpasan namin ang lahat ng balakid at nanatiling magkasama. Matapos kaming ikasal, napaka-maalalahanin at maasikaso ang asawa ko sa akin. Naisip kong malalim ang damdamin namin para sa isa’t isa kung kaya’t palagi kaming magiging masaya. Ngunit marahas akong ginising ng katotohanan …

Nag-umpisang kumita ng mas malaki ang asawa ko at mas maraming nakakahalubilong tao, ngunit nangangahulugan din iyon na mas maraming mga mapagsamantalang kaibigafDiyosn sa paligid niya. Isang araw, aksidente kong nabuksan ang WeChat niya at nakakita ng mensahe. Doon ay may babae siyang tinawag na “honey.” Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ng mga sandaling iyon. Hindi matigil ang panginginig ko. Nangako siyang mamahalin ako sa buong buhay namin—paano niya nagawang tawagin ng ganoon ang ibang babae? Napakatagal na naming magkasama—paano niya ako nagawang pagtaksilan? Sa pagtatanong ko, umamin siya na nagkaroon siya ng ibang relasyon, at balewalang sinabi na hindi iyon malaking bagay at na marami sa mga katrabaho niya ang may kabit.

Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit. Galit, pagkapahiya, at kawalan ng magawa ang naramdaman ko. Hindi ko mapigilan ang sakit sa aking puso, at luhaang humiyaw.

17.3.19

Edukasyon ng mga Bata-Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)


Edukasyon ng mga Bata-Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)



Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata. Bagaman medyo mahal nang kaunti ang matrikula, hangga’t ang mga bata ay nalilinang nang mas maayos at nakakakuha sila ng mas mahusay na edukasyon, sulit ang paggastos ng mas maraming pera.

14.3.19

Paano makakapagbuo ng normal na kaugnayan sa Diyos ang isang tao?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos.

6.3.19

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)

Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan

Isang gabi, naglilinis ng kanyang bahay si Jingru.

“Kring, kring.” Nagsimulang tumunog ang telepono. Sinagot niya ito at isang kakaiba ngunit pamilyar na boses ang kanyang narinig: “Hello! Si Wang Wei ito. Nasa bahay ka!”

“Wang Wei?” Medyo nabigla si Jingru: Bakit siya napatawag ngayon makalipas ang napakaraming taon?

“Oo … nasa bahay ako. Ano’ng meron?” tanong ni Jingru sa pagkagulat.

“Antagal na nating ‘di nagkita. Gusto kitang ipasyal. Papunta na ako sa inyo at malapit na ako. Antayin mo na lang ako sa may pintuan!” sabi ni Wang Wei.

Matapos niyang ibaba ang telepono, bumilis ang tibok ng puso ni Jingru, at bumalik ang mga ala-ala niya noong mga panahon nila sa paaralan …

3.3.19

Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?

Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay…” (Juan 14:6)
“…ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa” (Juan 14:10).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi naglalaman ng sustansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat natukoy ito ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang sustansya.