6.3.19

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)

Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan

Isang gabi, naglilinis ng kanyang bahay si Jingru.

“Kring, kring.” Nagsimulang tumunog ang telepono. Sinagot niya ito at isang kakaiba ngunit pamilyar na boses ang kanyang narinig: “Hello! Si Wang Wei ito. Nasa bahay ka!”

“Wang Wei?” Medyo nabigla si Jingru: Bakit siya napatawag ngayon makalipas ang napakaraming taon?

“Oo … nasa bahay ako. Ano’ng meron?” tanong ni Jingru sa pagkagulat.

“Antagal na nating ‘di nagkita. Gusto kitang ipasyal. Papunta na ako sa inyo at malapit na ako. Antayin mo na lang ako sa may pintuan!” sabi ni Wang Wei.

Matapos niyang ibaba ang telepono, bumilis ang tibok ng puso ni Jingru, at bumalik ang mga ala-ala niya noong mga panahon nila sa paaralan …

Hindi lamang lumaking maganda si Jingru, pero matataas rin ang kanyang mga marka, at maraming lalaki sa paaralan, kabilang na si Wang Wei, ang nanligaw sa kanya. Upang makapasok sa mundo ni Jingru, ginawa ni Wang Wei ang lahat ng mga uri ng paraan mapalapit lamang sa kanya, tulad ng pagpasa ng mga mensahe, pagsulat at pagbibigay ng mga regalo na nagpapahayag ng kanyang nararamdaman para sa kanya. Ngunit si Jingru ay isang masunurin, at matinong babae, at ayaw rin niyang maapektuhan ang kanyang pag-aaral o biguin ang mga inaasahan ng kanyang mga magulang dahil sa isang emosyonal na paggambala, kaya lagi siyang parang manhid sa harap ng masugid na panliligaw ni Wang Wei. Ngunit hindi basta-bastang sumuko si Wang Wei dahil lamang sa panlalamig ni Jingru, at makalipas ang ilang taon ay patuloy pa rin siya sa kanyang panunuyo tulad nang dati nitong ginagawa. Dahil sa pagtitiyaga ni Wang Wei ay bahagyang lumambot ang puso ni Jingru. Di nagtagal, ilang babaeng kaklase ang nagsimulang mapalapit kay Wang Wei, at sinusundan nila siya buong araw. Ang pusong panatag ni Jingru ay nagsimulang kabahan, at naisip niyang magagamit niya ang pangyayaring ito upang subukin si Wang Wei nang isang semestre; kung hindi siya matitinag sa paghahabol ng mga babaeng ito at patuloy pa rin siya sa kanyang panliligaw, sasagutin niya na si Wang Wei …

“Beep beep!” Nagulantang si Jingru sa tunog ng busina. Nasa labas na si Wang Wei.

Sumakay si Jingru sa kanyang sasakyan, at kaharap ng matagal na hindi pagkikitang ito, at hindi inaasahang pagtatagpo, pareho silang natulala sa katahimikan.

Paikut-ikot sila, at parehong naalangan sa isat-isa.

Matapos ang ilang sandali, pinutol ni Wang Wei ang katahimikan. “Umm … kamusta ka na?”

“Mabuti naman, salamat.” Marahang sagot ni Jingru.

“Nasaan ka nitong mga nakaraang taon? Hindi kita mahanap. Parang bigla ka na lang nawala sa mundo. Nagkataon lang na nakita ko ang cellphone number mo nang hindi sinasadya saka lang kita natawagan, kung hindi nangyari ‘yon, hindi ko alam kung kailan na ulit kita makikita!” saad ni Wang Wei, habang nagmamaneho at pabalik-balik nang tingin kay Jingru.

“Hindi naman ako umalis. Talagang naging abala lang ako sa trabaho, kaya hindi ako nakatawag o nakipagkita kaninuman sa inyo,” maingat na sagot ni Jingru.

Itinigil ni Wang Wei ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Pagkatapos ay sinabi niya kay Jingru kung ano ang nasa kanyang puso, at sa kanyang malalim na tinig ay may parehong kalungkutan at panghihinayang: “Palagi kita noong hinahabol sa paaralan. Sa loob ng limang taon ay niligawan kita! Ngunit palaging malamig ang pakikitungo mo sa akin, hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang lahat ng mga taon na ‘yon. Pagkaalis mo sa paaralan, pumasok ako sa isang paaralang militar, ngunit ikaw pa rin ang nasa isip ko sa lahat ng oras na naroon ako. Sa aking pagtatapos, hinanap kita kung saan-saan, ngunit hindi kita nakita. Sa wakas, dahil sa panggigipit mula sa aking pamilya ay nag-asawa ako, pero ikaw pa rin ang nasa puso ko, noon, ngayon at magpakailanman. Nang sa hindi ko inaasahang pagkakataon nakita ko ang cellphone number mo, isang salita lang ang pumasok sa isip ko: Panghihinayang. Nanghihinayang ako na hindi ako naghintay upang magpakasal, at hindi kita natagpuan kaagad … ”

Pagkarinig sa taos-pusong pag-amin ni Wang Wei, nakadama si Jingru ng isang mapait na kapighatian. Kung titingnan si Wang Wei ngayon, na may kaguwapuhan na kahit noon pa naman ay mukha na siyang mas magulang at marangal, sa kanyang pagkabigla, bumaling ang kanyang puso kay Wang Wei …

“Ah, ang panliligawa ko sa iyo sa lahat ng mga taong iyon at ang pagigiging malamig mo sa akin, nasadlak ako sa kadiliman, at pinili kong hintayin ang sagot mo nang isa pang taon, ngunit sa huli … ikaw ay ikaw pa rin, at ako ay ako pa rin. Sabihin mo sa akin, bakit palagi mo akong binabalewala noon sa paaralan? Ano ba ang palagay mo sa akin? Puwede mo bang sabihin sa akin?” tanong ng tila nasaktan na si Wang Wei.

Pagkarinig nito, nasaktan at nanghinayang rin si Jingru—nasaktan dahil sa katigasan ng kanyang puso noon at nasugatan niya ang puso ni Wang Wei, at panghihinayang dahil pinalampas niya ang pagkakataong maging sila ni Wang Wei dahil sa kanyang pagwawalang-bahala. Habang tumitingin kay Wang Wei, bumuntong-hininga si Jingru sa pag-iisip na sa lahat ng taong ito ay nasa sa isip pa rin siya ni Wang Wei. Naisip niyang hindi na siya bata at paanong hindi pa rin siya nakakahanap ng nababagay sa kanya, at kung paanong ang lahat ng kanyang mga kaibigan ay isa-isa nang nakapag-asawa, at siya na lamang ang natirang nag-iisa. Ninais niya ang isang kaparehang minamahal din siya, at maraming beses niyang pinangarap ang isang romantikong larawang magkasama silang magkasintahan na magkalapit sa isa’t-isa, at pinangarap rin niya ang kanyang sarili at si Wang Wei na magkasama…. Naisip din niya kung paanong patuloy na hinabol siya ni Wang Wei noon, at nanghinayang siyang hindi niya ito pinahalagahan. Ngayon ay hinahabol pa rin siya ni Wang Wei at ginusto rin niyang bumigay sa kanya, at maging katipan niya. Ngunit sabi ng kanyang katuwiran sa kanya: “Kasal na si Wang Wei! Bilang Kristiyano, dapat ay magpatotoo ka bilang isang Kristiyano. Hinding-hindi ka dapat maging mapusok na ipaalam ang tunay mong nararamdaman kay Wang Wei. Sa pamamagitan ng pagdadala ng iyong sarili ayon sa mga hinihingi ng Diyos ka lamang maaaring sumunod sa kalooban ng Diyos.” Ngunit ginugulo siya nang husto ng mga damdamin sa kaibuturan ng kanyang puso at ng kanyang katuwiran, at siya ay napighati.

Inayos ni Jingru ang kanyang magulong saloobin, at pinilit ang sariling magkunwari na parang walang maling nangyari, at sumagot siya kay Wang Wei: “Nang taong ‘yon, gusto kong subukan ka pa ng isang pang semestre. Kung hindi magbabago ang nararamdaman mo, at saka ko iisiping lumabas kasama ka. Pero noong naisip ko ang mga inaasahan ng mga magulang ko mula sa akin … siguro kapalaran na rin!”

Pinigilian ni Jingru ang kanyang mga nararamdaman nang sinabi niya ito, ngunit sobrang sakit ng nadarama niya. Kung kung maibabalik lang niya ang oras, tiyak na papayag siyang lumabas kasama si Wang Wei nang hindi nagdadalawang isip, at malamang ay wala sila sa sitwasyon nila ngayon. Ngunit ngayon, ang nagagawa na lamang gawin ni Jingru ay ang siguruhing mapigilan ang kanyang nararamdaman, at dahan-dahang nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang mukha. Natakot siyang makikita ni Wang Wei, kaya ibinaling niya ang kanyang mukha sa bintana. Naramdaman ni Wang Wei na umiiyak si Jingru, kaya dali-dali siyang kumuha ng tissue upang punasan ang kanyang mga mata.

Sa kanyang puso, tahimik na tinawag ni Jingru ang Diyos upang kalingain siya, nang sa gayon ay mapagtibay niya ang kanyang sarili upang hindi mahulog sa tukso at mawala ang patotoo ng isang Kristiyano. Kinuha niya ang tissue at sinabi, “Ako na.” Matapos niyang tuyuin ang kanyang mga luha, kinuha ni Wang Wei ang kanyang kamay at sinimulang ilagay ito sa kanyang balikat, at sa pagkakataong iyon, dahil sa sama ng kanyang loob, talagang kinailangan ni Jingru ng balikat na maiiyakan. Sa isang saglit, nawala sa ulirat si Jingru, at ninais niyang sumandal sa balikat na iyon, ngunit lumitaw sa kanyang isipan ang mga salita ng Diyos na nagtuturo at nagbibigay babala sa mga tao na: “Tungkol naman sa lahat ng tao na gumagawa ng masama (ang mga nangangalunya, o nangangasiwa ng maruming pera, o may malabong mga hangganan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, o gumagambala o naninira sa Aking pamamahala, o mga taong ang mga espiritu ay nahahadlangan, o sinasaniban ng masasamang espiritu, at marami pang iba—lahat maliban sa Aking hinirang), wala ni isa sa kanila na maiiwan, ni sinumang pawawalang-sala, kundi lahat ay itatapon sa Hades at mamamatay habampanahon!” (“Ang Ika-Siyamnapu’t Apat na Pagbigkas”).

Naramdaman ni Jingru na hinahatulan at sinisisi siya ng mga salita ng Diyos, at kaagad ay nagising siya mula sa kanyang kawalan ng ulirat. Malinaw niyang alam na ang Diyos ay banal, na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at hindi maaaring labagin, at ang lubos na kinamumuhian ng Diyos ay ang mga taong nakikibahagi sa kahalayan at walang malinaw na mga hangganan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Alam niyang kapag siya ay nagkamali sa pakikipag-relasyon sa mga kalalakihan, siya ay magiging marumi magpakailanman, at siya ay hahatulan, kasusuklaman at isusumpa ng Diyos, mawawala niya ang patotoo ng isang Kristiyano at mawawala ang pagliligtas ng Diyos. Alam ni Jingru na sa sandaling humakbang pa siya palapit kay Wang Wei, ay mawawala na siya nang tuluyan. Kaharap ng sitwasyong ito, nadama ni Jingru ang walang katapusang takot at pagkabalisa. Inisip niya na hindi lamang sa hindi siya maaaring gumawa ng anumang upang magkasala sa disposisyon ng Diyos, ngunit dapat din niyang igalang ang kasal ni Wang Wei. Si Wang Wei ay hindi na ang dating batang lalaki sa paaralan na nanligaw sa kanya, ngunit isa nang pamilyado ngayon, may asawa at mga anak. Kung gagawa siya ng maling hakbang ngayon, sisira siya ng isang pamilya, at magiging nakakahiyang kalaguyo. Ang mga salita ng paghuhukom ng Diyos ay nagsanhi ng isang pusong may takot sa Diyos sa loob ni Jingru. Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas, itinapon ang kamay ni Wang Wei, at buong kalamigang sinabi, “Huli na. Iuwi mo na ako!”

“Pagkatapos ng napakaraming taon, bakit ipinagtatabuyan mo pa rin ako. Ni hindi kita maaaring damayan?” malungkot na sabi ni Wang Wei.

“Hindi mo naiintindihan. Hindi kita ipinagtatabuyan. Nirerespeto kita, dahil may pamilya ka. Kailangan mo silang isipin,” kalmadong sagot ni Jingru.

Ngunit nagpumilit si Wang Wei, at nagsabing, “At kung makipagdiborsyo ako? Bibigyan mo ba ako ng pagkakataon? Hindi ko ito sinasabi dahil lang sa pag-uusap natin ngayon!”

Bumilis ulit ang tibok ni Jingru dahil sa tanong na ito, at hindi niya alam ang sasabihin. Matahimik siyang nanalangin sa Diyos sa kanyang puso: “Diyos ko! Protektahan Mo po ang aking puso at ingatan mo ako na huwag sana akong makagawa ng anumang bagay upang magkasala ako sa Iyong disposisyon.” Matapos niyang magdasal, naalala niya ang mga salitang ito ng Diyos na nagsasabing: “Ang kanilang mga salita ay nagpapalusog sa iyong puso at bumibihag sa iyo kaya ikaw ay nalilito at hindi ito natatanto, ikaw ay nahigop na at handang maglingkod sa kanila, maging kanilang labasan gayundin ay kanilang lingkod. Ikaw ay wala man lamang mga karaingan kundi handang maging nasa kanilang pagpipigil —ikaw ay nadaya nila” (“Ang Inyong Pagkatao ay Napakababa!”) . Muli ay ginising si Jingru ng mga salita ng Diyos at napagtanto niyang ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso ay dahil sa nahuhulog siya sa ilalim ng kontrol ng kasamaan ng mga kahalayan; ito ay pamamaraan ni Satanas na pagsasagawa ng kanyang matalinong balak upang akitin siya, upang tulutan siyang mabuhay sa kasalanan at mawala ang patotoo ng isang Kristiyano, at upang ilublob siya sa pisikal na kahalayan at lalong maging mas mahina at masama. Samakatuwid, alam niya na dapat siyang magkaroon ng pagkilala, at dapat mabatid niya ang tusong pamamaraan ni Satanas. Kasal na si Wang Wei—iyon ang katotohanan—at alam ni Jingru na hindi siya dapat magpaloko sa kanya dahil sa mga panandaliang matatamis na salita. Kung talagang nakagawa siya ng isang maling hakbang at nagsabi ng ilang mga maling bagay, siya ay magiging hangal ni Satanas, siya ay magsisilbi bilang daang palabas ni Satanas at siya ay magiging kahiya-hiyang kabit; ang kalalabasan ay magiging isang sirang pamilya, walang-katapusang sakit para sa asawa at mga anak ni Wang Wei, at siya mismo ay magiging isang marumi na hindi na mapapanauli sa harap ng Diyos—ang mga kahihinatnan ay hindi lubos maisip.

Matapos niyang maisip ito, kinalma niya ang kanyang mga damdamin, at mahinahong sumagot: “Huwag ka ngang hangal. Kahit makipagdiborsyo ka pa, magiging magkaibigan lang tayo. Alam kong biro lang ‘yang mga pinagsasabi mo. Iuwi mo na ako.” Naramdaman ni Wang Wei ang hindi natitinag na saloobin ni ni Jingru, at hindi na siya nagsalita pa.

Sa wakas ay nakabalik na sila sa bahay ni Jingru, at nang palabas na si Jingru ng sasakyan, muli ay mabilis siyang hinawakan ni Wang Wei, ngunit dali-dali rin siyang nakawala at tumakbo patungo sa kanyang pinto. Pagpasok niya ay agad siyang humiga sa kanyang kama. Matagal-tagal ding hindi niya mapakalma ang mabilis pa ring tibok ng kanyang puso dahil sa mga nangyari, at napupuno siya ng napakaraming damdamin: Kung hindi dahil sa proteksyon ng Diyos, hindi niya makakayanang pigilan ang kanyang sarili sa harap ng tapat na pag-amin, pagsasaalang-alang at pag-aliw ni Wang Wei, at malamang ay nakagawa na siya ng isang pangit at imoral na bagay na nakasira ng isang pamilya. Mas masahol pa rito ay kung mahuhulog siya sa emosyonal na tukso, magkakasala siya sa disposisyon ng Diyos, mawawala sa kanya ang patotoo ng isang Cristiano, at maiiwan sa kanya ang isang walang kapatawarang kasalanan na kanyang pagsisisihan buong buhay niya. Tunay na kinilala ni Jingru kung gaano kahalaga ang mga salita ng Diyos sa kanya, dahil hindi lamang sa nakapagbigay ito sa kanya ng proteksyon ng Diyos sa harap ng tukso, ngunit pinahintulutan din siya nitong mapanatili ang kanyang kalamigan ng ulo at katalinuhan sa pagsasalita at gawa, at mamuhay ng isang normal na pagkatao. Ang karanasang ito ay nagdulot ng kaginhawaan at kagalakan kay Jingru, at hindi niya mapigilang magpasalamat at magpuri sa Diyos mula sa kanyang puso: Ang proteksyon ng Diyos ang nagpahintulot sa kanya upang mapaglabanan ang mga tukso ni Satanas at maging saksi bilang isang Kristiyano. Kaya humarap siya sa Diyos upang umusal ng isang panalangin ng pasasalamat, at siya ay natulog pagkatapos.