Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na May Dakilang Kapangyarihan ang Diyos sa Kapalaran ng Tao
… Sa madaling salita, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos aktibo o di-aktibong tinatanggap ng bawat tao ang Kanyang dakilang kapangyarihan at Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay, kahit gaano pa karami ang mga baluktot na daan na nilalakaran niya, sa katapusan siya ay babalik sa orbit ng kapalaran na iginuhit ng Manlilika para sa kanya. Ito ang pagiging di-nagagapi ng awtoridad ng Lumikha, ang paraan kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang pagiging di-nagagaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala, ang may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na nagpapahintulot sa mga taong magpalipat-lipat muli’t muli nang walang panghihimasok, na regular na nagpapaikot at nagpapasulong sa mundo, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan ninyo ang lahat ng
katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, mababaw man o taimtim;