Ni Su Xing, Tsina
Naakit ng pera, umalis ako sa bahay upang magtrabaho.
Noong una akong nanampalataya sa Panginoon, wala akong masyadong pera o umaapaw na mga materyal na bagay, ngunit natamo ko ang kaligtasan ng Panginoong Hesus.
Araw-araw kong binabasa ang Biblia, madalas na pumupunta sa mga pagpupulong, nakakaramdam ng kapayapaan at kasiyahan sa aking puso, at matatag ang buhay ko. Ngunit kalaunan, naging mapanglaw ang simbahan namin, at humina ang pananampalataya ng karamihan ay humina. Sa lipunang ito kung saan naka-sentro sa pera at kagustuhang magtamo ng materyal na bagay, naging popular sa lugar ko ang pagpunta sa timog ng Tsina upang magnegosyo, at ilang mga mananampalataya ang nagpatianod sa agos at iniwan ang simbahan upang kumita ng pera sa malalaking siyudad. Nakikita ang mga mananampalatayang iyon, na masigasig dati sa kanilang pananampalataya, na magkakasunod na iniwan ang simbahan upang kumita ng pera, naging masigasig din ako na sundan sila, lalo na nang makita ko ang ilang mayayamang tao sa paligid ko na maginhawa ang pamumuhay. Talagang labis akong naninibugho sa kanila. Naisip ko sa aking sarili, “Kailan kaya ako magkakaroon ng buhay na kagaya niyon?” Sa wakas, hindi ko na mapigilan ang pang-akit ng pera at umalis sa amin upang maghanap ng trabaho.
Kahit na palapit na ang pagliligtas sa mga huling araw, hinabol ko pa rin ang pera.
Sa isa sa mga trabaho ko ay napalapit ako sa ilang mga kapatid sa Diyos at ibinahagi nila ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa akin. Labis kong naramdaman na iyon ang pagliligtas ng Diyos para sa akin na maaaring makamit ko ang magandang kapalaran upang tumanggap ng bagong gawain mula sa Diyos at makasunod sa Kanyang gawain. Ngunit ang puso ko ay sakim sa yaman na hindi ko sineryoso ang pagkakaroon ng pananalig sa Diyos, at ang tanging naiisip ko bawat araw ay kung paano pa kikita ng pera. Lalo na nang makita ko na ang ilan sa mga nakatira sa siyudad ay nakatira sa mga bahay na may estilong-kanluranin, nagmamaneho ng magagandang kotse, at nagsusuot ng magagandang makeup at mga damit, ninanais ko na magkaroon ng ganito karangyang buhay hangga’t maaga. Gayunman, wala akong kahit anong kakayanan o espesyal na abilidad, kaya mahirap para sa akin na makahanap ng madali at mataas ang sahod na trabaho; ang tanging magagawa ko lamang ay magsikap sa trabaho. Pagkatapos ng maingat na pag-iisip, napagdesisyunan kong magtrabaho bilang isang waitress sa isang restaurant na nagbibigay ng silid at pagkain sa mga empleyado. Kaya, hindi ko kailangang gumastos ng pera sa pag-upa sa bahay at makakaipon ako ng ilang daang yuan kada buwan. Dalawang libo at anim-na-raang yuan, idagdag pa ang komisyon. Hindi iyon maliit na halaga para sa akin. Pagkatapos ay nag-umpisa akong magkuwenta sa isip ko at napagtanto na kung magtatrabaho ako doon sa loob ng ilang taon, makakaipon ako ng malaking halaga.
Sa kabila ng labis na pagtatrabaho, nag-alangan pa rin ako na isuko ang trabahong may magandang sahod.
Para makaipon ng pera, hindi nagrenta ng bahay ang may-ari ng restaurant bagkus ay ginamit ang isa sa maliliit na guest rooms bilang dormitoryong titirahan namin. Dahil katabi iyon ng iba pang guest room, kung saan gabi-gabing nag-iinuman hanggang madaling araw ang mga bisita, hindi kami makatulog hanggang sa umalis sila. Nag-umpisang makaapekto sa akin ang mga pagpupuyat na iyon at minsan pa nga ay nagiging insomnia, at higit pa roon, araw-araw kong dapat kuwentahin ng manu-mano ang tax. Lahat ng ito ay malaking pahirap sa aking katawan. Minsan sa pang-umagang trabaho, pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng lakas. Ngunit upang makatipid sa renta, pinipilit ko ang sarili ko na magtiis. Kalaunan, nang hindi na maganda ang kita, tinanggal ng may-ari ang tatlo pang waiter at tanging isang nakatatandang babae at ako na lamang ang natira. Kinailangan naming pasanin ang trabaho ng lima at magtrabaho ng higit sa sampung oras bawat araw. Sa paglipas ng panahon, ako, na natural nang payat at mahina, ay labis na napapagod na palaging masakit ang likod ko at talagang hindi ko na iyon makayanan. Idagdag pa doon, dahil naglalampaso ako ng sahig araw-araw ay nagkaroon ako ng malalang periarthritis at hindi ko na maiangat ang mga balikat ko dahil sa sakit. Pagkatapos maging abala sa trabaho ng buong araw, nananakit ang buong katawan ko at hindi makatulog sa gabi. Kahit ganoon, hindi ko pa rin ginustong iwan ang trabaho, dahil lamang sa malaking sahod.
Isang araw sa isang pagtitipon, nakita ng mga kapatid kung gaano ako ka-pagod at pinayuhan ako na kumuha sa halip ng mas madaling trabaho. Pero naisip ko: “Kung magpapalit ako ng trabaho, hindi ako kikita ng malaki.” Isang kapatid ang tila nakabasa sa iniisip ko at sinabi sa akin: “Sa paniniwala natin sa Diyos, ang pinaka-mahalagang mga bagay ay siguruhing magagawa natin ang mga salita ng Diyos at magtatamo ng buhay. Hindi tayo mahihilig sa salapi o maghahanap ng mga materyal na kasiyahan; dapa ay maging kontento tayo sa pagkain lamang at kasuotan. Ngunit, naapektuhan na ng trabaho mo ngayon ang iyong kalusugan. Alam mo. Payat ka at mahina, at bata ka pa ngunit mayroon ka nang malalang periarthritis. Sa hinaharap, siguradong bibigay ka.” Kahit na alam kong para sa ikabubuti ko ang sinabi niya, at para sa kalusugan at espirituwal na buhay ko, nagpatuloy pa rin ako sa pagtatrabaho doon upang magkaroon ng pera.
Nagkaroon ako ng sakit at nag-umpisa akong magnilay.
Isang araw, habang naglalampaso ako ng sahig, bigla akong nahilo at nagkasakit, at pagkatapos ay nagsuka ako at nagkaroon ng diarrhea. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking sikmura at nanlamig ang aking katawan. Sa sobrang sakit ng sikmura ko ay halos hindi ako makahinga, at kinailangan kong humiga sa sopa, nagngangalit ang mga ngipin at dinadakot ang aking sikmura. Natakot ako sa biglang pag-atake ng sakit na ito, natatakot na ikamatay ko iyon. Nang mga sandaling iyon, hindi ko mapigilang tanungin ang aking sarili: “Para saan ang pagtatrabaho ko ng husto? Makabubuti ba sa akin na kumita ng malaki ngunit magkaroon naman ng maraming sakit? Anong mas mahalaga—pera o buhay?” Iniisip iyon, mabilis kong tinawag ang Diyos sa aking puso: “O, Diyos! Sa buong panahong ito, labis akong nagtrabaho upang kumita ng pera, at hindi ko inisip na mahalaga ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Iyo. Napakalayo ng puso ko Sa’yo. Ang tingin ko sa pera ay kasing-halaga ng buhay, at kung magpapatuloy akong isipin iyon, mamamatay ako. Diyos! Sana ay iligtas Mo ako at bigyan ng lakas ng loob na mapakawala ang aking sarili mula sa mga gapos ng salapi.”
Sa paggabay ng mga salita ng Diyos, umalis ako sa trabaho.
Dahil sa pananakit ng aking katawan, maaga akong bumalik sa dormitoryo para magpahinga. Habang nakahiga sa kama, tahimik kong naisip: “Napakahirap ng trabahong ito. Kapag nagpatuloy pa akong magtrabaho dito, siguradong magkakaroon ako ng malalang sakit. Pero, kapag nakahanap ako ng trabaho na mababa ang sahod, wala akong masyadong kikitain.” Dahil dito, napuno ng paglalaban sa puso ko. Kalaunan, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “‘Pera ang nagpapaikot sa mundo’ ay isang pilosopiya ni Satanas at ito ay nananaig sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao. Maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran dahil ito ay ikinintal sa puso ng bawat isang tao at nakatanim na ngayon sa kanilang puso. Nanggaling ang mga tao sa hindi pagtanggap ng kasabihang ito patungo sa pagkasanay dito upang kapag naranasan na nila sa tunay na buhay, unti-unti silang nagbibigay ng tahimik na pag-apruba rito, kinikilala ang pag-iral nito, at sa wakas, binigyan nila ito ng sarili nilang tatak ng pag-apruba. … Habang ikaw ay sumusulong mula sa pagtutol sa popular na kasabihang ito papunta sa pangwakas na pagtanggap dito bilang katotohanan, mahuhulog nang buo ang iyong puso sa pagdakma ni Satanas, at kung gayon ay hindi sinasadya kang nabubuhay rito.”
Nagninilay sa mga salita ng Diyos, inisip ko ang buhay ko: “Bakit ayaw kong humanap ng mas madaling trabaho pero sa halip ay nananatili sa isang ito na higit pa sa kakayahan ko?” Ang puso at isip ko pala ay puno ng mga isipin at pananw ni Satanas. Ang panuntunan ni Satanas sa buhay, gaya ng ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo’ at ‘Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa’ ang naging buhay ko kaya naman hindi ko mapigilang umasa sa doon upang mabuhay. Ang tingin ko sa pera ay napakataas, at naniwala ako na sa pamamagitan ng pera ay mae-enjoy ko ang lahat, matutupad ang kahit anong gusto ko, mabuhay nang nirerespeto at tingalain ng iba. Kaya naman, pinili kong magtrabaho bilang isang waitress sa isang kainan na nagbibigay ng tirahan at pagkain sa mga empleyado. Nagpapagod ako ng higit sa sampung oras kada araw, na higit pa sa kaya ko, at kahit na nagkaroon ako ng malalang periarthritis ay nag-aalangan pa rin akong magpahinga. Puno ng pera ang isip ko, kaya naman pinaglalaban ko iyon at naging alipin niyon, hindi na alam kung paano pahahalagahan ang sarili kong buhay. Hindi hanggang sa magkaroon ako ng sakit, dahil sa matinding pagtatrabaho, at hindi ko na magawang magtrabaho lamang ako tumigil at lumapit sa Diyos upang hanapin ang aking sarili sa mga salita ng Diyos. Noon ko lang napagtanto na labis akong kinontrol ng mga isipin at pananaw ni Satanas gaya ng ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo’ at ‘Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa’. Ng mga oras na iyon, naisip ko kung gaano kapanganib ang kahihinatnan ng pamumuhay sa ilalim ng mga pananaw sa buhay ni Satanas: Hindi ko lamang sisirain ang aking saili at makakakuha ng iba’t-ibang karamdaman dahil sa matinding pagtatrabaho, ngunit mawawalan din ako ng oras at enerhiya upang basahin ang mga salita ng Diyos o makiisa sa buhay sa simbahan dahil sa abalang schedule ko sa trabaho. Matatalo ako sa pagkakaroon ng buhay at kalaunan ay makukuha at lalamunin ni Satanas. Alam ko na hindi ko dapat ipagpatuloy ang pagtahak sa maling landas. Kaya nanalangin ako sa Diyos: “O, Diyos! Labis akong nilason ng pananaw ni Satanas na ‘Una ang pera’ kaya naman palagi akong abala sa pagkita ng pera at hindi na mailayo ang sarili ko doon. Ngayong araw na ito, tanging sa pamamagitan ng gabay ng Iyong mga salita lamang ako nagising. Hindi na ako handang makulong sa kumunoy ng pera at lilipat na ako sa mas madaling trabaho. Inilalagay ko na sa Iyong mga kamay ang paghahanap ko ng trabaho. Handa akong sundin ang Iyong kapangyarihan at pagsasaayos.” Matapos magdasal, nag-renta ako ng bahay nang araw na iyon. Makalipas ng tatlong araw ay umalis ako sa trabaho at umalis sa kainan.
Itutuloy …
Ikalawang Bahagi: Paano Ko Pinalaya Ang Aking Sarili Mula Sa Pang-akit ng Pera (II)