4.12.19

Paano Ko Pinalaya Ang Aking Sarili Mula Sa Pang-akit ng Pera (II)

kapalaran, Mga Patotoo, paniniwala, prayers to God, Relasyon sa Diyos, soberanya,


Ni Su Xing, Tsina

Matapos isantabi ang aking mga ninanais at magsanay sa tamang kilos, nakahanap ako ng magandang trabaho.

Kahit kakaunti lang ang naiintindihan ko tungkol sa paggamit ni Satanas sa pananaw na “Pera ang una” para lasunin ang mga tao, at mayroon din akong lakas na talikdan iyon at tumigil sa pamumuhay nang naaayon doon, hindi ko pa rin magawang tuluyang makatakas mula sa kontrol niyon sa tunay na buhay habang naghahanap ng trabaho. Tumingin ako ng maraming trabaho, pero walang kasing laki ng sahod na gaya ng sa dati kong trabaho; samantalang hindi ko gustong tanggapin ang mga trabahong may mababang sahod na nakita ko. Ilang araw na akong naghahanap ng trabaho, ngunit walang maganda. Isang araw, bahagyang mabigat ang loob ko, naglalakad ako sa abalang kalsada nang may nakita akong mga babae na magaganda ang kasuotan na pababa sa mga limousine. Napahinto ako at tumitig sa kanila. Nayanig muli ang puso ko ng mga sandaling iyon. Naisip ko: “Kung kaunti lang ang sasahurin ko, paao ko magagawang magsuot ng alahas at magagandang kasuotan kagaya nila sa hinaharap? Pero nang sandaling maisip ko iyon, niliwanagan ako ng mga salita ng Diyos: “Iyong nasa inyong mga isipan sa bawat sandali ay hindi Ako ni ang katotohanan na nagmumula sa Akin, bagkus ay … kung paano kayo masisiyahan nang mas higit at mas kaaya-aya. Kahit kapag pinupuno ninyo ang inyong sikmura hanggang sa umapaw ito, hindi ba’t nakahihigit lamang kayo ng kaunti sa isang bangkay? Kahit pa palamutian ninyo nang marangya ang inyong anyo, hindi ba’t kayo pa rin ay isang naglalakad na bangkay na walang buhay?

Naapektuhan ang puso ko ng mga salita ng Diyos. Siyanga! Naniniwala ako sa Diyos ngunit hindi ako nagtutuon ng pansin sa paghahanap ng katotohanan o buhay; sa halip, kumikilos ako upang kumain ng maayos, magsuot ng magagandang kasuotan, i-enjoy ang magagandang bagay at mamuhay ng masagana, gayundin ang makakuha ng paninibugho at paghanga ng iba. Tulad pa rin sa mga hindi mananampalataya ang mga pananaw ko. Pagakatapos ay naisip ko ang maraming mga artista at mang-aawit, na napakaraming pera at mataas na estado, at kumakain at nagbibihis ng maayos, ngunit dahil hindi sila lumalapit sa Diyos o ginagamit ang mga salita ng Diyos bilang pundasyon ng kanilang sarili, wala pa ring laman ang kanilang buhay. At ang ilan sa kanila ay gumagawa ng krimen, ang ilan ay nalululong sa ipinagbabawal na gamot, at ang ilan ay nagpapakamatay pa. Sa pamamagitan nito ay naintindihan ko na ang mga tao na tanging pera lamang ang mayroon ngunit walang katotohanan ay namumuhay nang walang saya at walang totoong buhay. Sinabi ng mga salita ng Diyos: “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Mateo 16:26). “Tanging kapag ikaw ay di-interesado sa katanyagan at kayamanan, katayuan, salapi, kasiyahan, at karangyaan ng mundo, at madaling napalalampas ang mga ito, magkakaroon ka ng wangis ng isang tao. Ang mga sa bandang huli ay magagawang ganap ay isang grupong katulad nito; nabubuhay sila para sa katotohanan, nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay para sa kung ano ang makatarungan. Ito ang wangis ng isang tunay na tao.” Binigyan na tayo ng Diyos ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, ngunit hindi natin alam kung paano iyon pahalagahan o paano maghanap upang makamit ang katotohanan. Hindi ba’t katawa-tawa ako? Kapag hindi ko hinanp ang katotohanan, kapag natapos na ang gawain ng Diyos at dumating na ang malaking sakuna, anong magiging silbi kung kumita ako ng gabundok na salapi? Ang paghahabol sa pera, kasiyahan at pag-idolo ng iba ay hindi ako mabibigyan ng buhay o magiging dahilan upang mamuhay ako na isang tunay na tao. Tanging sa paghahanap lang sa katotohanan, ako maaaring maligtas ng Diyos, at tanging ito lamang ang pinakamahalaga at makabuluhang bagay. Matapos maisip ito, nanalangin ako sa Diyos at ipinaubaya sa Kanya ang sitwasyon sa trabaho ko: “Diyos ko! Ayokong makontrol ng mga pananaw ni Satanas na ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo’ at ‘Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa’. Ngayon ay ipinauubaya ko na sa Iyo ang paghahanap ko ng trabaho at hindi na ako maghahanap ng trabaho ayon sa sarili kong kagustuhan. Handa akong ilahad sa Iyo ang mga problema ko at sundin ang iyong kapangyarihan at pagsasaayos.” Pagkatapos ng dasal, naramdaman ko ang pagginhawa sa puso ko. Kalaunan, hindi na ako nag-aalala tungkol sa trabaho dahil naniwala ako na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos.

Makalipas ang ilang araw, binisita namin ng isang kapatid si Kapatid na Li mula sa aming simbahan. Pagkadating namin sa bahay niya at mag-usap ng ilang sandali, nagtanong si Kapatid na Li: “Meron bang nangangailangan ng trabaho? May alam akong magandang trabaho. Mayroong nagkamali ng pindot ng numero at tinanong ako kung naghahanap ba ako ng trabaho. Madali ang trabahong ito at hindi na masama ang sahod.” Tumingin sa’kin ang kapatid na kasama ko, ngumiti, at pagkatapos ay sinabi sa Kapatid na Li, “Kailangan ni Su ng trabaho ngayon. Puwede mong ibigay ang numero sa kanya.” Pagkauwi, tinawagan ko ang numero at nagtanong tungkol sa trabaho. Isa iyong mall na tumatanggap ng bagong mga tindera. Dumalo ako sa interview nila sa ikalawang araw, at nagsimula agad magtrabaho pagkatapos niyon. Kahit na hindi ganoon kalaki kagaya sa kainan ang sahod sa trabaho, napakadali niyon—maaari akong magtrabaho ng isang araw at magpahinga ng isang araw. Sa libreng oras ko, nagagawa kong basahin ang mga salita ng Diyos at dumalo sa mga pagtitipon, at nagagawa ko rin ang tungkulin ko sa simbahan. Naging mas normal ang relasyon ko sa Diyos. Bawa’t araw ay gumamagaan ang pakiramdam ko, at bawa’t araw ay gumaganda ang kondisyon ng katawan ko. Nakikita ang lahat ng inayos ng Diyos para sa akin, nagpasalamat ako sa Kanya mula sa kaibuturan ng aking puso. Nakita kong tunay ang pagmamahal sa’kin ng Diyos at na iniisip Niya ang aking buhay sa bawa’t sandali. Nang talagang nahigop na ako sa kumunoy ng pera at hindi mapalaya ang sarili ko mula roon, ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang liwanagan at gabayan ako, binigyan ako ng kakayahang makita ang mga panuntunan ni Satanas, at malaman ang ibig sabihin at halaga ng paghahanap ng katotohanan. Nang isantabi ko ang sarili kong mga ninanais at handang sundin ang Diyos, nakinig Siya sa aking panalangin, gumawa ng paraan na masagot ng kapatid ang isang tawag mula sa isang estranghero, at upang ipasa niya ang magandang trabahong ito sa akin. Dahil naranasan ko ito, ngayon ay alam ko na ang pagiging tapat ng Diyos, karunungan at kamangha-mangha, at tumindi pa ang pananalig ko sa Diyos. Mula ngayon, napagpasiyahan kong hanapin ang katotohanan at ang mga tamanag prinsipyo at magpaubaya sa mga pagsasa-ayos ng Diyos sa lahat ng bagay.

Nagiging saksi ako sa tuwing magkakaroon ng temptasyon.

Isang araw, habang nasa bahay ako, tinawagan ako ng dati kong amo. Pinakiusapan niya akong bumalik sa kainan niya at nangakong tataasan ang sahod ko. Habang nakikinig sa pagsasalita niyam naisip ko kung paano akong lalamunin ng bulag na paghahabol sa pera, gaya ng posas na pumipigil nang walang kahit kaunting pagkakataon na makatakas at maging malaya. Tanging sa paggawa ayong sa mga salita ng Diyos lamang magiging payapa at masaya ang aking buhay. Kaya hindi ako bumalik sa kainan na iyon. Kahit na mas mababa ang kinikita ko ngayon kaysa noon, ang kalayaan ng espiritu at pagpapalayang natatamasa ko ay hindi mapapalitan ng kahit anong halaga ng pera, dahil ang natamo ko ay hindi lamang pagsuko sa mahirap na trabahong iyon, kundi maging pagbabago ng layunin ko at pananaw sa buhay. Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin sa kumunoy ng pera!

Ang Katapusan.