Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Kaligtasan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Kaligtasan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

16.11.19

“Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 6/15) Pagwasak ng Diyos sa Sodoma at Gomorra


Tagalog Christian Musical Documentary “Siya na May Kapangyarihan sa Lahat” (Clip 6/15) Pagwasak ng Diyos sa Sodoma at Gomorra


Umaapaw sa kasamaan at pangangalunya, ginalit ng dalawang malalaking lungsod ng Sodoma at Gomorra ang disposisyon ng Diyos. 

9.11.19

“Ang Misteryo ng Kabanalan” (Clip 1/6) Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao


Tagalog Christian Movie | “Ang Misteryo ng Kabanalan” (Clip 1/6) Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao

Sa pagsasalita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, sinabi ng Panginoong Jesus, “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). ” 

6.11.19

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?

Ang Kaligtasan ng Diyos, Ang Katotohana, Nagbalik na ang Panginoon, Pag-bigkas ng Diyos, Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?



Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang naaakma, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan. 

5.11.19

Salita ng Diyos | Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

Ang Kaligtasan ng Diyos, ikalawang pagdating ni Jesus, kaligtasan, kalooban ng diyos, Pagbabalik sa Diyos, Salita ng Diyos,

Salita ng Diyos | Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay


Sa katotohanan, ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang sinaunang ninuno. 

4.11.19

31.10.19

Nagbalik na ang Panginoon | Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikatlong Bahagi)

Ang Kaligtasan ng Diyos, Nagbalik na ang Panginoon, gawa ng Diyos, Pagkilala kay Cristo, Ang Tatlong Yugto ng Gawain,


Tian Ying

Pagkatapos makabalik sa bahay, patuloy akong nag-iisip tungkol sa pagbabahagi na ginawa ng kapatid na babae, at naisip ko sa aking sarili: Ang maliit na kapatid na babae ngayong araw ay napakamapagmahal, siya ay hindi talaga tulad ng sinabi ng pastor na kung sino siya.

29.10.19

Nagbalik na ang Panginoon|Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Unang Bahagi)

Ang Kaligtasan ng Diyos, kaligtasan, Nagbalik na ang Panginoon, Pagbabalik sa Diyos,


Ni Tian Ying

Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. 

26.10.19

Bakit Nagkatawang-tao ang Diyos para Isagawa ang Kanyang Gawain sa Kapanahunan ng Biyaya?

nagkatawang tao ang diyos, Tinubos, Ang Kaligtasan ng Diyos,

Bakit Nagkatawang-tao ang Diyos para Isagawa ang Kanyang Gawain sa Kapanahunan ng Biyaya?

Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. 

10.9.19

Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" | Ang Diyos ang Kaligtasan Ko


Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" | Ang Diyos ang Kaligtasan Ko
Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso't diwa ni Xiaozhen …

15.8.19

Pamilya | Paano Natin Lalayuan ang Anino ng kataksilan sa Pagsasama ng Mag-asawa?

Kumusta mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot,

Dalawampung taon na akong kasal. Ang akala ko ay tapat kaming mag-asawa sa isa’t isa. Ngunit hindi inaasahan, nagtaksil ang aking asawa. Napakasama ng aking loob at hindi ko alam kung paano iyon haharapin. Nais kong itanong: Bakit napakahina ng pundasyon ng kasal? Paano ako makakatakas sa dalamhati?

Sumasaiyo,
Moyan

Kumusta Kapatid na Moyan,

Habang binabasa ang iyong liham, naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo ngayon dahil naranasan ko rin iyan. Sa madidilim na araw na iyon, kung hindi dahil sa paggabay ng mga salita ng Diyos, hindi ko malalaman kung paano tatahakin ang landas sa aking harapan. Ang paggabay ng mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin na maintindihan kung bakit napakarupok ng pagsasama ng mag-asawa, at hinayaan din ako niyong malaman ang ugat ng pagdurusa ng tao. Kalaunan, nagawa kong lumayo sa anino ng pagtataksil ng aking asawa.

13.8.19


Tagalog Christian Song | “Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago”


I
Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula,
naghangad ang Diyos ng ‘sang grupo,
‘sang grupo ng mga mananagumpay,
‘sang grupo na lalakad kasama Niya at kayang umintindi,
umunawa, makaalam ng Kanyang disposisyon.
‘Di alintana kung gaano pa Siya katagal maghintay,
‘di alintana kung gaano kahirap ang daang haharapin,
gaano man kalayo ang mga hinahangad Niyang layunin,
‘di nagbago o sumuko ang Diyos sa mga inaasahan Niya sa tao.

11.7.19

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Qingxin, Myanmar
Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

6.6.19

Filipino Variety Show | “Baka Nananaginip Tayo” | Can We Enter the Kingdom of Heaven Through Hard Work?



Isang pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, “Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?” Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…

Rekomendasyon :tagalog sermon - Langit

5.6.19

Propesyon at Pinagtatrabahuhan | Paano Mapapanatili ang Komunikasyon sa Panginoon sa Ating Abalang Buhay

Propesyon at Pinagtatrabahuhan-Sa ganitong paraan, makukuha mo ang kalayaan at kapayapaan ng loob at mga pagpapala mula sa Diyos. Pagpalain ka nawa ng Diyos!

Propesyon at Pinagtatrabahuhan | Paano Mapapanatili ang Komunikasyon sa Panginoon sa Ating Abalang Buhay



Minamahal na mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot:
Isa akong mananampalataya na kailan lamang tinanggap ang gawain ng Panginoon. Kahit na napakahalaga sa mga Kristiyano ng pagpupulong upang magbahagi at araw-araw na debosyon, ninanakaw ng nakakapagod na trabaho ko ang lahat ng oras na mayroon ako. Malaki ang sinasahod ko ngunit palagi akong nakakaramdam ng kahungkagan at kahihiyan. Paano ko maibabalanse ang araw-araw na debosyon at abala kong buhay sa trabaho?

Xiao Dong

Minamahal na Xiao Dong,
Kumusta ka? Matagal din akong naligalig sa katanungan mo. Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga kapatid sa Panginoon, at patuloy na pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nag-umpisa kong malaman ang mga layunin ng Diyos. Upang mai-balanse ang trabaho at pananampalataya, at upang magkaroon ng maayos na pananaw sa trabaho, kailangan nating maitindihan ang dalawang bagay:

Kumilos ayon sa mga salita ng Panginoong Hesus at hindi tayo mawawala.

Sinabi ni Hesus, “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Diyos” (Mateo 4:4). “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila’y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?” (Mateo 6:25-26). “Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito” (Mateo 6:31-32).

31.5.19

Christian Maiikling Dula | “Ang Pagmamatyag” | Why Are Christians Unable to Return Home? (Tagalog Dubbed)



Christian Maiikling Dula | “Ang Pagmamatyag” | Why Are Christians Unable to Return Home? (Tagalog Dubbed)


Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa. Lihim na umuwi si Xu Huilin noong Bisperas ng Bagong Taon para makasama ang kanyang pamilya, pero nagmamatyag na ang mga pulis, sa pag-asang maaresto ang mag-asawa. Doon nagsisimula ang kuwento …

Malaman ang higit pa : Kristo

30.5.19

mga kwento ng bibliya-Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit


mga kwento ng bibliya-Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit



Baffled From Reading the Bible
Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.

29.5.19

tagalog praise songs | “Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos” | Tagalog Praise and Worship Songs


tagalog praise songs | “Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos” | Tagalog Praise and Worship Songs



Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob
at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa,
sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao’y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.

27.5.19

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Tinalo ni Job si Satanas at Naging Tunay na Lalake sa Paningin ng Diyos


Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus-Tinalo ni Job si Satanas at Naging Tunay na Lalake sa Paningin ng Diyos



Madalas kong sabihin na tumitingin ang Diyos sa puso ng mga tao, at ang mga tao ay tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao. Dahil ang Diyos ay tumitingin sa puso ng mga tao, nauunawaan Niya ang kanilang diwa, samantalang inilalarawan ng mga tao ang diwa ng ibang tao batay sa kanilang panlabas na anyo. Noong binuksan ni Job ang kanyang bibig at isumpa ang kanyang kaarawan, ginulat nito ang mga espirituwal na pinuno, kabilang na ang tatlong kaibigan ni Job. Ang tao ay nanggaling sa Diyos, at dapat na nagpapasalamat para sa buhay at laman, pati na rin sa araw ng kanyang kapanganakan, na ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi niya dapat isumpa ang mga ito. Naiintindihan at nauunawaan ito ng karamihan ng tao. Para sa sinumang sumusunod sa Diyos, ang pang-unawang ito ay banal at hindi dapat nilalabag, ito ay isang katotohanan na hindi kailanman magbabago. Sa kabilang banda, nilabag ni Job ang mga patakaran: Isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Isa itong gawain na itinuturing ng karamihan bilang pagtawid sa ipinagbabawal na lupain. Hindi lamang siya hindi karapat-dapat sa pang-unawa at simpatiya ng mga tao, hindi rin siya karapat-dapat sa kapatawaran ng Diyos. Kasabay nito, mas maraming tao ang nagduda sa pagkamatuwid ni Job, dahil tila ba naging makasarili siya bunga ng papuri ng Diyos sa kanya, naging sobrang mapangahas at walang ingat kung kaya hindi lamang siya hindi nagpasalamat sa Diyos sa mga biyaya at pag-aalaga Niya sa kanya sa kanyang buong buhay, ngunit isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Ano ito, kung hindi pagsalungat sa Diyos? Ang mga ganitong kababawan ang nagbibigay sa mga tao ng patunay upang kondenahin ang ginawang ito ni Job, ngunit sino ang nakakaalam ng tunay na iniisip ni Job sa oras na iyon? At sino ang nakakaalam kung bakit kumilos si Job nang ganoon? Tanging ang Diyos at si Job lamang ang may alam ng tunay na kuwento at mga dahilan dito.

24.5.19

Filipino Variety Show | “Mga Fariseo ng mga Huling Araw”



Filipino Variety Show | “Mga Fariseo ng mga Huling Araw”


Christian Zhang Yi heard testimony that the Lord had returned, but as he investigated the true way, his pastor and elder tried several times to stop and prevent him, saying, “Any who claim the Lord has come incarnate are spreading heresy and false teachings. Don’t listen to them, don’t read their words, and don’t have any contact with them!” This confused Zhang Yi, because the Lord Jesus clearly said, “And at midnight there was a cry made, Behold, the bridegroom comes; go you out to meet him” (Matthew 25:6). “My sheep hear My voice” (John 10:27). The Lord’s words say that people must be wise virgins and actively seek and listen to the Lord’s voice to be able to receive the Lord, but his pastor and elder try everything they can to prevent and limit believers from hearing God’s voice. Why are they afraid of believers investigating the true way? … Through debates with his pastor and elder, Zhang Yi finally sees who the Pharisees are in the last days, and who is the real obstacle preventing believers from receiving the Lord.


Magrekomenda nang higit pa : Pagsunod sa kalooban ng Diyos - Langit

23.5.19

Tagalog Christian Movie | “Kaligtasan” | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Movie  | “Kaligtasan” | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)



Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan?

Ang bida ng pelikula, si Xu Zhiqian, ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, marubdob na naglilingkod sa Kanya, at tinalikuran ang lahat para gampanan ang kanyang mga tungkulin. Dahil dito, inaresto siya at pinahirapan ng Chinese Communist Party. Nang palabasin siya ng bilangguan, patuloy niyang ginampanan ang kanyang mga tungkulin, nagtamo ng kaunting praktikal na karanasan, at nilutas ng kanyang mga sermon at gawain ang ilang praktikal na problema para sa kanyang mga kapatid. Kalaunan, inaresto rin ang kanyang asawa, pero hindi siya nagreklamo, naging negatibo, o nanghina…. Dahil sa lahat ng ito binati at pinuri siya ng kanyang mga kapatid. Naniniwala si Xu Zhiqian na nasa kanya ang realidad ng katotohanan at na walang problema sa pagpasok sa kaharian ng langit. Pero di nagtagal, nagkaroon siya ng di-inaasahang pagsubok— ang asawa niya ay namatay sa pagpapahirap ng mga pulis ng CCP. Si Xu Zhiqian, na balisa, ay may mga paniwala, maling pagkaunawa, at reklamo tungkol sa Diyos, at naiisip ding magrebelde at magtaksil sa Diyos…. Kalaunan, nang matanto niya na nagtataksil siya sa Diyos, nagsimula siyang magnilay-nilay, at nag-isip kung ang mga taong nagdaraan sa mga pagsubok, na katulad niya, at pagkatapos ay nagrereklamo, nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos, at nagtataksil sa Kanya ay talagang maliligtas. Talaga bang nararapat silang makapasok sa kaharian ng Diyos?

Inirekomendang pagbabasa : Tagalog Christian Movie