Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin, ... na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:1, 14).
“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan” (Juan 17:17).
“At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao. Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao. At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi. ... Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali't-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito” (Marcos 7:6-9, 13).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Hindi alintana anong yugto ka man nakarating sa iyong karanasan, ikaw ay hindi maihihiwalay sa salita ng Diyos o sa katotohanan, at kung ano ang iyong pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang iyong pagkakilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay ipinahayag lahat sa mga salita ng Diyos; ang mga ito ay may ugnayang hindi maihihiwalay sa katotohanan. Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay ang mga katotohanan mismo; ang katotohanan ay isang tunay na kapahayagan ng disposisyon ng Diyos at ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Ginagawa nitong kongkreto ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos at malinaw na sinasabi ito; sinasabi nito sa iyo nang mas tuwiran kung ano ang gusto ng Diyos, kung ano ang hindi Niya gusto, kung ano ang nais Niyang gawin mo at kung ano ang hindi Niya pinahihintululot na gawin mo, anong mga tao ang hinahamak Niya at anong mga tao ang Kanyang kinagigiliwan. Sa likod ng mga katotohanan na ipinahahayag ng Diyos nakikita ng tao ang Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at kaligayahan, gayundin ang Kanyang diwa—ito ang pagbubunyag ng Kanyang disposisyon.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Aking mga salita ay ang katotohanan, daan, at buhay.
mula sa “Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang katotohanan ay ang tunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas na talinghaga ng buhay ng sangkatauhan. Dahil ito ang tuntunin na atas ng Diyos sa tao, at ito ay ginawa mismo ng Diyos, ito ay tinatawag na “talinghaga ng buhay.” Hindi ito isang talinghaga na gawa-gawa lamang, o isang kilalang kasabihan mula sa isang dakilang nilalang; sa halip, ito ay ang pagbigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng mga bagay, at hindi ito salita na gawain lamang ng mga tao, ngunit ang likas na buhay ng Diyos. Kaya ito ay tinawag na “ang pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay.”
mula sa “Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay katotohanan at buhay. Ang katotohanan para sa tao ay isang bagay na hindi maaaring wala sila sa kanilang mga buhay, na hindi kailanman maaaring sila’y wala; maaari mong sabihin na ito ang pinakadakilang bagay. Bagamat hindi mo ito nakikita o nahihipo, ang kahalagahan nito sa iyo ay hindi maaaring balewalain; ito ang tanging bagay na makapagbibigay ng kapayapaan sa iyong puso.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang katotohanang ito ay ang disposisyon sa buhay ng normal na pagkatao, na ang ibig sabihin, yaong kinailangan sa tao nang lalangin siya ng Diyos sa pasimula, ang sumusunod, ang buong normal na pagkatao (kasama ang katinuan ng tao, panloob-na-pananaw, karunungan, at ang pangunahing kaalaman ng pagiging tao).
mula sa “Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos.
mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang inyong “paglalagom sa katotohanan” ay hindi ginagawa upang hayaan ang mga tao na magtamo ng buhay 0 makamit ang mga pagbabago sa kanilang mga disposisyon mula sa katotohanan. Sa halip, ito ay ginagawa upang ang mga tao ay maaaring maunawaang lubos ang ilang kaalaman at mga doktrina mula sa loob ng katotohanan. Sila ay tila parang nauunawaan ang layunin sa likod ng gawain ng Diyos, na sa totoo lang kanila lamang naunawaang lubos ang ilang mga salita ng doktrina. Hindi nila nauunawaan ang ipinapahiwatig na kahulugan ng katotohanan, at ito ay hindi naiiba sa pag-aaral ng teolohiya o pagbabasa ng Biblia. Tinitipon mo ang mga librong ito o mga materyales na iyon, at sa gayon nagiging nagmamay-ari ng ganitong aspeto ng doktrina o ng ganoong aspeto ng kaalaman. Ikaw ay isang napakagaling na tagapagsalita ng mga doktrina–subalit ano ang nangyayari kapag natapos ka nang magsalita? Ang mga tao sa gayon ay walang kakayahang makaranas, sila ay walang pagkaunawa sa gawain ng Diyos at ni hindi rin nauunawaan ang kanilang mga sarili. Sa huli, lahat ng mga bagay na kanilang matatamo ay mga pormula at mga tuntunin. ...
mula sa “Kung Wala ang Katotohanan Madaling Saktan ang Damdamin ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Kung nakabasa na kayo ng napakaraming salita ng Diyos ngunit naiintindihan lamang ang kahulugan ng teksto at wala kayong personal na kaalaman sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong praktikal na karanasan, hindi ninyo malalaman ang salita ng Diyos. Para sa iyo, ang salita ng Diyos ay hindi buhay, ngunit mga letra lamang na walang buhay. At kung panghahawakan mo lamang ang mga letrang walang buhay, hindi mo mauunawaan ang diwa ng salita ng Diyos, ni hindi mo mauunawaan ang Kanyang kalooban. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang salita sa iyong mga tunay na karanasan saka pa lamang magbubukas nang kusa ang espirituwal na kahulugan ng salita ng Diyos sa iyo, at sa karanasan mo lamang mauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan, at tanging sa pamamagitan lamang ng karanasan mo matutuklasan ang mga hiwaga ng salita ng Diyos. Kung hindi mo ito isasagawa, kung gayon gaano man kalinaw ang Kanyang salita, ang tanging bagay mong nauunawaan ay hungkag na mga letra at mga doktrina, na naging mga relihiyosong tuntunin sa iyo. Hindi ba ito ang ginawa ng mga Fariseo? Kung inyong isinasagawa at nararanasan ang salita ng Diyos, ito ay nagiging praktikal sa inyo; kung hindi ninyo hahangarin na isagawa ito, kung gayon ang salita ng Diyos sa iyo ay higit lang ng kaunti sa alamat ng ikatlong langit. ...
... Ang karamihan sa katotohanan na hindi ninyo naiintindihan ay palilinawin kapag isinasagawa ninyo ang salita ng Diyos. Ang karamihan sa mga tao ay nasisiyahan na basta na lamang maintindihan ang teksto ng salita ng Diyos at ituon ang isipan sa pagsasangkap sa kanilang mga sarili ng mga doktrina nang hindi nararanasan ang lalim nito sa pagsasagawa; hindi ba iyon ang paraan ng mga Fariseo? Paano magiging totoo ang pariralang “Ang salita ng Diyos ay buhay” sa kanila, kung gayon? Kapag isinasagawa na ng tao ang salita ng Diyos saka pa lamang tunay na mamumukadkad ang kanyang buhay; hindi ito lalago sa pamamagitan lamang ng pagbasa sa salita ng Diyos. Kung ito ang iyong sinasampalatayan na ang pagkaunawa sa salita ng Diyos ay ang tanging kailangan upang magkaroon ng buhay, upang magkaroon ng katayuan, kung gayon ang iyong pagkaunawa ay baluktot. Ang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos ay nangyayari kapag isinasagawa mo ang katotohanan, at dapat mong maunawaan na “sa pagsasagawa lamang sa katotohanan ito kailanman maaaring maintindihan.”
mula sa “Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao