Ni Tian Ying
Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw.
Gayunman, hindi nagtagal nang masaksihan niya ang isang kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid, at sa pamamagitan ng pakikibahagi, ang may-katha ay dumating sa pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at nagsimulang makita nang malinaw ang pagiging kakatwa ng mga relihiyosong paniniwala. Siya ay nakawala sa kontrol ng pastor at tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nanumbalik sa Diyos.
Dati akong mananampalataya sa Three-Self Church sa Tsina. Nang magsimula akong sumali sa mga pagtitipon doon, madalas sabihin sa amin ng mga pastor na: “Mga kapatid, nakatala sa Biblia na: ‘Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:10). Tayo ay itinuring na matuwid dahil sa ating pananampalataya. Sapagkat naniniwala tayo kay Jesus, tayo ay naligtas. Kung naniwala tayo sa anumang iba pa, kung gayon hindi tayo naligtas….” Pinanghawakan ko ang mga salitang ito ng mga pastor. Bilang resulta, masugid kong itinuloy at aktibong dinaluhan ang mga pagtitipon habang hinintay ko ang Panginoon na dumating at papasukin ako sa kaharian ng langit. Nang maglaon, habang ang mga di-makatuwirang gawa ay patuloy na nangyayari sa iglesia, naramdaman ko ang pagkasuya sa mga pagtitipon doon. Una sa lahat, sa gitna ng mga pastor sila ay hati at hiwalay, bawat isa ay sumusubok na itayo ang kanilang mga sarili sa ibabaw ng pangkat at magtayo ng sariling mga kaharian. Ikalawa, ang mga pangaral mula sa mga pastor ay kailangang sumunod sa United Front Work Department (UFWD). Nasa sa kanila ang desisyon kung ano ang maaaring pag-usapan, at wala kahit isa ang nagtangka na sumalungat sa kanila. Ang UFWD ay hindi sila pinayagan na pag-usapan ang Aklat ng Pahayag dahil sa takot na magagambala nito ang kilalang sentimyento, kaya ang mga pastor ay hindi ito ipinangaral. Ang mga pastor ay madalas ipangaral ang tungkol sa donasyon, na nagsasabing kapag mas maraming mag-abuloy ang isang tao, mas maraming biyaya silang matatanggap mula sa Diyos…. Kaya nang makita ko na ang mga ito ay ang kalagayan sa iglesia naramdaman ko na para akong naguluhan: Bakit nagbago ang iglesia sa ganitong kasalukuyang anyo? Hindi ba naniniwala ang mga pastor sa Panginoon? Bakit hindi sila natatakot sa Panginoon? Bakit hindi sila sumusunod sa salita ng Panginoon? Mula ng puntong iyon hindi ko na ginusto na magpunta sa mga pagtitipon sa Three-Self Church, sapagkat naramdaman ko na hindi sila totoong naniniwala sa Diyos, na umakto sila sa pangalan ng paniniwala sa Diyos upang makamtan ang pinaghirapang ipunin na pera mula sa kapatiran.
Sa ikalawang bahagi ng 1995, umalis ako sa iglesia nang walang pag-aalinlangan at sumama sa isang iglesia sa bahay (kaanib ng pananampalatay lamang). Sa simula naramdaman ko na ang kanilang mga pangaral ay hindi sakop ng pagbabawal ng pambansang gobyerno, at isinama pa nila ang Aklat ng Pahayag at pinag-usapan ang mga huling araw at ang pagbabalik ng Panginoon. Lumusong din sila nang mas malalim sa ibang mga paksa na kanilang ipinangaral kumpara sa Three-Self Church, at naramdaman ko na may mas malaking kawilihan sa pagtitipon dito kumpara sa pagtitipon sa Three-Self Church, na lubos na nagpasaya sa akin. Ngunit sa paglipas ng panahon, natuklasan ko na dito rin kabilang sa mga kasama sa gawain ay may ilan na naging mainggitin, nakipagtalo sa mga bagay at ninais paghiwa-hiwalayin ang grupo. Wala sa mga kapatiran ang namumuhay ayon sa pangangailangan ng Panginoon, wala na ang pagmamahal na mayroon sila nung nakalipas…. Nang makita ko na ang iglesia na ito ay walang anumang totoong pagkakaiba sa Three-Self Church ako ay nakaramdam ng pagkadismaya, ngunit hindi ko rin alam kung saan ako maaaring magpunta upang makatuklas ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu. Sa kakulangan ng mas mainam na pagpipilian, ang tangi ko lang magagawa ay ang manatili sa mga kaanib na ito ng pananampalataya lamang. Gaya noon, nagpunyagi ako sa pagdalo ng mga pagtitipon sapagkat sinabi lahat ng mga pastor at mangangaral na “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” at “hangga’t isinasagawa mo ang pagtitiyaga hanggang sa huli, pagpapagal para sa Diyos at ipagtanggol ang paraan ng Panginoon sa gayon magagawa mong makapasok sa kaharian ng langit.” Patuloy kong iniisip sa sarili ko ng oras na iyon: Hindi alintana kung paano ang ibang tao, hangga’t nagpupunyagi ako sa aking pananampalataya sa Panginoong Jesus at hindi umaalis mula sa daan ng Panginoon, sa gayon kapag bumalik ang Panginoon magkakaroon ako ng pagkakataon na madala sa kaharian ng langit.
Sa isang kisap-mata ay nasa ikalawang bahagi na agad ng 1997, at ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay napalaganap na kung nasaan kami, at ang iglesia ay napunta sa isang magulong tagpo. Si pinunong Li ay sinabi sa amin: “Sa panahong ito isang grupo ang lumitaw na nagpapalaganap ng Silanganang Kidlat, sila ay nagpupunta sa bawat lugar nagnanakaw ng mga tupa mula sa iba’t-ibang sekta, at sinasabi nila na ang Panginoong Jesus ay nakabalik na at ipinapatupad Niya ang isang bagong yugto ng gawain. Ang Panginoong Jesus ay napako sa krus para sa atin, binayaran na Niya ang halaga ng Kaniyang buhay upang tubusin tayo. Tayo ay naligtas na, kailangan lang nating matiyagang maghintay hanggang sa huli, at kapag ang Panginoon ay bumalik tayo ay tunay na madadala sa kaharian ng langit. Kaya, kailangan natin bigyan ng pansin at hindi natin lubos na matatanggap ang mga taong ito sa Silanganang Kidlat. Kung sino man ang tumanggap sa kanila ay matitiwalag mula sa iglesia! Gayundin, kailangan kang makasiguro na hindi makinig sa anumang sasabihin nila, at kailangan kang makasiguro na hindi babasahin ang kanilang aklat….” Wari ko na ang mga kasama sa gawain sa lahat ng antas ay pinag-uusapan lahat ang tungkol sa mga bagay na ito sa halos bawat pagtitipon. Pagkatapos makinig sa kanila, naramdaman ko ang hindi tugma na mga ideya na hindi sinasadyang lumitaw sa loob ko tungkol sa Silanganang Kidlat. Naramdaman ko na kailangan kong magbantay laban sa kanila at sanayin ang malaking pag-iingat, sapagkat natatakot ako na ako ay mananakaw ng Silanganang Kidlat at mawala ang aking pagkakataon na pumasok sa kaharian ng langit.
Gayunman, ang bagong taon ay nagsimula pa lang noong 1998 nang isang araw hindi ko inaasahang makatagpo ko ang isang tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at magkaroon ng kapalaran ng pakikinig sa paraan ng Silanganang Kidlat sa unang pagkakataon. Nang araw na iyon, ang aking nakatatandang kapatid na babae ay tinawagan ako at inanyayahan sa kaniyang bahay. Inanyayahan din niya si kapatid na Hu mula sa kaniyang baryo upang magpunta din, at nang makita niya ako ay ngumiti siya at sinabi: “Oh mabuti at nagpunta ka, isang malayong kamag-anak ko na isang mananampalataya ay dadalaw, tayo ay magtipon nang magkakasama.” Ako ay masayang tumugon: “Sige, pakiusap papuntahin mo rin siya.” Hindi nagtagal, si kapatid na Hu ay bumalik kasama ang kaniyang kamag-anak. Nang makita kami ng kapatid na babae binati niya kami nang may sigla. Bagaman hindi ko pa siya nakilala noon nakaramdam ako ng parang pagkakalapit sa kaniya. Pagkatapos naming lahat umupo, ang kapatid na babae ay nagsimulang magsalita. Sinabi niya: “Mayroong malawak na paghihinagpis sa iglesia sa panahong ito. Ang mga mangangaral ay walang anumang bago na kanilang ipapangaral, at sa bawat pagtitipon kapag hindi nila pinag-uusapan kung paano labanan ang Silanganang Kidlat, lahat ay puro pakikinig sa mga tape at kumakanta ng mga awitin. Ito ang mga pagtitipon. Ang mga kapwa manggagawa ay lumalago nang may paninibugho laban sa isa’t-isa at napupunta sa mga alitan, sila ay nagsasabwatan at nakikipagsapakatan, silang lahat ay lubos na matuwid sa sarili at lahat ay tumatanggi na sundin ang bawat isa; ang mga kapatiran ay negatibo at mahina, at sila ay walang pananampalataya at pagmamahal. Marami ang iniwan ang Panginoon upang bumalik sa mundo para lumikha ng pera.” Sa kaibuturan ko gayundin ang naramdaman ko, at habang tumatango ako sinabi ko sa kapatid na babae: “Ganito parehas kung saan din ako dumadalo. Noon mayroon kaming dalawampu hanggang tatlumpung katao sa aming buwanang pagpupulong, ngunit ngayon mayroon lamang iilang mga nakatatanda, maging ang mga mangangaral ay nagpunta sa mundo upang lumikha ng pera! Wala ng kasiyahan na makukuha sa mga pagpupulong.” Ang kapatid na babae ay tumango at sinabi: “Ang ganitong uri ng sitwasyon ay hindi lang sa ilang mga iglesia, ito ay isang malawak na pangyayari sa buong relihiyosong mundo. Ito ay nagpapakita na ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi na matatagpuan sa loob ng iglesia, kaya ang mga labag sa batas na gawain ay palaging magpapatuloy na lumabas. Ito ay senyales ng pagbabalik ng Panginoon. Ito ay parang tulad ng pagwawakas ng Kapanahunan ng Kautusan, nang ang templo ay naging lugar ng pagbebenta ng paghahayupan at palitan ng pera. Ito ay dahil ang Diyos ay itinigil na ang pagsasagawa ng Kaniyang gawain sa templo. Sa halip, ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Panginoong Jesus upang isagawa ang bagong yugto ng gawain sa labas ng templo.” Ako ay nakinig nang mabuti at tumango nang madalas. Ang kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Kapatid, sa Lucas 17:24-26 sinasabi nito: ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito. At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.’ Paano mo ipakahulugan ang mga linyang ito ng Kasulatan?” Sandali ko itong inisip nang seryoso, at sinabi ko nang may alangan na ngiti: “Kapatid, hindi ba ang mga linyang ito mula sa Kasulatan ay tumutukoy sa pagdating ng Panginoon?” Tumugon ang kapatid na babae, na nagsasabing: “Ang mga linyang ito mula sa Kasulatan ay pinag-uusapan ang pagdating ng Panginoon, gayunman, hindi nila pinag-uusapan ang tungkol sa Panginoong Jesus na dumating nang panahong iyon. Sa halip, tumutukoy sila sa pagdating ng Panginoon sa mga huling araw. Kung saan sinasabi nito ‘Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito,’ ito ‘at’ ay nagpapatunay na ang Panginoon ay magbabalik. Kapatid, ngayon mismo ang pananampalataya ng mga mananampalataya sa iglesia ay nanlamig, sila ay negatibo at mahina. Ito ay dahil sa ang Diyos ay naging katawang-tao muli upang isagawa ang isang bagong yugto ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay kumikilos pasulong, at lahat ng hindi sumusunod sa bagong gawain ng Diyos ay mawawalan ng gawain ng Banal na Espiritu….” Sa sandaling narinig ko ang kapatid na babae na sinabi na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na agad kong nahulaan na kabilang siya sa Silanganang Kidlat, at ang puso ko ay agad lumubog. Ang ngiti sa aking mukha ay nawala rin habang ang mga salita mula sa aking mga pinuno na nagsara agad ng iglesia ay nagsimulang lumutang sa paligid ng aking ulo: “Ang maniwala kay Jesus ay ang maligtas, ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman! … Huwag tanggapin ang mga iyon mula sa Silanganang Kidlat! …” Habang iniisip ko ang mga salitang ito mula sa aking mga pinuno nais ko na magmadaling umuwi. Ngunit nang ang ideyang ito ay sumagi sa aking isipan naliwanagan ako ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-alala ng isang talata mula sa isang awit: “Si Jesus ang ating kanlungan, kapag mayroon kang mga kaguluhan itago sa Kaniya, kapag ang Panginoon at ikaw ay magkasama ano ang kailangan mong katakutan?” Ito iyon! Kung ang Panginoon ay nasa aking tabi ano ang kailangan kong ikatakot? Ang mga bagay na aking kinatatakutan ay hindi nagmumula sa Diyos, ito ay nagmumula kay Satanas. Sa puntong ito, sinabi ng kapatid na babae: “Kung sinuman ang may katanungan, sige lang, at ibahagi ito, ang salita ng Diyos ay kayang lutasin ang lahat ng mga problema at mga paghihirap na mayroon tayo.” Nang marinig ko ang kapatid na babae na sinabi ito, naisip ko sa sarili ko: Sana ay hindi ka malito sa aking mga tanong! Ngayong araw nais kong marinig ang tungkol sa kung ano talaga ang naipangaral sa Silanganang Kidlat, na kayang nakawin palayo ang napakarami sa “mabuting tupa.”
Habang iniisip ko ang tungkol dito, nagsimula akong magtanong: “Ang ating mga pinuno ay madalas sinasabi na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa atin, at binayaran na Niya ang halaga ng Kaniyang buhay upang tubusin tayo, kaya tayo ay naligtas na. Gaya ng nakatala sa Kasulatan: ‘Sapagkat ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:10). Sapagkat tayo ay naligtas na minsan tayo ay naligtas magpakailanman, hangga’t ipinapakita natin ang pagtitiyaga hanggang sa huli at hinihintay ang pagbabalik ng Panginoon, sa gayon tayo ay talagang madadala sa kaharian ng langit. Ito ang pangako na ginawa ng Panginoon sa atin. Kaya, hindi natin kailangan tumanggap ng anumang bagong gawain na ipinapagawa ng Diyos.”
Pagkatapos akong marinig na sinabi ito, ang kapatid na babae ay ngumiti at sinabi sa akin: “Maraming mananampalataya ang nag-iisip na ang Panginoong Jesus ay napako na sa krus para sa kanila, at sapagkat binayaran na Niya ang halaga ng Kaniyang buhay sila ay natubos at sila ay naligtas. Iniisip nila na ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman, at ang kailangan lang nila gawin ay ang ipakita ang pagtitiyaga hanggang sa huli, hintayin ang pagbabalik ng Panginoon kung kailan sila ay talagang madadala sa kaharian ng langit, at hindi nila kailangan tumanggap ng anumang bagong gawain na ipinapagawa ng Diyos. Ngunit ang ganito bang paraan ng pag-iisip ay talaga bang tama o hindi? Naaayon ba talaga ito sa kalooban ng Panginoon? Sa totoo, ang ideyang ito na ‘ang maligtas minsan at maligtas magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon tayo ay madadala sa kaharian ng langit’ ay pagkaintindi at imahinasyon lamang ng tao, ito ay karaniwang hindi naaayon sa salita ng Panginoon. Ang Panginoong Jesus ay hindi sinabi kahit minsan na ‘ang mga naligtas sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit.,’ bagkus, Sinabi Niya, ‘kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit’ (Mateo 7:21). Ang ‘maligtas’ at ‘gawin ang kalooban ng Ama na nasa langit’ ay magkaibang bagay. Kapag nagsabi tayo ng ‘ang maligtas para sa iyong pananampalataya,’ itong ‘pagiging ligtas’ ay tumutukoy sa pagpapatawad sa iyong mga kasalanan. Ito ay para sabihin na, kung ang isang tao na nararapat malagay sa kamatayan ayon sa kautusan, ngunit lumapit sila sa Panginoon at nagsisi, tinanggap ang biyaya ng Panginoon at pinatawad sila ng Panginoon sa kanilang mga kasalanan, kung gayon itong taong ito ay mahihiwalay mula sa kumbiksyon ng kautusan, hindi na sila malalagay sa kamatayan ayon sa kautusan. Ito ang totoong kahulugan ng ‘pagiging ligtas.’ Ngunit ang maligtas ay hindi nangangahulugan na ang isang tao ay nahiwalay mula sa kasalanan at nalinis. Alam natin na ito ay taos pusong totoo sa pamamagitan ng karanasan. Bagaman tayo ay nanampalataya sa Panginoon sa loob ng maraming taon, madalas inaamin ang ating mga kasalanan sa Panginoon at nagsisisi, at nawiwili din sa galak at kaligtasan ng pagpapatawad sa ating mga kasalanan, tayo ay madalas pa ring hindi sinasadya na magkasala, tayo ay nagagapos ng ating mga kasalanan. Ito ay katotohanan. Halimbawa: Ang ating kayabangan, katusuhan, pagiging makasarili, kasakiman, kasamaan at iba pang bahagi ng ating tiwaling disposisyon ay patuloy na umiiral; tayo ay nawiwili pa rin na ituloy ang takbo ng mundo, at ang kayamanan at kasikatan, at mga kaluguran ng laman. Tayo ay kumakapit sa mga makasalanang kaluguran, hindi magawa na palayain ang ating mga sarili. Upang maingatan ang ating mga personal na interes nagagawa din natin madalas na magsabi ng mga kasinungalingan at linlangin ang ibang tao. Kaya, ang ‘maligtas’ ay hindi nangangahulugan na ang isang tao na natamo ang ganap na kaligtasan. Ito ay katotohanan. Gaya ng sinabi ng Diyos: ‘Kayo’y mangagpakabanal; sapagkat ako’y banal’ (1 Pedro 1:16). Ang Diyos ay banal, ngunit kaya ba Niyang hayaan ang mga taong madalas nagkakasala at lumalaban sa Diyos na makapasok sa kaharian ng langit? Kung naniniwala ka na silang naligtas sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit, bakit sinabi din ng Panginoong Jesus ang sumusunod na mga salita? ‘Hindi ang bawat nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasan’ (Mateo 7:21-23). Bakit sinabi na kapag bumalik ang Panginoon ay paghihiwalayin Niya ang mga kambing mula sa mga tupa at ang trigo mula sa mga pangsirang damo? Naniniwala kami na ito ay ganap na walang kabuluhan upang sabihin na ‘silang naligtas sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit!’ Ito ay ganap na lumilihis mula sa mga salita ng Panginoong Jesus! Ito ang mga salita na lumalaban sa nasa Panginoon! Kaya, kung hindi tayo tumanggap at manampalataya sa salita ng Panginoon, bagkus hawakan ang mga kamaliang naikalat ng mga pastor at mga nakatatanda, kapag umasa tayo sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon sa ating pananampalataya sa Diyos, sa gayon hindi natin kailanman magagawang matamo ang kinakailangan ng Diyos, at hindi natin magagawa na madala sa kaharian ng langit”
Ako ay nag-isip-isip sa mga salita ng kapatid na babae at naramdaman na ang kaniyang sinabi ay may malaking katuturan, kaya ako ay naupo at tahimik na nakinig …