Ang Saligang Kapaligirang Tinitirahan na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Temperatura
Ang ikalawang bagay ay temperatura. Alam ng lahat kung ano ang temperatura. Ang temperatura ay isang bagay na dapat mayroon ang isang kapaligirang nababagay sa kaligtasan ng tao.
Kung ang temperatura ay masyadong mataas, sabihin na kung ang temperatura ay mas mataas kaysa 40 digri Sentigrado, kung gayon hindi ba ito magiging masyadong nakakasaid sa mga tao? Hindi ba ito magiging nakakapagod para sa kanila upang mabuhay? Paano kung ang temperatura ay masyadong mababa, at aabot sa negatibong 40 digri Sentigrado? Hindi rin ito makakayanang tiisin ng mga tao. Kaya naman, masyadong naging partikular ang Diyos sa pagtakda ng saklaw ng temperaturang ito. Ang saklaw ng temperatura na kayang bagayan ng katawan ng tao ay negatibong 30 digri Sentigrado hanggang 40 digri Sentigrado. Ito ang pangunahing saklaw ng temperatura mula sa hilaga hanggang sa timog. Sa malalamig na rehiyon, ang mga temperatura ay maaaring bumagsak sa negatibong 50 hanggang 60 digri Sentigrado. Ang nasabing rehiyon ay hindi isang lugar na pinahihintulutan ng Diyos na manirahan ang tao. Bakit kaya mayroong ganoong mga malamig na rehiyon? Dito nakasaad ang karunungan ng Diyos at Kanyang mga pakay. Hindi ka Niya pinahihintulutang pumunta malapit sa mga lugar na iyon. Pinoprotektahan ng Diyos ang mga lugar na masyadong mainit at masyadong malamig, samakatuwid hindi Siya handang pahintulutan ang tao na manirahan doon. Iyon ay hindi para sa sangkatauhan. Bakit Niya pahihintulutan ang mga lugar na iyon na manatili sa mundo? Kung hindi pahihintulutan ng Diyos ang tao na manirahan doon o mamalagi roon, kung gayon bakit Niya nilikha ang mga iyon? Ang karunungan ng Diyos ay nasasaad doon. Iyon ay, ang pangunahing temperatura ng kapaligiran para sa pamumuhay ng tao ay makatuwiran ding isinaayos ng Diyos. Mayroon ding batas dito. Lumikha ang Diyos ng ilang bagay upang tumulong na panatilihin ang nasabing temperatura, upang makontrol ang temperaturang ito. Anong mga bagay ang ginagamit upang mapanatili ang temperaturang ito? Una sa lahat, kayang magbigay ng araw ng init sa tao, ngunit kakayanin kaya ng mga tao kung masyadong mainit? Mayroon bang sinuman na nangangahas na lumapit sa araw? Mayroon bang alinmang instrumento sa mundo na kayang lumapit sa araw? (Wala.) Bakit wala? Masyado itong mainit. Matutunaw ito kapag malapit sa araw. Kaya naman, nagpamalas ang Diyos ng isang partikular na sukat ng distansya ng araw mula sa sangkatauhan; gumawa Siya ng partikular na gawain. Mayroong pamantayan ang Diyos para sa distansyang ito. Mayroon ding Polong Timog at Hilagang Polo. Lahat ay mga glesyer doon. Kaya bang manirahan ng tao sa mga glesyer? Ito ba ay nababagay sa paninirahan ng tao? (Hindi.) Hindi, kaya hindi pupunta ang mga tao roon. Dahil hindi pumupunta ang mga tao sa mga Polong Timog at Hilaga, ang mga glesyer ay mapapangalagaan, at patuloy ang mga itong magagampanan ang tungkulin nito, na pagkontrol sa temperatura. Nakuha ba ito? Kung wala ang mga Polong Timog at Hilaga at ang araw ay laging sumisinag sa mundo, kung gayon lahat ng tao sa mundo ay mamamatay sa init. Ginagamit lang ba ng Diyos ang dalawang bagay na ito upang kontrolin ang temperatura na nababagay sa kaligtasan ng buhay ng tao. Hindi, mayroon ding lahat ng klase ng mga bagay na may buhay, gaya ng damo sa mga bukid, ang iba’t ibang uri ng mga puno at ang lahat ng klase ng halaman sa mga gubat. Sinisipsip ng mga ito ang init ng araw at binubuo ang mainit na enerhiya ng araw upang ayusin ang temperatura na pinaninirahan ng mga tao. Mayroon ding mga pagkukunan ng tubig, gaya ng mga ilog at mga lawa. Ang ibabaw na bahagi ng mga ilog at lawa ay hindi isang bagay na kayang desisyunan ng sinuman. Walang sinuman ang kayang kontrolin kung gaano karaming tubig ang mayroon sa mundo, kung saan dumadaloy ang tubig, ang direksyon ng pag-agos nito, ang dami ng tubig, o ang bilis ng pag-agos. Tanging ang Diyos lang ang may alam. Itong iba’t ibang pinagmumulan ng tubig, kasama na ang tubig sa ilalim ng lupa at ang mga ilog at mga lawa sa ibabaw ng lupa na makikita ng mga tao, ay kaya ring ayusin ang temperatura na pinaninirahan ng mga tao. Bukod diyan, mayroong lahat ng klase ng heograpikong mga pormasyon, gaya ng mga bundok, mga kapatagan, malalalim na bangin, at mga latian; ang iba’t ibang heograpikong mga pormasyong ito at ang mga ibabaw na bahagi at mga sukat ng mga ito ay may papel lahat na ginagampanan sa regulasyon ng temperatura. Halimbawa, kung ang bundok na ito ay may radyos na 100 kilometro, ang 100 kilometrong ito ay magkakaroon ng 100-kilometrong epekto. Tulad ng para sa kung gaano karami lang ang mga nasabing bulubundukin at mga malalim na bangin na nilikha ng Diyos sa mundo, ito ay isang bagay na pinag-isipan ng Diyos. Sa madaling sabi, sa likod ng pagkakaroon ng bawat isang bagay na nilikha ng Diyos ay mayroong kuwento, at naglalaman rin ito ng karunungan at mga plano ng Diyos. Sabihin mang, halimbawa, ang mga gubat at ang lahat ng uri ng mga halaman—ang ibabaw na bahagi at ang sukat ng espasyo kung saan tumutubo ang mga ito ay hindi kayang kontrolin ng kahit sinong tao, ni sinuman ang mayroong pinal na masasabi sa mga bagay na ito. Gaano karaming tubig ang kaya nitong sipsipin, gaano karaming enerhiya na galing sa init ang kaya nitong sipsipin mula sa araw ay hindi rin kayang kontrolin ng kahit sinong tao. Lahat ng ito ay mga bagay na nakapaloob lamang sa mga saklaw ng kung anong naplano ng Diyos noong nilikha Niya ang lahat ng bagay.
Ito ay dahil lang sa maingat na pagpaplano ng Diyos, pagsasaalang-alang, at pagsasaayos sa lahat ng aspeto na kayang tirahan ng tao sa isang kapaligiran na may nasabing angkop na temperatura. Kung gayon, bawat isang bagay na nakikita ng tao, gaya ng araw, ang mga Polong Timog at Hilaga na madalas na naririnig ng tao, pati na rin ang iba’t ibang nabubuhay na nilalang sa ibabaw at sa ilalim ng lupa at nasa tubig, at ang ibabaw na mga bahagi ng mga gubat at iba pang uri ng mga halaman, at mga pinagmumulan ng tubig, ang iba’t ibang uri ng anyong tubig, gaano karaming tubig-alat at tubig-tabang mayroon, idagdag na rin ang iba’t ibang heograpikal na mga kapaligiran—ginagamit ng Diyos ang mga bagay na ito upang panatilihin ang normal na temperatura para sa pamumuhay ng tao. Ito ay tiyak. Ito ay dahil lamang ang Diyos ay mayroong ganoong mga pagsasaalang-alang na kaya ng taong manirahan sa isang kapaligirang may ganoong mga angkop na temperatura. Hindi ito maaaring maging masyadong malamig o masyadong mainit: Ang mga lugar na masyadong mainit at kung saan ang mga temperatura ay lumalampas sa kung ano lamang ang kayang bagayan ng katawan ng tao ay tiyak na hindi inihanda para sa iyo ng Diyos. Ang mga lugar na masyadong malamig at kung saan ang mga temperatura ay masyadong mababa; mga lugar na, sa sandaling marating ng tao, ay paninigasin sila sa loob lamang ng ilang minuto na hindi sila makakapagsalita, ang kanilang mga utak ay lalamigin, hindi sila makakapag-isip, at madali silang maghahabol ng hininga—ang mga lugar na iyon ay hindi rin inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Anumang uri ng pananaliksik ang gustuhing isagawa ng mga tao, o kahit gusto nilang magpabago o gustuhing magpumilit na pasukin ang mga nasabing limitasyon—anuman ang isipin ng mga tao, hindi nila kailanman makakayanang malampasan ang mga hangganan ng kung ano ang kayang bagayan ng katawan ng tao. Hindi nila kailanman makakayanang alisin ang mga limitasyong ito na nilikha ng Diyos para sa tao. Ito ay dahil nilikha ng Diyos ang mga tao, at Diyos ang pinaka-nakakaalam kung ano ang mga temperatura na kayang pakabagayan ng tao. Ngunit ang mga tao mismo ay hindi alam. Bakit Ko nasabing hindi alam ng mga tao? Anong uri ng kahangalan ang nagawa ng mga tao? Hindi ba mayroong iilang tao na laging gustong hamunin ang mga Polong Hilaga at Timog? Palagi nilang gusto na pumunta roon upang sakupin ang lupain, upang kanilang panghawakan at payabungin ito. Hindi ba ito isang gawain ng pagpatay sa sarili? Sabihin mang lubusan mong sinaliksik ang mga Polong Timog at Hilaga. Ngunit kahit na kaya mong makibagay sa nasabing mga temperatura, kaya mong mamuhay doon, at kaya mong “pahusayin” ang kapaligirang pinamumuhayan ng mga Polong Timog at Hilaga, makakabenepisyo ba ito sa sangkatauhan sa anumang paraan? Magiging masaya ka ba kung ang lahat ng yelo na nasa mga Polong Timog at Hilaga ay matunaw? Ito ay hindi kapani-paniwala. Isa itong pagkilos na walang katotohanan. Ang sangkatauhan ay mayroong kapaligiran kung saan sila ay maaaring manirahan, ngunit hindi nila kayang tahimik at matapat na manatili rito, at kailangan nilang pumunta kung saan hindi sila makakapamuhay nang ligtas. Bakit kaya ganito ang kaso? Naiinip silang mamuhay sa angkop na temperaturang ito. Nasiyahan sila sa napakaraming biyaya. Bukod pa rito, itong normal na kapaligirang tinitirhan ay nasira na ng sangkatauhan, kaya kung ganoon din lamang ay pumunta na sila sa mga Polong Timog at Hilaga upang gumawa ng mas higit pang pinsala o tumawag pa ng pansin sa ilang “layunin,” upang sila ay magiging isang uri ng “tagapanguna.” Hindi ba ito kahangalan? Ibig sabihin, sa ilalim ng pamumuno ng kanilang ninuno na si Satanas, ang sangkatauhang ito ay patuloy na gumagawa ng isang bagay na walang katotohanan matapos ang isa pa, walang ingat at walang habas na winawasak ang magandang tahanan na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Ito ang ginawa ni Satanas. Karagdagan pa, habang nakikita na ang paninirahan nang ligtas ng tao sa mundo ay nanganganib nang kaunti, ganap na isang pulutong ng tao ang nais na makahanap ng mga paraan upang pumunta at manatili sa buwan, upang maghanap ng daan palabas sa pamamagitan ng pagtingin kung kaya nilang manirahan doon. Sa katapusan, walang oksiheno sa buwan. Kaya ba ng mga tao na mabuhay nang walang oksiheno? Dahil kulang ang buwan sa oksiheno, hindi ito isang lugar na maaaring manatili ang tao, at ganoon pa man patuloy pa ring ginugusto ng tao na pumunta roon. Ano ito? Ito ay pagpapakamatay, tama? Iyon ay isang lugar na walang hangin, at ang temperatura ay hindi angkop sa kaligtasan ng buhay ng tao, kaya hindi ito inihanda ng Diyos para sa tao.
Ang temperatura na ating pinag-usapan lamang ay isang bagay na maaaring makasalamuha ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay. “Ang panahon ay medyo maganda ngayon, 23 digri Sentigrado. Maganda ang panahon, maaliwalas ang langit, at malamig ang hangin. Samyuhin ang sariwang hangin. Sumisikat ang araw. Mag-inat sa ilalim ng sikat ng araw. Nasa mabuting kondisyon ako!” O “Masyadong malamig ang panahon ngayon. Kung ilalabas mo ang iyong mga kamay, manlalamig kaagad ang mga ito. Nagyeyelo na, kaya huwag manatili sa labas nang matagal. Magmadali at bumalik, huwag abutan ng pagyelo!” Ang temperatura ay isang bagay na kayang madama ng lahat ng katawan ng tao, ngunit walang sinuman ang nag-iisip ng tungkol sa paanong nagkaroon ng temperatura, o kung sino ang namamahala at kumokontrol sa temperaturang ito na angkop sa pamumuhay ng tao. Ito ang inaalam natin ngayon. Mayroon bang karunungan ng Diyos sa loob nito? Narito ba sa loob nito ang pagkilos ng Diyos? (Oo.) Isinasaalang-alang na lumikha ang Diyos ng isang kapaligiran na may isang temperatura na naangkop sa pamumuhay ng tao, ito ba ay isa sa mga paraan kung saan ang Diyos ay nagtutustos sa lahat ng bagay? (Oo.) Ganoon nga.