Ang Saligang Kapaligirang Tinitirahan na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Tunog
Ano ang ikatlong bagay? Ito rin ay isang bagay na ang normal na tinitirahang kapaligiran para sa mga tao ay dapat na mayroon. Isa ring bagay na kailangang pakitunguhan ng Diyos noong nilikha Niya ang lahat.
Ito ay isang bagay na napakahalaga sa Diyos at gayundin para sa lahat. Kung hindi ito napamahalaan ng Diyos, ito ay magiging isang napakalaking balakid sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Sa madaling sabi ito ay magkakaroon ng napakamakabuluhang epekto sa katawan at buhay ng tao, sa puntong ang sangkatauhan ay hindi makakayanang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Maaari ding sabihin na ang lahat ng bagay na may buhay ay hindi kayang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Kung gayon, ano ang bagay na ito? Ito ay tunog. Nilikha ng Diyos ang lahat, at ang lahat ay nabubuhay sa mga kamay ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, lahat ng bagay ay gumagalaw at nabubuhay. Sa ibang salita, ang pag-iral ng bawat isa sa mga bagay na nilikha ng Diyos ay may halaga at kabuluhan. Iyon ay, lahat ng mga ito ay may pangangailangan sa likod ng pag-iral nito. Ang bawat bagay ay may buhay sa mga mata ng Diyos; dahil lahat ng ito ay buhay, makakalikha ang mga ito ng mga tunog. Halimbawa, ang mundo ay patuloy na umiikot, ang araw ay patuloy na umiikot, at ang buwan ay patuloy ring umiikot. Patuloy na nalilikha ang mga tunog sa pagpapalaganap at mga pag-unlad at galaw ng lahat ng bagay. Ang mga bagay sa mundo ay patuloy na lumalaganap, lumalago at kumikilos. Halimbawa, ang mga pundasyon ng mga bundok ay gumagalaw at lumilipat, samantalang ang lahat ng bagay na may buhay sa kailaliman ng mga dagat ay lahat gumagalaw at lumalangoy. Ibig sabihin ay ang mga bagay na may buhay, ang lahat ng bagay sa mga mata ng Diyos, lahat ay patuloy, normal, at regular na kumikilos. Kung gayon ano ang dala ng mga palihim na pagpapalaganap at pagsulong at pagkilos ng mga bagay na ito? Mga makapangyarihang tunog. Maliban sa mundo, lahat ng klase ng planeta ay patuloy ring kumikilos, at ang mga bagay na may buhay at mga organismo sa ibabaw ng mga planetang iyon ay patuloy ring lumalaganap, lumalago at kumikilos. Iyon ay, lahat ng bagay na may buhay at walang buhay ay patuloy na pasulong sa mga mata ng Diyos, at ang mga ito rin ay lumilikha ng mga tunog nang sabay-sabay. Pinakitunguhan din ng Diyos ang mga tunog na ito. Dapat ninyong malaman ang dahilan kung bakit pinakikitunguhan ang mga tunog na ito, tama? Kapag lumapit ka sa isang eroplano, ano ang gagawin sa iyo ng dumadagundong na tunog ng eroplano? Mabibingi ang iyong mga tainga sa paglipas ng panahon. Matatagalan ba ito ng iyong puso? Ang ilan na may mga mas mahinang puso ay hindi makakayanang matagalan ito. Siyempre, kahit na ang may malalakas na puso ay hindi makakayanan ito kung magpapatuloy ito nang matagal. Ibig sabihin, ang epekto ng tunog sa katawan ng tao, maging ito ay sa mga tainga o sa puso, ay lubhang makabuluhan para sa bawat tao, at ang mga tunog na masyadong malakas ay magdadala ng panganib sa mga tao. Samakatuwid, noong nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at matapos ng mga itong magsimulang tumakbo nang normal, nilagay din ng Diyos ang mga tunog na ito—ang mga tunog ng lahat ng bagay na kumikilos—sa pamamagitan ng nararapat na pagtrato. Ito ay isa rin sa mga kinakailangang konsiderasyon na nagkaroon ang Diyos noong lumilikha ng isang kapaligiran para sa sangkatauhan.
Una sa lahat, ang taas ng atmospera mula sa ibabaw ng mundo ay makakaimpluwensya sa mga tunog. Gayon din, ang laki ng mga puwang sa lupa ay mamanipulahin din at makaka-impluwensya sa tunog. Pagkatapos ay mayroon ng isang daloy ng iba’t ibang heograpikal na mga kapaligiran, na makakaapekto rin sa tunog. Ibig sabihin, gumagamit ang Diyos ng mga partikular na pamamaraan upang alisin ang ilang tunog, upang ang mga tao ay maaaring mamuhay nang ligtas sa isang kapaligirang maaaring matagalan ng kanilang mga tainga at mga puso. Kung hindi, ang mga tunog ay magdadala lang ng malaking balakid sa pamumuhay ng sangkatauhan; magdadala ang mga ito ng malubhang gulo sa kanilang mga buhay. Ito ay magiging isang malaking problema sa kanila. Sa madaling sabi, ang Diyos ay naging masyadong partikular sa Kanyang paglikha ng lupa, ng atmospera, at ng iba’t ibang uri ng heograpikal na mga kapaligiran. Ang karunungan ng Diyos ay nilalaman ng lahat ng ito. Ang pagkaunawa nito ng sangkatauhan ay hindi kinakailangang maging detalyado. Ang lahat lang ng kanilang dapat malaman ay napapaloob ang mga gawa ng Diyos doon. Ngayon, inyong sabihin sa Akin, ito bang gawain na ginawa ng Diyos ay kailangan? Iyon ay, ang pagsasagawa ng napakatiyak na pagmamanipula ng tunog upang panatilihin ang kinabubuhayang kapaligiran ng sangkatauhan at ang kanilang mga normal na buhay. (Oo.) Kung ang gawaing ito ay kailangan, kung gayon mula sa pananaw na ito, maaari bang sabihin na ginamit ng Diyos ang nasabing paraan upang tustusan ang lahat ng bagay? Tinustusan ng Diyos ang sangkatauhan at lumikha ng ganoong katahimik na kapaligiran, upang maaaring mabuhay ang katawan ng tao nang normal sa nasabing kapaligiran nang walang anumang mga panghihimasok, at upang ang sangkatauhan ay magawang mamalagi at mamuhay nang normal. Isa ba ito sa mga paraan kung saan tinutustusan ng Diyos ang sangkatauhan? Ang bagay bang ito na ginawa ng Diyos ay lubhang mahalaga? (Oo.) Iyon ay lubhang kailangan. Kaya paano ninyo papahalagahan ito? Kahit na hindi ninyo kayang maramdaman na ito ay ang pagkilos ng Diyos, ni alam ninyo kung paano ginawa ito ng Diyos noong panahong iyon, kaya pa rin ba ninyong maramdaman ang pangangailangan ng Diyos sa paggawa ng bagay na ito? Madarama ba ninyo ang karunungan ng Diyos o ang pangangalaga at kaisipan na inilagay Niya rito? (Oo.) Maramdaman lamang ito ay ayos na. Sapat na ito. Maraming bagay ang ginawa ng Diyos sa gitna ng lahat ng bagay na hindi mararamdaman at makikita ng mga tao. Ang layunin ng pagbanggit Ko nito rito ay upang bigyan lamang kayo ng ilang impormasyon tungkol sa mga kilos ng Diyos, at ito ay upang makilala ninyo ang Diyos. Ang mga palatandaang ito ay maaaring hayaan kayong mas mahusay na makilala at maunawaan ang Diyos.