Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan.
Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pag-itan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat maging laman upang isakatuparan ang Kanyang gawain. … tanging ang laman ng Diyos na nagkatawang tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang ito ay hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaring direktang maging laman upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanila. Dahil dito, ang Diyos ay dapat na maglakbay nang pabalik-balik sa pag-itan ng langit at lupa, sa halip na hayaan ang tao na umakyat sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagka’t ang tao ay nahulog at hindi maaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na lumapit si Jesus sa gitna ng mga tao at personal na gawin ang gawain na hindi maaring maisakatuparan ng tao.
Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ang pangunguna sa tao. Ito ang simula ng digmaan kay Satanas, ngunit ang digmaang ito ay hindi pa opisyal na nagsisimula. Ang opisyal na pakikidigma kay Satanas ay nagsimula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang unang pagkakataon ng digmaang ito ay nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus. Ang pagpapako sa krus ng Diyos na nagkatawang-tao ang tumalo kay Satanas, at ito ang unang matagumpay na yugto ng digmaan. Kapag nagsimula ang Diyos na nagkatawang-tao na trabahuin ang buhay ng tao, ito ang opisyal na pagsisimula ng gawain sa pagbawi sa tao, at dahil ito ang gawain sa pagbabago ng dating disposisyon ng tao, ito ang gawain sa pakikidigma kay Satanas. Ang yugto ng gawaing isinagawa ni Jehovah noong pasimula ay ang pangunguna lang sa buhay ng tao sa lupa. Ito ang simula ng gawain ng Diyos, at bagaman hindi pa kabilang dito ang anumang digmaan, o anumang pangunahing gawain, inilatag nito ang saligan para sa digmaang darating. Kinalaunan, ang ikalawang yugto ng digmaan sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay kinabibilangan ng pagpapabago sa dating disposisyon ng tao, ibig sabihin ang Diyos Mismo ang pumanday sa buhay ng tao. Ito ay kinailangang personal na gawin ng Diyos: Kinailangan nito na personal na maging tao ang Diyos, at kung hindi Siya naging tao, walang sinuman ang makapapalit sa Kanya sa yugtong ito ng gawain, dahil kumakatawan ito sa gawain ng tuwirang pakikidigma laban kay Satanas. Kung ito ay isinagawa ng tao sa pangalan ng Diyos, kapag tumayo ang tao sa harapan ni Satanas, hindi susuko si Satanas at magiging imposible na talunin ito. Kinailangan na ang Diyos na nagkatawang-tao ang dumating upang talunin ito, sapagkat ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay Diyos pa rin, Siya pa rin ang buhay ng tao, at Siya pa rin ang Lumikha; anumang mangyari, ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa ay hindi magbabago. At kaya, Siya ay nagsuklob ng katawang-tao at isinagawa ang gawain at binigyang-daan ang ganap na pagsuko ni Satanas.
Tayong mga Kristiyano ay nananalangin sa ngalan ng Panginoong Hesukristo araw-araw, pero alam ba natin ang kahulugan ni Kristo?