Ang mga katotohanan tungkol sa awtoridad ng Diyos ay mga katotohanan na dapat seryosong isaalang-alang ng bawat tao, dapat maranasan at maunawaan sa kanilang puso; pagkat ang mga katotohanang ito ay may kinalaman sa buhay ng bawat tao, sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap ng bawat tao, sa mahalagang sugpungan na dapat pagdaanan ng bawat tao sa buhay, sa kaalaman ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa saloobin na dapat niyang taglay sa pagharap sa awtoridad ng Diyos, at siyempre, sa huling hantungan ng bawat tao.
Kaya kinakailangan ng isang habambuhay na halaga ng enerhiya upang malaman at maunawaan ang mga yaon. Kapag sineryoso mo ang awtoridad ng Diyos, kapag tinanggap mo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, unti-unti mong matatanto at mauunawaan na ang awtoridad ng Diyos ay tunay na umiiral. Ngunit kung hindi mo kailanman nakikilala ang awtoridad ng Diyos, hindi kailanman tinatanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan, kung gayon kahit ilang taon ka pang mabuhay, hindi ka makakatamo kahit bahagyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Kung hindi mo tunay na nakikilala at nauunawaan ang awtoridad ng Diyos, kung gayon kapag nakarating ka sa dulo ng daan, kahit na naniwala ka sa Diyos nang maraming dekada, wala kang maipapakita sa iyong buhay, tiyak na wala kang kaalaman tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Hindi ba’t ito’y isang napakalungkot na bagay? Kaya kahit gaano pa kalayo ang nalakbay mo sa buhay, kahit gaano ka pa katanda ngayon, kahit gaano pa katagal ang natitira sa iyong paglalakbay, una mong dapat kilalanin ang awtoridad ng Diyos at seryosohin ito, tanggapin ang katotohanan na ang Diyos ang iyong natatanging Panginoon. Ang makatamo ng malinaw, tamang kaalaman at pagkaunawa sa mga katotohanang ito tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay isang sapilitang leksiyon para sa lahat, ang susi sa pag-alam sa buhay ng tao at pagtamo sa katotohanan, ang buhay at pangunahing leksiyon ng pagkilala sa Diyos na kinakaharap ng bawat isa bawat araw, at di maiwasan ninuman. Kung may isa sa inyo na nais tahakin ang pinakamadaling daan upang makarating sa layuning ito, kung gayon sinasabi ko sa iyo, yaon ay imposible! Kung nais mong takasan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, mas lalong imposible iyon! Ang Diyos lamang ang tanging Panginoon ng tao, ang Diyos lamang ang tanging Maestro ng kapalaran ng tao, kaya imposible para sa tao ang diktahan ang sarili niyang kapalaran, imposible para sa kanya na lampasan ito. Kahit gaano pa kagaling ang mga kakayahan ng tao, hindi niya maaaring maimpluwensyahan, mas lalong hindi niya maisasaayos, maihahanda at makokontrol, o mababago ang mga kapalaran ng iba. Ang natatanging Diyos Mismo lamang ang nagdidikta ng lahat ng bagay para sa tao, sapagkat Siya lamang ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad na may kapangyarihan sa ibabaw ng kapalaran ng tao; at sa gayon tanging ang Lumikha ang natatanging Panginoon ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ang may tangan sa kapangyarihan hindi lamang sa ibabaw ng nilikhang sangkatauhan, ngunit kahit na sa mga di-nilikhang nilalang na hindi nakikita ng tao, sa mga bituin, sa kosmos. Ito ay isang hindi mapapabulaanang katotohanan, isang katotohanan na tunay na umiiral, na hindi maaaring mabago ninuman o ng anuman. Kung may isa sa inyo ang hindi pa rin nasisiyahan sa mga bagay sa kasalukuyan, naniniwala na ikaw ay may ilang espesyal na kasanayan o kakayahan, at iniisip pa rin na maaari kang maging masuwerte at mabago mo ang iyong kasalukuyang mga kalagayan o di-kaya ay matakasan ang mga ito; kung pagtangkaan mong baguhin ang iyong sariling kapalaran sa mga paraan ng pagpupunyagi ng tao, at sa gayon ay mamukod-tangi sa iba at magtamo ng katanyagan at kayamanan; samakatwid sinasabi ko sa iyo, ginagawa mong mas mahirap ang mga bagay para sa iyong sarili, naghahanap ka lamang ng gulo, hinuhukay mo ang iyong sariling libingan! Isang araw, sa malao’t madali, matutuklasan mo na mali ang pinili mo, na nasayang ang iyong mga pagpupunyagi. Ang iyong ambisyon, ang iyong pagnanais na makibaka laban sa kapalaran, at ang iyong sariling kasuklam-suklam na pag-uugali, ang magdadala sa iyo sa walang pabalik na daan, at dahil dito magbabayad ka ng mapait na halaga. Bagaman sa kasalukuyan hindi mo nakikita ang kalubhaan ng kahihinatnan, habang iyong nararanasan at higit na pinapahalagahan nang mas malalim ang katotohanan na ang Diyos ang Panginoon ng kapalaran ng tao, unti-unti mong matatanto kung ano ang Aking sinasabi ngayon at ang tunay na mga implikasyon nito. Kung tunay bang mayroon kang puso at espiritu, kung ikaw ba ay isang tao na nagmamahal sa katotohanan, ito ay nababatay sa uri ng saloobin mayroon ka tungo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at tungo sa katotohanan. At natural, ito ang nagpapasya kung maaari mong tunay na malaman at maunawaan ang awtoridad ng Diyos. Kung kailanma’y hindi mo naramdaman sa iyong buhay ang dakilang kapangyarihan ng Diyos at Kanyang mga pagsasaayos, lalong hindi ang kilalanin at tanggapin ang awtoridad ng Diyos, kung gayon ikaw ay magiging lubos na walang halaga, walang duda na ikaw ang layon ng pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos, salamat sa daan na iyong tinahak at ang pagpiling ginawa mo. Subalit yaong, sa gawain ng Diyos, ay kayang tanggapin ang Kanyang pagsubok, tangggapin ang Kanyang dakilang kapangyarihan, magpasailalim sa Kanyang awtoridad, at unti-unting makatamo ng tunay na karanasan ng Kanyang mga salita, ay makapagkakamit ng tunay na kaalaman ng awtoridad ng Diyos, tunay na pagkaunawa ng Kanyang dakilang kapangyarihan, at magiging tunay na tauhan ng Lumikha. Tanging ang ganoong mga tao ang tunay na maliligtas. Sapagkat kanilang nakilala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, sapagkat tinanggap nila ito, tunay at tumpak ang kanilang pagpapahalaga at pagpapasailalim sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Kapag sila ay naharap sa kamatayan, tulad ni Job, magkakaroon sila ng isang isip na hindi natatakot sa kamatayan, magpapasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos sa lahat ng bagay, na walang indibidwal na pagpipilian, na walang indibidwal na pagnanais. Tanging ang ganoong tao ang makakabalik sa tabi ng Lumikha bilang isang tunay na nilalang na tao.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao