19.9.19

Mga Pagbigkas ni Cristo | Paano Malalaman at Ituturing ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Kapalaran ng Tao

Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na May Dakilang Kapangyarihan ang Diyos sa Kapalaran ng Tao
… Sa madaling salita, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos aktibo o di-aktibong tinatanggap ng bawat tao ang Kanyang dakilang kapangyarihan at Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay, kahit gaano pa karami ang mga baluktot na daan na nilalakaran niya, sa katapusan siya ay babalik sa orbit ng kapalaran na iginuhit ng Manlilika para sa kanya. Ito ang pagiging di-nagagapi ng awtoridad ng Lumikha, ang paraan kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang pagiging di-nagagaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala, ang may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na nagpapahintulot sa mga taong magpalipat-lipat muli’t muli nang walang panghihimasok, na regular na nagpapaikot at nagpapasulong sa mundo, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan ninyo ang lahat ng katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, mababaw man o taimtim;
ang lalim ng inyong pagkaunawa ay nakabatay sa inyong karanasan at kaalaman sa katotohanan, at inyong kaalaman sa Diyos. Kung gaano kahusay mong nalalaman ang realidad ng katotohanan, kung gaano mo naranasan ang mga salita ng Diyos, kung gaano kahusay na nakikilala ang diwa at disposisyon ng Diyos—ito ay kumakatawan sa lalim ng iyong pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Ang pag-iral ba ng dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nakabatay sa kung ang mga nilalang na tao ay nagpapasailalim sa mga ito? Ang katotohanan ba na nag-aangkin ang Diyos ng awtoridad na ito ay ipinapasya ng kung ang sangkatauhan ay nagpapasailalim dito? Umiiral ang awtoridad ng Diyos kahit ano pa ang mga kalagayan; sa lahat ng sitwasyon, idinidikta at isinasaayos ng Diyos ang kapalaran ng bawat tao at lahat ng bagay ayon sa Kanyang mga pag-iisip, sa Kanyang mga ninanais. Hindi ito magbabago dahil nagbabago ang mga tao, at ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi maaaring baguhin ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa. Kaya mang kilalanin at tanggapin ng tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, kaya mang magpasailalim dito ng tao, hindi nito binabago kahit kaunti lang ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Ibig sabihin, kahit ano pa ang magiging saloobin ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi nito maaaring basta lang baguhin ang katotohanan na ang Diyos ang may kapangyarihan sa kapalaran ng tao at sa lahat ng bagay. Kahit na hindi ka nagpapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, inaatasan pa rin Niya ang iyong kapalaran; kahit na hindi mo makilala ang Kanyang dakilang kapangyarihan, ang Kanyang awtoridad pa rin ang umiiral. Ang awtoridad ng Diyos at ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi nagbabago ayon sa mga kagustuhan at mga pinipili ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, sa bawat oras, bawat sandali. Kung ang langit at lupa ay pumanaw, ang Kanyang awtoridad ay hindi kailanman papanaw, sapagkat Siya ay Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi hinihigpitan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy gaya ng dati ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, naglalaan para sa lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay, gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ang hindi nagbabagong kapalaran mula pa noong unang panahon!
Paano Malalaman at Ituturing ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Kapalaran ng Tao    
Ang Wastong Saloobin at Pagsasagawa para sa Isang Tao na Nagnanais Magpasailalim sa Awtoridad ng Diyos
Anong saloobin ang dapat taglay ng tao sa pag-alam at pagsasaalang-alang sa awtoridad ng Diyos, ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao? Ito ay tunay na problema na nasa harap ng bawat tao. Kapag nahaharap sa mga problema sa tunay na buhay, paano mo dapat alamin at unawain ang awtoridad ng Diyos at Kanyang dakilang kapangyarihan? Kapag hindi mo alam kung paano unawain, hawakan, at danasin ang mga problemang ito, anong saloobin ang dapat mong angkinin upang ipakita ang iyong intensyon, ang iyong pagnanais, ang iyong realidad ng pagpapasailalim sa dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Una, dapat mong matutuhan ang maghintay; pagkatapos dapat mong matutuhang maghanap; pagkatapos dapat mong matutuhan ang magpasailalim. Ang “paghihintay” ay nangangahulungan na paghihintay sa panahon ng Diyos, hinihintay ang mga tao, pangyayari, at bagay na Kanyang isinaayos para sa iyo, naghihintay para unti-unting ibunyag ng Kanyang kalooban ang Kanyang sarili sa iyo. Ang “paghahanap” ay nangangahulugan ng pagmamasid at pag-unawa sa maalalahaning mga intensyon ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng mga tao, pangyayari, at bagay na inilatag Niya, pag-unawa sa katotohanan sa pamamagitan nila, pag-unawa sa dapat makamit ng tao at mga paraang dapat nilang sundin, pag-unawa sa kung anong mga resulta ang nais na makamtan ng Diyos sa mga tao at anong mga kabutihan ang nais Niyang makamit sa kanila. Ang “pagpapasailalim,” mangyari pa, ay tumutukoy sa pagtanggap sa mga tao, pangyayari, at bagay na isinaayos ng Diyos, pagtanggap sa Kanyang dakilang kapangyarihan at, sa pamamagitan nito, ay makilala kung paano idinidikta ng Lumikha ang kapalaran ng tao, kung paano Niya tinutustusan ang tao ng Kanyang buhay, kung paano Niya pinapagana ang katotohanan sa tao. Lahat ng bagay sa ilalim ng mga pagsasaayos at dakilang kapangyarihan ng Diyos ay sumusunod sa natural na mga batas, at kung pagpasyahan mo na hayaan ang Diyos na isaayos at diktahan ang lahat para sa iyo, dapat mong matutuhan ang maghintay, dapat mong matutuhan ang maghanap, dapat mong matutuhan ang magpasailalim. Ito ang saloobin na dapat magkaroon ang bawat tao na nagnanais magpasailalim sa awtoridad ng Diyos, ang pangunahing katangian na dapat taglay ng bawat tao na nagnanais tanggapin ang dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Upang magkaroon ng ganoong saloobin, ang mag-angkin ng ganoong katangian, dapat mas lalo kayong magpunyagi; at tanging sa gayon lamang maaari kayong pumasok sa tunay na realidad.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao