5.11.19

Salita ng Diyos | Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

Ang Kaligtasan ng Diyos, ikalawang pagdating ni Jesus, kaligtasan, kalooban ng diyos, Pagbabalik sa Diyos, Salita ng Diyos,

Salita ng Diyos | Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay


Sa katotohanan, ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang sinaunang ninuno.  Lahat ng paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at bigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumutusok lahat sa mga puso ng mga tao. Bawat paghatol ay tuwirang nakakaapekto sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang mga puso para kanilang mapapakawalan ang lahat ng bagay na yaon at sa gayon ay makilala ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, at makilala rin ang karunungan at pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos at makilala ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Kung mas marami ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, mas masusugatan ang puso ng tao at mas magigising ang kanyang espiritu. Ang paggising sa espiritu ng mga taong ito na ginawang napakatiwali at lubhang nalinlang ang mithiin ng uring ito ng paghatol. Ang tao ay walang espiritu, ibig sabihin, ang kanyang espiritu ay matagal nang namatay at hindi niya alam na may Langit, hindi niya alam na mayroong Diyos, at tiyak na hindi nalalamang siya ay nakikipagtunggali sa bangin ng kamatayan; paano magiging posibleng malaman niya na siya ay namumuhay sa loob nitong masamang impiyerno sa lupa? Paano magiging posibleng malaman niya na itong nabubulok na bangkay niya, sa pamamagitan ng pagtitiwali ni Satanas, ay nahulog tungo sa Hades ng kamatayan? Paano magiging posibleng malaman niya na ang lahat sa lupa ay matagal nang nawasak nang hindi na maaayos ng sangkatauhan? At paano magiging posibleng malaman niya na ang Lumikha ay dumating na sa lupa ngayon at naghahanap ng isang pangkat ng mga tiwaling tao na maaari Niyang iligtas? Kahit pagkatapos maranasan ng tao ang bawat posibleng pagpipino at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pa rin lamang na nagigising at halos hindi tumutugon. Ang sangkatauhan ay masyadong napababa! Bagaman ang uring ito ng paghatol ay tulad ng malupit na bola ng yelong nahuhulog mula sa papawirin, mayroon itong pinakamalaking pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na gaya nito, hindi magkakaroon ng bunga at magiging walang-pasubaling imposible na magligtas ng mga tao mula sa bangin ng paghihirap. Kung hindi sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay matagal nang namatay at ang kanilang mga espiritu ay matagal nang niyurakan ni Satanas. Ang pagliligtas sa inyo na napalubog sa pinakamalalim na kalaliman ng pagbaba ay nangangailangan ng pagtawag sa inyo nang napakalakas, paghatol sa inyo nang napakatindi, at saka lamang magigising iyang mala-yelo sa lamig na puso ninyo.

Ang inyong laman, ang inyong maluluhong pagnanasa, ang inyong pagkagahaman, at ang inyong matinding pagnanasa ay napakalalim na nag-ugat sa loob ninyo. Ang mga bagay na ito ay lubhang palaging nagpipigil sa inyong mga puso kaya kayo ay walang kapangyarihang iwaksi ang tanikala niyaong piyudal at napababang mga kaisipan. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong kasalukuyang sitwasyon, ni tumakas sa impluwensiya ng kadiliman. Kayo ay nakatali lamang sa mga bagay na yaon. Kahit alam ninyo na ang gayong buhay ay napakasakit at ang gayong mundo ay napakadilim, gayon pa rin, walang-wala kahit isa man sa inyo ang may tapang na baguhin ang ganitong uri ng buhay. Nananabik lamang kayong takasan ang ganitong uri ng tunay na buhay, pawalan ang inyong mga kaluluwa mula sa purgatoryo, at mamuhay sa isang mapayapa, masaya, at mistulang-langit na kapaligiran. Hindi kayo handang magtiis ng mga kahirapan upang baguhin ang inyong kasalukuyang buhay; ni handa kayong maghanap sa loob nitong paghatol at pagkastigo para sa buhay na dapat ninyong pasukin. Sa halip, nangangarap kayo ng lubhang di-makatotohanang mga pangarap tungkol doon sa magandang mundo sa kabila ng laman. Ang buhay na inyong pinananabikan ay isa na maaari ninyong makamit na walang-pagod nang hindi nagdurusa ng anumang pasakit. Iyan ay ganap na di makatotohanan! Dahil ang inyong inaasahan ay hindi ang isabuhay ang isang makahulugang buong buhay sa laman at matamo ang katotohanan sa pagdaan ng isang buong buhay, iyan ay, ang mabuhay para sa katotohanan at tumayo para sa katarungan. Hindi ito ang inyong ipapalagay na isang maningning at nakasisilaw na buhay. Inyong nadarama na ito ay hindi magiging isang kaakit-akit o makahulugang buhay. Para sa inyo, ang pamumuhay ng gayong buhay ay magiging tunay na kalugihan sa inyong mga sarili! Kahit na tanggapin ninyo ang pagkastigong ito ngayon, gayunpaman ang inyong hinahabol ay hindi ang matamo ang katotohanan o ipamuhay ang katotohanan sa kasalukuyan, bagkus ay ang pumasok sa isang masayang buhay sa kabila ng laman sa dakong huli. Hindi kayo naghahanap para sa katotohanan, ni naninindigan kayo para sa katotohanan, at kayo ay tiyak na hindi umiiral para sa katotohanan. Hindi ninyo hinahabol ang pagpasok ngayon, kundi sa halip ay patuloy na nag-iisip ng “isang araw, ” nakatingin sa asul na papawirin, umiiyak ng mapapait na luha, at umaasang madadala sa langit balang araw. Hindi ba ninyo alam na ang gayong pag-iisip ninyo ay wala na sa realidad? Lagi ninyong iniisip na ang Tagapagligtas na may walang-hanggang kabaitan at kaawaan ay walang dudang darating isang araw upang isama ka Niya, ikaw na nagtiis ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at Siya ay walang dudang maghihiganti para sa iyo na nabiktima at naapi. Hindi ka ba puno ng kasalanan? Ikaw lamang ba ang nagdusa sa mundong ito? Ikaw ba sa iyong sarili mismo ay nahulog sa sakop ni Satanas at nagdusa, at gayunman ay kailangan mo pa ring ipaghiganti ka ng Diyos? Yaong mga hindi kayang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos—hindi ba lahat sila ay mga kaaway ng Diyos? Yaong hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—hindi ba sila ang anticristo? Ano ang kabuluhan ng iyong mabubuting gawa? Mapapalitan ba ng mga ito ang isang pusong sumasamba sa Diyos? Hindi ka makakatanggap ng mga pagpapala ng Diyos sa pamamagitan lamang ng paggawa ng ilang mabubuting gawa, at hindi maghihiganti ang Diyos para sa mga kamalian laban sa iyo dahil lamang sa ikaw ay nabiktima o naapi. Yaong mga naniniwala sa Diyos gayunman ay hindi kilala ang Diyos, ngunit siyang gumagawa ng mabubuting gawa—hindi ba’t lahat sila ay kinakastigo rin? Naniniwala ka lamang sa Diyos, gusto lamang na mapagbayaran at mapaghigantihan ang mga kamalian laban sa iyo, at nais na pagkalooban ka ng Diyos ng daan ng pagtakas mula sa iyong paghihirap. Ngunit tumatanggi kang pag-ukulan ng pansin ang katotohanan; ni nauuhaw ka na isabuhay ang katotohanan. Lalong hindi mo nakakayang takasan itong mahirap at hungkag na buhay. Sa halip, habang ipinamumuhay ang iyong buhay sa laman at ang iyong buhay ng kasalanan, umaasa ka sa Diyos na itama ang iyong mga hinaing at alisin ang kalabuan sa iyong pag-iral. Paano ito posible? Kung taglay mo ang katotohanan, makakasunod ka sa Diyos. Kung mayroon kang pagsasabuhay, maaari kang maging isang pagpapamalas ng salita ng Diyos. Kung mayroon ka ng buhay, maaari kang magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Ang mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para doon sa mga nagmamahal sa Kanya nang taos-puso gayundin ang nagtitiis ng mga kahirapan at mga pagdurusa, hindi para doon sa mga nagmamahal lamang sa kanilang mga sarili at nahulog na bihag sa mga pandaraya ni Satanas. Paano maaaring magkaroon ng kabutihan sa mga yaon na hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng pagkamakatuwiran sa mga yaon na umiibig lamang sa laman? Hindi ba’t ang pagkamakatuwiran at kabutihan ay tumutukoy lahat sa katotohanan? Hindi ba’t nakalaan ang mga iyon para sa mga yaon na buong-pusong nagmamahal sa Diyos? Yaong mga hindi umiibig sa katotohanan at mga nabubulok na bangkay lamang—hindi ba ang lahat ng taong ito ay nagkakandili ng kasamaan? Yaong mga walang kakayahang ipamuhay ang katotohanan—hindi ba’t lahat sila ay kaaway ng katotohanan? At ano kayo?

Kung matatakasan mo ang mga impluwensyang ito ng kadiliman at maihihiwalay ang iyong sarili mula roon sa maruruming bagay, kung maaari kang maging banal, nangangahulugan ito na angkin mo ang katotohanan. Hindi naman sa ang kalikasan mo ay nagbago, kundi nakakaya mong isabuhay ang katotohanan at nakakayang talikdan ang laman. Ito ang kung ano ang mayroon yaong mga nalinis na. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay linisin ang sangkatauhan upang maaaring maangkin ng tao ang katotohanan, dahil ang tao ngayon ay nakakaunawa ng napakakaunting katotohanan! Ang paggawa ng gawaing panlulupig sa mga taong ito ay may pinakamalalim na kabuluhan. Lahat kayo ay nahulog sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman at malalim na nasaktan. Ang layunin ng gawaing ito, kung gayon, ay bigyang-kakayahan kayo na makilala ang kalikasan ng tao at sa pamamagitan noon ay ipamuhay ang katotohanan. Ang magawang perpekto ay isang bagay na dapat tanggapin ng lahat ng nilalang. Kung ang gawain ng yugtong ito ay kinapapalooban lamang ng pagpeperpekto sa mga tao, kung gayon maaari itong magawa sa Inglatera, o sa Amerika, o sa Israel; maaari itong magawa sa mga tao ng anumang bansa. Ngunit ang gawaing panlulupig ay namimili. Ang unang hakbang ng gawaing panlulupig ay sa maikling panahon lamang; higit pa rito, ito ay gagamitin upang hiyain si Satanas at lupigin ang buong sansinukob. Ito ang panimulang gawaing panlulupig. Maaaring sabihin ng isa na sinumang nilalang na naniniwala sa Diyos ay magagawang perpekto dahil ang maging perpekto ay isang bagay na makakamit lamang ng isa pagkatapos ng mahabang-panahong pagbabago. Ngunit ang malupig ay iba. Ang halimbawa at modelo na lulupigin ay dapat yaong isa na pinakanahuhuli sa lahat, namumuhay sa pinakamalalim na kadiliman, siya ring pinakamababa, ang pinakaayaw na tanggapin ang Diyos, at ang pinakamasuwayin sa Diyos. Ito ang uri ng tao na makakapagpatotoo sa pagiging nalupig. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay talunin si Satanas. Ang pangunahing layunin ng pagpeperpekto sa mga tao, sa kabilang banda, ay magtamo ng mga tao. Ito ay upang bigyang-kakayahan ang mga tao na magkaroon ng patotoo pagkatapos na malupig kaya ang gawaing panlulupig na ito ay inilagay dito, sa mga taong katulad ninyo. Ang layunin ay upang sumaksi ang mga tao pagkatapos na malupig. Ang nalupig na mga taong ito ay gagamitin upang makamit ang layunin ng pagpapahiya kay Satanas. Kaya, ano ang pangunahing paraan ng paglupig? Pagkastigo, paghatol, pagsumpa, at paghahayag—gamit ang matuwid na disposisyon upang lupigin ang mga tao nang sa gayon sila ay lubusang napapaniwala dahil sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Ang gamitin ang realidad ng salita at gamitin ang awtoridad ng salita upang lupigin ang mga tao at lubusan silang mapaniwala—ito ang kahulugan ng malupig. Yaong mga nagawa nang perpekto ay hindi lamang nakakayang makatamo ng pagsunod pagkatapos na malupig, kundi nakakaya rin nilang magkaroon ng kaalaman sa gawain ng paghatol, baguhin ang kanilang disposisyon, at kilalanin ang Diyos. Nararanasan nila ang landas ng pagmamahal sa Diyos, at puno ng katotohanan. Alam nilang danasin ang gawain ng Diyos, kayang magdusa para sa Diyos, at mayroong kanilang sariling mga kalooban. Ang mga nagawang perpekto ay yaong may taglay na tunay na pagkaunawa ng katotohanan salamat sa pagkakaranas ng salita ng Diyos. Ang nalupig ay yaong nakakaalam ng tungkol sa katotohanan ngunit hindi pa natatanggap ang tunay na kahulugan ng katotohanan. Pagkatapos malupig, sila ay sumusunod, ngunit ang kanilang pagsunod ay bungang lahat ng paghatol na kanilang tinanggap. Sila ay lubos na walang pagkaunawa ng tunay na kahulugan ng maraming katotohanan. Kinikilala nila ang katotohanan sa kanilang pagsasalita, ngunit hindi pa nila napasok ang katotohanan; naaabot nila ang katotohanan, ngunit hindi pa nila naranasan ang katotohanan. Ang gawaing ginagawa sa mga yaong ginagawang perpekto ay kinapapalooban ng mga pagkastigo at mga paghatol, kasama ang pagkakaloob ng buhay. Ang isang tao na nagpapahalaga sa pagpasok sa katotohanan ay isang tao na gagawing perpekto. Ang pagkakaiba sa pagitan niyaong gagawing perpekto at ng nalupig ay nakasalalay sa kung pumapasok sila sa katotohanan. Yaong mga nakakaunawa sa katotohanan, nakapasok sa katotohanan, at ipinamumuhay ang katotohanan ay ang nagawang perpekto; yaong mga hindi nakakaunawa sa katotohanan, hindi pumapasok sa katotohanan, ibig sabihin, yaong mga hindi ipinamumuhay ang katotohanan, ay mga tao na hindi maaaring magawang perpekto. Kung ang gayong mga tao ay nakakaya ngayong sumunod nang ganap, kung gayon sila ay nalupig. Kung ang nalupig ay hindi naghahanap sa katotohanan—kung sinusundan nila ngunit hindi ipinamumuhay ang katotohanan, kung nakikita nila at naririnig ang katotohanan ngunit hindi pinahahalagahan ang pamumuhay ng katotohanan—hindi sila maaaring magawang perpekto. Yaong mga gagawing perpekto ay nagsasagawa ng katotohanan ayon sa landas ng pagpeperpekto, ibig sabihin, isinasagawa nila ang katotohanan na nakasalig sa landas ng pagpeperpekto. Sa pamamagitan nito, tinutupad nila ang kalooban ng Diyos, at sila ay nagagawang perpekto. Sinumang sumusunod hanggang sa katapusan bago matapos ang gawaing panlulupig ay isang nalupig, ngunit hindi siya masasabing isa na ginawang perpekto. Ang nagawang perpekto ay tumutukoy sa mga yaong, pagkalipas ng pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay kayang habulin ang katotohanan at makamit ng Diyos. Tumutukoy ito sa mga yaon na, makalipas ang pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay tumatayong matatag sa kapighatian at isinasabuhay ang katotohanan. Ang pagkakaiba ng pagiging nalupig mula sa pagiging nagawang perpekto ay ang mga pagkakaiba sa mga hakbang ng paggawa at ang mga pagkakaiba sa antas ng pag-unawa at pagpasok ng mga tao sa katotohanan. Lahat niyaong mga hindi lumalakad sa landas tungo sa pagpeperpekto, ibig sabihin yaong hindi nagtataglay ng katotohanan, sa kahuli-hulihan ay maaalis pa rin. Tanging yaon lamang may angking katotohanan at ipinamumuhay ang katotohanan ang maaaring ganap na makamit ng Diyos. Ibig sabihin, yaong mga nagsasabuhay ng larawan ni Pedro ay ang nagawang perpekto, samantalang lahat ng iba ay ang nalupig. Ang gawaing ginagawa sa lahat niyaong nilulupig ay binubuo lamang ng mga pagsumpa, pagkastigo, at pagpapakita ng poot, at ang dumarating sa kanila ay pagkamatuwid lamang at mga sumpa. Ang paggawa sa gayong tao ay ang deretsahang ibunyag—ibunyag ang tiwaling disposisyon sa loob niya nang sa gayon ay nakikilala niya ito mismo at siya ay lubusang napapaniwala. Sa sandaling ang tao ay nagiging ganap na masunurin, ang gawaing panlulupig ay nagtatapos. Kahit na ang karamihan sa mga tao ay hindi pa rin naghahanap na maunawaan ang katotohanan, ang gawain ng paglupig ay natapos na.

Mayroong mga pamantayang kailangang matugunan kung ikaw ay gagawing perpekto. Sa pamamagitan ng iyong paninindigan, iyong pagtitiis, at ng iyong konsensya, at sa pamamagitan ng iyong paghahabol, makakaya mong maranasan ang buhay at tuparin ang kalooban ng Diyos. Ang mga ito ang iyong pagpasok, at kung ano ang mga kinakailangan sa landas tungo sa pagpeperpekto. Ang gawain ng pagpeperpekto ay maaaring magawa sa lahat ng tao. Sinumang naghahabol sa Diyos ay maaaring magawang perpekto at mayroong pagkakataon at mga kakayahan na magawang perpekto. Walang tiyak na panuntunan dito. Kung ang isa ay maaaring gawing perpekto ay pangunahing nakasalalay sa kung ano ang hinahabol niya. Ang mga tao na umiibig sa katotohanan at may kakayahang ipamuhay ang katotohanan ay tiyak na may kakayahang magawang perpekto. Ang mga tao na hindi umiibig sa katotohanan ay hindi pinupuri ng Diyos; sila ay hindi nagtataglay ng buhay na hinihingi ng Diyos, at sila ay hindi kayang magawang perpekto. Ang gawaing pagpeperpekto ay para sa kapakanan lamang ng pagkakamit ng mga tao, hindi isang hakbang sa pakikipaglaban kay Satanas; ang gawaing paglupig ay para lamang sa kapakanan ng pakikipaglaban kay Satanas, na nangangahulugang paggamit ng paglupig sa tao upang talunin si Satanas. Itong huli ay ang pangunahing gawain, ang pinakabagong gawain na hindi pa kailanman nagawa sa lahat ng kapanahunan. Maaaring sabihin ng isa na ang layunin ng yugtong ito ng gawain ay pangunahing lupigin ang lahat ng tao nang sa gayon ay talunin si Satanas. Ang gawain ng pagpeperpekto ng mga tao—iyan ay hindi bagong gawain. Lahat ng gawain sa panahon kung kailan ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao ay mayroon bilang pangunahing layunin nito na ang paglupig sa mga tao. Ito ay gaya ng sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagtubos sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus ang pangunahing gawain. Ang “pagkamit sa mga tao” ay karagdagan sa gawain sa katawang-tao at ginawa lamang pagkatapos ng pagpapapako sa krus. Nang dumating si Jesus at ginawa ang Kanyang gawain, ang Kanyang layunin ay pangunahing upang gamitin ang Kanyang pagkapako upang magtagumpay sa ibabaw ng tanikala ng kamatayan at Hades, magtagumpay sa ibabaw ng impluwensya ni Satanas, ibig sabihin ay talunin si Satanas. Pagkatapos lamang naipako si Jesus na lumakad si Pedro ng isa-isang hakbang sa landas tungo sa pagpeperpekto. Siyempre kasama siya roon sa mga sumunod kay Jesus habang gumagawa si Jesus, ngunit hindi siya nagawang perpekto sa panahong iyon. Bagkus, pagkalipas lamang na natapos ni Jesus ang Kanyang gawain na unti-unting naunawaan ni Pedro ang katotohanan at pagkatapos ay naging perpekto. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay dumarating sa lupa upang tapusin lamang ang isang pangunahin at mahalagang yugto ng gawain sa loob ng maikling panahon, hindi upang mamuhay nang matagal kasama ng mga tao sa lupa at kusang gawin silang perpekto. Hindi Niya ginagawa ang gawaing iyan. Hindi Siya naghihintay hanggang sa sandali kung kailan ang tao ay ganap na naperpekto para tapusin ang Kanyang gawain. Hindi iyan ang layunin at kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Dumating lamang Siya para gawin ang pagliligtas ng sangkatauhan sa maikling panahon, hindi para gawin ang napakatagal-na-panahon na gawain ng pagpeperpekto sa sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay kumakatawan at may kakayahang magpasimula ng isang bagong kapanahunan at maaaring matapos sa loob ng maikling panahon. Ngunit ang pagpeperpekto sa sangkatauhan ay nangangailangan ng pagtataas sa tao hanggang sa isang tiyak na antas at ito ay gawaing tumatagal sa mahabang panahon. Ang gawaing ito ay kailangang gawin ng Espiritu ng Diyos, ngunit ito ay ginagawa sa saligan ng katotohanan na sinasalita sa panahon ng gawain sa katawang-tao. O bilang karagdagan nagbabangon Siya ng mga apostol upang gumawa ng pangmatagalang gawain ng pag-aakay para makamit ang Kanyang layuning pagpeperpekto sa sangkatauhan. Hindi ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawaing ito. Nagsasalita lamang Siya tungkol sa daan ng buhay upang maunawaan ng mga tao at binibigyan lamang ang sangkatauhan ng katotohanan, sa halip na patuloy na samahan ang tao sa pagsasagawa ng katotohanan, dahil iyan ay hindi kasama sa Kanyang ministeryo. Kaya hindi Niya sasamahan ang tao hanggang sa araw na ganap na nauunawaan ng tao ang katotohanan at ganap na natatamo ang katotohanan. Ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay natatapos kapag ang tao ay pormal na pumapasok sa tamang landas ng katotohanan ng buhay, kapag ang tao ay humahakbang patungo sa tamang landas ng pagiging ginagawang perpekto. Sabihin pa ito ay kung kailan din lubusan na Niyang natalo si Satanas at nagtagumpay sa ibabaw ng mundo. Hindi Niya pinakikialaman kung ang tao ay nakapasok na sa wakas sa katotohanan sa sandaling iyon, ni pinakikialaman Niya kung ang buhay ng tao ay malaki o maliit. Wala riyan ang kung ano ang dapat na pinamamahalaan Niya sa katawang-tao; walang anuman dito ang kasama sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa sandaling natapos Niya ang Kanyang hinahangad na gawin, tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa katawang-tao. Kaya, ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang gawain lamang na hindi maaaring gawin nang tuwiran ng Espiritu ng Diyos. Higit pa rito, ito ang pangmadaliang gawain ng pagliligtas, hindi pangmatagalang gawain sa lupa.

Ang pagtataas sa inyong kakayahan ay hindi nakapaloob sa kinasasaklawan ng Aking gawain. Hinihingi Ko lamang sa inyo na gawin ito dahil ang inyong kakayahan ay napakababa. Sa totoo lamang hindi ito bahagi ng gawain ng pagpeperpekto; bagkus, ito ay dagdag na gawaing ginagawa sa inyo. Ang gawaing tinatapos sa inyo ngayon ay ginagawa ayon sa kung ano ang inyong kailangan. Ito ay pang-isahan, hindi isang landas na dapat pasukin ng bawat isa na ginagawang perpekto. Dahil ang inyong kakayahan ay higit na mababa kaysa sinuman na nagawang perpekto sa nakaraan, ang gawaing ito, kapag dumating ito sa inyo, ay nagkakaroon ng napakaraming hadlang. Ako ay kasama ninyo na gumagawa ng dagdag na gawaing ito dahil ang mga nilalayon ng pagpeperpekto ay iba. Pangunahin, kapag dumarating ang Diyos sa lupa, nananatili Siya sa loob ng Kanyang tamang nasasakupan at isinasagawa ang Kanyang gawain, hindi nag-aabala sa napakaraming iba pang kaabalahan. Hindi Siya nakikialam sa mga usaping pampamilya o nakikibahagi sa mga buhay ng mga tao. Siya ay lubos na walang pakialam sa gayong karaniwang bagay; hindi bahagi ng Kanyang ministeryo ang mga iyon. Ngunit ang inyong kakayahan ay lubhang higit na mababa kaysa Aking hiningi—lubos na hindi maaaring paghambingin—kaya nagdudulot ito ng matinding mga hamon sa gawain. Higit pa rito, ang gawaing ito ay dapat na magawa sa gitna ng mga tao dito sa lupain ng Tsina. Kayo ay lubhang kulang sa pinag-aralan kaya wala Akong pagpipilian kundi hingin na kayo ay mag-aral. Nasabi Ko na sa inyo na ito ay dagdag na gawain, ngunit ito ay isa ring bagay na dapat kayong magkaroon, isang bagay na kapaki-pakinabang sa inyong pagiging pineperpekto. Sa katunayan, dapat kayong magkaroon ng pinag-aralan, pangunahing kaalaman tungkol sa pansariling pag-uugali, at pangunahing kaalaman tungkol sa buhay bago ang lahat; hindi Ako dapat nagsasalita sa inyo tungkol sa mga bagay na ito. Ngunit dahil wala kayo ng mga bagay na ito, wala Akong pagpipilian kundi gawin ang gawain ng pagdaragdag ng mga iyon sa inyo ayon sa katunayan. Kahit na may kinikimkim kayong maraming pagkaintindi tungkol sa Akin, hinihingi Ko pa rin ito sa inyo, hinihingi pa rin na itaas ang inyong kakayahan. Hindi Ko hinahangad na pumarito at gawin ang gawaing ito, dahil ang Aking gawain ay upang lupigin lamang kayo, upang matamo lamang ang inyong ganap na paniniwala sa pamamagitan ng paghatol sa inyo, sa gayon ay itinuturo ang daan ng buhay na dapat ninyong pasukin. Sa ibang pananalita, kung gaano kataas ang pinag-aralan ninyo at kung gaano ang kaalaman ninyo tungkol sa buhay ay walang-pasubaling walang kinalaman sa Akin kung hindi lamang sa katunayan na kailangan Kong lupigin kayo ng Aking salita. Lahat ng ito ay idinaragdag upang tiyakin ang mga bunga mula sa gawaing panlulupig at alang-alang sa inyong kasunod na pagpeperpekto. Hindi ito isang hakbang ng gawaing panlulupig. Dahil kayo ay may mahinang kakayahan, at kayo ay tamad at pabaya, hangal at mabagal ang pag-iisip, matigas at tatanga-tanga—dahil kayo ay masyadong abnormal—Aking hinihingi na inyo munang itaas ang inyong kakayahan. Ang sinumang nagnanais na magawang perpekto ay dapat na makatugon sa ilang pamantayan. Upang magawang perpekto, ang isa ay dapat mayroong malinaw at mahinahong isipan at maging handang mamuhay ng makahulugang buhay. Kung ikaw ay isang tao na hindi handang mamuhay ng isang hungkag na buhay, isang tao na naghahabol sa katotohanan, isang tao na masigasig sa lahat ng kanyang ginagawa, at isang tao na may katangi-tanging normal na pagkatao, kung gayon ikaw ay angkop upang magawang perpekto.

Ang gawaing ito sa gitna ninyo ay isinasakatuparan sa inyo ayon sa kung ano ang gawaing kailangang magawa. Matapos ang paglupig sa mga taong ito, isang pangkat ng mga tao ang gagawing perpekto. Samakatuwid karamihan sa gawain sa kasalukuyan ay bilang paghahanda rin para sa layunin ng papeperpekto sa inyo, dahil maraming nagugutom sa katotohanan ang maaaring magawang perpekto. Kung ang gawain ng paglupig ay isinasakatuparan sa inyo at pagkatapos ay wala nang karagdagan pang gawain ang ginagawa, kung gayon hindi ba’t ito ay ang katayuan na ang ilang nananabik para sa katotohanan ay hindi ito matatamo? Ang kasalukuyang gawain ay naglalayong magbukas ng isang landas para sa pagpeperpekto sa mga tao sa bandang huli. Bagaman ang Aking gawain ay paglupig lamang, ang daan ng buhay na Aking sinalita ay bilang paghahanda pa rin para sa pagpeperpekto sa mga tao sa bandang huli. Ang gawain pagkatapos ng paglupig ay nakasentro sa pagpeperpekto sa mga tao, kaya’t ang paglupig ay ginagawa upang maglagay ng saligan para sa pagpeperpekto. Ang tao ay maaari lamang magawang perpekto matapos na malupig. Sa ngayon ang pangunahing gawain ay ang lupigin; sa bandang huli yaong mga naghahanap at nananabik para sa katotohanan ay magagawang perpekto. Upang magawang perpekto ay kinapapalooban ng mga positibong aspeto ng pagpasok ng mga tao: Mayroon ka bang pusong mapagmahal sa Diyos? Ano ang naging lalim ng iyong karanasan habang lumalakad ka sa landas na ito? Gaano kadalisay ang iyong pag-ibig sa Diyos? Gaano katumpak ang iyong pagsasagawa ng katotohanan? Upang magawang perpekto, ang isa ay dapat mayroong pansaligang kaalaman tungkol sa lahat ng aspeto ng pagkatao. Ito ay unang-unang kinakailangan. Lahat niyaong hindi magagawang perpekto matapos na malupig ay nagiging gamit-pangserbisyo at sa kahuli-hulihan ay itatapon pa rin sa lawa ng apoy at asupre at mahuhulog pa rin tungo sa walang-hanggang kalaliman dahil ang kanilang disposisyon ay hindi nabago at sila ay kabilang pa rin kay Satanas. Kung ang isang tao ay kulang sa mga katangian para sa pagpeperpekto, kung gayon siya ay walang-silbi—siya ay basura, isang kagamitan, isang bagay na hindi makakatagal sa pagsubok ng apoy! Gaano kalaki ang iyong pag-ibig sa Diyos sa ngayon? Gaano kalaki ang iyong pagkamuhi sa iyong sarili? Gaano talaga kalalim ang iyong pagkakilala kay Satanas? Napagtibay na ba ninyo ang inyong kapasyahan? Ang buhay ba ninyo sa sangkatauhan ay nakokontrol na mabuti? Nabago na ba ang inyong buhay? Namumuhay ba kayo ng isang bagong buhay? Nabago na ba ang pananaw ninyo sa buhay? Kung ang mga bagay na ito ay hindi nabago, hindi ka magagawang perpekto kahit na hindi ka umurong; bagkus, ikaw ay nalupig lamang. Kapag panahon na para subukin ka, kulang ka sa katotohanan, ang iyong pagkatao ay hindi normal, at ikaw ay kasing-baba ng isang ganid. Ikaw ay nalupig lamang, isa lamang na nalupig Ko. Gaya ng, sa sandaling naranasan nito ang palo ng amo, ang isang asno ay nagiging takot at natatakot na kumilos sa tuwing nakikita ang amo, gayundin, ikaw ay ang nasupil na asnong ito. Kung ang isang tao ay kulang sa mga positibong aspetong yaon at sa halip ay walang-kibo at takot, mahiyain at may alinlangan sa lahat ng bagay, hindi kayang malinaw na umintindi ng anumang bagay, hindi kayang tanggapin ang katotohanan, wala pa ring landas para sa pagsasagawa, lalo nang walang pusong mapagmahal sa Diyos—kung ang isang tao ay walang pagkaunawa tungkol sa kung paano mahalin ang Diyos, paano mamuhay ng makahulugang buhay, o paano maging isang tunay na tao—paano ang gayong tao ay makasasaksi sa Diyos? Ipinakikita lamang nito na ang iyong buhay ay maliit lamang ang halaga at ikaw ay isa lamang nasupil na asno. Ikaw ay nalupig na, ngunit nangangahulugan lamang iyan na naitatwa mo ang malaking pulang dragon at tumatangging magpasakop dito; ibig sabihin nito ay naniniwala ka na mayroong isang Diyos, nais na sumunod sa lahat ng plano ng Diyos, at walang mga hinaing. Nguni’t sa mga positibong aspeto, kaya mo bang isabuhay ang salita ng Diyos at ipamalas ang Diyos? Kung wala ka ng anuman sa mga ito, ito’y nangangahulugang ikaw ay hindi nakamit ng Diyos, at ikaw ay isang nasupil na asno lamang. Walang anumang kaibig-ibig sa iyo, at ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa kalooban mo. Ang iyong pagkatao ay kulang na kulang at imposible para sa Diyos na gamitin ka. Kailangan mong masang-ayunan ng Diyos at maging isandaang beses na mas mabuti kaysa sa di-nananampalatayang mga ganid at kaysa sa lumalakad na patay—yaon lamang mga nakakaabot sa antas na ito ang may katangian upang magawang perpekto. Tanging kung ang isa ay may pagkatao at may konsensya ang isa ay angkop para sa paggamit ng Diyos. Tanging kapag nagawa kang perpekto na ikaw ay maituturing na isang tao. Tanging ang nagawang perpekto ang mga taong namumuhay ng makahulugang mga buhay. Tanging ang gayong mga tao ang maaaring magpatotoo nang lalo pang umaalingawngaw sa Diyos.