Pagkatapos mag-asawa, ang isa’y nagsisimula na pangalagaan ang susunod na henerasyon. Ang isa ay walang masasabi kung gaano kadami at anong uri ng mga anak na mayroon siya; ito rin ay pinagpapasyahan ng kapalaran ng isang tao, naitakda ng Manililikha. Ito ang ikalimang sugpungan na dapat madaanan ng isang tao.
Kapag ang isa ay ipinanganak upang punan ang papel ng anak ng iba, samakatwid ang isa ay nag-aalaga ng susunod na henerasyon upang punan ang papel ng magulang ng iba. Ang paghahaliling ito ng mga papel ang magpaparanas sa isa ng iba-ibang aspeto ng buhay mula sa iba-ibang mga perspektibo. Binigyan din nito ang isa ng iba-ibang pulutong ng mga karanasan sa buhay, na kung saan makikilala ng isa ang pareho ring dakilang kapangyarihan ng Manililikha, gayundin ng katalagahan na walang sinuman ang maaaring makialam o palitan ang pagtatakda ng Manlilikha.
1. Ang Isa ay Walang Kontrol sa Kung Ano ang Mangyayari sa Sariling Supling
(Pinagmumulan: www.freepik.com)
Ang kapanganakan, paglaki, at pag-aasawa lahat ay naghahatid ng iba’t-ibang uri at iba’t-ibang antas ng kabiguan. Ilang mga tao ang di-nasisiyahan sa kanilang mga pamilya o sa kanilang pisikal na anyo; ilang mga tao ay hindi gusto ang kanilang mga magulang; ang ilan ay nagdaramdam o kaydaming pinamimilian sa kapaligiran na kinalakihan nila. At karamihan sa mga tao, sa gitna ng lahat ng mga kabiguang ito ang pag-aasawa ang pinaka-hindi kasiya-siya. Hindi alintana kung gaano di-kasiya-siya ang sariling kapanganakan, ang sariling paglaki, o sariling pag-aasawa, bawat isa na dumaan na sa mga ito ay nakakaalam na ang isa ay hindi maaaring makapili kung saan at kailan ipapanganak ang isa, kung ano ang hitsura ng isa, sino ang kanyang mga magulang, at sino ang kanyang kabiyak, ngunit dapat simpleng matanggap ang kalooban ng Langit. Subalit kapag dumating na ang panahon upang mag-aruga ang mga tao ng susunod na henerasyon, kanilang ipapanukala ang lahat ng kanilang di-matantong mga pagnanais sa unang bahagi ng kanilang buhay tungo sa kanilang mga inapo, umaasa na ang kanilang mga supling ay makakabawi sa lahat ng mga kabiguan na naranasan nila sa unang bahagi ng kanilang mga buhay. Kung kaya ang mga tao ay nagpapasasa sa lahat ng uri ng mga pantasiya tungkol sa kanilang mga anak: na ang kanilang mga anak na babae ay lalaking mga nakamamanghang mga dilag, na ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging makikisig na mga ginoo; na ang kanilang mga anak na babae ay may pinag-aralan at may mga talento at ang kanilang mga anak na lalaki ay mga napakatalinong mga mag-aaral at maningning na mga atleta; na ang kanilang mga anak na babae ay magiliw, mabait, at matino, ang kanilang mga anak na lalaki ay matalino, mahusay, at madaling makaramdam. Inaasahan nila na mapababae o mapalalaki ang kanilang anak, igagalang ng mga ito ang nakakatanda sa kanila, maalalahanin sa kanilang mga magulang, minamahal at pinupuri ng lahat. … Sa puntong ito, ang pag-asa sa buhay ay bumubukal ng panibago, at bagong mga pagsinta ang nag-aalab sa puso ng mga tao. Alam ng mga tao na sila’y walang kapangyarihan at walang-pag-asa sa buhay na ito, na hindi na sila magkakaroon ng ibang pagkakataon, ng ibang pag-asa, mamumukod tangi sa iba, at wala na silang magagawa kundi ang tanggapin ang kanilang mga kapalaran. At kaya kanilang ipinapanukala ang lahat ng kanilang mga pag-asa, ang kanilang di-natatantong mga pagnanais at mga ideal, sa susunod na henerasyon, umaasa na ang kanilang supling ay maaaring makatulong sa kanila na makamit ang kanilang mga pangarap at matanto ang kanilang mga naisin; na ang kanilang mga anak na babae at mga anak na lalaki ay magdadala ng karangalan sa pangalan ng pamilya, magiging importante, mayaman, o bantog; sa madaling salita, nais nilang makita ang tagumpay ng kanilang mga anak ay pumapailanglang. Ang mga plano at mga pantasya ng mga tao ay perpekto; hindi ba nila alam na ang bilang ng mga anak na mayroon sila, ang anyo ng kanilang mga anak, mga kakayahan, at iba pa, ay hindi para pagpasyahan nila, na ang mga kapalaran ng kanilang mga anak ay wala sa kanilang mga palad? Ang mga tao ay hindi mga panginoon ng kanilang sariling kapalaran, ngunit umaasa sila na mapapalitan nila ang mga kapalaran ng mga mas nakababatang henerasyon; wala silang kapangyarihan na takasan ang kanilang sariling mga kapalaran, ngunit sinusubukan nilang kontrolin yaong sa kanilang mga anak na lalaki at mga anak na babae. Hindi kaya pinasosobrahan nila ng kalkula ang kanilang mga sarili? Hindi kaya ito pantaong kahangalan at kamangmangan? Ang lahat ay gagawin ng mga tao para sa kapakanan ng kanilang supling, subalit sa katapusan, kung gaano kadami ang anak na mayroon ang isa, at kung ano ang uri ng mga anak mayroon sila, ay hindi tumutugon sa kanilang mga plano at mga naisin. Ilang mga tao ay walang pera subalit nagkakaanak nang marami; ang ilang mga tao ay mayaman, ngunit walang anak. Ang ilan ay gusto ng isang anak na babae ngunit tinanggihan ang ganoong nais; ilan ay gusto ng isang anak na lalaki ngunit bigong magkaanak ng lalaki. Para sa ilan, ang mga anak ay isang pagpapala; para sa iba, sila ay isang sumpa. Ang ilang mga mag-asawa ay matatalino, ngunit nagkakaanak ng hangal na mga bata; ilang mga magulang ang masisipag at matapat, ngunit ang mga anak ay lumaking mga tamad. Ang ilang mga magulang ang mabait at matuwid subalit may mga anak na naging mapanlinlang at mapanira. Ang ilang mga magulang ay matino ang isip at katawan subalit nagkaanak ng mga maykapansanan. Ilang mga magulang ang pangkaraniwan at di-matagumpay datapwat may mga anak na nakatamo ng mga mahahalagang bagay. Ang ilang mga magulang ay mababa ang kinalalagyan datapwat may mga anak na umangat sa kabantugan. …
2. Pagkatapos Magpalaki ng Susunod na Henerasyon ang mga Tao ay Nakakatamo ng Bagong Pagkaunawa ng Kapalaran
Karamihan sa mga tao na nag-aasawa ay ginagawa iyon sa mga edad tatlumpu, at sa puntong ito ng buhay, ang isa’y walang anumang pagkaunawa sa pantaong tadhana. Subalit kapag ang mga tao ay nagsimulang magpalaki ng mga anak, habang ang kanilang supling ay lumalaki, minamasdan nila ang bagong henerasyon na inuulit ang buhay at lahat ng mga karanasan ng nakaraang henerasyon, at nakikita nila na ang kanilang sariling mga nakaraan ay sumasalamin sa kanila at natatanto na ang daan na nilalakaran ng mas batang henerasyon, tulad din nang sa kanila, ay hindi maaaring planuhin at piliin. Kaharap ang ganitong katotohanan, wala silang pagpipilian maliban sa aminin na ang bawat kapalaran ng tao ay naitadhana; at hindi ganap na natanto ito unti-unti nilang isinasantabi ang sarili nilang mga pagnanais, at ang mga kinahihiligan ng kanilang mga puso ay nalulunod at namamatay…. Sa panahong ito, ang isang tao sa pinakamalaking bahagi ay nakalampas na sa mga mahahalagang pagsubok sa buhay at nakamit na ang isang bagong pagkaunawa ng buhay, pinagtibay ang isang bagong pagtingin. Gaano karami ang maaaring maasahan sa hinaharap ng isang tao sa ganitong edad at anong mga inaasam-asam ang magkakaroon sila? Anong limampung-taong-gulang na babae ang nangangarap pa rin kay Prince Charming? At anong limampung-taong-gulang na lalaki ang naghahanap pa rin sa kanyang Snow White? Anong nasa katanghaliang-gulang na babae ang umaasa pa rin na mula sa pagiging pangit na sisiw ng pato siya ay magiging isang sisne? Ang karamihan ba sa mga nakakatandang lalaki ay mayroong parehong mithiin tulad ng mga kabataang lalaki? Sa karamihan, hindi alintana kung ang isa ay lalaki o babae, ang sinumang namumuhay sa edad na ito ay malamang mayroong isang medyo may talino, praktikal na pagtingin sa pag-aasawa, pamilya, at mga anak. Ang ganoong tao ay pangunahing walang pagpipiliang natitira, walang simbuyo na hamunin ang kapalaran. Sa ganang pantaong karanasan, sa sandaling nakarating sa edad na ito ang isa, siya ay natural na bumubuo ng ganitong saloobin: “Dapat tanggapin ng isa ang kapalaran; ang mga anak niya ay may sariling suwerte; ang pantaong kapalaran ay itinadhana ng Langit.” Karamihan sa mga tao na hindi nakakaunawa ng katototohanan, matapos maligtasan ang lahat ng mga malaking pagbabago, mga pagkasiphayo, at mga tiisin sa mundong ito, ay ibubuod ang kanilang mga pananaw sa buhay ng tao sa dalawang salita: “Yao’y kapalaran!” Bagaman ang pariralang ito ay nagbubuod sa makamundong konklusyon at pagsasakatuparan ng mga tao tungkol sa pantaong kapalaran, bagaman ipinapahayag nito ang kawalang kakayanan ng sangkatauhan at maaaring masabi na naging matalim at tamang-tama, ito’y napakalayo mula sa isang pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, at ito ay tiyak na hindi papalit sa isang kaalaman sa awtoridad ng Manililkha.
3. Ang Paniniwala sa Kapalaran ay Hindi Papalit sa Isang Kaalaman sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha
Matapos ang pagiging isang tagasunod ng Diyos nang napakaraming mga taon, mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng inyong kaalaman sa kapalaran at yaong sa makamundong mga tao? Tunay ba ninyong nauunawaan ang pagtadhana ng Manlilikha, at tunay ba ninyong nakilala ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha? May ilang mga tao ang may malalim, taos-na- nadaramang pagkaunawa sa pariralang “yao’y kapalaran,” datapwat hindi sila man lamang nananalig sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi naniniwala na ang pantaong kapalaran ay inihanda at isinaayos ng Diyos, at hindi pumapayag na pasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang mga ganoong tao ay para bang natangay ng agos ng dagat, hinampas ng mga alon, lumulutang sa agos, walang magawa kundi ang maghintay nang walang kibo at italaga ang kanilang mga sarili sa kapalaran. Ngunit hindi nila nakikilala na ang pantaong kapalaran ay nasa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi nila maaaring matalos ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa sarili nilang pagkukusa, at sa gayon makamit ang kaalaman sa awtoridad ng Diyos, pasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos, huminto sa pagpigil sa kapalaran, at mamuhay sa ilalim ng pangangalaga, proteksyon, at paggabay ng Diyos. Sa ibang salita, ang pagtanggap sa kapalaran ay hindi nangangahulugan na tinatanggap, ang paniniwala sa kapalaran ay hindi nangangahulugang ang isang tao’y tumatanggap. kinikilala, at alam ang dakilang kapangyarihan ng Maylalang; ang paniniwala sa kapalaran ay ang pagkilala lang sa katotohanang ito at sa panlabas na-hindi-pangkaraniwang-mga-pangyayari, na kakaiba mula sa pag-alam kung paanong ang Maylalang ay pinamamahalaan ang kapalaran ng sangkatauhan, mula sa pagkilala na ang Maylalang ang pinagmumulan ng dominyon sa lahat ng mga kapalaran ng lahat ng bagay, at higit pa mula sa pagpapasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Manlilikha para sa kapalaran ng sangkatauhan. Kapag ang isang tao ay naniniwala lamang sa kapalaran—kahit malalim ang saloobin niya dito—ngunit hindi sa gayon nakakaalam, nakakakilala, napapasailalim, at tinatanggap ang dakilang kapangyarihan ng Maylalang sa kapalaran ng sangkatauhan, samakatwid ang buhay niya gayunman ay magiging isang trahedya, isang buhay na isinasabuhay ng walang saysay, isang kawalan; siya ay hindi maaaring mapasailalim sa dominyon ng Maylalang, maging isang nilikhang nilalang sa pinakatunay na kahulungan ng parirala, at tamasahin ang pagsang-ayon ng Maylalang. Ang isang tao na tunay na natatalos at nararanasan ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha ay dapat aktibo, hindi walang-kibo o nasa kawalang-kakayanang estado. Samantalang sa parehong panahon ang pagtanggap sa lahat ng mga bagay ay itinadhana, siya ay dapat mag-angkin ng isang wastong kahulugan ng buhay at kapalaran; na ang bawat buhay ay nasa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Manlilkha. Kapag ang isa ay lumingon sa daan na kanyang tinahak, kapag ang isa ay ginunita ang bawat aspeto ng kanyang paglalakbay, makikita niya na ang bawat hakbang, nakakapagod man o magaan, ang Diyos ay gumagabay sa daanan ng isang tao, isinasaplano ito. Ang maselang mga pagsasayos ng Diyos, ang Kanyang maingat na pagpaplano, ang nanguna sa isa, di-man niya sadya, hanggang sa ngayon. Upang matanggap ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, upang matanggap ang Kanyang pagliligtas—anong dakilang kayamanan yaon! Kapag ang saloobin ng isang tao sa kapalaran ay pagsasawalang-kibo, pinapatunayan nito na siya ay tumututol sa lahat ng bagay na isinaayos ng Diyos para sa kanya, na siya ay walang isang saloobin na masunurin. Kapag ang saloobin ng isa tungo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng pantaong kapalaran ay aktibo, samakatwid kapag nilingon ng isa ang sarili niyang paglalakbay, kapag ang isa ay tunay na mahigpit kumapit sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang isa ay mas seryosong magnanais na pasailalim sa lahat-lahat na isinasaayos ng Diyos, magkakaroon ng mas higit na pagpupunyagi at pagtitiwala na hayaan ang Diyos na pagtugmain ang sariling kapalaran, upang pahintuin ang pagrerebelde laban sa Diyos. Pagkat nakikita ng isa na kapag hindi naiintindihan ng isa ang kapalaran, kapag hindi nauunawaan ng isa ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, kapag ang isa ay nangangapang pasulong nang kusang-loob, pasuray-suray at pagiray-giray, sa pamamagitan ng hamog, ang paglalakabay ay napakahirap, masyadong nakakasakit ng damdamin. Kung kaya’t kapag nakilala ng mga tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng pantaong kapalaran, ang mga matatalino ay pinipiling alamin ito at tanggapin ito, nagpapaalam sa masasakit na mga araw nang sinubukan nilang magtatag ng isang mabuting buhay sa sarili nilang dalawang mga kamay, sa halip na ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa kapalaran at tugisin ang kanilang tinatawag na mga layuning pambuhay sa sarili nilang kaparaanan. Kapag ang isa ay walang Diyos, kapag hindi Siya maaaring makita ng isa, kapag hindi malinaw na nakikilala ng isa ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang-halaga, kahabag-habag. Saanman ang isa ay naroroon, anuman ang trabaho niya, ang paraan ng paghahanapbuhay ng isa at ang pagsisikap niya sa sariling mga layunin ay nagdadala sa kanya ng kawalan maliban sa walang-katapusang sakit ng damdamin at di-maibsang pagdurusa, sa paraang hindi maaring matiis ng isa na lumingon. Tanging kapag tinanggap ng isa ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, pasailalim sa Kanyang mga pagsasaayos at paghahanda, at paghahanap ng tunay na pantaong buhay, ang isa ay unti-unting makakalaya mula sa lahat ng sakit ng damdamin at pagdurusa, mapapagpag ang lahat ng kahungkagan sa buhay.
4. Tanging Yaong mga Napapasailalim sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ang Maaaring Makatamo ng Tunay na Kalayaan
Dahil hindi kinikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang kinakaharap ang kapalaran nang may panlalaban, kasama ang isang suwail na saloobin, at palaging nais na isantabi ang awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasang walang-kabuluhan na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang sariling kapalaran. Subalit hindi kailanman sila magtatagumpay; sila ay nahahadlangan sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa, ay masakit; ang sakit ay di-malilimutan; samantala ang isa’y unti-unting inaaksaya ang kanyang buhay. Ano ang sanhi ng sakit na ito? Dahil ba sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, o dahil sa ang tao ay di-masuwerteng naipanganak? Malinaw na alinman ay hindi totoo. Sa ilalim nito, ito ay dahil sa mga daan na tinatahak ng mga tao, ang mga paraan na pinili ng mga tao na isabuhay ang kanilang mga buhay. May ilang mga tao na maaaring hindi natanto ang mga bagay na ito. Subalit kapag tunay mong alam, kapag tunay mong nakilala na ang Diyos ay may kapangyarihan sa pantaong kapalaran, kapag tunay mong nauunawaan na ang lahat-lahat na naplano at napagpasyahan para sa iyo ay isang malaking benepisyo, at isang malaking proteksyon, samakatwid ang iyong sakit ay unti-unting gagaan, at ang buo mong pagkatao ay magiging maalwan, malaya, napalaya. Bilang paghahatol sa mga estado ng karamihan sa mga tao, bagaman sa panariling antas hindi nila nais na manatiling namumuhay tulad ng dati, bagaman nais nila ng kaluwagan mula sa kanilang sakit, talagang hindi nila maaaring tunay na mahahawakan ang praktikal na kahalagahan at kahulugan ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa pantaong kapalaran, sila’y hindi tunay na kumikilala at nagpapasakop sa Kapangyarihang Manlilikha, mas lalo pa kung paano hahanapin at tatanggapin ang mga pagsasaayos at paghahanda ng Manlilikha. Kung kaya kapag ang mga tao ay hindi maaaring tunay na makilala ang katotohanan na ang Maylalang ay may dakilang kapangyarihan sa ibabaw ng pantaong kapalaran at sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na pantao, kung hindi sila maaaring tunay na mapasailalim sa dominyon ng Maylalang, samakatwid magiging mahirap para sa kanila ang mahimok ng, at mapigilan ng, paniniwala na “ang sariling kapalaran ay nasa sa kanyang mga kamay,” magiging mahirap para sa kanila na ipagpag ang sakit ng kanilang matinding pakikibaka laban sa kapalaran at sa awtoridad ng Maylalang, at di-na kailangang sabihin pa na magiging mahirap din para sa kanila ang maging tunay na napalaya at nakalagan, maging mga taong sumasamba sa Diyos. May isang pinakasimpleng paraan upang mapalaya ang sarili mula sa ganitong katayuan: ang magpaalam sa dating sariling paraan ng pamumuhay sa buhay, na magsabi ng paalam sa sariling dating mga layunin sa buhay, lagumin at suriin ang sariling dating istilo ng pamumuhay, pilosopiya, mga pagsusumikap, mga pagnanais, at mga ideal, at pagkatapos ay ihambing sila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos sa tao, at tingnan kung tugma ang alinman sa kanila sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos, kung may alinman sa kanilang nagdadala ng mga tamang prinsipyo sa buhay, nagdadala sa isa sa isang mas malaking pagkaunawa sa katotohanan, at hinahayaan ang isa na mamuhay kasama ang sangkatauhan at pantaong kalarawan. Kapag paulit-ulit mong siniyasat at maingat na sinuri ang iba’t-ibang mga layunin sa buhay na tinutugis ng mga tao at ang kanilang sari-saring magkakaibang mga paraan ng pamumuhay, matutuklasan mo na ni isa sa kanila ay hindi akma sa orihinal na layon ng Manlilikha nang Kanyang likhain ang sangkatauhan. Lahat sila ay naglalayo sa mga tao mula sa dakilang kapangyarihan at pangangalaga ng Manlilikha; lahat sila ay mga hukay na kinababagsakan ng sangkatauhan, at siyang nagbubulid sa kanila sa impiyerno. Matapos mong makilala ito, ang gawain mo ay isantabi ang iyong lumang pagtanaw sa buhay, manatiling malayo sa sari-saring mga patibong, hayaan ang Diyos na mag-alaga sa iyong buhay at gumawa ng mga pagsasaayos para sa iyo, subukan lamang na pailalim sa mga pagsasaayos at paggabay ng Diyos, na magkaroon ng walang pagpipilian, at maging isang tao na sumasamba sa Diyos. Madali itong pakinggan, ngunit isang bagay na mahirap gawin. May ilang mga tao ang maaaring matiis ang sakit nito, ang iba’y hindi. May ilan na handang sumunod, ang iba ay hindi. Yaong mga hindi handa ay kulang sa pagnanais at sa kapasiyahan na gawin ito; sila ay malinaw na nakababatid sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, perpekto na rin na alam na ang Diyos ang Siyang nagpaplano at nagsasaayos ng pantaong kapalaran, gayunman ay patuloy na sumisipa at nakikibaka, hindi pa rin nakikipag-ayos na ilagay ang kanilang mga kapalaran sa palad ng Diyos at pasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at dagdag pa, naghihinanakit sila sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos. Kung kaya palaging magkakaroon ng ilang mga tao na nagnanais makita ang kanilang mga sarili kung ano ang kaya nilang gawin; nais nilang baguhin ang kanilang mga kapalaran sa sarili nilang dalawang mga kamay, o makamit ang kaligayahan sa ilalim ng kanilang sariling kapangyarihan, na makita kung malalampasan nila ang hangganan ng awtoridad ng Diyos at pangibabawan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang kalungkutan ng tao ay hindi ang paghahanap ng tao sa maligayang buhay, ni hindi na niya tinutugis ang katanyagan at tagumpay o mga pakikibaka laban sa kanyang sariling kapalaran sa pamamagitan ng hamog, subalit pagkatapos niyang makita ang pag-iral ng Manlilikha, matapos niyang matutunan ang katotohanan na ang Manlilikha ang may kapangyarihan sa pantaong kapalaran, maaaring hindi pa rin niya iwasto ang kanyang mga paraan, hindi maaaring maalis ang kanyang mga paa sa pusali, subalit pinatitigas ang kanyang puso at nagpupumilit sa kanyang mga pagkakamali. Mas nanaisin pa niyang magpatuloy sa paghahaplit sa putikan, matigas ang ulong nakikipagpaligsahan sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, tinututulan ito hanggang sa mapait na katapusan, wala ni katiting na pagsisisi, at tanging kapag siya’y nakahigang wasak at nagdurugo saka siya nagpapasyang sumuko at bumalik. Ito ang tunay na pantaong pighati. Kaya sinasabi ko, yaong pinili ang magpasailalim ay matatalino, at yaong pinipili ang tumakas ay sutil.
mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao