3.3.19

Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?

Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay…” (Juan 14:6)
“…ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa” (Juan 14:10).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi naglalaman ng sustansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat natukoy ito ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang sustansya. At sa gayon, sa pagtukoy[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyan-pansin ang Kanyang sustansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba) sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pansinin ang Kanyang sustansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao.

mula sa “Punong Salita”

Sa panahon ng mga huling araw, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, pangunahin Niyang ginamit ang salita upang tuparin ang lahat at gawing payak ang lahat. Tanging sa Kanyang salita maaari mong makita kung ano Siya; tanging sa mga salita Niya maaari mong makita na Siya ay Diyos Mismo. Nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa, wala Siyang ibang ginawa kundi ang mangusap ng mga salita-samakatwid hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga salita. Yaon ay sapagkat pangunahing naparito Siya upang gawin ang gawaing ito, hayaan ang tao na makita ang Kanyang kapangyarihan at kataas-taasang kapangyarihan sa Kanyang mga salita, hayaan ang mga tao na makita ang Kanyang mga salita kung gaano mapagkumbaba Niyang itinatago ang Kanyang Sarili, at hayaan ang tao na malaman ang Kanyang kabuuan sa Kanyang mga salita. At lahat ng anong mayroon Siya at sino Siya ay nasa Kanyang mga salita, ang Kanyang karunungan at pagka-nakakamangha ay nasa sa Kanyang mga salita. Sa ganito ipinakikita sa iyo ang maraming mga paraan na kung saan winiwika ng Diyos ang Kanyang mga salita.

mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos”

Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang gawain, at walang iba pang tamang paraan upang kilalanin ang Diyos.

mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pamamaraan kung saan nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos ay kaparehong pamamaraan kung saan nakikilala nila ang pagpapakita ng mga salita ng Diyos sa katawang-tao. Mas nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalong nakikilala nila ang Espiritu ng Diyos; sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, nauunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo na gawa ng Espiritu at nakikilala ang praktikal na Diyos Mismo. Sa katunayan, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao at nakakamit sila, Kanyang pinapaalam sa kanila ang mga gawa ng praktikal na Diyos; ginagamit Niya ang gawa ng praktikal na Diyos upang ipakita sa mga tao ang aktwal na kabuluhan ng pagkakatawang-tao, at upang ipakita sa kanila na ang Espiritu ng Diyos ay talagang nagpakita sa harapan ng tao.

mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo”

Walang tayong kaalam-alam, ang hamak na taong ito ay pinangunahan tayo sa hakbang-hakbang na pagpunta sa gawain ng Diyos. Nagdadaan tayo sa hindi mabilang na mga pagsubok, sumailalim sa napakaraming pagpaparusa, at sinubok ng kamatayan. Natutunan natin ang matuwid at makahari na disposisyon ng Diyos, matamasa, din, ang Kanyang pag-ibig at awa, pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at talino ng Diyos, masaksihan ang kagandahan ng Diyos, at mapagmasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao. Sa mga salita ng karaniwang taong ito, nalalaman natin ang katangian at diwa ng Diyos, at ating naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at makita ang paraan ng kaligtasan at pagka-perpekto. Ang Kanyang mga salita ay ang dahilan ng ating kamatayan, at ang dahilan ng ating kapanganakang-muli; Ang Kanyang mga salita ay nagdudulot ng kaginhawahan, gayun pa man ay iniiwan din tayong nililigalig sa pagkakasala at ang pakiramdam ng may pagkakautang; Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay ng kagalakan at kapayapaan, subalit ito’y nagbibigay din ng matinding kirot. Minsan tayo ay parang mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; minsan tayo ay Kanyang kinagigiliwan, at ating masayang tinatamasa ang Kanyang pagmamahal at pagsinta; minsan tayo ay parang Kanyang mga kaaway, naging abo dahil sa Kanyang galit sa Kanyang mga mata. Tayo ang sangkatauhan na Kanyang iniligtas, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na Kanyang iniisip na hahanapin umaga man o gabi. Siya ay maaawain sa atin, tayo ay Kanyang kinamumuhian, tayo ay Kanyang iniaangat, tayo ay Kanyang inaaliw at pinapayuhan, tayo ay Kanyang ginagabayan, tayo ay Kanyang nililiwanagan, tayo ay Kanyang kinakastigo at dinidisiplina, at tayo rin ay Kanyang isinusumpa. Siya ay nag-aalala para sa atin sa gabi at araw, tayo ay Kanyang pinagtatanggol at pinangangalagaan sa gabi at araw, hindi Siya kailanman lumilisan sa ating tabi, at itinatalaga Niya ang lahat ng Kanyang pangangalaga sa atin at handang magdusa para sa atin. Sa mga salita ng maliit at karaniwang laman, tinamasa natin ang kabuuan ng Diyos, at namasdan ang hantungan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ngunit sa kabila nito, nananatili ang kayabangan sa ating mga puso, at ayaw pa ring nating loobing masigasig na tanggapin ang taong ito bilang ating Diyos. Kahit na binigyan Niya tayo ng maraming manna, na ating tinatamasa, wala sa mga ito ang makakaagaw sa lugar ng Diyos sa ating mga puso. Ating pinararangalan ang natatanging pagkakakilanlan at katayuan ng taong ito sa pamamagitan lamang ng malaking pag-aatubili. Kapag Siya ay hindi nagsalita upang Siya ay ating makilala bilang Diyos, hindi rin natin Siya tatanggapin bilang ang Diyos na malapit nang dumating ngunit nagsasagawa na nang matagal sa ating kalagitnaan.

Nagpatuloy ang pagbigkas ng Diyos, at gumamit Siya ng iba’t-ibang paraan at pagtingin upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan sa buhay, at ipinakikita sa atin ang daan kung saan tayo ay maglalakad, at pinahihintulutang ating maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating isip sa himig at paraan kung papaano ang Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang maging mahilig sa tinig ng puso ng di-pansining taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao, at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Tayo ay pinahintulutan Niyang mabuhay muli, na makita ang liwanag, at pinigilan ang ating mga puso sa paglihis. Tayo ay nagbalik sa tahanan ng Diyos, tayo ay nagbalik sa harap ng Kanyang trono, tayo ay harap-harapan sa Kanya, nasaksihan natin ang Kanyang mukha, at nakita na ang landas sa hinaharap. Sa panahong iyon, ang puso natin ay lubusang Niyang malulupig; hindi na tayo magdududa kung sino Siya, at hindi na tututulan ang Kanyang gawain at salita, at tayo ay luluhod, nang lubusan, sa Kanyang harapan. Tayo ay nagnanais ng walang anuman maliban sa pagsunod sa mga yapak ng Diyos sa nalalabing bahagi ng ating buhay, at upang tayo ay Kanyang gagawing perpekto, at upang masuklian natin ang Kanyang biyaya, upang masuklian natin ang Kanyang pag-ibig sa atin, at upang sundin ang Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos, at upang makipagtulungan sa Kanyang gawain, at gawin ang lahat ng ating makakaya upang lubusin ang Kanyang mga ipinagkatiwala sa atin.

Ang panlulupig ng Diyos sa atin ay parang paligsahan ng sining ng pakikipaglaban.

Ang bawat salita ng Diyos ay tumatama sa ating mortal na bahagi, at nililisan tayong malungkot at takot. Ibinubunyag Niya ang ating mga paniniwala, ibinubunyag ang ating mga guni-guni, at ibinubunyag ang ating tiwaling disposisyon. Sa pamamagitan ng lahat ng ating sinasabi at ginagawa, at lahat ng ating mga saloobin at mga kaisipan, ang ating kalikasan at diwa at naibubunyag sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, iniiwan tayong napahiya at nanginginig sa takot. Sinasabi Niya ang lahat ng ating mga ginagawa, ang ating mga layunin at mga balak, maging ang ating tiwaling disposisyon na hindi pa natin natutuklasan, at nararamdaman natin na tila lubusan tayong nailantad, at higit nating nararamdaman na talagang nahikayat tayo. Tayo ay Kanyang hinahatulan sa ating pagsalungat sa Kanya, tayo ay Kanyang pinarurusahan dahil sa ating kalapastanganan at paghusga sa Kanya, at ipinararamdam Niya na sa Kanyang mga mata tayo ay walang kabuluhan, at tayo ang nabubuhay na Satanas. Ang ating mga pag-asa ay nawasak, hindi na tayo naglalakas-loob na gumawa ng anumang hindi makatuwirang pangangailangan at pagtatangka sa Kanya, at maging ang ating mga pangarap ay naglaho sa magdamag. Ito ang katotohanan na hindi natin inakala at wala sa atin ang makatatanggap. Sa isang sandali, ang mga isip natin ay tumabingi at hindi natin alam kung papaano magpapatuloy sa daan na hinaharap, hindi alam kung papaano magpapatuloy sa ating paniniwala. Tila ang ating pananampalataya ay bumalik sa umpisa, at tila hindi pa natin nakikilala ang Panginoong Jesus. Naguluhan tayo dahil sa lahat ng nakikita natin, at ating naramdaman na parang tayo ay naitangay ng alon. Nasira ang ating loob, tayo ay nabigo, at sa ating mga puso ay mayroong matigas na galit at kahihiyan. Sinubukan nating magbulalas, sinubukang maghanap ng daan palabas, at, higit sa lahat, tinangka natin na ipagpatuloy ang paghihintay sa ating Jesus na Tagapagligtas, at ibuhos ang ating mga damdamin sa Kanya. Bagaman may mga pagkakataong hindi man tayo mapagmayabang o mapagpakumbaba sa labas, sa ating mga puso tayo ay tinablan ng pakiramdam ng pagkawala na hindi tulad ng dati. Bagaman minsan maaaring tila tayo ay tiwasay sa panlabas, sa loob tinitiis natin ang mga lumiligid na dagat ng pagdurusa. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay binaklas ang lahat ng ating mga pag-asa at mga pangarap, iniwan tayong walang mga napakaluhong pagnanais, at ayaw loobing paniwalaan na Siya ang ating Tagapagligtas at may kakayanang tayo ay iligtas. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagbukas ng malalim na agwat sa pagitan natin at Niya at walang sinuman ang nais tumawid. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang unang pagkakataon na tayo ay nakaranas nang ganoon kalaking sagabal at ganoon kalaking kahihiyan. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay pinayagan tayo na lubusang pahalagahan ang karangalan ng Diyos at kawalang-pagpaparaya nito sa pagkakasala ng tao, paghahalintulad na kung saan tayo ay mababa at marumi. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpatalos sa atin sa unang pagkakataon kung gaano tayo kayabang at kahambog, at kung papaanong kahit kailan ay hindi magiging kapantay ang tao sa Diyos, o nasa kaparis ng Diyos. Dahil sa Kanyang paghatol at pagkastigo tayo ay naghangad na hindi na muling mamuhay sa tiwaling disposisyon, at nagawang magnasa na tanggalin ang ganoong kalikasan at diwa sa lalong madaling panahon, at hindi na maging kinamumuhian Niya at nakapandidiri sa Kaniya. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay ginawa tayong masayang sumusunod sa Kanyang salita, at hindi na kailanman susuway laban sa Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay minsan pang tayo binigyan ng pagnanais na hanapin ang buhay, at ginawa tayong masaya na tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas.… Iniwan natin ang gawain ng panlulupig, lumabas mula sa impiyerno, lumabas mula sa lambak ng kamatayan.… Nakamit tayo, itong pangkat ng mga tao, ng Makapangyarihang Diyos! Siya ay nagtagumpay laban kay Satanas, at tinalo ang lahat ng Kanyang mga kaaway!

mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo”

Hindi ninyo makikita ang Diyos na humahawak ng magkakaparehong pananaw sa mga bagay na mayroon ang tao, at higit pa rito, hindi ninyo Siya makikita ang mga pananaw, kanilang kaalaman, kanilang siyensiya, o kanilang pilosopiya o ang imahinasyon ng tao upang panghawakan ang mga bagay. Sa halip, ang lahat ng ginagawa ng Diyos at ang lahat ng Kanyang ibinubunyag ay may kaugnayan sa katotohanan. Iyon ay, bawat salitang sinabi Niya at bawat kilos na Kanyang ginawa ay may kaugnayan sa katotohanan. Ang katotohanang ito ay hindi isang walang-basehang pantasya; ang katotohanang ito at ang mga salitang ito ay naipahayag ng Diyos dahil sa kalooban Niya at Kanyang buhay. Dahil ang mga salitang ito at ang kalooban ng lahat ng ginawa ng Diyos ay katotohanan, maaari nating sabihin na ang kalooban ng Diyos ay banal. Sa madaling sabi, ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos at ay nagbibigay buhay at liwanag sa mga tao; pinahihintulutan nito ang mga tao na makita ang mga positibong bagay at ang katotohanan ng mga positibong bagay na iyon at ito ay nagtuturo sa sangkatauhan tungo sa daan ng liwanag upang sa gayon ay malakaran nila ang tamang daan. Ang mga bagay na ito ay nalalaman dahil sa kalooban ng Diyos at dahil sa kalooban ng Kanyang kabanalan.

mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V”

Siya, na naninirahan din sa lupaing marumi, ay hindi namantsahan ng dumi kahit kaunti. Siya ay naninirahan sa kaparehong maruming mundo kagaya mo, ngunit nagtataglay Siya ng katuwiran at pagkaunawa; kinasusuklaman Niya ang marumi. Ikaw mismo ay hindi magawang makita ang maruruming bagay sa iyong sariling mga salita at mga pagkilos ngunit magagawa Niya-maipakikita Niya ang mga ito sa iyo. Yaong mga lumang bagay sa iyo-ang iyong kawalan ng paglinang, kaunawaan, at katinuan, ang iyong paurong na paraan ng pamumuhay-lahat ay natuklasan sa pamamagitan ng Kanyang paghahayag sa mga ito sa ngayon. Ang Diyos ay dumating sa lupa upang gumawa sa ganitong paraan, upang makita ng mga tao ang Kanyang kabanalan at Kanyang matuwid na disposisyon. Hinahatulan at kinakastigo ka Niya at ipinauunawa ang iyong sarili. May mga pagkakataon na lumilitaw ang iyong napakasamang kalikasan at maaari Niyang ipakita ito sa iyo. Nababatid Niya ang katuturan ng sangkatauhan kagaya ng likod ng Kanyang kamay. Namumuhay din Siyang kagaya ng ginagawa mo, kinakain ang pagkain kagaya ng kinakain mo, naninirahan sa kaparehong tahanan kagaya mo, subalit mas marami Siyang nalalaman kaysa sa iyo. Ngunit ang pinakakinamumuhian Niya ay ang mga pilosopiya sa buhay ng mga tao at ang kanilang kalikuan at panlilinlang. Kinamumuhian Niya ang mga bagay na ito at hindi Siya nakahandang kilalanin ang mga ito. Pangunahin Niyang kinamumuhian ang mga makalamang pakikihalubilo ng sangkatauhan. Bagamat hindi Niya ganap na nauunawaan ang ilan sa pangkalahatang kaalaman ng mga pakikihalubilo ng mga tao, lubos Niyang nababatid kapag inihahayag ng mga tao ang ilan sa kanilang tiwaling disposisyon. Sa Kanyang gawain, sinasabihan Niya at tinuturuan ang mga tao sa pamamagitan ng mga bagay na ito sa kanila, at sa pamamagitan ng mga ito Niya hinahatulan ang mga tao at ibinubunyag ang Kanyang matuwid at banal na disposisyon. Sa ganitong paraan nagiging mga pagkakaiba ang mga tao para sa Kanyang gawain. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagbubunyag ng lahat ng uri ng mga tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at lahat ng mga pangit na mukha ni Satanas. Hindi ka Niya pinarurusahan, gagawin ka lamang Niyang isang pagkakaiba para sa kabanalan ng Diyos, at pagkatapos ay hindi ka makapaninindigan sa iyong sarili sapagkat masyado kang marumi. Siya ay nagsasalita sa pamamagitan ng mga bagay na ibinubunyag ng mga tao at inihahayag Niya ang mga ito upang malaman ng mga tao kung gaano kabanal ang Diyos. Hindi Niya palalampasin maging ang katiting na dumi sa mga tao, hindi maging ang pinakamaliit na ideyang marumi sa kanilang mga puso o mga salita at mga pagkilos na hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, walang dumi sa kaninumang tao at bagay ang matitira-lahat ng ito ay mahahayag. Sa gayon mo lamang makikita na Siya ay tunay na naiiba mula sa mga tao. Siya ay lubos na nagagalit maging sa katiting na dumi sa sangkatauhan. May mga pagkakataon na hindi pa nauunawaan ng mga tao, st sinasabing: “Bakit Ikaw ay palaging galit? O Diyos, bakit hindi Ka mapagbigay sa mga kahinaan ng sangkatauhan? Bakit wala Kang kaunting pagpapatawad para sa sangkatauhan? Bakit masyado Kang hindi mapagbigay sa tao? Nababatid Mo kung gaano katiwali ang mga tao, kaya bakit tinatrato Mo pa rin ang mga tao sa ganitong paraan?” Siya ay nasusuklam sa kasalanan; namumuhi Siya sa kasalanan. Partikular Siyang nasusuklam sa anumang pagiging rebelyoso na maaring mayroon ka. Kapag naghahayag ka ng isang rebelyosong disposisyon Siya ay nagagalit nang husto. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito kaya ang Kanyang disposisyon at pagiging Diyos ay maipapahayag. Kapag inihambing mo ito sa iyong sarili, makikita mo na bagamat kumakain Siya ng kaparehong pagkain, nagsusuot ng kaparehong pananamit, at mayroon Siyang kaparehong mga kagalakan kagaya ng sa mga tao, bagamat nakikipamuhay Siya katabi at kasama ng sangkatauhan, hindi Siya pareho. Hindi ba ito ang talagang kahulugan ng pagiging isang pagkakaiba? Sa pamamagitan ng mga bagay na ito sa mga tao kaya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay nakikita nang napakalinaw; ang kadiliman ang nagtakda sa napakahalagang pag-iral ng liwanag.

mula sa “Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig”

Alam Niyang lubos ang kakanyahan ng tao, anupa’t kaya Niyang ibunyag ang lahat ng uri ng mga pagsasagawa na may kinalaman sa lahat ng uri ng mga tao. Mas mahusay pa nga Siya sa pagbubunyag ng tiwaling disposisyon ng tao at suwail na pag-uugali. Hindi Siya namumuhay sa gitna ng makasanlibutang mga tao, nguni’t alam Niya ang kalikasan ng mga mortal at ang lahat ng mga katiwalian ng makasanlibutang mga tao. Ito ay kung ano Siya. Kahit hindi Siya nakikitungo sa mundo, alam Niya ang mga tuntunin sa pakikitungo sa mundo, sapagka’t lubos Niyang nauunawaan ang kalikasan ng tao. Alam Niya ang tungkol sa gawain ng Espiritu na hindi nakikita ng mga mata ng tao at hindi naririnig ng mga tainga ng tao, maging ngayon at noong nakaraan. Kasama rito ang karunungan na hindi isang saligang-kaisipan ng buhay ng tao at himalang hindi maarok ng mga tao. Ito ay kung ano Siya, ginawang bukas sa mga tao at nakatago rin sa mga tao. Ang Kanyang ipinahahayag ay hindi ang kung ano ang isang hindi-pangkaraniwang tao, kundi ang likas na mga katangian at kabuuan ng Espiritu. Hindi Siya naglalakbay sa buong mundo nguni’t alam Niya ang lahat tungkol dito. Nakikipag-ugnayan Siya sa mga “unggoy na hawig sa tao” na walang kaalaman o pananaw, Nguni’t nagpapahayag Siya ng mga salita na mas mataas sa kaalaman at mas higit sa mga dakilang tao. Namumuhay Siya sa gitna ng pangkat ng mapupurol-ang-isip at manhid na mga tao na walang pagkatao at hindi nakakaunawa sa mga kalakaran at buhay ng tao, nguni’t kaya Niyang hingin sa sangkatauhan na isabuhay ang normal na pagkatao, habang ibinubunyag ang hamak at mababang pagkatao ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay kung ano Siya, mas mataas sa kahit anong laman-at-dugong tao. Para sa Kanya, hindi kailangang makaranas ng isang magulo, mahirap at nakakarimarim na buhay panlipunan upang gawin ang gawaing kailangan Niyang gawin at lubusang ibunyag ang kakanyahan ng tiwaling sangkatauhan. Ang nakakarimarim na buhay panlipunan ay hindi nakapagtataas sa Kanyang laman. Ang Kanyang gawain at mga salita ay nagbubunyag lamang ng pagkamasuwayin ng tao at hindi nagkakaloob sa tao ng karanasan at mga aralin sa pakikitungo sa mundo. Hindi Niya kailangang suriin ang lipunan o ang pamilya ng tao kapag tinutustusan Niya ang tao ng buhay. Ang paglalantad at paghatol sa tao ay hindi isang pagpapahayag ng mga karanasan ng Kanyang laman; ito ay upang ibunyag ang di-pagkamatuwid ng tao pagkatapos alamin na pangmatagalan ang pagkamasuwayin ng tao at kapootan ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay upang ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao at ipahayag ang Kanyang kabuuan. Siya lamang ang maaaring gumawa nito, hindi ito isang bagay na maaring makamit ng laman-at-dugong tao. Hinggil sa Kanyang gawain, hindi kaya ng tao na sabihin kung anong uri Siya ng tao. Hindi rin kaya ng tao na uriin Siya bilang nilikhang persona batay sa Kanyang gawain. Kung ano Siya ay gumagawa rin sa Kanya na hindi-kayang mauri bilang nilikhang persona. Maaari lamang ituring ng tao na Siya ay hindi tao, nguni’t hindi alam kung saang uri Siya ilalagay, kaya napilitan ang tao na ilagay Siya sa uri ng Diyos. Hindi kawalang-katuwiran na gawin ito ng tao, sapagka’t marami Siyang nagawa sa gitna ng mga tao na hindi kayang gawin ng tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao”

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay binabasa “bilang para.”