26.2.19

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Dahil ito sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa na ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang makamtan ng tao ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.

Marahil, sa ngayon, nagnanais kang makatanggap ng buhay, o marahil nagnanais ka na makamtan ang katotohanan. Anupaman ang kalagayan, nais mong hanapin ang Diyos, hanapin ang Diyos na maaari mong maasahan, at kayang magbigay sa’yo ng buhay na walang hanggan. Kung nais mong makamtan ang buhay na walang hanggan, dapat mong maintindihan ang pinanggalingan ng buhay na walang hanggan, at malaman muna kung nasaan ang Diyos. Akin nang nabanggit na ang Diyos lang ang buhay na di-nababago, at ang Diyos lang ang nagaangkin sa daan ng buhay. Dahil ang Kanyang buhay ay di-nababago, ganoon din ito ay walang hanggan; dahil ang Diyos lang ang daan ng buhay, ang Diyos Mismo ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Dahil dito, dapat maintindihan mo muna kung nasaan ang Diyos, at kung paano makakamtan ang daan ng buhay na walang hanggan. Pagsamahan natin ngayon ang tungkol sa dalawang usapin na ito nang magkabukod.

Kung talagang nais mong makamtan ang daan ng buhay na walang hanggan, at kung masigasig ka sa pagtuklas nito, sagutin mo muna ang tanong na ito: Nasaan ang Diyos ngayon? Maaring isagot mo na ang Diyos ay nakatira sa langit, siyempre—Siya ay hindi titira sa bahay mo, hindi ba? Maaring sabihin mo na, ang Diyos ay halatang naninirahan sa lahat ng mga bagay. O maaari mo ring masabi na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng bawat tao, o na ang Diyos ay nasa espirituwal na mundo. Hindi Ko ipinagkakaila ang alinman sa mga ito, ngunit dapat Kong linawin ang paksang ito. Hindi lubos na tamang sabihin na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng tao, ngunit hindi rin ito lubos na mali. Ito ay sa kadahilanang, sa gitna ng mga nananalig sa Diyos, may mga taong totoo ang paniniwala at mayroon namang mali ang paniniwala, mayroon ding mga sinasang-ayunan ang Diyos at may mga hindi Niya sinasang-ayunan, mayroon ding mga tao na nagbibigay-lugod sa Kanya at may mga kinamumuhian Niya, at mayroong mga ginagawa Niyang perpekto at may mga inaalis Siya. At sa gayon sinasabi Ko na naninirahan ang Diyos sa puso ng mga ilang tao lang, at ang mga taong ito ay mga walang-dudang mga tunay na naniniwala sa Diyos, sinasangayunan sila ng Diyos, nakalulugod sila sa Kanya, at sila ay ginagawa Niyang perpekto. Sila ang mga pinatnubayan ng Diyos. Dahil pinatnubayan sila ng Diyos, kung gayon sila ang mga tao na nakadinig at nakakita na ng daan ng Diyos sa buhay na walang hanggan. Ang mga tao na mali ang pagkakilala sa Diyos, silang mga hindi sinang-ayunan ng Diyos, silang mga kinamuhian ng Diyos, silang mga naalis ng Diyos—sila ay nauukol na itakwil ng Diyos, nauukol na maiwan na wala ang daan ng buhay, at nauukol na manatiling mangmang sa kung nasaan ang Diyos. Sa kabalintunaan, yaong sa mga puso’y naninirahan ang Diyos alam kung nasaan Siya. Sila ang mga taong kung kanino ipinagkaloob ng Diyos ang daan ng buhay na walang hanggan, at sila ang mga sumusunod sa Diyos. Ngayon, alam mo na ba, kung nasaan ang Diyos? Ang Diyos ay nasa puso ng tao at nasa kanyang tabi. Siya ay hindi lang nasa espirituwal na mundo, at nangingibabaw sa lahat, ngunit mas higit pa sa lupa kung saan umiiral ang tao. At sa gayon ang pagdating ng mga huling araw ay nagdala sa mga hakbang ng gawain ng Diyos sa panibagong teritoryo. Ang Diyos ang may paghahari sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, at Siya ang pangunahing salik ng tao sa kanyang puso, at bukod pa rito, Siya ay umiiral kasama ng mga tao. Sa pamamagitan lang nito maihahatid Niya ang daan ng buhay sa sangkatauhan, at maihahatid ang sangkatauhan sa daan ng buhay. Ang Diyos ay dumating sa lupa, at namumuhay kasama ng mga tao, upang makamtan ng tao ang daan ng buhay, at sa gayon ang tao ay maaring umiral. Kasabay nito, pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay sa buong sansinukob, upang ang mga ito ay maaring tumulong sa Kanyang pamamahala sa mga tao. At sa gayon, kung kinikilala mo lang ang doktrina na ang Diyos ay nasa langit at nasa puso ng tao, ngunit hindi mo kinikilala ang katotohanan ng pag-iral ng Diyos sa mga tao, kung gayon hindi mo kailanman makakamtan ang buhay, at hindi mo kailanman makakamtan ang daan ng katotohanan.

Ang Diyos Mismo, at ang buhay, at ang katotohanan, at ang Kanyang buhay at katotohanan ay sabay na umiiral. Silang mga walang kakayahang makamtan ang katotohanan ay di-kailanman makakamtan ang buhay. Kung wala ang patnubay, tulong, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamtan mo lang ay mga salita, mga doktrina, at, bukod diyan, kamatayan. Ang buhay ng Diyos ay laging naririyan, at ang Kanyang katotohanan at buhay ay umiiral nang sabay. Kung hindi mo mahanap ang pinagmulan ng katotohanan, sa gayon hindi mo makakamtan ang diwa ng buhay; kung hindi mo makakamtan ang sustento ng buhay, sa gayon tiyak na hindi ka talagang magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga imahinasyon at mga pagkaintindi, ang kabuuan ng iyong katawan ay magiging walang iba kundi laman lang, ang iyong umaalingasaw na laman. Alamin mo na ang mga salita ng mga aklat ay hindi itinuturing na buhay, ang mga talaan ng kasaysayan ay hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan, at ang mga doktrina ng mga nakalipas na panahon ay hindi maaaring magsilbing paglalarawan ng sinambit ng Diyos sa kasalukuyan. Ang tanging mga inihayag ng Diyos nang Siya ay nagtungo sa lupa at namuhay kasama ng mga tao ay ang katotohanan, buhay, kalooban ng Diyos, at Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag iyong ginamit ang mga itinalang mga salita na binigkas ng Diyos noong mga sinaunang panahon sa ngayon, sa gayon isa kang arkeologo, at ang pinakamainam na itawag sa’yo ay isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan. Dahil ito sa lagi kang naniniwala sa mga bakas ng mga gawain ng Diyos noong unang panahon, pinaniniwalaan lang ang aninong iniwan ng Diyos noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at pinaniniwalaan lang ang mga paraan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong lumipas na panahon. Hindi ka naniniwala sa direksiyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ng Diyos ngayon, at hindi naniniwala sa daan ng katotohanan na inihayag ng Diyos ngayon. Sa gayon hindi maipagkakaila na isa kang nangangarap nang gising na lubos na malayo sa pagkatotoo. Kapag ngayon nananatiling kang nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay buhay sa tao, gayon tulad ka ng isang walang buhay at walang pag-asa,[a] dahil ikaw ay masyadong makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi naaapektuhan ng pangangatuwiran!

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagkat Siya ang may taglay ng sangkap ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may katalinuhan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, ngunit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga mapanlinlang. Si Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, ngunit sa halip, ang partikular na katawang-tao na kinuha ng Diyos habang ginagawa Niya at tinatapos ang Kanyang gawain sa sangkatauhan. Itong katawang-tao na ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ang isang akma na makapagpapasan ng gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at kayang kumatawan sa Diyos, at magbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, silang mga huwad na Cristo ay babagsak lahat, dahil kahit na sila ay umaangkin na maging Cristo, sila ay walang tinataglay na sangkap ng pagiging Cristo. Dahil dito, sinasabi Ko na ang katunayan ni Cristo ay hindi kayang ihayag ng tao, ngunit ito’y sinasagot at punagpapasiyahan ng Diyos Mismo. Sa ganitong paraan, kung tunay mong ninanais na alamin ang daan ng buhay, narararapat na kilalanin mo muna na sa pamamagitan ng pagpunta sa lupa naipagkakaloob Niya ang daan ng buhay sa tao, at dapat mong kilalanin na sa mga huling araw na Siya ay pumarito sa lupa upang ipagkaloob ang daan ng buhay sa tao. Ito ay hindi ang nakalipas; ito ay nangyayari ngayon.

Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, hindi mo kailanman makukuha ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Paano, gayon, nila makikita ang Diyos? Kung sinusubukan mo lang na panghawakan ang nakaraan, sinusubukan lang na panatilihin ang mga bagay na walang pagbabago, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan at itapon ang kasaysayan, sa gayon hindi ka ba magiging laging salungat sa Diyos? Ang mga hakbang sa gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan, tulad ng rumaragasang mga alon ng dagat at dumadagundong na mga kulog—ngunit nakaupo at walang imik kang naghihintay ng kapahamakan, nananatili sa iyong kahangalan at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na nilalang na sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mapatutunayan na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita ng iyong mga nanilaw sa lumang libro patawid sa panibagong panahon? Paano ka nila papatnubayan sa iyong paghahanap ng mga hakbang sa gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa iyong mga kamay ay ang mga nasusulat na magbibigay ng panandaliang ginhawa lang, hindi ang mga katotohanan na kayang magbigay ng buhay. Ang mga kasulatan na iyong nababasa ay ang mga nakakapagpayaman lang ng iyong dila, hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang mga magiging daan na maghahatid sa’yo sa pagka-perpekto. Ang pagkakaiba bang ito ay hindi nagdudulot sa’yo ng pagbubulay bulay? Hindi ba nito maipaunawa sa’yo ang mga hiwaga na sumasaloob dito? May kakayahan ka ba na dalhin ang iyong sarili sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang magalak sa kapamilyang kasiyahang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, sa gayon, na ihinto mo ang pananaginip, at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon, kung sino ang umaakay sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi, hindi mo makakamtan ang katotohanan kailanman, at hindi kailanman makakamtan ang buhay.

Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinaka-hibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guniguni. At sa gayon sinasabi Ko na ang mga tao na hindi tatanggap kay Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang gagawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang lahat silang mga tunay na naniniwala sa Kanya ay mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng sinaunang panahon at ang pagpasok sa bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng mga papasok sa bagong panahon. Kapag wala kang kakayanang magpasalamat sa Kanya, at bagkus hinatulan, sinumpa, at inusig pa Siya, kung gayon nakatakda kang masunog magpakailanman, at hindi kailanman papasok sa kaharian ng Diyos. Para dito si Cristo Sarili Niya ay ang kapahayagan ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Nag-iisang pinagkatiwalaan ng Diyos na gampanan ang Kanyang gawain sa lupa. At gayon sinasabi Ko sa’yo na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat danasin ng mga lumapastangan sa Banal na Espiritu ay hindi na kailangang patunayan sa lahat. Ako ay nagsasabi rin sa’yo na kapag lumaban ka kay Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, sa gayon walang sinuman ang may kakayanan na magpasan ng mga kahihinatnan alang-alang sa’yo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagkat ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen. At sa gayon, ipinapayo Ko sa lahat na huwag ilabas ang iyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lang ang magdadala sa’yo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang magpapahintulot na maipanganak kang muli at makita ang mukha ng Diyos.

Mga Talababa:

a. Isang piraso ng patay na kahoy: isang sawikaing Tsino, nangangahulugang “hindi maaabot ng tulong.”