29.3.19

Pagbalik sa Diyos-Matapos Ang Desperadong Paghahangad na Bumaba ang Diyos mula sa mga Ulap, Sa Wakas ay Nakasama Ko na Siyang Muli (II)


Ni Wen Zhong
Salamat at pinakinggan ng Panginoon ang dalangin ko. Makalipas ang ilang araw, bumalik muli ang kaibigan ko. Malugod ko siyang tinanggap at sinabi sa kanya ang tungkol sa naranasan ko kamakailan lang, mga iniisip, at pagkalito. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay, at nasasabik na sinabing, “Salamat sa Panginoon. Hangga’t mayroon tayong puso na naghahanap, lilitaw sa harap natin ang Panginoon. Tungkol sa tanong mo, basahin natin ang ilan sa mga taludtod ng mga propesiya sa Biblia at pagkatapos ay maiintindihan mo iyon.” Nakahanap siya ng dalawang taludtod para basahin ko, “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” Pagkatapos ay nagbahagi pa siya: “Dahil sinasabi nitong ‘Anak ng tao’ ay tinutukoy nito ang nagkatawang-tao na Diyos. Kung Siya ay isang Espiritu, hindi Siya maaaring tawaging ‘Anak ng tao.’ Ang espirituwal na katawan ng Panginoong Hesus matapos Siyang mabuhay muli ay kayang tumagos sa mga dingding, at mawala sa iyong paningin at bumalik muli. Hindi iyon pangkaraniwan. Kaya hindi Siya maaaring tawaging ‘Anak ng tao.’ Ang dahilan kung bakit tinawag ang Panginoong Hesus na ‘Anak ng tao’ at ‘ Kristo’ ay dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos. Ang ‘pagdating ng Anak ng tao’ na sinabi ng Panginoon Hesus ay nangangahulugan na lihim Siyang babalik muli sa mga huling araw bilang nagkatawang-taong Diyos. Tulad nang dumating ang Panginoong Hesus upang gawin ang Kanyang gawain, naging isa Siyang ordinaryo at normal na tao,namuhay kasama ng mga tao, at praktikal na ginawa ang Kanyang gawain upang iligtas ang sangkatauhan. Kung sa panahon na bumalik ang Panginoon sakay ng ulap upang makita ng lahat ng tao, at hindi nagdusa o hindi itinakwil ng lahing ito, at walang nangahas na itakwil o isumpa Siya, kung ganoon ay paanong ang mga salita ng Panginoong Hesus—’datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito ‘—ay matutupad? Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Panginoon Niya magagawa ang Kanyang gawain bilang Anak ng tao at hindi Siya makikilala ng mga tao bilang nagkatawang-taong Kristo lamang itatakwil at isusumpa ng mga tao si Kristo. Hindi ba?”

Nabigla ako nang marinig ang kanyang pagbabahagi. Agad kong binasa ang mga taludtod na iyon nang paulit-ulit, at pagkatapos ay naintindihan ko sa wakas: Kung darating ang Panginoon sakay ng ulap at nakita Siya ng lahat ng tao, yuyukod lamang sila sa Kanya at sasambahin Siya. Kaya naman, hindi magdurusa ang Panginoon, lalo na ang tanggihan. Tanging kapag nagkatawang-tao lamang ang Diyos at ginawa ang Kanyang gawain kasama ng mga tao gaya nang Panginoong Hesus, lamang natin Siya lalabanan at isusumpa dahil sa kawalan natin ng kaalaman tungkol kay Kristo. Nabasa ko na ang mga siping ito sa Biblia noon, ngunit bakit hindi ko sila naintindihan? Ang hindi ko pa rin naiintindihan ay dahil sinabi ng Panginoon sa atin na magkakatawang-tao Siya upang iligtas ang tao sa mga huling araw, bakit sinabi ng Biblia: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian ” (Mat 24:30)? Paano ko maiintindihan iyon? Kaya sinabi ko sa kapatid ang pagkalito ko.

Ibinahagi niya: “Hinulaan ng Panginoong Hesus na darating Siyang muli at maraming sinabi tungkol doon, hindi lamang ang propesiya ng Kanyang ‘pagbaba sakay ng mga ulap,’ ngunit marami ring mga propesiya tulad ng darating Siyang tulad ng isang magnanakaw at tahimik na bababa. Halimbawa, Pahayag 16:15: ‘ Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw, ‘ Mateo 25:6: ‘ Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya, ‘ at Pahayag 3 :20: ‘ Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.‘ Mula sa mga taludtod na ito ay makikita natin: ‘Gaya ng magnanakaw’ at ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw’ ay nangangahulugan ng tahimik na pagdating. Walang tunog mula sa langit, kaya walang makakaalam; tanging ang mga makakarinig lamang ng tinig ng Diyos ang maaaring sumalubong sa Panginoon. Kaya, mula sa mga propesiya ng Biblia, makikita natin na mayroong dalawang paraan ng pagdating Panginoon: Ang una ay ang tahimik na pagdating na gaya ng isang magnanakaw, at ang isa ay ang magpakita sa publiko. Unang darating ang nagkatawang-taong Diyos upang tahimik na gawin ang Kanyang gawain at magsalita upang gawing mga mananagumpay ang mga naghahanap ng katotohanan at tunay na naghahangad sa Diyos. Sa sandaling makagawa na ng grupo ng mga mananagumpay ang Diyos, magtatapos na ang lihim Niyang gawain . Sa panahong iyon,magpapadala Siya ng sakuna upang gantimpalaan ang mga mabubuti at parusahan ang masasama, at bababa sakay ng ulap upang hayag na magpakita sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga tao. Kaya naman, ang propesiya ng pagbaba ng Panginoon sa mundo sa harap ng mga tao sa Pahayag 1:7 ay matutupad: ‘Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. ‘ Kapag ang mga tumanggi at humatol kay Kristo sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyo—ay makikita na ang Siyang tinanggihan at hinatulan nila ay ang nagbalik na Panginoong Hesus mismo, hindi ba nila babayuhin ang kanilang mga dibdib at magnanangis dahil sa pagdadalamhati? Ang eksenang iyon ay siyang pagiging ganap ng mga salita ng Diyos na nabasa mo ngayon lang: ‘Kapag nakikita ninyo ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa iyo, subali’t dapat mong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagka’t nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan.‘ Ngayon ang yugto kung saan ay tahimik na gumagawa ang nagkatawang-taong Diyos, at siyang oras kung kailan ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng pagsasalba, paglilinis, at pagpipino sa sangkatauhan. Kung ninanais lamang nating makita ang pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap, ngunit hindi hinahanap ang Diyos na ipinahahayag ang katotohanan habang nasa katawang-tao, mawawala sa atin ang oportunidad na maisalba.”

Nang marating niya ang bahaging ito, nakita ko sa wakas ang liwanag: Kahit na ilang taon na akong naniniwala sa Panginoon, hindi ko napansin na mayroong dalawang uri ng taludtod na siyang hinuhulaan ang pagbabalik ng Panginoon. Ang unang uri, darating ang Diyos at tahimik na gagawin ang Kanyang gawain. Matapos gumawa ng grupo ng mga mananagmpay, tsaka lamang Siya magpapakita sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga tao. Madalas kong binabasa ang mga taludtod na ito sa Biblia, ngunit bakit hindi ko sila maintindihan? Mukhang hindi ko maintindihan ang Biblia, o bahagya lamang naiintindihan. Kung hindi sinabi sa akin ng kapatid ang mga bagay na ito, para pa rin akong hangal na hinihintay na bumalik ang Panginoon sakay ng ulap, at kapag ang araw na iyon—ang araw ng pagtatapos ng gawain ng pagsasalba ng Diyos—ay talagang dumating na,itatapon ako sa impiyerno, tumatangis sa pighati. Kalaunan, nagbahagi siya tungkol sa mga katotohanan na may kinalaman sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, pagkakatawang-tao ng Diyos, at iba pang katotohanan. Matapos kong maintindihan ang mga bagay na ito, matatag ang aking paniniwala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon Hesus!

Isipin mo: Sa loob ng dalawang libong taon, lahat ng mga mananampalataya sa Panginoon ay hinahangad na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at magtamasa ng magagandang mga biyaya kasama Siya. Mabuti na lang, sa awa ng Diyos, ipinanganak ako sa mga huling araw at sinalubong ang pagbabalik ng Panginoong Hesus habang ako’y nabubuhay; narinig ko ang mga salita ng Panginoon at nagsaya sa tubig mula sa bukal ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Ngayon, labis akong nasasabik kahit na bahagyang nagsisisi. Ngunit higit sa lahat, labis akong nabiyayaan! Desperado kong hinihintay ang pagbabalik ng Panginoon, ngunit kahit kailan ay hindi ko naisip na makikilala ko Siya at sasalubungin Siya sa ganoon paraan. Kung hindi dahil sa awa ng Diyos, nawala na sana sa akin ang pagkakataon na salubungin ang pagdating ng Panginoon.Kung sinubukan kong salubungin ang Panginoon ayon sa sarili kong imahinasyon, hindi ko magagawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Papuri sa Panginoon. Handa akong maayos na gampanan ang aking tungkulin upang suklian ang pag-ibig ng Diyos. Lahat ng papuri at pasasalamat sa Makapangyarihang Diyos !