Pagbalik sa Diyos-Paniniwala ng mga Katoliko: Bakit Inabot ng 11 Taon Para Tanggapin Niya ang Pagbabalik ng Panginoon?
Ni Gan’en, Unites States
Si Ming’ai ay isang Katoliko mula pa nung bata siya. Palagi niyang iginigiit ang pagbabasa ng Biblia at pagpunta sa misa, at pangungumpisal sa pari minsan sa isang taon, at nagpatuloy nang walang patid sa loob ng 40 taon. Nang marinig niya ang balita na nagbalik na ang Panginoon, tinanggihan niya ang pagliligtas ng Panginoon. Labing isang taon ang nakalipas, narinig niyang muli ang tinig ng Diyos, at tinamaan siya ng pagsisisi… Bakit inabot ng 11 taon bago bumalik si Ming’ai sa Panginoon? Ano ba ang nangyari sa kanya?
Bulag na Pagsunod sa mga Pari Kaya Isinara Niya ang Puso Niya sa Diyos
Sinabi ni Ming’ai na, bago ang taong 2000, maraming bagay ang sinasabi ng mga pari sa kanilang mga sermon sa simbahan na sumira, lumapastangan, lumaban at humatol sa Kidlat ng Silanganan, para mahikayat ang mga mananampalataya na huwag sumunod sa daan ng Kidlat ng Silanganan, at tahasang itinanggi ang patotoo na nagbalik na ang Panginoon.
“Kung totoo nga na nagbalik na ang Panginoon, hindi ito ikokondena ng mga pari at Papa. Pero kung tatanggihan ng mga pari ang Kidlat ng Silanganan, kung ganon tiyak na hindi tama ang daan na ‘yon.” Ganon ang naisip ni Ming’ai noong panahon na ‘yon, at dahil sinamba niya nang husto ang mga pari, sinunod na niya ang pagtanggi tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos.
Sa mga sumunod na taon, ang mga nasa simbahan niya na nagsumikap sa buhay, isa-isang nagsimulang maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at kumaunti ang mga miyembro ng simbahan. Pero patuloy pa rin sa pagpunta si Ming’ai sa misa sa simbahan, kahit minsan hindi niya naisip kung bakit ang daan ng Kidlat ng Silanganan ay lubhang nakakaakit sa mga nasa simbahan na may kakayahan at nagpursige sa buhay.
Noong 2007, isang kaibigan ni Ming’ai ang nagsama ng isang kapatid sa bahay niya para mangaral tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sinabi niya kay Ming’ai na nagbalik na ang Panginoon, pero hindi ito pinaniwalaan ni Ming’ai, at sa puso niya, hinamak niya ang kapatid.
“Wala sa mga pari at mga madre ang naniwala rito. Napakabata mo pa, kaya ano ang nalalaman mo tungkol dito kung katatapos mo pa lang sa pag-aaral?” ‘Yon ang naisip ni Ming’ai sa loob niya, pero hindi niya na lang sinabi ito. Naramdaman niyang napipilitan siyang asikasuhin ang kapatid sa tuwing darating ito, pero hindi naman talaga siya nakikinig sa mga sinasabi kapag nagbabahagi ang kapatid.
“Sister, huwag ka na uling pupunta. Malapit na akong lumipat sa Taiwan.” Dahil maninirahan na sa Taiwan si Ming’ai, nagkahanap siya ng dahilan para tanggihan ang kapatid.
Pero sinabi ng kapatid na marami rin ang mga kapatiran sa Taiwan, at tinanong si Ming’ai kung payag ba siyang dumalo sa ilang pagtitipon kasama sila. Nahiyang tumanggi si Ming’ai, kaya nag-atubili siyang pumayag.
Ang Pagkahabag ng Kapatid ay Hindi Tumagos sa Matigas na Puso Niya
Noong 2007, nanirahan na sa Taiwan si Ming’ at, hindi nagtagal, pumunta ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para makita siya at magbahagi tungkol sa mahalagang layunin ng Diyos para ipahayag ang katotohanan at iligtas ang tao sa mga huling araw, at para imbitahan siya na dumalo sa mga pagtitipon.
“Maraming beses silang pumunta sa akin, at atubili akong dumalo sa ilang pagtitipon. Pero wala akong anumang sinabi sa kahit kanino sa kanila, at kung minsan tumatango ako,” ang sabi ni Ming’ai na nakangiwing nakangiti habang naaalala niya ang walang ingat na kilos sa pagtitipon.
Dahil komportable at madali ang buhay sa Taiwan, unti-unting nalulong sa sugal si Ming’ai. Panlabas nalang ang pagsunod niya sa mga pang-relihiyong ritwal, dumadalo pa rin sa misa kapag Linggo at patuloy sa pagbabasa ng Biblia. Pero hindi siya iniwan ng pagmamahal ng Diyos, magmula 2007 hanggang 2012, patuloy ang pagdalaw sa kanya ng mga kapatid para tulungan at suportahan siya, nagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ganon pa man, si Mang’ai, palagi niyang isinasara ang puso niya sa Diyos.
Hindi nagtagal, nakita ng mga kapatid na ayaw talagang tanggapin ni Ming’ai ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kaya tumigil na sila sa pagdalaw sa kanya.
Noong 2014, dahil sa mga narinig na balita tungkol sa kaso nung Mayo 28 sa Zhaoyuan na ipinakalat ng CCP, mas lalo pang lumala ang maling pagkaunawa ni Ming’ai tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
“Kahit na ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nakilala ko nung lumipat ako mula sa China papunta sa Taiwan ay talagang mababait lahat at mga taong mahabagin, at hindi ako naniniwala na yung mga bagay na ‘yon magagawang gawin ng mga ganong tao, araw-araw nasa balita ang istoryang ito nung panahon na ‘yon, at nauwi rin ako sa paniniwala ron,” sabi ni Ming’ai.
Sa Paglipat sa US, Ang Pagliligtas ng Diyos ay Muling Dumating Kanya
Noong 2016, lumipat si Ming’ai at ang pamilya niya sa US. Noong Hulyo 2018, kinailangang pumunta ni Ming’ai sa New York dahil sa trabaho at, dahil hindi niya makita ang lugar na hinahanap niya, nagtanong siya sa isang tao para sa direksiyon, at nagkataon na kaibigan pala ‘yon ng isang sister mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nung sandaling ‘yon, hindi alam ni Ming’ai na yung taong nakilala niya ay isang mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Nalaman niya lang ito nung minsang nakikipag-usap siya sa kapatid, at pagkatapos dinala siya ng kapatid para marinig ang isang sermon.
“Isang brother ang metikulosong nagbigay ng pagbabahagi tungkol sa tatlong yugto ng gawain na isinagawa ng Diyos, at nagbahagi rin siya tungkol sa ganong mga aspeto ng katotohanan kung pa’no ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol Niya sa mga huling araw, ang pagkatawang-tao ng Diyos at pa’no malalaman ang pagkakaiba sa pagitan ng tunay at maling daan. Hindi bago sa akin ang mga salitang binabasa niya, at inaalala ko kung saan ko ito narinig dati, nang napakasayang sinabi sa akin ng kapatid na nagbalik ang Panginoon sa katawang-tao, at Makapangyarihang Diyos ang pangalan Niya!”
Nabigla si Ming’ai nang marinig ito. Sa tuwing makikipagkita siya sa mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng mahigit sampung taon, sa paraan ng pagsasabuhay nila, sa mapagmahal nilang mga puso—nagbalik lahat ito sa alaala ni Ming’ai.
“Makapangyarihang Diyos? Pa’nong nakatagpo ko uli ang mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Mula sa China hanggang Taiwan, at mula sa Taiwan hanggang sa US, nakita ko nang hindi sinasadya ang mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi kaya pagsasaaayos talaga ito ng Panginoon? Talaga bang nagbalik na ang Panginoon? Naisip ni Ming’ai.
Sa pagkakataong ito, narinig ni Ming’ai ang mga salita ng Diyos na may dalang awtoridad at kapangyarihan, at naisip niya na walang tao ang maaaring bumigkas ng mga salitang ito. Hindi na siya nangahas pa na itanggi ang katotohanan ng pagbabalik ng Panginoon, at pagkatapos ipinagtapat na niya sa kapatid ang tungkol sa mga pag-aalinlangan niya at nagsimulang hanapin ang katotohanan.
Ang Nalinlang niyang Puso sa Wakas Nagising na
“Kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Panginoon, bakit hindi Siya tinatanggap ng mga pari ng simbahan at ng Papa, pero sa halip lumaban at nagsalita ng hindi maganda tungkol sa Kanya?” At ano yung tungkol sa kaso noong May 28 sa Zhaoyuan? Tinanong ni Ming’ai sa kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang dalawang tanong na ito.
Tuwang-tuwa ang kapatid nang makitang nagkusa si Ming’ai at nagsalita tungkol sa kanyang kalituhan para maghanap ng mga sagot at malutas ito, at mahinahon niyang sinagot si Ming’ai.
Sinabi ni Ming’ai na ginamit ng kapatid ang banal na kasulatan para magbahagi tungkol sa pinag-ugatang dahilan ng paghatol at pagtanggi ng mga Fariseo: “Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka’t ang taong ito’y gumagawa ng maraming tanda. Kung siya’y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa” (Juan 11:47-48). Ginawa ito ng mga Fariseo dahil natatakot sila na sumunod ang mga mananampalataya sa Panginoong Jesus, na mawala ang kanilang katayuan sa mga mananampalataya, at mawala ang kanilang mga kabuhayan. Kaya naman ginawa nila ang lahat ng magagawa para ikondena at labanan ang gawain ng Panginoong Jesus. Ginamit din ng kapatid ang siping ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng mga taong iyon ay demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at katitisuran sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may ‘matipunong laman’, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng kaluluwang lalamunin?” Ibinahagi niya na ang mga pinuno sa daigdig ng relihiyon ngayon ay katulad na katulad ng mga Fariseo noong panahon ng Panginoong Jesus. Mataas ang kinalalagyan nila, nagpapaliwanag ayon sa Biblia, ganon pa man, hindi nila pinamumunuan ang mga tao na maunawaan ang kalooban ng Diyos o maranasan ang Kanyang gawain, at palihim nilang itinataas at nagpapatotoo sa kanilang sarili, at pinamumunuan nila ang iba bago ang sarili nila. Nang marinig ang balita na nagbalik na ang Panginoong, para pangalagaan ang kanilang katayuan at mga kabuhayan, hindi lang sa hindi nila pinangunahan ang mga kapatid para maghanap at magsiyasat, kundi gumawa rin ng mga usap-usapan, ginawa ang lahat para hatulan at labanan ang gawain ng Diyos, at hadlangan tayo na hanapin ang gawain ng Diyos. Sila ay naging balakid na lumalaban sa Diyos at pumipigil sa mga tao sa pagpasok sa kaharian ng langit. Para silang mga demonyo na sumasalungat sa Diyos at buhay na multo na lumalamon sa kaluluwa ng mga tao.
“Hindi nakakapagtaka na hindi tayo pinapayagan ng mga pari na pumunta at makinig sa ibang mga sermon. Lumalabas na ginagawa lang nila ito para pangalagaan ang kanilang sariling mga posisyon at kabuhayan. Natatakot sila na sumunod ang mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, at pagkatapos wala nang magbibigay sa kanila ng anumang mga donasyon, at wala nang susuporta sa kanila.” Matapos makinig sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ng kapatid, naunawaan na sa wakas ni Ming’ai ang dahilan kung bakit tahasang itinatanggi ng mga pari ang Kidlat ng Silanganan.
Pagkatapos nagbasa ang kapatid ng isang sipi ng mga sermon para kay Ming’ai, “Nang marinig nila ang magulong paghatol mula sa gobyerno ng Chinese Communist Party, maraming mga taong nalilito ang nagpasya na hindi nga ito ang tunay na daan; sa sandaling makita nila ang laganap na paghatol mula sa mga pastor at mga elder ng relihiyosong lupon, nagpasya sila na hindi ito ang tunay na daan. Sa anong paraan nalilito ang mga taong ito? Nakikita ba nila ang madilim at masamang kakanyahan ng mundo? Sinabi ng Biblia, “At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito’y hindi napagunawa ng kadiliman” (Juan 1:5). Talaga bang naiintindihan nila ang mga salitang ito? “Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). Naiintindihan ba nila ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito? Wala silang nakikitang kahit na ano. Iniisip nila na kung ito ang tunay na daan, kung dumating ang Diyos, samakatwid dapat tinanggap ito ng gobyerno ng Tsina, dapat tatanggapin ito ng lupon ng mga relihiyon, at ‘yon ang magsasabing ito ang tunay na daan. Anong klasing lohika ito? Hindi ba ito ang lohika ni Satanas?
Matapos makinig sa pagbabahagi, naisip ni Ming’ai kung pa’no niya tinanggihan ang pagdating ng Panginoon sa mahigit na sampung taon. Kinasusuklaman niya na naniwala siya sa Diyos pero hindi namuhay ayon sa salita ng Diyos, sa halip bulag na sinamba ang ibang tao.
“Naguguluhan ako sa paniniwala ko sa Panginoon sa buong buhay ko. Naniwala ako na lahat ng sinasabi ng mga pari ay tama, at naniwala ako sa Panginoon sa pangalan lang, sa katunayan sa mga pari ako naniniwala. Sumasamba ako sa diyos-diyosan! Hindi talaga ako naniwala sa Panginoon!” Buong pagsisising sinabi ni Ming-ai.
Sa huli, binigyan ng kapatid si Ming’ai ng pagbabahagi tungkol sa kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28, “Ang CCP ay isang gobyernong ateista. Hindi nila pinapayagan ang mga tao na sumunod at sumamba sa Diyos, pinapayagan lang nila ang mga tao na maniwala sa CCP. Magmula ng magkaron ng kapangyarihan hindi tumitigil ang CCP sa pag-uusig sa relihiyosong paniniwala. Binansagan nila ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto at isang aklat ng kultismo ang Biblia. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa Tsina sa mga huling araw para iligtas ang tao sa pagpapahayag ng katotohanan, at ang parami nang paraming mga taong sumusunod sa Makapangyarihang Diyos kapag narinig nila ang Kanyang tinig, nagdulot ng matinding pagkagitla at takot sa CCP. Kung babaling sa Makapangyarihang Diyos ang lahat ng tao sa Tsina, wala ng susunod pa sa mga utos nila. Gamit ang layunin na supilin ang mga gawain ng Diyos sa huling araw, maingat na ginawan ng kwento ng CCP ang kasong ito ng pagpatay.
Nang makapakinig siya sa pagbabahagi ng kapatid, inalala ni Ming’ai ang nakalipas na mahigit na sampung taon. Matapos arestuhin ang isang pari sa sariling nayon, binitay siya sa pamamagitan ng pagbaril ng CCP. Nagsimula siyang mag-isip-isip: “Palaging kinakalaban ng CCP ang Diyos, kaya pa’no kong paniniwalaan agad ang balitang inilalabas nito?
Pagkatapos naghanap ang kapatid ng dalawang bidyo sa Youtube para panoorin ni Ming’ai. Ang isa ay “Jia Chunwang Nag-utos ng Paglusob sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Proyekto 807 Dahilan Diumano ng Pagpatay sa Mcdonald’s” inihandog ng Mingjing Live, at ang isa pa ay “Inilantad ang Katotohanan sa Likod ng Kaso noong May 28 sa Zhaoyuan.”
Sinabi ni Ming’ai na inilantad ng mga bidyo ang lahat ng katanungan tungkol sa kaso. Ang ilan sa mga salarin nagpahayag nang walang kaugnayan at walang katiyakan na dahilan at, nakakagulat, tahasan mismo nilang sinabi na sila ay Diyos—malinaw na hindi sila yung mga tao kung saan ipapangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang ebanghelyo. Sila mismo hindi nila kinikilala na nagmula sila sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bukod pa ron, sa pinangyarihan ng pagpatay, may isang kahina-hinala at misteryosong “lalakeng naka-green” na nagmamanipula ng mga nangyayari, na nagpatunay na ang kaso noong May 28 sa Zhaoyuan ay kagagagawan ng CPP at walang anumang kinalaman sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Matapos mapanood ang dalawang bidyo na ‘to, hindi mapigil ni Ming’ai ang pagpatak ng luha niya.
“Sa loob ng 11 taon, maraming beses nagpadala ang Panginoon ng mga kapatid para magbigay ng patotoo sa akin ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kumatok sila sa pinto ng puso ko nang paulit-ulit, pero palagi kong tinantanggihan ang pagpasok ng Diyos, naniniwala na tama ang lahat ng sinasabi ng mga pari at kung susunod ako sa mga pari hindi ako magkakamali. Hindi manlang ako nagkaroon ng kahit kaunting kaunawaan kung saan ipinakalat nila ang mga bali-balita ng CCP. Ang mga pari ay may mas mataas na posisyon sa puso ko kaysa sa Diyos. Hiyang-hiya ako na makita ang Panginoon…” Umiiyak si Ming’ai habang sinasabi sa mga kapatid ang pagkakautang niya sa Panginoon.
Pagkatapos, papaglubagin ng mga kapatid ang loob ni Ming’ai at basahin sa kanya ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Ang bawat isang tao na tinanggap ang paglupig ng mga salita ay magkakaroon nang sapat na pagkakataon para sa kaligtasan. Ang pagliligtas ng Diyos sa bawat isa sa mga taong ito ay nagpapakikita sa kanila ng kanyang sukdulang pagkamaawain, nangangahulugang sila ay pinakitaan ng sukdulang pagpaparaya. Hangga’t ang mga tao ay tatalikod sa maling landas, hangga’t sila ay nakapagsisisi, kung gayon bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon na makamtan ang Kanyang pagliligtas.”
Habang nakikinig siya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi makahinga si Ming’ai dahil sa pag-iyak, at ang lahat ng tagpo na pumupunta ang mga kapatid para matiyagang sumuporta sa kanya at tinulungan siya sa loob ng 11 taon bigla niyang naalala …
Panloob na monologo ni Ming’ai: 11 taon ng panonood, 11 taon ng paghihintay, at hindi sumuko ang Diyos sa pagsubok na iligtas ako. Maraming beses, pinakilos ng Diyos ang mga kapatid para pumunta sa bahay ko at gawin ang lahat ng magagawa nila para makumbinsi ako sa pagbabahagi, pero hindi nila mapalambot ang sutil at matigas kong puso. Kung hindi dahil sa awa ng Diyos, matagal nang nasira ang buhay ko dahil sa mga salita ng mga pari at ang mga bali-balita ng CCP. Na nagawa kong gumising ngayon dahil sa dakilang pag-ibig at pagtitiyaga ng Makapangyarihang Diyos! Masigasig kong itataguyod ang katotohanan at gagampanan ng mabuti ang tungkulin ko para suklian ang pagmamahal ng Diyos.