14.5.19

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos-Sa Pananampalatayang Katoliko: Alam mo ba ang Misteryo sa Likod ng Pangalan ng Diyos


Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos-Sa Pananampalatayang Katoliko: Alam mo ba ang Misteryo sa Likod ng Pangalan ng Diyos



Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos ang pangalang Yahweh; sa Kapanahunan ng Biyaya, kinuha Niya ang pangalang Jesus, at sa Aklat ng Pahayag pinopresiya na magkakaron uli ng bagong pangalan ang Diyos. Bakit nagbabago ng pangalan ang Diyos? Halos pagsarhan ko ng pinto ang pagbabalik ng Panginoong Jesus dahil hindi ko naiintindihan ang aspetong ito ng katotohanan. Pero sa huli, matapos ang panahon ng paghahanap at pag-iimbestiga, sa wakas naunawaan ko ang mga misteryo sa likod ng pangalan ng Diyos at sinalubong ko ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.

Itinatagong Paniwala, Pinagsasarhan ng Pinto ang Diyos
Noong Setyembre 2017, isang kaibigan ko ang nag-imbita sa isang Brother Yang para magbahagi ng isang sermon sa amin. Nung araw na ‘yon pumunta ako nang maaga sa pinag-usapang lugar at matapos magbatian ang lahat, sinimulan na namin ang pag-aaral ng Biblia.


Nagbahagi sa amin si Brother Yang sa gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan, na isinasama ang Biblia. Nagsalita siya tungkol sa gawain ni Yahweh sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng pagpapako ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, at pagkatapos ang prinopesiya sa Aklat ng Pahayag na bubuksan ng Diyos ang kalatas at pitong tatak sa mga huling araw. Ito ay prinopesiya rin sa Pahayag na magsasalita ang Diyos sa lahat ng Iglesia at ang lahat ng may pandinig ay kailangang makinig. Maging sila ay mga Kristiyano, Katoliko, o Silanganang Orthodox, dapat silang lahat ay matatalinong birhen at bigyang atensiyon ang tinig ng Diyos para salubungin nila ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Ang pagbabahagi ni Brother Yang ay makatwiran at puno ng liwanag; tunay na kapaki-pakinabang ito sa akin. Nanampalataya ako sa Diyos sa loob ng sampung taon, pero wala akong narinig na nagpaliwanag ng malinaw sa gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Tuwang-tuwa ako at inasam na patuloy na makinig kay Brother Yang.

Matapos ang tanghalian, ngumiti si Brother Yang at sinabi, “Sinasabi sa Biblia sa 1 Pedro 4:17: ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.’ Maliwanag mula rito na kapag bumalik ang Diyos sa mga huling araw, kailangan Niyang gawin ang isang yugto ng gawain ng paghatol at paglilinis, para pagbukud-bukudin ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, at sa huli ang mga nalinis lang sa kanilang satanikong disposisyon ang makakapasok sa kaharian ng langit. Nagbalik na ang Panginoong Jesus at nagawa na ang gawain ng paghatol na nagsimula sa bahay ng Diyos at ang kasulatang inihayag sa Aklat ng Pahayag ay nabuksan na. Kapatid, gusto mo bang basahin ang mga salitang binigkas ng Diyos sa mga huling araw?”

“Hm? Nagbalik ang Panginoon? Nabuksan na ang kalatas?” Nagulat talaga ako na marinig si Brother Yang na sinabi ito. Nang maisip kong nabuksan na ang misteryosong kalatas na gawa sa balat ng tupa, natatakpan ng mga salita sa magkabilang panig, tuwang-tuwa ako. Inabot sa akin ni Brother Yang ang isang aklat, at habang kinukuha ito nagtanong ako, “Ito ang kalatas na binuksan ng Diyos?” Hindi ko na mahintay na mabuksan ito, pero pagbuklat ko sa likod na pahina ng aklat at nakita ang mga salita “INILATHALA NG ANG IGLESIA NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS” Natigilan ako. Naisip ko, “Hindi kaya isang miyembro talaga si Brother Yang ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?” Nakaramdam ako ng kaunting galit at naisip ko: “Narinig ko na ang Diyos na pinaniniwalaan ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos, pero ang Diyos na hinihintay ko ay nagngangalang Jesus. Pa’no Siya tatawaging Makapangyarihang Diyos? Hindi, kailangan ko muna itong pag-isipan nang mabuti.” Pagkatapos sinabi ko: “Pasensiya na, kailangan kong bantayan ang tindahan mamayang gabi. ‘Yan nalang para ngayong araw.” Nakita ni Brother Yang na tatayo na ako para umalis at pinayuhan ako: “Sister, kailangan makinig tayong mabuti sa mga salitang binigkas ng Diyos. Kung may katanungan ka, maaari tayong maghanap at magkasamang manalangin.” Sinabi niya rin na ang mga tupa ng Diyos ay nakikinig sa tinig Niya at sinabi sa aking magdasal at mas maghanap para makamit ang patnubay ng Diyos.

Sa Gitna ng isang Labanan, Nagpadalang Muli ng Mensahero ang Diyos para Kumatok sa Pinto
Nang sumunod na mga araw, sa tuwing maiisip ko ang pagbabahagi ni Brother Yang mula nung araw na ‘yon nagkaron ng walang-tigil na labanan sa puso ko. “Ang pagbabahagi ni Borther Yang ay talagang nagtataglay ng liwanag at patnubay ng Banal na Espiritu. Kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, kung hindi ako makikinig hindi ba pagsasara ito ng pinto sa Diyos? Pero maliwanag na ang pangalan ng Diyos ay Jesus, kaya pa’no Siyang tinawag na Makapangyarihang Diyos?” Habang iniisip ko ang tungkol dito lalo lang akong naguguluhan. Hindi ko alam kung itutuloy ko ang paghahanap o hindi na. Kalaunan naisip ko ang mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo ng Kapanahunan ng Kautusan, na naglingkod sa Diyos nang buong buhay nila at palaging tinatawag ang pangalan ni Yahweh, pero nang dumating ang Panginoong Jesus na kabilang sa sangkatauhan para gumawa, mahigpit nilang pinanghawakan ang sarili nilang pagkaunawa, naniniwala na ang sinumang tinawag na Mesias ay hindi Diyos. Kaya naman kinalaban nila at tinuligsa ang Panginoong Jesus at ipinako Siya sa krus. Dapat matuto ako sa mapait na mga aral ng pagkabigo ng mga naunang dumating-Hindi ako maaaring lumakad sa maling landas na tinahak nila.

Makalipas ang dalawang araw, si Brother Yang, Sister Zhang, at si Ms. Fang na kaibigan ko sa iglesia ay pumunta sa tindahan para makita ako. Ibinahagi ni Ms. Fang ang karanasan niya kung pa’no siya naging mapanghimagsik at lumalaban, at pagkatapos natamo ang kasiguruhan sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Naantig ako nang husto at payag na magpatuloy para pag-usapan ang pagbabalik ng Panginoon kasama sila.

Pagkatapos nagtapat na ako at ibinahagi ang kalituhan sa kalooban ko. “Nanampalataya ako sa Panginoon kasama ang aking ina magmula nung maliit pa ako. Kalahati ng buhay ko nanalangin ako sa pangalan ng Panginoong Jesus at nagtamasa ako ng maraming pagpapala mula sa Panginoon. Maliwanag na ang Panginoon ay nagngangalang Jesus, tapos ngayon sinasabi n’yo na bumibigkas ng mga salita ang Panginoon sa ilalim ng pangalan na Makapangyarihang Diyos. Ano ang ibig sabihin nito? Kung tatangapin ko ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos hindi ba pagtataksil ‘yon sa Panginoong Jesus?

Mahinahon na sumagot si Brother Yang: “Sister normal lang sa atin na hindi natin tanggapin kaagad na gumagawa ang Panginoon ng bagong gawain sa ilalim ng pangalang Makapangyarihang Diyos. Ito ay dahil sa kakulangan natin ng kalinawan sa aspeto ng katotohanan na may kaugnayan sa pangalan ng Diyos. Pag-isipan natin: Sa Kapanahunan ng Kautusan, Yahweh ang pangalan ng Panginoon, pero nagbago ang pangalan Niya at naging Jesus ito sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagtanggap ba sa pangalan ni Jesus ay pagkakanulo sa Diyos na Yahweh?

Natigilan ako sa mga sinabi ni Brother Yang, at mabilis na sinabi: “Siyempre, hindi. Ang Panginoong Jesus at Yahweh ay iisang Diyos.”

Ngumiti si Brother Yang at sinabi: “Sister, kung si Yahweh at Jesus ay iisang Diyos, bakit binago ni Yahweh ang pangalan Niya at ginawang Jesus? Matapos ang ilang dekadang pananalangin sa Panginoon, alam ba natin kung bakit Siya tinawag na Jesus? Alam ba natin ang misteryo sa likod ng pangalan ng Diyos?”

Wala akong anumang sinabi, pero sinabi ko sa sarili ko: “Saan ko malalaman ang tungkol sa misteryo na ito?”

Nang makitang wala akong anumang sinabi, inilabas ni Brother Yang ang telepono niya at nakakita ng dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para basahin ko.


Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos na Yahweh at Jesus
Binasa ko itong mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Bakit iisa lang si Jehova at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuoan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan at kailangan lang upang kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “‘Jehova’ ang pangalan na Aking ginamit sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugang ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gumabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na may-angking dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Ang ‘Jesus’ ay Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang alay para sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at nakakatawan lamang ang isang bahagi ng plano ng pamamahala. … Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subalit may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sinabi ni Brother Yang, “Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos makikita natin na ang pangalang ibinibigay sa Diyos sa bawat panahon ay palaging makahulugan; kinakatawan nito ang gawain na ginagawa ng Diyos at ang disposiyon na ipinapahayag ng Diyos sa panahon na ‘yon. Alam nating lahat na walang alam ang naunang sangkatauhan; hindi nila alam kung pa’no mabuhay, pa’no makipag-ugnayan sa iba, at kung pa’no sumamba sa Diyos at hayaang dakilain ang Diyos. Pagkatapos, sa pangalang Yahweh, sinimulan ng Diyos ang gawain Niya sa Kapanahunan ng Kautusan na naaayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Ang disposisyon na ipinahayag Niya ay ang awa, sumpa, kamahalan at matinding poot. Ginamit ng Diyos si Moses para ihayag ang mga batas at mga utos Niya, nang sa ganon malaman nila na nilikha ng Diyos ang kalangitan, ang lupa, at lahat ng bagay, kung pa’no sila dapat magsakripisyo at sumamba sa Diyos, kung ano ang mabuti at kung ano ang masama, at iba pa. Ang sinumang lumabag sa batas ay babatuhin hanggang mamatay, o sunugin sa makalangit na apoy, habang ang mga sumusunod naman sa batas ay makakamit ang awa at pagpapala ng Diyos. Inilagay ng Diyos sa pamantayan ang kanilang kilos at ginabayan sila na magkaroon ng buhay na nagtataglay ng pamamaraan at kaayusan. Sa huling panahon ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay mas pinasama nang pinasama ni Satanas, at hindi na nila nagawang panatilihin ang mga batas at utos, kaya naharap silang lahat sa panganib na isakatuparan ang batas. Tanging kapag nagkatawang-tao lang ang Diyos para magsilbi bilang alay sa kasalanan ng tao at pasanin ang mga kasalanan maaaring maging karapat-dapat ang tao na lumapit sa harap ng Diyos. Kung ganon ginawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan taglay ang pangalang Jesus, ipinahayag ang isang disposisyon ng awa at pagmamahal, nagdala ng daan ng pagsisisi, tinuruan ang tao na maging mapagparaya at mapagpasensiya at mahalin ang ating mga kaaway at iba pa. Pinagaling din Niya ang mga maysakit, pinalayas ang mga demonyo at dinalhan ang sangkatauhan ng mayaman at masaganang biyaya. At sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus at natapos ang Kanyang gawain ng pagtubos, hangga’t tinatanggap natin ang gawain Niyang ito at nananalangin sa pangalan Niya, maaari tayong patawarin, at tamasahin ang kapayapaan at kagalakan na nagmumula sa Diyos. Makikita natin sa nakalipas na dalawang yugto ng gawain na gumagamit ang Diyos ng iba’t-ibang pangalan sa iba’t-ibang panahon ayon sa mga hinihingi ng gawain Niya pati na rin ang pangangailangan ng masamang sangkatauhan. Sa ganitong paraan magkakaroon tayo ng higit na pagkakaunawa sa Diyos, at hindi natin lilimitahan kung ano ang mayroon Siya.

Matapos ang pakikinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ni Brother Yang, bigla kong naisip: “Kung ganon ang pangalang ginagamit ng Panginoon ay batay sa pangangailangan ng gawain Niya at pangangailangan nating masamang sangkatauhan! Ano mang pangalan ang gamitin Niya sa anumang panahon, lahat ng ito ay kumakatawan sa Kanyang gawain at disposisyon sa panahong iyon at lahat ng ito ay makahulugan. Nanampalataya ako sa Panginoon sa loob ng mahabang panahon at nanalangin sa Panginoon sa bawat araw, pero hindi ko alam kung ano ang malalim na kahulugan ang mayroon sa pangalan Niya. At sa nakalipas, hindi ko naintindihan kung bakit napakadakila ng disposisyon ni Yahweh sa Kapanahunan ng Kautusan, kung bakit ang mga lumabag sa batas ay sinunog at isinumpa, pero ang Panginoong Jesus ay puno ng awa at pagmamahal sa mga tao at sinabi na magpatawad ng pitong pitumpung ulit. Lumalabas na dahil iba ang gawain at iba rin ang disposisyon na ipinapakita ng Diyos. Naglalaman ito ng mabuting intensiyon ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan.

Ang Aklat ng Pahayag ay Ipinopresiya na ang Diyos ay Magkakaron ng Isa pang Bagong Pangalan
Nagpatuloy si Brother Yang: “Gusto ng Diyos na lubos tayong maligtas mula sa pagkakahawak ni Satanas at dalhin tayo sa kaharian, pero ang gawain ng pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay para lang sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Ang ating makasalanang kalikasan ay malalim pa ring nakaugat, kaya hindi pa rin natin makontrol ang ating sarili sa paghihimagsik at paglaban sa Panginoon. Nabubuhay tayo sa loob ng walang katapusang paulit-ulit na pagkakasala at pangungumpisal; hindi pa tayo karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Ito ang dahilan kung kaya ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay gumawa ng iba pang yugto ng gawain ng paghatol sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus para baguhin at linisin ang masama nating mga disposisyon. Magagawa na nating tuluyang makawala sa kasalanan at maging mga taong tunay na sumusunod at nagmamahal sa Diyos, na karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos at mabuhay kasama Niya magpakailanman. Kapatid, ginamit ng Diyos ang pangalang Yahweh sa Kapanahunan ng Kautusan at Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya; magkakaiba ang pangalan ng Diyos sa magkakaibang panahon. Sa palagay mo ba kapag bumalik ang Diyos sa mga huling araw gagamitin pa rin Niya ang pangalang Jesus para kumatawan sa bago Niyang gawain?

Nang marinig ang tanong niya, bigla kong nasabi, “Malamang hindi.”

Ngumiti si Brother Yang at sinabi: “Tama. May bagong gawain sa isang bagong panahon, kaya gagamit ang Diyos ng isang pangalan na kakatawan sa panahon. Kumakatawan Siya at papalitan ang panahon kasama ang pangalan Niya. Basahin natin ang Pahayag kabanata 3, talata 12.”

Dali-dali kong binuksan ang Biblia at binasa ang talatang ito, “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.”

Sinabi ni Brother Yang, “Malinaw na isinasaad sa talatang ito na ang Diyos ay magkakaroon ng isang bagong pangalan sa mga huling araw. Dahil isa itong bagong pangalan, hindi na ito dapat na Jesus. Kung ganon ano ang bagong pangalan ng Panginoon sa pagbabalik Niya? Basahin natin Pahayag 1:8, ‘Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.’”

Nang marinig ito, bigla kong napagtanto. “Wow, ang bagong pangalan ng Diyos na Makapangyarihang Diyos ay talaga ngang nakasulat dito. Halos nabasa ko na ang Biblia pero hindi ko nabibigyan ng pansin ang talatang ito. Ang buong akala ko isa na akong masugid na mananampalataya, pero lumalabas na wala akong kaalam-alam!”

Ang Kahalagahan ng Paggamit ng Diyos ng Pangalang “Makapangyarihang Diyos” sa mga Huling Araw
Pagkatapos sinabi pa ni Ms. Fang: “Makikita natin mula sa mga propesiya sa Aklat ng Pahayag na ang bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay Makapangyarihan, ‘yon ay, Makapangyarihang Diyos. Kung ganon alam ba natin kung bakit kinuha ng Diyos ang pangalang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ano ang kahalagahan ng pangalan na ‘to? Magbasa tayo ng ilang mga sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos.” Nang sinabi ‘to, binuksan ni Ms. Fang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at binasa, “Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagkawasak upang matapos na ang kapanahunan. … Samakatuwid, sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ni Jesus ay kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat, na gumagamit sa Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang kapanahunan” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka’t minahal at iginalang nila Ako. Subali’t ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na tumatayo sa mga dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. … Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng mga tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nagpatuloy si Ms. Fang sa pagbabahagi: “Tayo, mga tao, pinasama na tayo nang husto ni Satanas; puno tayo ng masasamang disposisyon katulad ng kayabangan at pagmamagaling, pagiging baluktot at panlilinlang, pagkamakasarili at kabuktutan, kasamaan at kasakiman. Palagi tayong naghihimagsik at lumalaban sa Diyos. Para mabago ang masama nating mga disposisyon at tuluyang maligtas tayo mula sa impluwensiya ni Satanas, inilunsad ng Diyos ang gawain ng paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian sa ilalim ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagpakita Siya sa atin sa Kanyang pagkamatuwid na disposisyon, kamahalan, at galit, inilalantad ang katotohanan ng ating kasamaan dahil kay Satanas sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita habang itinuturo ang daan sa atin para baguhin ang ating mga disposisyon. Sa pamamagitan ng pagdanas sa paghatol ng Diyos at pagkastigo, maaari na nating malaman ang sarili nating mga katangian at kakanyahan at makita kung gaano tayo pinasama nang husto ni Satanas, na kulang na tayo ng kawangis ng tao. Maaari din tayong magkaroon ilang pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos kung saan hindi hahayaan ang pagkakasala ng tao, at makita ang totoo, buhay na disposisyon ng Diyos. Kapag mahina tayo at negatibo, inaaliw tayo at sinusuportahan ng mga salita ng Diyos; kapag tayo ay naghihimagsik at lumalaban sa Diyos, hinuhusgahan tayo ng Kanyang salita, at inaayos Niya ang kapaligiran, at mga tao, mga pangyayari, at mga bagay para talbusan at pigilan tayo. Sa pamamagitan ng pagdanas ng paghatol ng Diyos at pagkastigo nang maraming beses, makakamit natin ang totoong pag-unawa sa ating masamang disposisyon; mamumuhi tayo sa ating mga sarili at makakaramdam ng pagsisisi sa ating mga puso at magkakaroon ng isang pusong gumagalang sa Diyos, pagiging handa na talikdan ang laman at isinasagawa ang mga salita ng Diyos. Pagkatapos unti-unti nang malilinis ang ating masamang disposisyon natin. Sa huli, gusto ng Diyos na makita na hindi lang Niya nilikha ang sangkatauhan, maaaring magpalabas ng mga batas para gumabay sa sangkatauhan na mabuhay sa lupa, at maipako sa krus para tubusin ang ating mga kasalanan, pero kaya rin Niyang bumigkas ng mga salita para linisin ang ating mga kasalanan at lubusan tayong maligtas mula sa mga pwersa ng dilim ni Satanas. Ito ang dahilan kaya ang paggamit ng Diyos sa pangalang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay napakamakahulugan! Sa katunayan, kahit na ga’no pa man magbago ang pangalan ng Diyos, ang pagkakilanlan Niya at katayuan ay hindi magbabago – sa langit at lupa, mayroon lang nag-iisa, nagtatangi, tunay na Diyos. Ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay hindi pagtataksil sa Panginoong Jesus, kung hindi pagsunod sa yapak ng kordero. Pero dahil hindi natin nakilala ang gawain ng Diyos o hindi natin naunawaan ang kahulugan ng pagbabago Niya ng Kanyang pangalan sa iba’t-ibang panahon, umaasa tayo sa sarili nating mga pag-unawa, naniniwala na, ‘Kung ang Diyos na nagbalik sa mga huling araw ay hindi tinatawag na Jesus kung ganon Siya ay hindi Diyos, at ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay pagtataksil sa Panginoong Jesus.’ Isa itong kalokohan, walang katotohanang paniniwala, hindi naman ito umaayon sa kalooban ng Panginoong Jesus. Kapag patuloy tayong kakapit sa ganitong pagkaunawa, pagsasarhan natin ng pinto ang Panginoong Jesus na dumating na, at magiging mga taong nasasabik sa pagbabalik ng Panginoon pero tumatanggi sa Kanya, mga taong nagtataksil sa Kanya!”

Ang pagbabahagi ni Ms. Fang ay parang isang espada sa aking puso — ang Diyos ay ang makapangyarihan sa lahat, matalinong Diyos, pero ako, isang maliit walang halagang nilalang tinatago ang ganong pag-unawa tungkol sa pangalan ng Diyos. Isa yung kayabangan! Pero nagpapasalamat din ako sa Diyos na sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahagi ng mga kapatid, nalaman ko kung gaano kahalaga ang pangalang Makapangyarihang Diyos. Pinahintulutan din ako nito na magkaroon ng higit pang pagkaunawa sa Diyos. Sa pagsisimula ng bagong panahon, sa pagtatapos ng isang panahon, bilang alay para sa kasalanan ng sangkatauhan, at paghatol at pagkastigo sa mga masamang disposisyon ng mga tao – lahat ng ito mga kagustuhan ng Diyos sa ilalim ng iba’t-ibang pangalan sa magkakaibang panahon. Ito lang ang tanging paraan para maging mas malawak at tumpak ang pag-unawa natin sa Diyos.

Sa sumunod na dalawang linggo, sabik na sabik kong tinapos ang buong libro, Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko na ang Diyos na Yahweh sa Kapanahunan ng Kautusan ay nagbigay ng gabay para sa buhay ng sangkatauhan sa lupa, ipinako ang Panginoong Jesus para tubusin tayo sa ating mga kasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay bumigkas ng mga salita ng paghatol at pagkastigo para linisin ang ating masamang disposisyon, sa wakas pinapahintulutan tayo na lubusang iwaksi ang ating kasamaan at makuha ng Diyos. Bawat bagong yugto ng gawain ng Diyos ay itinayo sa pundasyon ng nakaraang yugto ng gawain; ang bawat isa sa tatlong yugto ay progresibong nakataas, at kahit na magkaiba ang panahon at magkaiba ang pangalan ng Diyos, gawa ito ng iisang Diyos, mula sa simula hanggang sa katapusan. Unawain ang kagustuhan ng Diyos na iligtas tayo at ang malaman ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos, nalaman ko na pagtanggap sa bagong pangalan ng Diyos ay hindi pagtataksil sa Kanya, kung hindi pagsalubong sa Kanyang pagbabalik. Sa panahon ng paghahanap at pagsisiyasat, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at sumunod sa yapak ng kordero. Salamat sa pamumuno ng Diyos!