13.5.19

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon-Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon


Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon-Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon



Max Estados Unidos

Noong 1994, ipinanganak ako sa Estados Unidos. Parehong Tsino ang mga magulang ko. Ang nanay ko ay klasikong halimbawa ng isang matagumpay na babaeng may karera. Nakapag-iisip siya para sa sarili at napakahusay niya. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Noong nasa Ikalawang Baitang ako, ibinalik ako ng mga magulang ko sa Tsina para mag-aral para matutunan ko ang wikang Tsino. Iyon din ang panahong nagsimula kong makilala ang Panginoong Jesus. Natatandaan ko isang araw noong 2004, pagkauwi ko galing sa eskuwelahan, may panauhin kami sa bahay. Ipinakilala siya ng nanay ko at sinabi sa aking pastora siya mula sa Estados Unidos. Napakasaya ko dahil noon ko nalaman na matagal-tagal nang naniniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko. Dati, hindi siya naniniwala. Tuwing Bagong Taon ng mga Tsino, magsisindi siya ng insenso at sasamba kay Buddha. Gayon man, pagkaraang magsimulang maniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko, hindi ko na kailangang maamoy ang samyo ng sunog na perang papel at insenso. Sa araw na iyon, nagkuwento sa akin ang Amerikanang pastora tungkol sa Panginoong Jesus. Pagkatapos na pagkatapos, dinala ako sa banyo at bago ako makahuma, “plok,” naingudngod na ng pastora ang ulo ko sa bathtub at pagkaraan ng ilang saglit, iniangat ang ulo ko. Ang tanging narinig ko ay ang nanay ko at ang pastora na nagsasabi sa akin, “Tuloy sa yakap ng Panginoong Jesus. Tayong lahat ay nawawalang tupa.” Sa paraang ito, nagsimula ako sa bagong paglalakbay sa buhay bago ko pa nalaman. Gayon man, dahil kasama ko ang Panginoon, napakasaya ng puso ko. Pagkaraan, tuwing Linggo, pupunta ako sa iglesia para sumamba at pakinggan ang pastorang nagsasalita tungkol sa mga kuwento ng Bibliya at nagbabasa mula sa mga banal na kasulatan. Napakasaya ko habang nangyayari ito. Matatag ang puso ko at dama kong ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay tunay na mabuting bagay.


Noong 2008, sinamahan ako ng tatay ko sa Estados Unidos para makapag-aral ako rito. Sa panahong ito, pumupunta ako sa iglesia at sumasali sa mga pagsasamahan. Noong 2012, pagkatapos ko ng high school, binilhan ako ng tatay ko ng tiket sa eroplano para makabalik ako sa Tsina para bisitahin ang nanay ko. Mismong bago umalis, umupo sa tabi ko ang tatay ko at nagsabi ng maraming taos-pusong mga salita sa akin. Sinabi niya sa akin na sa Tsina, nagsimula nang maniwala ang nanay ko sa Kidlat ng Silanganan. Umasa siyang sa pagbabalik ko, makakausap ko ang nanay ko para talikuran niya ang pananalig sa Kidlat ng Silanganan. Bilang estudyanteng papasok sa unibersidad, siyempre, hindi lang ako makikinig sa panig ng tatay ko sa kuwento. Pagkaraang pagkaraan, nag-internet ako at naghanap ng impormasyong may kaugnayan sa Kidlat ng Silanganan. Gusto kong magkaroon ng mas makatotohanang pag-unawa sa mga ito. Ang resulta ay nakahanap ako ng ilang opinyong nagmumula sa gobyerno ng CCP at mga pastor at mga elder mula sa mundo ng mga relihiyoso na sumumpa at nanirang-puri sa Kidlat ng Silanganan. Nagsimula akong makaramdam ng pag-aalala para sa nanay ko. Nagpasya akong umuwi at tingnan at kumustahin ang nanay ko. Pagkabalik ko sa aming tahanan, natagpuan kong normal ang lahat sa nanay ko. Ang pag-aalala at pagmamahal niya sa akin ay hindi nagbago. Ang pananalig at pag-ibig niya sa Diyos ay lumakas at mas madasalin siya kaysa dati. Medyo nabawasan ang pag-aalala ko tungkol sa nanay ko sa oras na iyon.

Sa panahong bumalik ako sa Tsina, ang nanay ko, tulad ng inaasahan ay nagsalita sa akin tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Sabi niya, “Ang Panginoong Jesus ay nakabalik na at nagsimula na Siya sa yugto ng gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos….” Mula sa mga salita ng nanay ko, naunawaan kong nang magkatawang-tao ang Panginoong Jesus sa panahong ito, pumunta Siya bilang babae para gawin ang Kanyang trabaho. Iyon lang ang naalala ko noong panahong iyon, tumitig ako sa kawalan dahil lubos na kaiba ito sa sinabi sa akin tungkol sa Panginoong Jesus noong nasa States ako. Binigyang-diin lagi ng pastor ko sa mga sermon na ang Diyos na Jehova ay ang Banal na Ama at ang Panginoong Jesus ay ang Banal na Anak na Lalaki. Dahil Ama at Anak na Lalaki sila, pareho silang lalaki. Higit pa, lahat ng larawan ng Panginoong Jesus na nakasabit sa iglesia at lahat ng krus na merong Panginoong Jesus ay nagsasaad na ang Panginoong Jesus ay lalaki. Gayon man, sinabi sa akin ng nanay ko na sa oras na ito, bumalik ang Panginoong Jesus bilang babae. Lubos itong lumampas sa kaalaman ko sa Panginoong Jesus. Hindi na makayanan ng puso ko at sinabi ko sa nanay ko, “Ang Panginoong Jesus ay isang lalaki. Nang bumalik ang Panginoon, paano mangyayaring babalik Siya bilang babae?” Sumagot ang nanay ko,”Ang Diyos ay Espiritu sa esensiya. Ang Diyos ay walang kasarian. Dahil lang nagkatawang-tao Siya para sa gawain ng pagliligtas na pumili Siya ng ibang kasarian….” Gayon man, dahil ang paniniwalang itinanim ng pastor ko sa akin ay ang una at pinakamalakas na impresyon, anuman ang sabihin ng nanay ko, hindi ko ito paniniwalaan.

Pagkalipas ng ilang araw, gusto ng nanay kong samahan ko siyang dumalo sa isang pagtitipon. Kahit hindi ko gusto, dahil iginagalang ko ang nanay ko, sinamahan ko siya. Sa panahong ito, naalala kong mayroong isang tiyahin mula sa Hilagang Silangang Tsina na nagsabi, “Dumating na ang huling mga araw. Bumalik na ang Panginoong Jesus sa katawang-tao at nabubuhay sa piling natin. Ginagawa niya ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian. Sa kasalukuyan, ang mga iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya ay wala nang gawain ng Banal na Espiritu at lubos silang inulila….” Gayon man, dahil sarado na ang puso ko, pinanindigan ko pa rin na ang Panginoong Jesus ay isang lalaki at sa pagbabalik Niya, babalik Siya tiyak bilang isang lalaki. Kaya hindi ako naniwala sa sinasabi ng tiyahin kong ito. Hanggang makaalis ako ng Tsina, naguguluhan pa rin ako: Bakit babalik ang Panginoong Jesus bilang babae? Nag-alala akong naliligaw ng landas ang nanay ko. Wala akong magawa kundi ipagdasal ang nanay ko, “Panginoong Jesus! Pangalagaan po Ninyo ang nanay ko at tiyaking hindi siya maliligaw ng landas. Gabayan siya pabalik sa Inyong yakap….”

Pagkabalik ko sa Estados Unidos, nagpatuloy ako sa pagdalo sa pagsamba sa iglesia ko. Gayon man, unti-unti, natuklasan kong karamihan sa sinasabi ng pastor ko ay lipas na at paulit-ulit. Kung hindi man, partikular itong tungkol sa pag-aambag sa iglesia. Bilang isang naniniwala, hindi namin nakuha ang tunay na pagpapastol. Maraming tao ang natutulog habang nasa mga pagtitipon at unti-unting nabawasan ang bilang nga mga taong dumadalo. Noong 2014, nakaranas ng kasamaang-palad ang iglesiang dinadaluhan ko. Nagamit ng pastor ang pera ng publiko sa pagbili ng bahay para sa sarili niya sa ibang estado at bilang resulta, nabangkarote ang iglesia namin. Nang makita ko lahat ng bagay na ito, napakabigo ng pakiramdam ko. Sa oras na ito, dinala ako ng mga kaklase ko sa iglesia nila para sumali sa isang pagsamba. Mas malaking di hamak ang simbahang ito kaysa sa naunang iglesiang dinaluhan ko. Tuwing Linggo, kapag nagsesermon ang pastor, mauupo ako sa unahan para makinig. Gayon man, tulad ng dati, nakita ko ang maraming taong natutulog. Minsan, kahit ako ay nakakatulog. Madalas, sadyang magtataas ng boses ang pastor sa pagtatangkang gisingin ang mga kapatid. Gayon man, nabigo ang mga pagtatangka niyang pakinggan namin siya. Naalala ko ang dating iglesiang dinadaluhan ko kung saan nawaldas ng pastor ang pera ng iglesia sa pagbili ng sarili niyang bahay. Ang mga sermon niya ay hindi nakatutulong sa mga pangangailangan sa espiritwal na buhay ng mga kapatid. Sa halip, pumupunta sila sa iglesia talaga para matulog! Ang dinadaluhan kong iglesia nang panahong iyon ay tulad din nito. Naitanong ko sa sarili, “Puwede kayang lahat ng iglesia ay mapanglaw?” Bigla, naalala ko noong 2012 nang bumalik ako sa Tsina at ang mga bagay na sinabi ng nanay ko at ng tiyahing iyong mula sa Hilagang Silangan ng Tsina. Sabi nila sa akin: Sinimulan na ng Diyos ang gawain sa Kapanahunan ng mga Kaharian. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay tapos na. Ang Diyos ay hindi na gumagawa sa mga iglesiang bahagi ng Kapanahunan ng Biyaya. Sa pamamagitan lang ng pagsunod sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian natin makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Ito ang unang pagkakataon na tinanong ko ang sarili, “Maaari kayang bumalik na talaga ang Panginoong Jesus?”

Sa isang kisapmata, katapusan na ng 2015. Nabalitaan kong pumunta sa San Francisco ang nanay ko para bisitahin ang kuya ko. Bumili ako ng tiket ng eroplano para mapuntahan ko siya. Minsan pa, binanggit ng nanay ko ang Kidlat ng Silanganan —ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Pinapanood din niya ako ng maraming video ng ebanghelyo mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos pati na rin ang maraming salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagkakataong ito, hindi ako lumaban sa paraang tulad ng dati dahil sa nakaraang dalawang taon, marami akong nakitang eksena ng kapanglawan sa mga iglesiang pinuntahan ko. Kinumpirma para sa akin nito ang tungkol sa kapanglawan sa mga iglesia na sinasabi nila sakin. Ito talaga ang totoo! Sinimulan kong patahimikin ang puso ko at pakinggan ang sinasabi ng nanay ko, para makalag ko ang mga tanikala sa loob ng puso ko. Sa panahong iyon, pinuntirya ng nanay ko ang mga ideya ko. Binasa niya sa akin ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga aspeto ng kasarian ng Diyos. Nag-iwan sa akin ito ng napakalalim na impresyon. Ipinaliwanag din nito ang kalituhan ko tungkol sa kasarian ng Panginoong bumalik. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bawat yugto ng gawain na ginawa ng Diyos ay mayroong tunay na kahalagahan. Noong dumating si Jesus, Siya ay lalaki, at sa oras na ito Siya ay babae. Mula dito, iyong makikita na nilikha ng Diyos ang parehong lalaki at babae para sa Kanyang gawain at sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag ang Kanyang Espiritu ay dumating, maaari Siyang mag-anyo ng anumang katawang-tao na naisin at ang katawan ay kumakatawan sa Kanya. Maging ito man ay lalaki o babae, parehong kumakatawan sa Diyos basta’t ito ay ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung si Jesus ay dumating at nagpakita bilang isang babae, sa ibang salita, kung ang batang babae, hindi isang lalaki, na mabubuo ng Banal na Espiritu, ang yugtong iyon ng gawain ay magiging kumpleto pa rin. Kung gayon, ang yugtong ito ng gawain ay dapat matapos sa halip ng isang lalaki at ang gawain ay samakatwid makukumpleto pa rin. Ang gawain na tinupad sa parehong mga yzugto ay mahalaga; walang gawain ang inulit o magkakasalungat sa bawat-isa. Sa oras ng Kanyang gawain, si Jesus ay tinawag na ang tanging Anak na Lalaki, na nagpapahiwatig ng kasarian ng lalaki. Sa gayon bakit ang tanging Anak na Lalaki ay hindi nabanggit sa yugtong ito? Ito ay dahil sa ang mga pangangailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago sa kasarian na kakaiba mula doon kay Jesus. Sa Diyos ay walang pagkakaiba sa kasarian. Ang Kanyang gawain ay natupad ayon sa Kanyang mga pag-nanais at hindi sakop ng kahit anumang mga pagbabawal, lubusang malaya, ngunit ang bawat yugto ay mayroong tunay na kahulugan. Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao, at ito ay nangyayari na walang sinasabi na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ang huling pagkakataon. Siya ay dumating upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga gawain. Kung sa yugtong ito ay hindi Siya naging tao upang personal na gumawa upang masaksihan ng tao, ang tao ay magpakailanmang mananatili sa paniwala na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae” (“Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang sangkap at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. … Kung Siya ay nagkatawang-tao lamang bilang isang lalaki, ituturing Siya ng mga tao bilang isang lalaki, bilang Diyos ng mga lalaki, at hindi Siya kailanman paniniwalaan bilang Diyos ng mga babae. Kung gayon, paniniwalaan ng mga lalaki na ang Diyos ay mayroong kaparehong kasarian gaya ng mga lalaki, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga lalaki—at paano naman ang sa mga babae? Ito ay hindi makatarungan; hindi ba ito pagtatangi? Kung magkagayunman, kung gayon lahat silang iniligtas ng Diyos ay magiging mga lalaki kagaya Niya, at walang magiging kasalanan para sa mga babae. Nang nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi lamang Niya nilikha si Adan, ngunit kapwa ginawa ang lalaki at babae sa Kanyang larawan. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga lalaki—Siya ay Diyos din ng mga babae” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, halos biglang naglaho ang bagay na itong ngumangatngat sa isipan ko. Sa puso ko, naramdaman kong wasto ang mga salitang ito. Sa simula, nilikha ng Diyos si Adan at Eba. Orihinal na magkapantay ang lalaki at babae. Kung gayon, bakit hindi puwedeng bumalik ang Diyos bilang babae?! Ang esensiya ng Diyos ay Espiritu. Siyempre kaya Niyang kuhanin alinmang pagkakakilanlan ng kasarian kapag dumating Siya sa atin para gawin ang Kanyang gawain. Hindi alintana kung nagkatawang-tao ang Diyos bilang lalaki o babae, pinili iyon ng Diyos. May karapatan ang Diyos na piliin kung anong kasarian Siya magkakatawang-tao dahil ang Diyos ang Pinuno ng lahat ng bagay at Siya ang Lumikha. Napipigilan ba ng tao ang gawain ng Diyos? Ano ang tao kumpara sa Diyos? Hindi ba alabok lang ang tao? Paano marururok ng tao ang karunungan ng Diyos? Dati, naniwala akong puwede lang maging lalaki ang Diyos. Ipinaliwanag ko talaga ang Diyos at nabunyag ditong wala akong anumang kaalaman sa Diyos. Masyado akong mayabang at hangal.

Pagkatapos kong basahin ang marami pang salita ng Diyos, ang mga kuru-kuro ko tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao bilang babae sa panahong ito para gumawa ng gawain ay lubos na naglaho. Natanggap ko rin na bumalik na ang Diyos para gawin ang bagong gawain. Gayon man, hindi ako siyento porsiyentong tiyak tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos dahil nakabasa ako ng negatibong propaganda tungkol sa paglaban at pagsumpa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa internet. Bilang resulta, meron pa ring konting duda ang puso ko. Naisip ko, siguro dapat kong masinsing suriin ito at tingnan kung ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay tulad nito. Bilang resulta, simula noong Pebrero 2016, nang walang pinapanigang pagtanaw, nagkaroon ako ng opisyal na mga pulong online sa mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagdasal din ako sa Diyos na gabayan at akayin ako para makilala ang kaibhan kung ano ang totoo at kung ano ang mali tungkol sa negatibong propaganda.

Pagkatapos ng panahon ng pagsisiyasat, natuklasan kong sa bawat pagtitipon namin, binabasa ng mga kapatid ang salita ng Diyos, binibigkas ang katotohanan at pagsasamahan tungkol sa mga intensyon ng Diyos. Higit pa, hinihingi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na mabuhay ang mga tao sa normal na pagkatao at maging tapat na mga tao. Kabilang rin sa nilalaman ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kung paano alamin ang disposisyon ng Diyos, paano hanapin ang katotohanan para makamit ang kaligtasan ng Diyos, atbp. Lahat ng ito ay kailangan pagdating sa ating mga pangangailangan sa espiritwal na buhay at kapaki-pakinabang ang mga ito sa ating tunay na pamumuhay bilang mga tao. Batay sa sinasabi ng mga kapatid, nakikita kong tunay silang nagpapakita ng pangangalaga at pag-aalala at nagtutulungan sa bawat isa sa espiritwal na buhay. Ang mga intensyon ng indibidwal na pag-uugali ay makikita sa mga sinasabi niya at sa mga pananaw na ipinapahayag niya. Mula sa aking mga pakikipag-ugnayan sa mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nararamdaman kong hindi lang sila tulad ng tinutukoy ng materyal sa internet. Sa halip, napakabait at napakatotoo nila. May puso silang gumagalang sa Diyos sa lahat ng bagay na sinasabi at ginagawa nila. Higit pa, naramdaman kong naroon ang gawain ng Banal na Espiritu. Hinahanap ng mga kapatid na ito ang katotohanan nang may simbuyo ng damdamin. Sa kanilang pagpapahayag ng mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon at sa kanilang indibidwal na mga karanasan at kaalaman, naroon tiyak ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Tuwing mayroon kaming pagtitipon, nakakakuha ako ng ilang pag-unawa sa katotohanan at maaaring makakuha ng ilang bagay. Hindi ko naranasan ang gayon sa mga iglesiang dinaluhan ko noong nakaraan. Napagtatagumpayan ng katotohanan ang retorika lamang at ang mga sabi-sabi ay nawawalan ng saysay sa harap ng mga katunayan.

Sa isang pagtitipon pagkaraan, sinabi ko sa isang kapatid na babae ang tungkol sa mga sabi-sabi na ginawa ng gobyernong CCP at ng mga pastor at mga elder sa mundo ng relihiyoso. Hindi ko naunawaan: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may gawain ng Banal na Espiritu at ito ang iglesia na ginawa ng Diyos tulad ng tila paggawa Niya ng Kanyang gawain sa huling mga araw. Bakit nito hinaharap ang galit na galit na oposisyon at pagsumpa ng gobyernong CCP at ng mga pastor at mga elder sa mundo ng relihiyoso? Kinausap ako ng kapatid na babae tungkol sa katotohanan ng aspetong ito, “Dapat tumagos ang ating paningin sa mga sabi-sabi sa internet. Hindi kakatwa na ang gobyernong CCP at ang mga pastor at elder sa mundo ng relihiyoso ay aatakehin at hahatulan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at isusumpa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil mula sa sinaunang panahon, pinapasakitan ang tunay na daan! Laging kaaway ng Diyos si Satanas. Gumagawa at nagkakalat ito ng lahat ng uri ng sabi-sabi para malinlang at maabala tayo para umalis tayo at ipagkanulo ang Diyos. Layunin nitong kontrolin tayo at angkinin tayo. Katulad ito sa simula nang gamitin ni Satanas ang mga sabi-sabi para linlangin si Eba na itanggi ang salita ng Diyos at ipagkanulo ang Diyos. Nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain Niya, ang mga punong saserdote, eskribo at mga Fariseo ay umasa rin sa lahat ng uri ng sabi-sabi para linlangin ang karaniwang taong Hudyo. Hinamak nila ang Panginoong Jesus bilang anak ng karpintero. Nanlapastangan sila na ang Panginoong Jesus ay umasa sa pinuno ng mga demonyo para paalisin ang mga demonyo at nakipagsabwatan pa sa gobyernong Romano para ipako sa krus ang Panginoong Jesus. Pagkaraan ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus, sinuhulan pa nila ang mga sundalo para magsinungaling at sabihing hindi nabuhay muli ang Panginoong Jesus para harangin ang karaniwang taong Hudyo sa pagbabalik sa Panginoon. Sa huling mga araw, minsan pang nagkatawang-tao ang Diyos para gawin ang isang yugto ng gawain ng paghatol para masinsing malinis at mailigtas ang tao. Ang ebanghelyo sa kaharian ng Diyos ay karaniwan nang kaalaman sa mainland Tsina. Sa ngayon, ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay nasa proseso ng pagpapakalat sa lahat ng sulok ng mundo. Sa ilalim ng paggabay ng mga salita ng Diyos, parami nang parami ang mga taong nakakakilala sa masamang mga puwersa na nagmula kay Satanas. Nakikita rin nila nang malinaw ang sataniko at demonikong diwa ng mga pinuno ng mundo ng relihiyoso at ng hindi naniniwala sa Diyos na pulitikal na rehimen ng Chinese Communist Party. Masinsin nilang tinanggihan ang mga ito at nagsimulang bumalik sa Diyos, hanapin ang katotohanan at tahakin ang wastong landas ng buhay. Wala bang gagawin si Satanas habang dumarating ang Diyos para gawin ang gawain ng pagligtas sa tao at pagtulong sa tao para makaalpas sa madilim na impluwensiya ni Satanas?

Hindi nito gustong matalo. Para makuha sa Diyos ang mga taong pinili ng Diyos, makikipaglaban ito hanggang sa dulo. Ang mundo ng relihiyoso at ang satanikong rehimeng CCP ay nagkampi at sa pamamagitan ng internet at media, nagkakalat sila ng sabi-sabi tungkol sa at sinisira ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pagtitimpi para malinlang yaong walang hawak na katotohanan o hindi makakilala ng kaibhan. Tinatangka nilang kontrolin ang sangkatauhan magpakailanman. Ang masamang layunin nila ay gawing tiwali at lamunin ang sangkatauhan. Ito ang eksaktong sinasabi ng Bibliya: ‘ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama’ (1 Juan 5:19). Sabi ng Panginoong Jesus, ‘At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa’ (Juan 3:19-20). Sa usapin ng kung paano tumagos ang tingin sa masamang mga balak ni Satanas at hindi malinlang ni Satanas, hinihikayat tayo ng Makapangyarihang Diyos at sinasabing, ‘Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan. Dapat makilala mo ang lahat ng mga ito, at sa paggawa nito, kahit anuman ang mangyari, hindi ka malilito. Ito lamang ang tunay na matayog mong kalagayan. Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay: Dapat mayroon kang pamantayan at layunin sa iyong pagsisikap, dapat alam mo kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ay tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi’ (“Tanging ang mga Kilala ang Diyos at Kanyang mga Gawa ang Makapagbibigay Kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kapag iniisip natin ang tungkol sa pinagmulan ng gawain ng Panginoong Jesus batay sa katotohanan, tinitimbang ang gawain ng pagligtas ng Diyos sa huling araw at ang mga sabi-sabi at mga kasinungalingang ikinakalat ni Satanas para harangan ang pagbabalik ng tao sa Diyos, hindi mahirap makita ang mga masasamang motibo ni Satanas. Hindi rin mahirap maunawaan ang mga dahilan kung bakit nilalabanan, isinusumpa, sinusugpo at pinapasakitan ng gobyernong CCP at mundo ng relihiyoso ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng kapatid na babae, nakakuha ako ng pagkawari sa mga balak ni Satanas. Nagkaroon din ako ng ilang kaalaman tungkol sa esensiya ng paglaban ni Satanas sa Diyos. Higit pa, naunawaan ko na kailangan lang ng tao na suriin at unawain ang gawain ng Diyos para makilala ang kaibhan ng lahat ng sabi-sabing ito at ihiwalay ang mga katotohanan sa mga kasinungalingan. Kung bulag ka lamang na naniniwala sa isang panig ng kuwento at hindi hahanapin ang katotohanan o sisiyasatin ang mga katunayan, malilinlang ka ng mga sabi-sabi ng Chinese Communist Party at mga pastor at mga elder ng mundo ng relihiyoso. Kung ito ang nangyayari, malalaktawan mo ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Sa panahong ito, nagpapasalamat ang puso ko sa Makapangyarihang Diyos sa paggabay sa akin para maunawaan ang mga katotohanang ito at sa pagtulong sa akin para maging lubos na nakatitiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, para makasabay ako sa mga yapak ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Salamat sa Diyos! Amen!