10.12.19

Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Apat na Magkakasunod na mga Pulang Buwan


Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Apat na Magkakasunod na mga Pulang Buwan


Mula Abril 2014 hanggang Setyembre 2015, apat na magkakasunod na dugong buwan, isang kaganapan na bihirang makita, ay lumitaw sa kalangitan. Ang pagpapakita ng mga dugong buwan na ito ay tumutupad sa dalawang propesiya. Isa sa mga propesiyang ito ay makikita sa Payahag 6:12: “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.” Sa Aklat ng Joel, 2:29-31, hinulaan nito ang mga sumusunod: “At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova.” Ang pagpapakita nitong apat na magkakasunod na mga dugong buwan ay tanda na malapit nang dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova.Paano tayo magiging alerto at handa upang masalubong ang Panginoon bago ang mga sakuna? Ang mga sumusunod na nilalaman ay maghahayag sa inyo ng kasagutan.

Joel 2:29-31

“At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova.”

Pahayag 6:12

At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.

Ipinropesiya sa Biblia, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” Inihahatid sa inyo ng bahaging Mga Salita ng Diyos ang mga salitang binigkas ng Diyos sa mga huling araw.