9.12.19

10 Talata ng Bibliya Tungkol sa Buhay na Walang Hanggan


10 Talata ng Bibliya Tungkol sa Buhay na Walang Hanggan


Juan 3:16

Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 
Juan 4:14

Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.

Juan 5:24

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.

Juan 6:51

Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya’y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan.

Juan 10:27-28

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin: At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.

Juan 8:51

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan.

Juan 11:25-26

Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?”

Juan 6:40

Sapagka’t ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa’t nakakakita sa Anak, at sa kaniya’y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.”

Juan 3:36

Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.”

1 Juan 2:25

At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan.

Ngayon ang mahalagang sandali para salubungin natin ang pagbabalik ng Panginoong Hesukristo sa mga huling araw. Dito ay ibinabahagi namin sa inyo ang 3 daan upang tulungan kayong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.