18.3.19

Ginaganap at Tinutupad ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang mga Propesiya sa Biblia

Ang pinakamaraming inihula sa loob ng Kasulatan ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Binabanggit sa Kasulatan ang paglalapat ng paghatol ng Diyos sa may halos dalawang daang lugar; maaaring sabihin na hinulaan nilang lahat na isasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Dito, gamit ang kakaunti lamang na bahagi ng mga kasulatan ay sapat na upang patunayan na ang paglalapat ng Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo ay isang hindi mapipigilang hakbang ng Kanyang gawain sa mga huling araw. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang paggamit sa pamamaraan ng paghatol at pagkastigo upang dalisayin, iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan; ito ay ang gawain ng pagbukod-bukod sa bawat tao ayon sa kanilang sariling uri sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo upang tapusin ang kapanahunan at sa huli ay itatag ang kaharian ni Cristo–ang pinakamamahal na kaharian ng Diyos. Ito ang paglilinaw sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan at sa maluwalhating simbolo ng Kanyang tagumpay laban kay Satanas. Kaya, sa buong mgaKasulatan, makikita natin ang sulat ng mga hula sa gawain ng paghatol ng Diyos mga huling araw. Kung binabasa ng isang tao ang mga Kasulatan sa loob ng maraming mga taon mula sa umpisa hanggang sa huli at hindi niya nakikita ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos na kinakailangan sa Kanyang gawain sa mga huling araw, samakatuwid hindi nauunawaan ng taong iyon ang mga kasulatan na kahit na bahagya; tiyak na ang taong ito ay hindi nakakaalam ng gawain ng Diyos. Ang nasa ibaba ay isang maliit lamang na bahagi ng mga malinaw na mga sulat mula sa mga Kasulatan upang patunayan na ang huling gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo:

1. “At aking lalapitan kayo sa kahatulan…, sabi ni Jehova ng mga hukbo” (Malakias 3:5).

2. “Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw” (Awit 7:11).

3. “At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya’y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao” (Awit 7:11).

4. “Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid” (Awit 75:2).

5. “At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao” (Isaias 2:4).

6. “Sa gayo’y magiging kadustaan at kapulaan, aral at katigilan sa mga bansang nangasa palibot mo, pagka ako’y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa galit at sa kapusukan, at sa mababagsik na pagsaway” (Ezekiel 5:15).

7. “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Isaias 2:4).

8. “Sapagka’t siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan” (Awit 98:9).

9. “Kaya’t ang masama ay hindi tatayo sa paghatol, ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid” (Awit 1:5).

10. “Huwag kayong mangagupasalaan, mga kapatid, laban sa isa’t isa, upang kayo’y huwag mahatulan; narito, ang hukom ay nakatayo sa harapan ng mga pinto” (Santiago 5:9).

11. “At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol” (Pahayag 14:7).

12. “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48).

13. “Sapagka’t siya’y dumarating: sapagka’t siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan” (Awit 96:13).

14. “Yaong makipagkagalit kay Jehova ay malalansag; Laban sa kanila’y kukulog siya mula sa langit: Si Jehova ang huhukom sa mga wakas ng lupa; At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari, At palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis” (1 Samuel 2:10).

15. “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).

Ang nasa itaas na 15 mga bersikulo tungkol sa paghatol ay pangunahing nagbabanggit na kinakailangang hatulan ng Diyos ang mundo ayon sa Kanyang pagkamatuwid, at kinakailangang Niyang isakatuparan ang paghatol sa iba’t ibang bansa, at itinataas nila ang pangunahing punto na: “hinahatulan ng Diyos ang mga matuwid,” “At aking lalapitan kayo sa kahatulan,” “nakatayo ang tagahatol sa labas ng pintuan,” “sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol,” “sapagkat dumarating Siya upang hatulan ang sanlibutan,” “dumarating Siya upang hatulan ang sanlibutan,” at “dapat magsimula ang paghatol sa bahay ng Diyos.“ Ang ganitong kahanga-hangang mga salita ang malinaw na nagpapakita sa ating lahat na dapat na tiyak na dumating ang Diyos sa mundo sa mga huling araw at gawin ang gawain ng paghatol at pagkastigo; ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay dapat din na gawain ng paghatol at pagkastigo. Dahil hinuhulaan ng mga Kasulatang ito at pinatototohanan na personal na darating ang Diyos sa mundo ng tao at isasakatuparan ang gawain ng paghatol at pagkastigo, kung gayon kung dumating ang Diyos, sa anong eksaktong paraan niya isasakatuparan ang paghatol at pagpapakita sa tao? Ito ang nagiging pinamakahalagang katanungan ng sangkatauhan. Mula sa isang aktwal na tala ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa mga Kasulatan, maaari nating makita ang katotohanang ito gaya nito: bukod sa direktang tinig ng Espiritu ng Diyos, tanging noong nagkatawang tao lamang ang Panginoong Jesus at dumating sa mundo na Siya ay makakapagsalita at makagagawa bilang Diyos sa Kanyang sariling pagkakakilanlan. “Ang Diyos ay dumating sa lupa“; ang mga salitang ito ang sinasabi ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan, hindi sa espiritwal na mundo. Ito ay tiyak na tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Diyos na dumarating sa mundo upang makita ng mga tao, tiyak na hindi ito tumutukoy sa Espritu ng Diyos na walang paraan upang makita ng mga tao. Mula dito, makikita na kung ang Diyos ay personal na dumarating sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, kung gayon ay dapat Siyang magkatawang-tao bilang Cristo, ang Anak ng Tao; saka lamang Siya makakapagsalita at makagagawa ng may pagkakakilalan ng Diyos. Tiyak na ito ay hindi mapagaalinlanganan. “Ang gawaing ito, kung hindi ginawa sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, ay hindi magkakamit ng pinakamaliit na mga resulta at hindi magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanan. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pag-itan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat maging laman upang isakatuparan ang Kanyang gawain. Katulad na katulad ng unang pagkakatawang-tao, tanging ang laman ng Diyos na nagkatawang tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang ito ay hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaring direktang maging laman upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanila. Dahil dito, ang Diyos ay dapat na maglakbay nang pabalik-balik sa pag-itan ng langit at lupa, sa halip na hayaan ang tao na umakyat sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagka’t ang tao ay nahulog at hindi maaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na lumapit si Jesus sa gitna ng mga tao at personal na gawin ang gawain na hindi maaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagiging laman ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaring maisakatuparan nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hindi na Niya sana tiniis ang mga kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao“ (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga Kasulatan at mga salita ng Diyos, makikita natin na kailangang gamitin ng Diyos ang paraan ng pagkakatawang-tao upang personal na dumating sa mundo at gawin ang gawain ng paghatol; sa mga sumusunod na tatlong lugar ay, malinaw na kinukumpirma ng mga bersikulo: “Sapagka’t siya’y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghatol sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga (Gawa 17:31). “At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao“ (Juan 5:27). “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol“ (Juan 5:22). Ang mga bersikulong ito ay direktang hinulaan na personal na darating si Cristo sa mundo bilang laman at isasakatuparan ang paghatol. Lalo na ang lahat ng nagsasabi ng “Anak,” at ang “Anak ng Tao”; sila ay tiyak na tumutukoy kay Cristo bilang nagkatawang-tao. Ang Diyos na nagkatawang-tao sa Anak ng tao ay si Cristo; tiyak itong walang pagdududa. Ipinapakita nito sa atin na ang mga hula ng mga Kasulatan sa Diyos na naging laman at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw ay hindi kakaunti sa bilang; kung naghahanap lamang ang isang tao sa kanila, maaari silang makita. Bukod dito, may ilang mga teksto na direktang hinuhulaan kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol at kung ano ang maaabot ng resulta ng gawain ng paghatol. Higit na pinatutunayan nito na ang gawain ng Diyos na paghatol at pagkastigo sa mga huling araw ay ang huling gawain upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos; ito ay ang gawain ng pagwawakas sa Kapanahunan ng Kadiliman at Kasamaan at pagbubukas sa Kapanahunan ng Kaharian ni Cristo. Halimbawa:

1. “At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran; sapagka’t ang Dios ay siyang hukom” (Awit 50:6).

2. “Si Jehova ay napakilala, siya’y naglapat ng kahatulan” (Awit 9:16).

3. “Si Jehova ay tumayo upang magsanggalang, at tumayo upang humatol sa mga bayan” (Isaias 3:13).

4. “Siya’y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan” (Awit 50:4).

5. “Kaniyang pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait, at ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom” (Job 12:17).

6. “May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas” (Job 21:22).

7. “Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin” (Juan 12:31).

8. “Na iniuuwi sa wala ang mga pangulo; siyang umaaring tila walang kabuluhan sa mga hukom sa lupa” (Isaias 40:23).

9. “At ako’y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako si Jehova” (Ezekiel 25:11).

10. “Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa: sapagka’t iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa” (Awit 82:8).

11. “Ngayon nga’y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa” (Awit 2:10).

12. “Ang lupa ay natakot, at tumahimik, Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol, upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa” (Awit 76:8-9).

13. “Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak, At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan; Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway, At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin” (Deuteronomio 32:41).

14. “Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, si Jehova ay naghahari: ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos: kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan” (Awit 96:10).

15. “Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom” (2 Pedro 2:9).

16. “Sapagka’t kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila’y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom” (2 Pedro 2:4).

17. “Sinabi ko sa puso ko, Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka’t may panahon doon sa bawa’t panukala at sa bawa’t gawa” (Mangangaral 3:17).

18. “At ang tao na gumawa ng pagpapalalo, sa di pakikinig sa saserdote na tumatayo upang mangasiwa doon sa harap ni Jehova mong Diyos, o sa hukom, ay papatayin nga ang taong yaon” (Deuteronomio 17:12).

19. “Ikaw ay bumangon, Oh Jehova, sa iyong galit, magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway; at gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan” (Awit 7:6).

20. “Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka’t pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan” (Isaias 26:9).

21. “Ngayon ang wakas ay sumasaiyo at aking pararatingin ang aking galit sa iyo, at hahatulan ka ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam” (Ezekiel 7:3).

22. “Bigla ko ngang ibubugso sa iyo ang aking kapusukan, at aking gaganapin ang aking galit laban sa iyo, at hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam” (Ezekiel 7:8).

23. “Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan” (Daniel 7:10).

24. “Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka’t iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa” (Awit 67:4).

25. “Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:27).

26. “At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay” (Roma 2:2).

27. “At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom” (Mateo 12:36).

28. “Sapagka’t ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan” (Mga Hebreo 10:30).

29. “At sinabi ni Jesus, Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag” (Juan 9:39).

Sa loob ng nasa itaas na 29 na mga bersikulo mula sa mga Kasulatan, makikita nating lahat ng malinaw ang mga resulta na naganap sa bawat aspeto sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos na ipinatupad sa sangkatauhan. Bukod dito, ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay hindi lamang nakadirekta sa isang lahi o isang bansa kundi kinakailangang nasasaklaw ang lahat ng mga nasyon, lahat ng mga estado at maging ang kabuuan ng sangkatauhan. Kaya ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng pagtatapos sa lumang kapanahunan at pagbubukas sa isang bagong kapanahunan. Sa parehong panahon, makikita rin ng mga tao na ang Diyos sa Kanyang paghatol ay inililigtas ang mapagpakumbaba at ang mga tapat sa mga panunukso, at pinapanatili ang mga hindi matuwid sa pagkastigo. Pinahihintulutan ng paghatol ng Diyos ang mga tao sa ibaba upang matuto ng pagkamatuwid, hangarin ang katotohanan at matutuhan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ginagawa nito ang mga tao sa ibaba na lumapit sa Diyos at itanyag at purihin Siya; ang lahat ng mga nasyon ay nagsasaya at lumulukso at lumuluhod sa Kanya sa pagsamba. Ganap nitong ibinubunyag ang mga resulta na nakamit ng Diyos sa pagpapahayag ng kanyang matuwid na disposisyon. Lalo pa nitong pinatutunayan na ang Diyos ay hindi lamang isang mahabagin at mapagmahal na Diyos, kundi higit na mahalaga, mayroon Siyang poot at kaluwalhatian, at gayundin ng paghatol at pagkastigo; higit sa lahat ang Diyos ay isang makatuwirang Diyos. Sa katunayan, ang likas na disposisyon ng Diyos ay isa na pangunahing matuwid. Kaya nga, ang pagdating ng Diyos sa mundo upang ipatupad ang Kanyang gawain ng paghatol ay ang kapanahunan kung kailan ganap na naibunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ang tiwaling sangkatauhan ay pinagbukud-bukod ayon sa uri dahilan sa pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos; ang lahat ng makakatanggap at susunod sa paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay maliligtas at gagawing perpekto, at yaong lahat ng tumatanggi sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ay wawasakin dahil sa kanilang paglaban sa Diyos. Ito ang resulta na direktang nakamit sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Ito ay ang matuwid na paghatol at pagkastigo ng Diyos na nagdadalisay sa sangkatauhan, nagliligtas sa sangkatauhan at higit sa lahat ay, nagpeperpekto sa sangkatauhan. Kaya nga ang trono ng Diyos ay nakatayong matatag sa mundo; maisasakatuparan din ang kalooban ng Diyos dahil sa Kanyang paghatol at pagkastigo. Ang pagdating ng Diyos sa mundo upang ipatupad ang paghatol ay ganap na nagkumpirma na ang wangis ng Anak ng Tao ay ang wangis ng Panginoon ng paghatol sa Aklat ng Pahayag. Sa parehong panahon, kinukumpirma din nito na ang “tabernakulo ng Diyos ay kasama ng mga tao.“ Tanging sa pagdating lamang ng Diyos sa mundo maililigtas Niya ang makasalanang sangkatauhan, at tanging sa pamamagitan lamang ng paghatol at pagkastigo ng Diyos mawawakasan ang masamang kapanahunang ito. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang nagtatag ng pundasyon para sa pagdating ng kaharian ng Diyos, at magbibigay ng katuparan sa kaharian ni Cristo sa mundo. Ito ang hindi maiiwasang resulta at pagpapalinaw ng pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Sa huli, ang pagtitipon sa mga taong nailigtas ang bubuo sa kaharian ni Cristo; kumpletong gaganapin nito ang mga hula sa “pagdating ng Diyos sa Kanyang kaharian” at “ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios.“ Malinaw na ang ika-21 na siglo ay ang siglo ng pagdating ng Diyos sa Kanyang kaharian; ito ang siglo kung kailan maisasakatuparan ang kaharian ni Cristo sa mundo. Higit pa rito, ito ang siglo kung kailan tatapusin ng Diyos ang kapalaran ni Satanas, at kung kailan personal na darating ang Diyos sa mundo upang maghari. Ang Kaharian ng isang libong taon ay magaganap sa ika-21 siglo.

Mula sa maraming mga hula sa Bibliya, ganap nating makikita na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay malawak, makapangyarihan, at hindi mapipigilan. Higit pa nitong binibigyan ng kakayahan ang mga tao na malinaw na makikita mula sa Biblia na ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan ay ang kabuuan ng plano sa pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Bagama’t ang karamihan sa Biblia ay tanging tala ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, at ng Kapanahunan ng Biyaya, mga hula ng mga propeta, ng Panginoong Jesus at ang Pahayag, gayunman, ay ganap ng ibinunyag ng matagal na panahon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, iyon ang buong larawan ng paghatol at pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian, at ipinapakitang malinaw sa mga tao mula sa Biblia ang gawain ng tatlong yugto ng plano sa pamamahala ng Diyos. Sa kapanahunan ng mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng paghatol at pagkastigo upang iligtas ang sangkatauhan, pagbubukud-bukurin sila ayon sa uri, at bigyan ng wakas ang madilim na kapanahunan ng kasamaan at katiwalian; ito ay isang malinaw at hindi maitatangging katotohanan. Kung hindi makita ng isang tao mula sa Biblia ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, ngayon, tiyak na siya ay isang tao na hindi nauunawaan ang Biblia, at tiyak na hindi siya isang tao na nakakaalam ng gawain ng Diyos. Gaya ng sinuman na sabik na naghihintay sa muling pagparito ng Panginoong Jesus, matagal ng panahon na nagkatawang tao ang Diyos at lihim na dumating sa kalakhang Tsina at ganap na isinasakatuparan ang mga salita ng Diyos. “Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama” (Markos 13:32). Ipinahayag ng makapangyarihang Diyos ang milyong mga salita ng sunod sunod; sa China, pormal Niyang itinaas ang tabing para sa paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, at ang paghatol ay nagsimula na sa bahay ng Diyos. Sa wakas ay maaari ng makita ng mga piniling tao ng Diyos ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa Kanyang pagpapakita. Ang mga salitang ito ng Diyos ang patotoo sa Kanyang pagkakatawang-tao, ang tinig ng Banal na Espiritu ang patotoo sa personal na pagdating ng Diyos sa mundo upang gawin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang mga piniling tao ng Diyos ay tinatanggap ang paghatol at pagkastigo, pagpupungos at pakikitungo, at lahat ng uri ng mga pagsubok at mga pagpipino, sumasailalim sa awtoridad ng mga salita ng Diyos. Kasabay nito ay nararanasan nila ang paghahanap at pag-uusig ng malaking pulang dragon at lahat ng uri ng pagsubok at kapighatian, at nagdurusa sa lahat ng sakit at mga pagpipino. Sa wakas, Ngayon ay, ganap na nalupig ng Diyos, nailigtas at ginawang ganap ang isang grupo ng mga tao na may iisang puso at kalooban kasama ang Diyos. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos sa Kanyang sariling tinig: “Hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!“ (“Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Malinaw, ang paghatol sa harap ng malaking puting trono ng Diyos sa mga huling araw ay nagsimula na, ganap na isinasakatuparan at nakakamit ang lahat ng mga hula sa Biblia.

mula sa “Paano Malalaman ang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos sa mga Huling Araw” sa Koleksyon ng mga Sermon—Panustos para sa Buhay

Ipinaliliwanag ng bahaging Mga Propesiya sa Biblia ang mga propesiya tungkol sa mga kalamidad sa mga huling araw, ikalawang pagparito ni Jesus, mga pangalan ng Diyos, huling paghuhukom, at iba pa.