18.3.19

Mga Propesiya sa Biblia Tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw


Mga Propesiya sa Biblia Tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).

At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).

“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).

“Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48).

“At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay” (Roma 2:2).

“Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan” (Daniel 7:10).

“Sapagka’t siya’y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga” (Mga Gawa 17:31)

“… sapagka’t siya’y dumarating: sapagka’t siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan” (Awit 96:13).

At aking lalapitan kayo sa kahatulan…, sabi ni Jehova ng mga hukbo” (Malakias 3:5).

“Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw” (Awit 7:11).

“At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya’y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao” (Awit 9:8).

Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid” (Awit 75:2).

At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao” (Isaias 2:4).

… Ako’y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa galit at sa kapusukan, at sa mababagsik na pagsaway” (Ezekiel 5:15).

“At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol” (Pahayag 14:7).

“Sapagka’t siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan” (Awit 98:9).

“Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka’t iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa” (Awit 67:4).

Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:26-27).

At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom” (Mateo 12:36).

“Sapagka’t ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan” (Mga Hebreo 10:30).

“Huwag kayong mangagupasalaan, mga kapatid, laban sa isa’t isa, upang kayo’y huwag mahatulan; narito, ang hukom ay nakatayo sa harapan ng mga pinto” (Santiago 5:9).