Sagot:
Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ‘Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ‘yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin,” sino’ng nagsabi no’n? Mga salita ba ‘yon ng Panginoong Jesus? Walang sinabing gano’n ang Panginoong Jesus. Hindi rin ‘yon sinabi ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang sinasabi at pinaniniwalaan mo ay mga salita ni Pablo. Kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo ang mga salita ng Panginoong Jesus? Pwede ba siyang maging kinatawan ng Diyos? Tanging ang Diyos lang ang may alam sa sagot sa misteryong ito. Kung susubukan nating mga masamang tao na gumawa ng mga bulag na kahulugan at hatol gaya nito, isa ‘yong seryosong problema. Hindi si Kristo si Pablo. Isa lang siyang karaniwang masamang tao. Puno ng mga ideya at imahinasyon ng tao ang mga sinulat niya. Hindi ang mga salita niya ang katotohanan, kaya hindi natin ‘yon magagamit na pruweba. Lahat ng pruweba ay dapat nakabase sa mga salita ng Diyos sa Bibliya. Alinsunod ‘yon sa katotohanan. Maling imbestigahan ang pagdadala at pagpasok sa kaharian ng langit base sa mga salita ng mga tao sa Bibliya, lalo na kay Pablo, at hindi ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus dahil tanging ang mga salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan; tanging ang mga salita Niya ang may awtoridad. Tanging ang Panginoong Jesus ang Kristo, ang Hari ng kaharian ng langit. Bakit hindi niyo hanapin ang katotohanan at nais ng Diyos sa mga salita ng Panginoong Jesus? Sa halip, bakit niyo ginagamit ang mga salita ng tao na basehan ng inyong paghahanap? Alinsunod ba ‘yon sa nais ng Panginoon? Ginagawa kayo no’ng suseptible na sundin ang tao at tahakin ang sarili niyong landas. Nilikha ng Diyos ang tao mula sa putik ng lupa. Inatasan Niya sila na gawin ang mga tungkulin nila sa lupa, at ‘yon ay ang pamahalaan ang iba pa Niyang mga nilikha sa lupa. Hiniling Niya na sumunod sila, sumamba, at magbigay-dangal sa Kanya sa lupa at iniatas na ang destinasyon nila ay sa lupa, hindi sa langit. Maliban do’n, matagal nang sinabi sa atin ng Diyos na itatatag Niya ang kaharian Niya sa lupa. Maniniirahan siya sa lupa kasama nating mga tao at ang mga kaharian ng lupa ay dapat maging kahariang pinamamahalaan ni Kristo. Samakatuwid, sa lupa itatag ang kaharian ng Diyos sa huli, hindi sa langit. Maraming tao ang laging naghahangad na maiakyat sa langit. Yon ang sarili nilang pagkaintindi at imahinasyon, ang sarili nilang kathang hangarin. Hindi ‘yon alinsunod sa katotohanan o sa katotohanan ng gawain ng Diyos.
Tingnan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9-10). Malinaw na sinabi sa ‘tin ng Panginoong Jesus na nasa lupa ang kaharian ng Diyos, hindi sa langit. Matutupad ang nais ng Diyos sa lupa gaya ng sa langit. Basahin natin ang Pahayag 21:2-3: “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios…. Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila.” Dumako tayo sa Pahayag 11:15: “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man.” Ang mga propesiyang itong nabanggit, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “… bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Pinatutunayan no’n na itatayo ng Diyos ang Kanyang kaharian sa lupa, at mamamalagi siya sa lupa kasama ang sangkatauhan. Ang mga kaharian ng mundo ay magiging mga kaharian ni Kristo, at magtatagal ‘yon magpakailanman. Kung naniniwala tayong nasa langit ang kaharian ng Diyos ayon sa ating pagkaintindi at imahinasyon, naniniwalang kapag dumating ang Panginoon, iaakyat Niya tayo sa langit, hindi ba mawawalan ng kabuluhan ang mga una niyang sinabi? Sa katotohanan, ang panghuling resulta ng plano sa pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay ang pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa lupa. Ang Makapangyarihang Diyos—Kristo ng mga huling araw—ay gumagawa ng kanyang paghatol at paglilinis sa sangkatauhan para makabuo ng isang grupo ng mga mananagumpay sa lupa. Ang mga nagkakamit ng kaligtasan ng Diyos, na nagiging perpekto at nagiging mananagumpay, sila ang makapagsasabuhay sa mga salita ng Diyos at makasusunod sa kagustuhan Niya sa lupa. Sila ang mga mamamayan ng Kanyang kaharian. Matapos mabuo ang mga mananagumpay na ito, matutupad ang kagustuhan ng Diyos sa lupa. At maitatatag na sa lupa ang kaharian ni Kristo, at makakamit ng Diyos ang buong kaluwalhatian. Sa huli, tutuparin niya ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag. Hindi pa rin ba malinaw sa ‘tin ang mga katotohanang ito? Ano’ng lugar ang inihanda ng Panginoong Jesus para sa ‘tin? Itinakda Niya na ipanganak tayo sa mga huling araw, salubungin Siya sa lupa sa pagbabalik Niya, tanggapin ang paglilinis ng Diyos at maging perpekto, at maging mga mananagumpay para maisagawa natin ang kagustuhan ng Diyos, at lahat ng mga kaharian sa lupa ay magiging mga kaharian ni Kritso. ‘Yon ang nais ng Diyos. Dumarating sa lupa ang Diyos pero sinusubukan nating umakyat sa langit. Kapag inangat niya tayo sa hangin, wala namang pagkain at lugar do’n na matitirhan, pa’no tayo mabubuhay? Hindi ba sariling pagkaintindi at imahinasyon lang natin ‘yon? Gagawa ba ang Panginoon ng gano’ng bagay? Yung katotohanang nakakapag-isip tayo nang gano’n, nagpapakita lang na para talaga tayong bata. Para bang nasa alapaap ang mga isip natin!
Itatayo sa lupa ang kaharian ng Diyos sa mga huling araw. Ang huling destinasyon ng sangkatuhan ay sa lupa, hindi sa langit. Itinakda na ‘yan ng Diyos. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. … Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan …” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan”). Malinaw na sinabi sa atin ng Makapangyarihang Diyos na kapag natapos na ang Kanyang pamamahala, parehong mamamahinga ang Diyos at ang tao. Ang pahingahan ng Diyos ay sa langit, samantalagang ang pahingahan nating mga tao ay sa lupa pa rin. Ito ang magandang destinasyong inihanda ng Diyos para sa atin na mga tao. Ito rin ang katuparan ng kaharian ng Diyos sa lupa. Kung nananalig tayo sa Diyos sa loob ng maraming taon, pero hindi pa rin natin ito nakikita, hindi ba nangangahulugan ‘yan na hindi natin nauunawaan ang katotohanan o ang mga salita ng Panginoon?
Bueno, ano ba talaga ang pagdadala sa alapaap? Hindi pa malinaw sa karamihan sa mga tao ang tungkol do’n. Ang hiwaga ng pagdadala sa alapaap sa mga santo ay nabunyag lang nang dumating ang Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “‘Ang maagaw paitaas’ ay hindi ang pagdadala mula sa mababang lugar papunta sa mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Isa itong malaking pagkakamali. Ang maagaw paitaas ay tumutukoy sa Aking pagpasya at paghirang. Pinupuntirya noon ang lahat ng maaga kong itinalaga at pinili … Ito ang pinaka hindi nababagay sa mga paniniwala ng tao. Ang mga may bahagi sa Aking tahanan sa hinaharap ay lahat ng mga taong inagaw paitaas. Ito ay lubusang totoo, hindi mababago, at hindi mapapabulaanan nino man. Ito ang ganting atake laban kay Satanas. Lahat ng maagang itinalaga ay maaagaw paitaas sa harap Ko” (“Ang Ikaisandaa’t-apat na Pagbigkas” ). Tunay ngang malinaw ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang pagdadala” ay hindi gaya ng iniisip natin—ang pag-angat sa hangin mula sa lupa at pagsalubong sa Panginoon sa alapaap. Hindi rin ‘yon pag-akyat sa langit. Ibig sabihin, pag bumalik ang Diyos sa lupa para sabihin ang Kanyang mga salita at gawin ang Kanyang gawain, maririnig natin ang tinig ng Diyos at masusunod natin Siya at matatalima natin ang gawain Niya sa mga huling araw. Ito ang tunay na kahulugan ng maagaw paitaas sa harap ng trono ng Diyos. Lahat ng nakakakilala sa tinig ng Panginoon, nakakakita sa katotohanan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tumatanggap sa katotohanan, at nagbabalik sa Makapangyarihang Diyos ay ang matatalinong birhen. Sila ang mga ginto, pilak at mamahaling bato na ninakaw ng Panginoon at ibinalik sa tahanan Niya dahil silang lahat ay may mahuhusay na kakayahan at kayang umunawa at tumanggap sa katotohanan. Kaya nilang unawain ang tinig ng Diyos. Sila ang mga tunay na nakatanggap ng pagdadala sa alapaap. Sila ang mga mananagumpay na malilikha kapag ginawa na ng Diyos ang Kanyang gawain habang palihim Siyang bumababa sa lupa sa mga huling araw. Magmula nang simulan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain sa mga huling araw, marami sa mga taong tunay na nauuhaw sa wangis ng Diyos ay nakakikilala na sa tinig Niya at sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sunud-sunod nilang tinanggap ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Inagaw sila paitaas sa harap ng trono ng Diyos para makita nila Siya nang harapan at tinanggap nila ang pagdidilig at pag-aaruga ng Kanyang mga salita. Nakamit nila ng tunay na karunungan ng Diyos. Nalinis ang marurumi nilang disposisyon at nagawa nilang isabuhay ang reyalidad ng katotohanan sa mga salita ng Diyos. Nakamit na nila ang masaganang kaligtasan ng Diyos. Ang mga taong ‘yon ay ginawa nang mga mananagumpay bago ang pagdating ng malalaking sakuna. Nakuha sila ng Diyos bilang mga unang bunga. Ang mga humahawak sa mga sarili nilang pagkaintindi at imahinasyon at bulag na naghihintay na dumating ang Panginoon at iakyat sila sa langit, silang mga tumatanggi sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang mga hangal na birhen. Sila ang mga iiwan ng Diyos. Nakatakda silang maghirap sa mga sakuna; iiyak sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Katotohanan ito.
Paano ba natin dapat intindihin ang “pagdala”? Ginagamit natin ang pagdala para ipaliwanag kung paano inililigtas ng Diyos ang tao mula sa ganitong kondisyong at sa ilalim ng ganitong dominyo at inilalagay sila sa ganoong kondisyon at sa ilalim ng ganoong dominyo. Gayun pa man, sa tuwing iniisip ng mga tao ang “pagdala,” nakikita nila ito bilang pagbuhat lang sa ere. Hindi ba ito kamalian? Kung, halimbawa, isinilang ka sa isang hindi asensadong, malayong nayon at pagkatapos ikaw ay naitalaga para magtrabaho sa isang malaking lungsod, ilalarawan natin ito sa lingguwahe ng sangkatauhan na naitaas mula sa isang malayong nayon para magtrabaho at mamuhay sa isang malaking lungsod. Hindi ba ito ang ibig sabihin ng “itinataas”? Iba ba ang pagtaas na iyon sa pag-angat sa ere tulad ng inisip ng tao? Alin sa mga ito ang reyalidad? Kaya nga natin sinasabi na ang “pagdala” ay tumutukoy sa pag-angat mula sa isang uri ng kondisyon papunta sa isang uri ng kondisyon—ito ay pagtaas! Ang pagtaas na ito ay hindi pag-angat nang mataas sa lupa, o pagtaas mula sa lupa papunta sa kalawakan, hindi iyon ang ibig sabihin nito. Sa halip, tumutukoy ito sa pag-angat sa mas mataas pang antas, sa mas mataas pang posisyon, isang mas mataas pang klase ng lugar. Ito ang pagtaas. Halimbawa, dati tayong mga magbubukid at trabahador mula sa pinakamababang lebel ng natiwaling sangkatauhan, nang walang katayuan sa lipunan, minamaliit ng iba, nagdurusa ng panlulupig at pananamantala, nang walang karapatang magsalita, at ngayon sa isang kumpas tayo’y inangat bilang mga tao ng Kapanahunan ng Kaharian, hindi ba’t ang posisyong ito ay pagtaas? Dati, tayo’y mga tiwaling sangkatauhan, ang pinakamababang lebel ng sangkatauhan sa madilim na, masamang mundo, at ngayon bigla tayong inangat sa pagdala para maging mga tao ng kaharian ng Diyos, mga tao na mamamayan ng Kapanahunan ng Kaharian. Kung tayo’y itinaas para maging mga tao ng Kapanahunan ng Kaharian, hindi ba ito pagdala? Ito ay tunay na pagdala. Buweno, sinasabi ng ilan: “Hindi pa ba ako naninirahan doon? Hindi ko pa ba ginagawa ang gawain na iyon? Hindi man lang ba nagbago gayon din ang aking kinakain at isinusuot? Paanong hindi ko maramdaman na ako ay nasa itaas?” Kung ikaw man ay itinaas o hindi sa pagdala ay hindi maaaring matukoy sa kung gaano kataas o kababa ang iyong nararamdaman. Kapag dumating ang araw kapag ang katotohanang ito ay mailalahad, kung sino man ang pinaniniwalaan mong mataas ay maaalis, at kahit sa iyong palagay ay wala kang nakamit, ikaw ay magpapatuloy na mabuhay; paano mo ito maipapaliwanag? Itong ibig sabihin ng mga tao ng kaharian ay totoo, tama? Darating ang isang araw na ang katotohanang ito ay mapapatunayan. At sa oras na iyon ay masasabi mo: “O, ako ay talagang itinaas sa pagdala, ngunit hindi ko ito alam, ang gawain ng Diyos ay kamangha-mangha.” Kung wala silang katotohanan, ang pagdalang ito ay hindi malalaman ng mga tao, sila ay mamumuhay sa biyaya ng hindi nalalaman ang biyaya. Ito ang praktikal na ibig sabihin ng pagdala; dapat mo iyong maintindihan. Pangangalagaan ka ng Diyos at walang darating na sakuna sa iyo; hindi ba nito ipinapaliwanag na ngayon ikaw ay itinaas na sa pagdala, na kayo ay ang mga taong pinili ng Diyos, mga tao ng Kapanahunan ng Kaharian? Kaya mo bang ipaliwanag ang tanong na ito? Isang araw kikilalanin mo na “Ito ay isang katotohanan, ang aking katayuan ay siguradong kakaiba. Kahit na ang mga tao sa mundo ay tinuturing pa rin akong manggagawa o magbubukid, sa mga mata ng Diyos ako ay isang tao sa Kapanahunan ng Kaharian; Samakatuwid ako talaga ay itinaas na sa pagdala at tinatamasa ko na ang biyaya ng pagdala.” Ito ay praktikal na ibig sabihin ng pagdala. Kung hindi mo naiintindihan kung ano ang tinatawag na pagdala at umaasa sa sarili mong imahinasyon na naniniwala na ang pagdala ay para itaas sa ere, buweno, kung gayon ikaw ay maghintay na lamang na maitaas sa ere.

mula sa “Mga Sagot sa mga Tanong mula sa Iba’t Ibang Lugar tungkol sa Pangangaral ng Ebanghelyo” sa Maliligtas Lamang ang Isang Tao Kapag Nanalig Siya sa Makapangyarihang Diyos