10.3.19

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Ikalawang Bahagi)



Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan

Sa mga sumunod na araw, hindi man nahulog si Jingru sa tukso ni Satanas at alam niyang hindi na sila maaaring magsama ni Wang Wei, patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang pakikipagkita niyang iyon kay Wang Wei tulad ng isang eksena sa pelikula …

Nang muli siyang tawagan ni Wang Wei, saglit siyang hindi napakali, at sinabi niya sa kanyang sarili: “Hindi na maaring maging tayo, pero maaari pa naman tayong maging ordinaryong magkaibigan. Hangga’t alam ko ang aking mga kinikilos at hindi ako lalampas sa kung ano ang maaari kong gawin, ay ayos lang iyon.” Matapos nito ay sinagot niya ang tawag ni Wang Wei at nag-usap sila. Sa paglipas ng panahaon, madalas nang napapaisip si Jingru kung tatawagan ba siya ni Wang Wei o hindi, hanggang sa puntong nasasabik na ang kanyang puso sa kakaantay. Sa tuwing tatawag ito, palulubagin niya ang kanyang loob bago sasagutin ang telepono na parang wala lang…. Habang tumatagal, lalong dumalas ang mga tawagan sa pagitan nina Wang Wei at Jingru. Ngunit pagkatapos ng bawat tawag, si Jingru ay nababagabag at nasasaktan, at napagtanto niya na ang kanyang mga kilos ay hindi umaayon sa kalooban ng Diyos, at ang kanyang mga nararamdamang sakit at pagkabalisa ay tiyak na pagpapaalala at paninisi sa kanya ng Diyos. Kaya nagmadali siyang humarap sa Diyos at nanalangin: “Diyos ko! Alam kong hindi ako dapat nakikipag-usap kay Wang Wei ngunit hindi ko mapigilan ang puso ko. Hindi ko mapigilang pagbigyan ang sarili ko at mahulog sa kasalanan. O Diyos ko! Hindi ko gustong galitin ka ng mga kilos ko. O Diyos ko! Tulungan po Ninyo ako!”

Matapos nito ay binasa ni Jingru ang ilang mga talata ng mga salita, at natagpuan niya ang paraan upang palayain ang kanyang sarili sa pasakit. Sinsabi ng mga salita ng Diyos: “Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang nakikita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, natanggap ninyo ang pagkastigo at paghatol, tumanggap ng gayong pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. … Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diablo, hindi Niya maatim na pabayaan kayong maging mas napakasama; hindi rin Niya maatim na makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan niya gusto, o maatim na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo” (“Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (4)”). Sinasabi sa mga Sermon at Pagbabahagi: “Sa ngayon ay naiintindihan na ninyo kung paanong nagtatapos ang lahat ng mga taong nasa bitag ng kahalayan, tama? Ano ang huling kahihinatnan nito para sa karamihan ng mga taong ito? Sila ba ay isinusumpa? Mayroon ba itong anumang magagandang kalalabasan? Hindi nila nakakamit ang kapayapan sa buong buhay nila! Ito ang kalituhan at kabagabagan kung saan humahantong ang kahalayan; ito ay hindi mabatang pagdurusa! Sa lahat ng mga taong basta na lamang naghahanap ng makakasama sa buhay, mayroon bang sinuman ang nagkaroon ng isang masayang kinalabasan? Walang magandang mga resulta, at sa huli ay nakakatagpo sila ng mga sumpa. Iyon ay isang bagay na hindi dapat nilalaro” (“Anong Uri ng Tao ang Ginagawang Perpekto ng Diyos” sa mga Sermon at Pagbabahagi tungkol sa Pagpasok sa Buhay (VII)). “Pag-isipan ang pagkakataong makakita ka ng tao mula sa kasalungat na kasarian at nagkaroon ka ng malaswang pag-iisip, paano mo haharapin ang problemang ito? Dapat mo man lang igalang ang pag-aasawa. Kung ang taong iyon ay may asawang lalaki (o babae), kung gayon ay dapat mong igalang ang kasal ng taong iyon. Hindi ka maaaring makigulo sa pagsasama ng iba; ang paggalang sa iba ay paggalang sa iyong sarili, kung hindi mo iginagalang ang iba ay hindi mo iginagalang ang iyong sarili. Kung iginagalang mo ang iba ay igagalang ka rin ng iba. Kung sa iyong puso ay hindi mo iginagalang ang pag-aasawa sa gayon ay wala kang pagkatao. Kung nagagawa mong igalang ang kasal, kung nagagawa mong mahalin ang iba at igalang ang iba, kung gayon ay hindi mo magagawang manakit ng iba. Kung nagagawa mong tanggihan ang isang tao kahit pa ipagsiksikan nila ang kanilang mga sarili sa iyo, kung gayon ay nagagawa mong humarap sa mga bagay nang maayos. Ano ba ang kailangang isangkap sa iyo upang matanggihan ang mga tukso at pang-aakit? Dapat ay masangkapan ka ng katotohanan, saka mo makikita nang malinaw ang mga bagay na ito. Matapos mong makita nang malinaw ang halaga ng usaping ito, saka mo lang maiintindihan ang kapinsalaan na maidudulot ng mga kilos mo sa iba, saka mo mauunawaan kung anong uri ng pasakit ang maidudulot nito sa kanilang mga puso, malalaman mo ang hangganan ng pagkasira ng kanilang pagkatao, at sa sandaling maintindihan mo ang mga bagay na ito ay hindi ka na kikilos sa mga paraang pinagmumulan ng mga ito; kapag ang mga ganitong uri ng mga pag-iisip at mga ideya ay pumasok sa iyong isipan maitatakwil mo ang mga ito, hindi ka magiging interesado sa mga ito, hindi ka maglalaan ng oras sa mga ito, dahil hindi mababago ng mga ito ang iyong puso” (Pagtutuon ng Pansin sa Paglutas ng Tatlong Problema na Kasalukuyang Laganap sa Iglesia” sa mga Sermon at Pagbabahagi tungkol sa Pagpasok sa Buhay (VI)).

Habang pinagninilayan niyang mabuti ang mga salita ng Diyos at ang mga salita ng pagbabahagi, alam ni Jingru na nahulog na siya sa hindi matatakasang kumunoy ng mga emosyon dahil hindi niya nabatid ang tusong pamamaraan ni Satanas, o ang diwa, kapinsalaan, at ang mga kahihinatnan ng paglalaro ng kahalayan. Saka niya lamang napagtanto sa kanyang pagninilay na si Satanas ang nagtatanim sa kanya ng mga ideyang “Ang pag-ibig ang pinakamataas,” “Sa wakas ay magpapakasal ang mga nag-iibigan,” “Huwag manghingi ng walang hanggan, maging masaya sa kasalukuyan,” at “Ang pag-ibig ay hindi isang kasalanan” na nagpapaniwala sa kanya tungkol sa magandang pag-ibig at sa gayon ay hindi nasasakop ng anumang moral o ng kanyang konsenya, na palaging nagpapaalala sa kanya ng tungkol kay Wang Wei, palaging nakikipag-usap sa kanya, nakikipagkita, at namumuhay sa kasalanan at naghahangad ng mga kasiyahan ng kasalanan habang hindi naniniwala na ito ay mali. Naisip ni Jingru ang maraming tao sa kanyang paligid na nakikibahagi sa mga ekstramarital na kaugnayan, at ang maraming kalalakihang nagtatago ng kanilang mga kulasisi. Kahit na napupunan ang kanilang pansamantalang kahalayan, sila ay nagiging sanhi ng mga pag-aaway ng pamilya at sirang pagsasama, at may ilang mga tao ring namamatay dahil nasasangkot sa isang love triangle. Ngayon, ang online na pagkilos na “ako din” ay nagkalat na sa mga kampus sa unibersidad at mga lupon ng pampublikong kapakanan at pampublikong impormasyon, at sa media, at maraming mga sikat na tao at matatalinong tao ang nahuling may ka-one-night stand, na lubos na nakasira sa kanila at siyang naglagay ng kanilang pangalan sa kasikatan pagdating sa usaping kahalayan. Ang mga opisyal ng gobyerno ng Tsina sa partikular ay kapwa may mga asawa at mga kabit, at marami sa kanila ay pinagsamantalahan at ginamit laban sa kanilang mga kaaway sa pulitika dahil sa pagkakaroon ng mga ekstramarital na kaugnayan, na naging dahilan upang sila ay maipatapon sa bilangguan bilang mga kriminal. Malinaw na nakita ni Jingru na ang mga taong nakikibahagi sa mga ekstramarital na kaugnayan upang punan ang kanilang mga mahalay na pagnanais, at na ito ay isang negatibo, at masamang bagay na maaari lamang maglubog sa mga tao sa kumunoy ng kasalanan. Tulad ng mga sugarol na nagnanais pang magsugal uli kapag sila ay natatalo, ay sa bandang huli nagdadala sa kanilang pamilya sa pagkaluging pinansyal at paghihiwa-hiwalay ng mga miyembro ng pamilya, at ang mga minsang naglaro ng apoy ay ginugustong maglarong muli, gagawin nila ito minsan at pagkatapos ay uulit-ulitin nila ito, unti-unti silang nauubos habang patuloy silang nakikipaglaro, hanggang sa malubog sila sa pakikiapid at kasalanan at hindi na nila kayang lumabas pa. Sa huli, sinisira nila ang kanilang sariling mga katawan at nagdudulot ng walang katapusang kaguluhan sa sarili nila sa hinaharap, at mayroon pa ngang ibang mga taong nawawalan nang dahilan upang mabuhay, at pinipili na lamang wakasan ang kanilang buhay. Kaya wari ni Jingru ay hindi magandang makipaglaro sa apoy ng kahalayan; ito ay isang bagay na makasalanan na magdadala lamang ng kaparusahan at galit ng kalangitan sa mga gagawa nito, at makapag-aakay lamang sa mga tao sa landas ng pagkawasak. Naunawaan samakatuwid ni Jingru na ang mga mala-satanas na pilosopiya at lohika ay pawang mga kahibangang kasinungalingan, mga kabulaanan na lumilinlang sa tao, at mga kasangkapang gamit ni Satanas upang pasamain ang mga tao, at walang tunay na pag-ibig ang namamagitan sa mga taong nakikilahok sa mga ekstramarital na kaugnayan. Kung ang isang tao ay tunay na umiibig, kung gayon ay mayroon siyang pagkatao, at igagalang niya ang ibang tao pati ang institusyon ng kasal, at hindi sila gagawa ng anumang ikasasakit ng ibang tao. Ang mga taong nakikilahok sa mga ekstramarital na kaugnayan sa katunayan ay nakikipaglaro sa kahalayan ng bawat isa at ginagamit ang isa’t-isa. Nang mabatid niya ang kamalayang ito, humarap si Jingru sa Diyos at nanalangin: “O Diyos ko! Ngayon ay nauunawan ko na ang nakapipinsalang kahihinatnan ng pamumuhay sa mga lason ni Satanas. Hindi ko na gustong mamuhay sa mga pisikal na kahalayang ito na umaasa sa mga mala-satanas na lason. Ang pakikipag-ugnayan ko kay Wang Wei ay isang buhay na walang integridad o dignidad, at hindi ko nais magdulot ng kahihiyan sa Iyong pangalan o mawala sa akin ang patotoo ng isang Kristiyano. Ipinagdarasal kong bigyan Mo ako ng isang pusong may takot sa Diyos, mapagtiisan ko ang mga prinsipyo ng katotohan at talikuran ang aking laman, maging matalino upang iwasan ang panganib kapag nakita ko ito, at maging taong isinasabuhay ang isang tunay na wangis ng tao sa kaluwalhatian ng Diyos.”

Isang araw, sa pagpunta niya sa simbahan, nakasalubong niya si Wang Wei. Nagmamaneho ito sa kalsada at tinawag siya, gustong-gustong sumagot ni Jingru, ngunit mabilis niyang naalala ang mga salita ng Diyos at ang panalanging sinabi niya sa harapan ng Diyos. Alam niyang hindi siya maaaring magpatuloy nang ganoon, kaya tiningnan niya si Wang Wei na nakaupo sa kanyang kotse, at hindi nagsalita. Nagpatuloy siya sa paroroonan, sakay ng kanyang electric scooter, at sinundan siya ni Wang Wei, na bumubusina. Sa kanyang puso, mataimtim na nagdasal sa Diyos si Jingru at hiningi niya sa Kanya na ingatan siya upang makita niya ang tusong pamamaraan ni Satanas at manatiling saksi na Kristiyano. Matapos magdasal, kumalma ang puso ni Jingru, at hindi niya pinansin si Wang Wei. Patuloy siyang nag-isip kung paano maiiwasan si Wang Wei. Nangyari naman na naging sanga ang daan, kaya nang nakita niya kung saan lumiko si Wang Wei, ay agad siyang kumabig patungo sa kabilang direksyon at humarurot …

Matapos ang pagkakataong iyon ay marami pang beses nagkatagpo ang landas nina Jingru at Wang Wei, at palagi ay ganito ang kanyang ginagawa, at tinutulungan siya ng Diyos na makatakas sa sitwasyon: Kung hindi may makakasalubong na mga kakilala si Wang Wei, minsan ay masikip na trapiko, kaya hindi siya nakakalapit kay Jingru. Upang hindi na niya muling makausap si Wang Wei, nagpalit si Jingru ng numero ng telepono, at pagkalipas ng panahon, silang dalawa ay hindi na kailanman nagkita o nag-usap.

Sa pagbabalik-tanaw sa karanasang ito, tunay na pinahalagahan ito ni Jingru: Sa kasalukuyan, sa mundong ito na puno ng napakaraming tukso, araw-araw nating masasagupa ang lahat ng mga uri ng mga tukso at pang-aakit mula kay Satanas, at dahil wala tayong katototohanan at hindi nakikilala ang mga bagay na ito, at dahil namumuhay tayo sa mga lason ni Satanas, hindi natin mapipigilan ang ating mga sarili sa pagsunod sa mga masasamang kalakaran, malulubog tayo sa mga kasalanan na hindi natin maiiwasan, at malilinlang at sasaktan tayo ni Satanas. Kung nais nating makita nang malinaw ang iba’t-ibang mga tukso at tusong mga pakana ni Satanas, iisa lamang ang daan, at iyon ay ang lumapit sa harap sa Diyos, sangkapan natin ng mas maraming katotohanan ang ating mga sarili, pag-aralang makita ang pagkakaiba sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, masinsing unawain ang mga tusong plano ni Satanas, ibatay ang ating pananaw sa mga salita ng Diyos kapag nakakakilala tayo ng mga tao, mga usapin at mga bagay, magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, kumilos ng may prinsipyo, at sa gayon lang tayo hindi mahuhulog sa mga panunukso ni Satanas. Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, isang katotohanan na pinakakapaki-pakinabang at nakatutulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kinakailangan ng inyong katawan, isang bagay na makatutulong sa inyong mapanumbalik ang inyong normal na pagkatao, isang katotohanan na dapat mailakip sa inyo. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong mas mabilis na mamumukadkad ang inyong buhay; habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, mas lalong magiging malinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong katayuan, makikita ninyo ang mga bagay sa espirituwal na mundo nang mas malinaw, at kayo ay lalong magiging mas makapangyarihan upang magtagumpay kay Satanas” (“Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito”).

Madamdaming napabuntong-hininga si Jingru, at napaisip: “Kung hindi dahil sa pagliligtas sa akin ng Diyos at pagprotekta Niya sa akin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, matagal na akong naging isang taong walang wangis ng tao, at makakagawa ako ng mga bagay na walang integridad o dignidad, tulad ng mga taong nakikilahok sa mga ektramarital na kaugnayan, na nagiging kalaguyo ng mga may-asawang tao, at nagiging kanilang kabit. Malamang ay baka nabansagan na rin akong nangwawasak ng pamilya, at namumuhay ng may mababang uri ng buhay, na nagdudusa sa hatol ng sarili kong konsensya.” Mula sa kaibuturan ng kanyang puso, nagpasalamat at nagpuri si Jingru sa Diyos! Sa ngayon, muli nang nagbalik sa dating katahimikan ang buhay niya, masaya niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa iglesia, tinatanggap ang hatol at pagdadalisay ng mga salita ng Diyos, at nagpapatuloy siya sa isang buhay ng tunay na kaligayahan. Lahat ng kaluwalhatian ay sa Diyos!