14.3.19

Ano ang paghatol?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”

Pagdating sa salitang “paghatol,” maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng mga dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos.

mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”

Ang Aking sinasabi sa kasalukuyan ay upang hatulan ang mga kasalanan ng mga tao at ang kanilang pagiging hindi matuwid; iyon ay pagsumpa sa pagiging rebelyoso ng mga tao. Ang kanilang panlilinlang at kalikuan, at kanilang mga salita at mga pagkilos, lahat ng mga bagay na hindi naaayon sa Kanyang kalooban ay sasailalim sa paghatol, at ang pagiging rebelyoso ng mga tao ay tinukoy na makasalanan. Siya ay nagsasalita alinsunod sa mga panuntunan ng paghatol, at ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng paghatol sa kanilang pagiging hindi matuwid, pagsumpa sa kanilang pagiging rebelyoso, at pagbunyag sa lahat ng kanilang mga pangit na mukha. … Ang paghatol, pagkastigo, at pagbubunyag ng mga kasalanan ng sangkatauhan—walang isa mang tao o bagay ang makaliligtas sa paghatol na ito. Ang lahat ng marumi ay Kanyang hahatulan. Tanging sa pamamagitan nito kaya ang Kanyang disposisyon ay masasabing matuwid. Kung hindi, paano masasabing karapat-dapat kayong tawaging mga pagkakaiba?

mula sa “Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig”

Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagka-perpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamatuwid, matinding galit, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagka-perpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol. Hindi nauunawaan ng ilang mga tao, at itinatanong kung bakit nagagawa lamang ng Diyos na gawing perpekto ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila na kung susumpain ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya gagawing perpekto? Ang gayon ay ang mga salita ng mga tao na hindi nakauunawa sa gawain ng Diyos. Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagkamasuwayin ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagamat nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa katuturan ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay ukol sa laman, at ukol kay Satanas, ito ay masuwayin, at ang pakay ng pagkastigo ng Diyos—at kaya, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at dapat gamitin ang bawat uri ng kapinuhan; sa gayon lamang maaaring maging mabisa ang gawain ng Diyos.

Maaaring makita mula sa mga salita na sinabi ng Diyos na sinumpa na Niya ang laman ng tao. Ang mga salita bang ito, kung gayon, ay ang mga salita ng sumpa? Ibinubunyag ng mga salita na sinabi ng Diyos ang tunay na kulay ng tao, at sa pamamagitan ng gayong pagbubunyag ikaw ay hinahatulan, at kapag nakikita mong hindi mo nagagawang mapalugod ang kalooban ng Diyos, madadama mo sa loob ang kalungkutan at pagsisisi, madadama na mayroon kang pagkakautang sa Diyos, at kulang para sa kalooban ng Diyos. May mga pagkakataon na dinisiplina ka mula sa loob ng Banal na Espiritu, at ang disiplinang ito ay magmumula sa paghatol ng Diyos; may mga pagkakataon na dinudusta ka ng Diyos at itinatago ang Kanyang mukha mula sa iyo, kapag hindi ka Niya pinag-uukulan ng pansin, at hindi Siya gumagawa sa kalagitnaan mo, ikaw ay tahimik na kinakastigo upang pinuhin ka. Ang gawain ng Diyos sa tao ay pangunahin para gawing malinaw ang Kanyang matuwid na disposisyon. Anong patotoo ang sa bandang huli ay dinadala ng tao sa Diyos? Pinatototohanan niya na ang Diyos ay Diyos na matuwid, na ang Kanyang disposisyon ay pagkamatuwid, matinding galit, pagkastigo, at paghatol; nagpapatotoo ang tao sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang paghatol upang ang tao ay gawing perpekto, Kanyang iniibig ang tao, at inililigtas ang tao—ngunit gaano karami ang nakapaloob sa Kanyang pag-ibig? Naroroon ang paghatol, kamahalan, matinding galit, at sumpa. Bagamat sinumpa ng Diyos ang tao noong una, hindi Niya ganap na itinapon ang tao sa walang katapusang hukay, ngunit ginamit ang kaparaanang iyon upang pinuhin ang pananampalataya ng tao; hindi Niya inilagay ang tao sa kamatayan, ngunit kumilos upang gawing perpekto ang tao. Ang katuturan ng laman ay yaong nauukol kay Satanas—tamang-tama ang pagkakasabi dito ng Diyos—ngunit ang mga katotohanan na ipinatupad ng Diyos ay hindi nabuo alinsunod sa Kanyang mga salita. Sinusumpa ka Niya upang mangyaring ibigin mo Siya, at upang mangyaring maunawaan mo ang katuturan ng laman; kinakastigo ka Niya upang mangyaring ikaw ay magising, upang tulutan kang makilala mo ang mga kakulangan sa loob mo, at upang malaman ang lubos na kawalang-kabuluhan ng tao. Kaya, ang mga sumpa ng Diyos , ang Kanyang paghatol, ang Kanyang kamahalan at matinding galit—ang lahat ng mga ito ay upang gawing perpekto ang tao. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan, at ang matuwid na disposisyon na ginagawa Niyang malinaw sa loob ninyo—lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao, at ang gayon ay ang pag-ibig ng Diyos.

mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos”

Ang Pagbabahagi ng Tao:

At ano ang paghatol? Ito ay ang pagbubunyag ng Diyos at pagbibigay kahulugan sa tiwaling diwa ng sangkatauhan at ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan sa pamamagitan ng mga salita; ito ay tinatawag na paghatol. Marami bang mga naturang salita sa mga sinabi ng Diyos? Talagang marami, tulad nang sinabi ng Diyos, “Pumapayag kayo na kayo ang mga anak ng malaking pulang dragon.” Ang mga ito ay mga salita ng paghatol. “Mas negatibo ka at umuurong, mas nakikita na ikaw ay inápó ni Satanas.” ay mga salita rin ng paghatol. Marami pang ibang halimbawa. Sinabi ng Diyos ang mga salitang ito ng paghatol nang may kalungkutan, ibinubunyag ang diwa at katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan sa pamamagitan ng isang pangungusap lamang o ilang mga salita. Kapag una itong naririnig ng mga tao, hindi nila ito matanggap, ngunit matapos maranasan ang mga ito ng ilang panahon, sila lahat ay magiging kumbinsido, nararamdaman na ang aktuwal na katunayan ay eksakto tulad ng sinabi ng Diyos. Ito ang nakakamtan ng mga salita ng paghatol. At ano ang pagkastigo? Kapag nagkasala ang tao, tumutol o nagrebelde laban sa Diyos, kailangan siyang hatulan, at sa paghatol may pagkastigo. Kung tinukoy na ikaw ay nabibilang kay Satanas, ang pinagmulan ng lahi ni Satanas, at ang produkto ng malaking pulang dragon—ang uri na tumututol at nagrerebelde laban sa Diyos—anong mga salita ang dinadala nito sa iyo? kung gayon ano ang idinudulot sa iyo ng mga salitang ito? Nagdudulot ang mga ito ng kapighatian, at ang kapighatian na dulot ng paghatol ay pagkastigo. Ang mga salita ng paghatol ay nagpapahirap sa iyo; ito ay pagkastigo. Samakatuwid, nagdadala mismo ang paghatol ng isang uri ng pagkastigo, ito mismo ang pagkastigo. Ito ay isang aspeto ng pagkastigo.

mula sa “Napakalaki ng Kahulugan ng Pagganap ng Diyos sa Gawain sa Iba’t Ibang Paraan para Iligtas ang sangkatauhan” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (III)

Matapos nating maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, makikita natin ang katunayan na ang pinagmulan ng katotohanan ay ang Diyos, at ang pinagmulan ng lahat ng bagay na positibo ay ang Diyos. Kung saan may paghadlang at katiwalian ni Satanas at pagkakasala sa pagtutol sa Diyos, tiyak na susunod doon ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kung saan may paghatol ang Diyos, magkakaroon ng pagpapakita ng katotohanan at ang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos. Ang katotohanan at disposisyon ng Diyos ay ibinunyag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kapag may katotohanan lang, naroon ang paghatol at paskastigo; kapag may paghatol at pagkastigo lang, naroon ang pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Samakatuwid, kung saan may paghatol at pagkastigo ng Diyos, doon natin makikita ang mga yapak ng gawain ng Diyos, at iyon ang pinakatotoong daan para mahanap ang pagpapakita ng Diyos. Tanging Diyos lang ang may awtoridad na magbigay ng paghatol, at tanging si Cristo lang ang may kapangyarihan na hatulan ang tiwaling sangkatauhan. Kinukumpirma nito at ipinapakita na ang Anak ng tao—si Cristo—ay ang Panginoon ng paghatol. Kapag wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, walang kaparaanan ang mga tao na makuha ang katotohanan, at ang paghatol at pagkastigo ay ang nagbubunyag sa matuwid na disposisyon ng Diyos, nagbibigay sa mga tao ng pagkakataon para makilala ang Diyos. Ang proseso kung saan ang mga tao ay naiintindihan ang katotohanan ay ang proseso kung saan kanilang nakikilala ang Diyos. Ang katotohanan para sa tiwaling sangkatauhan ay paghatol, pagmatyag, at pagkastigo. Kung ano ang ibinubunyag ng katotohanan ay mismong pagkamatuwid, kadakilaan, at galit ng Diyos. Ang mga taong nakakaintindi ng katotohanan ay kayang itapon ang katiwalian at nakakawala sa impluwensiya ni Satanas. Ito’y lubos na nakasalalay sa kapangyarihan at pagkamakapangyarihan ng mga salita ng Diyos. Inililigtas ng Diyos ang mga tao at pineperpekto ang mga tao para ipaintindi sa mga tao ang katotohanan, para makuha ang katotohanan. Habang mas naiintindihan ng mga tao ang katotohanan, mas lalo rin nilang nakikilala ang Diyos. Sa ganitong paraan, maaaring alisin ng mga tao ang katiwalian at maging banal. Kapag namuhay ang mga tao para sa katotohanan at pumasok sa reyalidad ng katotohanan, ito ay pamumuhay sa liwanag, pamumuhay pag-ibig, at pamumuhay sa harapan ng Diyos. Ito ang resulta na nakamtan ni Cristo sa pamamagitan ng paghatid ng katotohanan at pagbibigay ng paghatol. Sa katunayan, ang lahat ng mga salita ng Diyos ay katotohanan at mga paghatol sa sangkatauhan. Kahit sa anong panahon man, ang mga salita na sinabi ng Diyos ay may epekto ng paghatol. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga salita ng Diyos na Jehovah ay mga paghatol sa tiwaling sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga salita na sinabi ng Panginoong Jesus ay mga paghatol sa tiwaling sangkatauhan. Ngayong Kapanahunan ng Kaharian, sa mga huling araw na isinagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo, ang lahat na sinabi ng Makapangyarihang Diyos ay paghatol at pagkastigo, pagpungos, pagharap, pagsubok at pagpipino, sa huli’y para makita ng sangkatauhan na ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan ay ang pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang ihinahatid ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa sangkatauhan at kaligtasan, ay pagkaperpekto. Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap at pagsunod sa paghatol at pagkastigo ng Diyos nakukuha ng isang tao ang tunay na pag-ibig ng Diyos at lubos na kaligtasan. Ang lahat ng mga taong tumatanggi na matanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay sasailalim sa pagpaparusa ng Diyos at lulubog sa pagkawasak….”

mula sa “Paano Malalaman ang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos sa mga Huling Araw” sa Koleksyon ng mga Sermon—Suplay para sa Buhay