14.3.19

May Silbi ba Talaga ang Panalangin? Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan?


Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo. Nang marinig si Jonah na nagpapahayag ng kalooban ng Diyos at malaman na wawasakin ng Diyos ang buong siyudad sa loob ng apatnapung araw, ang mga mamamayan at hari ng Nineveh ay nag-ayuno at nanalangin, nagsisi sa kanilang mga kasalanan suot ang damit na sako at abo, tinalikdan ang karahasan at tumalikod sa kanilang masasamang gawain. Sa bandang huli, tinanggap nila ang awa ng Diyos na Jehova: Hindi na nagpadala ng mga sakuna ang Diyos at nakaligtas sila. Sa pamamagitan ng pananalangin sa Diyos, nagpastol si Moises ng mga tupa sa ilang sa loob ng apatnapung taon at natamo ang tunay na pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos, tinanggap niya ang panawagan ng Diyos at dinala ang mga Israelita papalabas ng Ehipto. … Matapos na mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, umaasa sa panalangin, nagawa ng mga disipulo Niya na ikalat ang ebanghelyo sa isang mapanagnib na kapaligiran.

Bawat kapatiran na lumapit sa harap ng Panginoong Jesus, ay nadama ang kapangyarihan ng panalangin. Minsan nang ipinangako sa atin ng Panginoong Jesus, “Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin” (Marcos 11:24). Bilang pangako sa atin ng Panginoon, tumanggap tayo ng maraming biyaya at mga pagpapala sa pamamagitan ng pananalangin sa Kanya, katulad ng paggaling ng karamdaman, ang kapayapaan sa ating pamilya, ang palagiang pagdiriwang sa ating puso, ang kakayahan nating magkaroon ng pagmamahal at pagtitiyaga sa kapwa, at iba pa. Kahit ano pang pag-uusig at pasakit ang dumating sa atin, hangga’t nananalangin tayo sa Panginoong Jesus, magkakaron tayo ng pananampalataya at maging handa na tiisin ang lahat ng paghihirap. At unti-unti ring lalago ang ating iglesia. Labis na ipinadama sa atin ng lahat ng mga bagay na ‘to na ang kapangyarihan ng panalangin ay sadyang kahanga-hanga! Ganon pa man, sa nakalipas na mga taon, karaniwan kong naririnig ang mga kapatid na nagsasabing, “Bakit hindi ganoon kaepektibo ang pananalangin natin sa Panginoong Jesus?” Para matanggap muli ang pagpapala at mga biyaya ng Panginoon, ang ilang mananampalataya ay nag-aayuno pa at nananalangin pero wala ring nangyayari. Ito ang dahilan kaya marami sa kanila ang nanlamig sa pananampalataya at naging malungkot ang iglesia. Ang mga kapatid ay nananalangin sa kanilang mga tahanan pero ang kanilang panalangin ay walang bisa, kaya naman hindi nila mapanatili ang pamamaraan ng Panginoon at kaya karaniwang nahuhulog sa pagkakasala, hindi nila magawang palayain ang sarili rito. Maraming mananampalataya ang ginugulo nito: Bakit hindi natin tinatamasa ang gawain ng Banal na Espiritu o makita ang biyaya ng Diyos kapag nananalangin tayo sa Diyos? At papano tayo mananalangin para makuha ang resulta nito?

Sa nakalipas, nagkaron din ako ng ganong paghihirap. Kahit pinag-aralan ko nang maraming ulit ang Biblia, hindi ko pa rin natagpuan ang pinagmulan ng tanong na ‘to. Hindi ko ito nagawang lutasin hanggang tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at makita ang sinabi Niya, “Sa pananalangin, hindi mo maaaring ulitin ang mga nasabi mo na; hindi mo dapat banggitin ang mga bagay na lipas na. Dapat mo talagang sanayin ang iyong sarili na sabihin ang totoong mga salita ng Banal na Espiritu; sa gayon ka lamang makagagawa ng isang ugnayan sa Diyos” (“Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos, sa wakas natagpuan ko ang sagot. Lumalabas na ang pinakamahalagang bagay tungkol sa pananalangin ay sundin ang kasalukuyang gawain ng Diyos. Sa pamamagitan lang ng pagsasagawa sa pananalangin sa Diyos sa Kanyang kasalukuyang mga salita natin Siya maaaring makasama. Kapag patuloy tayong kumapit sa mga lumang bagay at hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos, katumbas din ito ng pagtalikod sa pinagmumulan ng buhay na tubig ng buhay, at hindi natin matatamo ang inaasahang resulta kahit pa’no pa tayo manalangin sa Diyos. Sa pagbabalik tanaw sa Kapanahunan ng Kautusan nang ang mga Israelita ay nagsisilbi sa Diyos na Jehova sa templo. Sa panahong ‘yon, nasa templo ang kaluwalhatian ng Diyos; sa pananalangin sa Diyos, makakamtan ng mga pari at karaniwang tao ang pag-iingat ng Diyos at lahat ay mahigpit na sinusunod ang batas sa kanilang ginagawa. Pero nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain Niya, nananalangin pa rin sa templo ang mga Istraelita sa ngalan ng Diyos na Jehova, sinusunod ang mga batas at kautusan, at nanalangin sa Diyos na Jehova para hayaan silang makalaya sa pagkakasala at makahanap ng kapahingahan. Ganon pa man, kahit gaano pa sila manalangin sa Diyos, hindi nila makamtam ang biyaya ng Diyos, at higit pa rito, dahil nawala ng presensya ng Diyos, hindi na nila napanatili ang mga batas at bumaba rin ang ginawang mga alay sa Diyos sa altar, at naging isang lugar ng kalakalan ang templo. Mula rito makikita natin nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, nawala na ang Banal na Espiritu sa templo at sinimulan nang itaguyod ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya na ginawa sa ngalan ng Panginoong Jesus. Kaya sa panahon na ‘yon ang gawain ng Panginoong Jesus at mga salita ang naging kasalukuyang gawain ng Diyos. Hangga’t sinusunod ng mga tao ang gawain ng Panginoong Jesus, tawagin ang ngalan Niya, at ikumpisal ang mga kasalanan at magsisi sa harap Niya nang naaayon sa Kanyang mga kailangan, mapapatawad sila sa kanilang mga kasalanan. At tanging ang mga nananalangin lang sa ngalan ng Panginoon ang makakatanggap ng patnubay at mga biyaya ng Diyos.

Katulad nito, bakit karaniwang nararamdaman ng mga relihiyosong mananampalataya ngayon na kahit gaano sila manalangin sa Panginoong Jesus, hindi nila makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang pangunahing dahilan ay hindi nila sinunod ang kasalukuyang gawain at mga salita ng Diyos. Nagbalik ang Diyos sa lupa at sinimulan ang gawain ng paghatol sa tahanan ng Diyos. Sa mga huling araw, nagpahayag ng milyong mga salita ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at binuksan sa tao ang mga misteryo ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos. Nais ng Diyos na gabayan ang mga sumusunod sa Kanya sa mga huling araw para maunawaan ang Kanyang gawain at kalooban at kailangan para sa mga tao sa huling mga araw sa pamamagitan ng katotohanan, na tumutupad sa mga salita ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12-13). Kaya, kung nanalangin lang tayo sa pundasyon ng mga salitang sinabi ng Diyos ngayon maaaring maging mabisa ang panalangin natin.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung magiging mabisa ang iyong mga panalangin, kung gayon ang mga ito ay dapat nakabatay sa iyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin sa gitna ng mga salita ng Diyos magagawa mong matanggap ang higit pang pagliliwanag at pagpapalinaw. Ang isang tunay na panalangin ay ipinakikita sa pagkakaroon ng isang pusong nasasabik para sa mga kinakailangan na ginawa ng Diyos, at sa pagiging handa na tuparin ang mga kinakailangang ito; magagawa mong kasuklaman ang lahat ng kinasusuklaman ng Diyos, sa batayang ito ka magkakaroon ng kaalaman, at malalaman at maliliwanagan tungkol sa mga katotohanang ipinaliwanag ng Diyos. Sa pagkakaroon ng pagpapasya, at pananampalataya, at kaalaman, at isang landas na isasagawa pagkatapos manalangin—ito lamang ang tunay na pananalangin, at ang panalangin lamang na kagaya nito ang maaaring maging mabisa” (“Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakita ko na inihayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryo na hindi natin naiintindihan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naintindihan ko ang mga misteryo ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos. Pakiramdam ko mas pinagpala ako kaysa sa mga banal sa mga nakalipas na panahon para isilang sa mga huling araw at personal na tanggapin ang gabay ng Diyos. Sa tuwing mananalangin ako sa Diyos at maisip na gagawa Siya ng isang grupo ng mananagumpay mula sa henerasyon natin, nakakaramdam ako ng natatanging sigla at higit na pananalig sa Kanya. Matapos basahin ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos, nalaman kong ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa kasalanan ay dahil kinokontrol tayo ng ating satanikong kalikasan. Nang makita ang pagkakalantad ng Diyos sa ating masamang disposisyon at makita ang matuwid na disposisyon na ipinahayag Niya, namuhi ako at mas lalong nasuklam sa aking satanikong disposisyon. Pagkatapos, sa pananalangin sa Diyos, nagkaron ako ng determinasyon at resolusyon para talikdan ang aking laman at abandonahin si Satanas, para maisagawa ko ang katotohanan at unti-unting makalaya sa kasalanan. Kapag may mga sigalot sa pagitan ko at mga kapatid sa iglesia, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nauunawaan ko ang mga pamantayan kung pa’no pakitunguhan ang iba at magkaron ng paraan para isagawa. At pagkatapos, sa pananalangin sa Diyos at pakikipag-ugnayan sa iba ayon sa Kanyang mga kailangan, nakabuo ako ng isang magkakasundong samahan sa kapatiran. Kapag nabubuhay sa negatibidad at kahinaan, nararamdaman ko ang walang pag-iimbot na pagmamahal ng Diyos at mga inaasahan para sa atin mula sa Kanyang mga salita. Naantig ako nang husto at namuhi sa paglaban ko sa Kanya. Pakatapos, lumapit ako sa harap Niya at nanalangin na handa akong maging mapagbigay sa mga intensyon Niya at masiglang makikiisa sa Kanya. Kapag nahaharap sa pag-uusig ng pamahalaan ng CCP at ang pangungutya ng mga hindi mananampalataya, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos malalaman natin ang kahulugan ng nararanasang pag-uusig at pasakit at pagdurusa kay Kristo. At sa pananalangin, lalaki ang ating paniniwala at pagmamahal para sa Diyos, at magkakaron tayo ng resolusyon na labanan ang madilim na impluwensya ni Satanas at nakahandang isakripisyo ang lahat para maging saksi para malugod ang Diyos. Lahat ng mga kapatid na tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay may kakayahang matuto mula sa karanasan na tanging pagbabasa lang ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pananalangin sa Diyos sa Kanyang kasalukuyang mga salita makakagawa tayo ng isang koneksyon sa Kanya, makakamit ang patnubay ng Banal na Espiritu pati na ang Kanyang kaliwanagan at pagpapalinaw, pagyamanin at magpakabusog sa ating mga puso. Tumpak ito dahil malalaman natin ang Kanyang kalooban dahil sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kung nananalangin tayo sa Diyos ayon sa Kanyang kalooban, mas napaliliwanagan tayo, mas lalo nating makikilala ang Diyos at ang Kanyang gawain, at mas marami tayong paraan na isagawa. Sa ganitong paraan, unti-unti tayong lumalakad sa landas ng buhay na binabago ang ating disposisyon at maligtas.

Ngayon, ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay kumakalat sa bawat bansa at lugar na kasing bilis ng kidlat. Parami nang parami ang mga kapatid na tunay na naniniwala sa Diyos at mahal ang katotohanan ang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nasisiyahan tayo sa mga salita na kasalukuyang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos, mayroon tayong kaliwanagan ng Diyos at pagpapalinaw at epektibo ang ating mga panalangin. Sa pamamagitan ng ating panalangin, pananampalataya, pagmamahal, at ang pagsunod sa Diyos patuloy na lumalaki, at magkakaron tayo ng higit pang kaalaman sa Diyos. Ngayon, nakahanda na tayong lahat na makipagtulungan sa Diyos na may iisang puso, at isipan, maghanap ng katotohanan, maghanap para kaluguran Niya, at isakatuparan sa lupa ang Kanyang kalooban.