19.4.19

Salita ng Diyos-Mga talata sa Biblia tungkol sa Pagsisisi

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.” (Mateo 4:17). Ang pagkumpisal at pagsisisi sa Panginoon ang landas na dapat gawin ng mga mananampalataya sa Panginoon kung gusto nating pumasok sa kaharian ng langit at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kung gayon, paano natin dapat ipagtapat at magsisi sa Panginoon upang papurihan Siya? Basahin ang sumusunod na mga talata sa Biblia tungkol sa pagsisisi at makikita mo ang paraan ng pagsisisi.


Mateo 4:17
Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.

Mateo 3:8
Kayo nga’y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi.

Lucas 5:32
Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.

Lucas 13:3
Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa’t, malibang kayo’y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.

Inirerekomenda para sa iyo:
Nakita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive
Lucas 15:7
Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu’t siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.

Lucas 15:10
Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.

Mga Gawa 2:38
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Mga Gawa 3:19
Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon.

Mga Gawa 17:30
Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa’t ngayo’y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako.

2 Timoteo 2:25
Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila’y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan.

2 Pedro 3:9
Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.

Pahayag 2:5
Kaya’t alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.

Pahayag 2:16
Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.

Pahayag 2:22
Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila’y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.

Pahayag 3:3
Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.

Pahayag 3:19
Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga’y magsikap, at magsisi.