26.4.19

Ang Napapaloob na Kuwento ng Biblia-Alam Mo ba ang Misteryo sa Likod ng Pangalan ng Diyos?

Ang pangalan ng Diyos ay Jehovah, gaya ng nakatala sa Lumang Tipan, “Ako, sa makatuwid baga’y ako, Jehova; at liban sa akin ay walang tagapagligtas” (Isaias 43:11). “Ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15). Gayunman, nakatala sa Bagong Tipan, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). Mula sa mga bersikulo na ito, makikita na parehong mga pangalan ng Diyos ang Jehovah at Jesus. Tinawag na Jehovah ang Diyos sa Lumang Tipan, ngunit tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Ano ang kahulugan ng Kanyang mga pangalan? Talakayin natin ang aspetong ito ng katotohanan nang magkakasama.


Minsan kong nabasa ang isang sipi sa isang aklat, na nagbigay sa akin ng kaunawaan tungkol sa kahulugan ng pangalang Jehovah. Sinasabi ng sipi, “‘Jehova’ ang pangalan na Aking ginamit sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugang ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gumabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na may-angking dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. … Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng piniling bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng mga tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang panahon, lahat ng mga Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. … Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subalit may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamimitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”).

Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos ang pangalang Jehovah base sa Kanyang gawain ng pagpapahayag ng mga batas at sa disposisyon na ipinahayag Niya. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na may pangalang Jehovah. Pinahayag niya ang mga batas at kautusan sa pamamagitan ni Moises at opisyal na pinangunahan ang buhay ng pagbubuhat ng sangkatauhan sa mundo. Hiningi niya sa mga tao na mahigpit na sumunod sa mga batas at matutong sumamba sa Kanya, at parangalan Siya bilang dakila. Ang mga pagpapala at biyaya ay susunod sa sinuman na nagtaguyod ng batas; sinuman na lumabag sa batas ay babatuhin hanggang sa mamatay o susunugin sa pamamagitan ng apoy sa langit. Ang pangalang Jehovah ay kumakatawan sa ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan sa panahon na iyon: Ang disposisyon ng kamahalan, galit, sumpa at awa. Ito ang dahilan kaya pinagtibay at ginawa iyon ng mga Israelita na nanirahan sa ilalim ng kautusan ni Jehovah bilang banal. Lahat sila ay sinamba ang Diyos na Jehovah, nanalangin sa Kanya, pinuri Siya, at naghandog ng mga sakripisyo sa Kanya sa altar. Nanirahan sila sa ilalim ng paggabay ni Jehovah sa loob ng ilang libong taon, hanggang sa natapos ang Kapanahunan ng Kautusan.

Kung ganoon ay bakit naging Jesus ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya? Anong ibig sabihin ng pangalan na Jesus? Tungkol sa mga tanong na ito, malinaw na sinasabi sa sipi sa aklat na, “Ang ‘Jesus’ ay Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang alay para sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at nakakatawan lamang ang isang bahagi ng plano ng pamamahala. … Tanging si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan. Siya ang alay para sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Na ang ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya, at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at tumutukoy sa Kapanahunan ng Biyaya” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”).

At sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil lalong nagiging masama at makasalanan ang sangkatauhan, imposible para sa kanila na patuloy na pagtibayin ang kautusan. Bilang resulta, sila ay patuloy na nanganib na parusahan dahil sa paglabag sa batas. Samakatuwid, upang iligtas ang sangkatauhan, ang Diyos ay personal na nagkatawang-tao sa lupa upang gawin ang gawain ng pagtubos. Inumpisahan niya ang Kapanahunan ng Biyaya gamit ang pangalang Jesus at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, nagdadala sa sangkatauhan ng mayaman at saganang biyaya, nagpapahayag ng disposisyon ng awa at pag-ibig, at pagtubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Ang ibig sabihin ng pangalang Jesus ay: puno ng pag-ibig, puno ng awa, at handog na kasalanan na kayang tubusin ang sangkatauhan. Kaya, sa Kapanahunan ng Biyaya, hangga’t nagdadasal, nangungumpisal at nagsisisi tayo sa ngalan ng Panginoon, kung ganoon ay mapapagaling ang ating mga sakit at mapapatawad ang ating mga kasalanan, at matapos nating tanggapin ang pangalan ng Panginoong Jesus, mararamdaman natin ang presensiya ng Panginoon, makakaramdam ng kapayapaan at kaligayahan sa ating mga espiritu, at tatamasahin ang masaganang pagpapala at biyaya ng Diyos. Ang pangalang Jesus ay para lamang sa Kapanahunan ng Biyaya. Kumakatawan ito sa gawain ng Diyos at sa disposisyon na ipinahayag Niya sa Kapanahunan ng Biyaya.

Tanging sa pamamagitan lamang ng pagbabalik-tanaw sa dalawang naunang yugto ng gawain ng Diyos natin mapagtatanto na ang Diyos ay gumagawa ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang kapanahunan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at na ang pangalang ginagamit Niya sa bawa’t kapanahunan ay mayroong sariling kinikilalang kinatawan—parehong kinakatawan ang Kanyang gawain at ang disposisyon na inihahayag Niya habang nasa kapanahunang iyon. Inuumpisahan ng Diyos ang bagong kapanahunan at pinapalitan ang kapanahunan sa pamamagitan ng Kanyang pangalan. Ibig sabihin, sa tuwing magbabago ang kapanahunan at kapag nagbago ang Kanyang gawain, babaguhin ng Diyos ang Kanyang pangalan. Iyon ang dahilan kung bakit ang pangalan ng Diyos ay nagbago sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa puntong ito, maaaring tanungin ito ng ilang kapatid: “Dahil nagbago ang pangalan ng Diyos, bakit sinasabi sa Biblia na ‘Ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi’?”

May ilang mga salita sa aklat na malinaw na ibinibigay sa atin ang sagot sa tanong na ito: “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago.” “Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang sangkap at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan Siya’y nagsasagawa ng mga bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng bawat nilalang ang bago Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”).

Ang mga salitang ito ay hinahayaan tayong malaman na ang mga salitang “magpakailan man” at “sa lahat ng mga lahi” sa Biblia ay tinutukoy ang disposisyon at diwa ng Diyos, at hindi tinutukoy ang pangalan ng Diyos. Lumutang ang mga pangalan ng Diyos dahil sa Kanyang plano ng pamamahala sa pagliligtas sa sangkatauhan: ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan gamit ang pangalang Jehovah, at inumpisahan Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya gamit ang pangalang Jesus. Ngunit kahit paano pa nagbabago ang kapanahunan at paano nagbabago ang pangalan ng Diyos, ang diwa ng Diyos ay hindi kailanman magbabago, at ang Diyos ay laging Diyos, na hindi maipagkakaila. Noong panahong nagkatawang-tao muli ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ang mga Fariseo ay nagmatigas na kumapit sa mga salitang, “Tanging si Jehovah ang Diyos; bukod kay Jehovah ay walang Tagapagligtas,” dahil hindi nila nakilala na si Jesus ang matagal na nilang hinihintay na Mesiyas. Hindi nila sinaliksik ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ngunit, sa kabaligtaran, galit na galit nilang nilabanan at hinatulan Siya, at nakipagsabwatan pa sa gobyero ng Romano upang ipako Siya, gumagawa ng napakalaking kasalanan. Bilang resulta, tinanggap nila ang sumpa ng Diyos, nagdadala ng 2000 taong pagsupil sa buong Israel. Nararapat talagang pag-isipan ng husto ang kanilang kabiguan! Sinasabi sa Biblia, “Hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka’t ang titik ay pumapatay, datapuwa’t ang espiritu ay nagbibigay ng buhay” (2 Corinto 3:6). Kaya kung hindi natin magagawang intindihin ng tama ang mga Kasulatan, ngunit naiintindihan lamang ang kanilang literal na kahulugan, kung ang mga naniniwala kay Jehovah ay pinagtitibay ang pangalang Jehovah habambuhay, at ang mga naniniwala sa Panginoong Jesus ay pinagtitibay ang pangalang Jesus habambuhay, at kung hindi natin maintindihan ang kahulugan ng paggamit ng Diyos ng Kanyang pangalan upang baguhin ang kapanahunan, magagawa natin ang pagkakamaling katulad ng sa mga Fariseo—ikinukulong ang ating mga sarili sa lumang gawain ng Diyos, bulag na hinahatulan ang bagong gawain ng Diyos, at dahilan upang hindi makita ang bagong gawain ng Diyos at maiiwang pagsisisi lamang ang mayroon.

Ngayon ay ang mga huling araw at ang pinakamahalagang oras para sa pagtanggap sa pagdating ng Panginoon. Ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya na Siya ay darating muli, kung ganoon ay tatawagin pa rin kayang Jesus ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik? Hinuhulaan sa Aklat ng Pahayag na, “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). Malinaw na isinasaad ng taludtod na ito na magkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos. Ang isang bagong pangalan ay siguradong hindi pa nagamit noon, kaya iyon tinawag na bagong pangalan. Kaya babaguhin ba ng Diyos ang kanyang pangalan kapag nagbalik Siya, at hindi na Niya gagamitin ang Jesus? Sinasabi ng Pahayag 1:8, “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.” At sinasabi ng Pahayag 11:16-17, “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.” Maliban sa mga taludtod na ito, sa Pahayag, maraming iba pang mga taludtod ang nagbanggit ng pangalang “ang Makapangyarihan.” Ayon sa mga propesiyang ito, malaki ang posibilidad na tatawaging ang Makapangyarihan ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik. Kapag nagbago muli ang pangalan ng Diyos, sa paanong paraan natin lalapitan ang bagong pangalan ng Diyos at paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon?