18.4.19

Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo-Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Hangin


Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo-Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan—Hangin



Una, nilikha ng Diyos ang hangin upang makahinga ang tao. Ang “hangin” bang ito ay hindi ang hangin ng pang-araw-araw na buhay na palaging nararamdaman ng tao? Ang hanging bang ito ay hindi ang bagay kung saan ang mga tao ay dumedepende sa bawat saglit, kahit na sila ay tulog? Panghabang-panahon na mahalaga para sa sangkatauhan ang hangin na nilikha ng Diyos: Ito ang mahalagang sangkap ng kanilang bawat hininga at ng buhay mismo. Ang sangkap na ito, na siyang kaya lamang maramdaman at hindi makita, ay ang unang kaloob ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Matapos likhain ang hangin, umalis lang ba basta ang Diyos? Mayroong mga aspeto nito na hindi mailarawan sa isip ng tao. Pagkakalikha ng hangin, ang eksaktong densidad at dami ng hangin ay kinailangang maging tiyak na angkop sa sangkatauhan para sa kanilang pamumuhay. Tungkol sa densidad, mayroon munang bagay tungkol sa nilalaman ng oksigeno. Ito ay isang tanong para sa pisika. Ano ang iniisip ng Diyos noong nilikha Niya ang hangin? Bakit nilikha ng Diyos ang hangin, at ano ang Kanyang paliwanag? Kailangan ng tao ang hangin, at kailangan nilang huminga. Una sa lahat, dapat magkabagay ang densidad ng hangin sa baga ng tao. Alam ba ng sinuman ang densidad ng hangin? Hindi ito isang bagay na kailangan malaman ng tao; walang pangangailangan upang ito ay malaman. Ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang ideya ay mainam lamang—hindi natin kailangan ng isang eksaktong numero ukol sa densidad ng hangin. Una, nilikha ng Diyos ang hangin nang may densidad na magiging angkop para sa mga baga ng tao upang huminga—ito ay naangkop sa paghinga ng tao. Iyon ay, kapag nilanghap, ang hangin ay nasa isang densidad na hindi nakapipinsala sa katawan. Ito ang ideya sa likod ng densidad ng hangin. Una sa lahat, ang mga nilalaman ng hangin ay hindi nakakalason sa mga tao at sa gayon ay hindi makapipinsala sa mga baga at sa katawan. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos ang lahat ng ito. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos na ang hangin na nilalanghap ng mga tao ay dapat dumaloy papasok at palabas nang maayos, at, matapos malanghap, ang nilalaman at dami ng hangin ay dapat na ang dugo at ang dumi sa hangin ay maayos na maproseso sa paraang maaaring magamit ng baga at katawan ng tao, at gayundin ang hangin ay hindi dapat magtaglay ng nakalalasong mga sangkap. Tungkol sa dalawang pamantayang ito, hindi ko nais na tustusan kayo ng isang kumpol ng kaalaman, ngunit sa halip ay hayaan lang kayong malaman na nagkaroon ang Diyos ng isang tiyak na kaisipan noong nilikha Niya ang bawat isang bagay—ang pinakamahusay. Kung tungkol sa dami ng alikabok sa hangin, ang dami ng alikabok, buhangin at dumi sa mundo, at ang alikabok na bumababa mula sa himpapawid, mayroon ding plano ang Diyos para sa mga bagay na ito—isang paraan ng paglilinis o pagreresolba ng mga bagay na ito. Habang mayroong kaunting alikabok, ginawa ito ng Diyos upang ang alikabok ay hindi makapinsala sa katawan at paghinga ng tao, at ang mga bahagi ng alikabok ay magiging isang sukat na hindi nakapipinsala sa katawan. Hindi ba misteryoso ang paglikha ng Diyos sa hangin? (Oo.) Kasing-simple lang ba ito ng pag-ihip ng hangin mula sa Kanyang bibig? (Hindi.) Kahit sa Kanyang paglikha ng mga pinakasimpleng bagay, ang misteryo ng Diyos, ang Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga saloobin, at Kanyang karunungan, lahat ay maliwanag. Makatotohanan ba ang Diyos? (Oo.) Ibig sabihin, kahit sa paglikha ng isang bagay na simple, iniisip ng Diyos ang sangkatauhan. Una, malinis ang hangin na nilalanghap ng mga tao, ang mga nilalaman nito ay nababagay sa paghinga ng tao, sila ay hindi nakakalason at hindi nagdudulot ng pinsala sa mga tao, at ang densidad ay ginawa akma para sa paghinga ng tao. Ang hangin na ito na nilalanghap at hinihinga palabas ng tao ay kailangan para sa kanilang katawan at, para sa kanilang laman. Kaya maaaring langhapin ito nang malaya ng mga tao, nang walang pagpilit o pag-aalala. Maaari silang huminga nang normal. Ang hangin ang nilikha ng Diyos noong simula at ang kailangang-kailangan para sa paghinga ng tao.