28.7.19

Salita ng Diyos | Ang mga Karne, Pinagmumulan ng Tubig at mga Halamang Gamot na Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan

Ang mga butil, mga prutas at gulay, at ang lahat ng klase ng mga mani ay lahat mga pagkaing walang karne. Kahit na ang mga ito ay mga pagkaing walang karne, mayroon silang sapat na mga sustansiya upang punan ang mga pangangailangan ng katawan ng tao. Gayunpaman, hindi sinabi ng Diyos na: “Ang pagbibigay ng mga ito sa sangkatauhan ay sapat na. Maaaring kainin na lamang ng sangkatauhan ang mga ito.” Hindi tumigil ang Diyos doon at bagkus ay naghanda ng mga bagay na mas masarap pa ang lasa para sa sangkatauhan. Ano ang mga bagay na ito?Ito ang iba’t ibang uri ng karne at isda na nais ninyong makita sa inyong mga hapag kainan at kainin araw-araw. Mayroong maraming uri ng karne at isda. Ang lahat ng isda ay nabubuhay sa tubig; ang pagkakahabi ng kanilang karne ay kaiba kaysa sa karne na pinatubo sa ibabaw ng lupa at maaari silang magbigay ng iba’t ibang mga sustansya sa sangkatauhan. Ang mga katangian ng isda ay maaari ring magsaayos ng lamig at init sa katawan ng tao, kaya ang mga ito ay lubos na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. Ngunit kung ano ang masarap ay hindi maaaring abusuhin. Ito ay pareho pa ring kasabihang: Nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan ng tamang dami sa tamang oras, upang maaaring mamuhay nang normal at maayos na matamasa ang mga bagay na ito ayon sa panahon at oras. Ano ang kasama sa mga manok? Ang manok, pugo, kalapati, atbp. Maraming tao rin ang kumakain ng itik at gansa. Kahit na nagsagawa ang Diyos ng mga paghahanda, para sa mga napiling tao ng Diyos, nagkaroon pa rin ang Diyos ng mga pangangailangan at nagtakda ng partikular na saklaw sa Kapanahunan ng Kautusan. Ngayon ang saklaw na ito ay ayon sa indibidwal na panlasa at personal na pagkakaunawa. Ang iba’t ibang uri ng mga karneng ito ay nagbibigay sa katawan ng tao ng iba’t ibang sustansya, na kayang punuing muli ang protina at iron, pinagyayaman ang dugo, pinapalakas ang mga kalamnan at mga buto, at nagbibigay ng mas maraming enerhiya. Kahit anong paraan ang gamit ng tao upang lutuin at kainin ang mga ito, sa madaling salita, ang mga bagay na ito ay maaaring sa kabilang banda ay tulungan ang mga taong mapagbuti pa ang mga lasa at mga gana, at sa kabilang banda ay punan ang kanilang mga sikmura. Ang pinakamahalagang bagay ay kaya nilang bigyan ang katawan ng tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangang nutrisyonal. Ang mga ito ay konsiderasyon na mayroon ang Diyos noong inihanda Niya ang pagkain para sa sangkatauhan. Mayroong mga pagkaing walang karne pati na rin mga karne—hindi ba ito mayaman at marami? (Oo.) Ngunit kailangang maunawaan ng mga tao kung ano ang mga orihinal na pakay ng Diyos noong Kanyang inihanda ang lahat ng mga pagkain ng sangkatauhan. Ito ba ay upang hayaan ang sangkatauhan na tamasahin nang buong kasakiman ang mga materyal na mga pagkaing ito? Ano kaya kung naging nagpakasawa ang mga tao sa kasiyahan ng kanilang mga materyal na pagnanais? Hindi ba sila magiging masyadong malusog? Hindi pa ang paggiging labis na malusog ay magdadala ng lahat ng uri ng mga karamdaman sa katawan ng tao? Tiyak na hindi magandang pagtaksilan ang mga kautusan ng kalikasan na nilikha ng Diyos, kung kaya naglalaan ang Diyos ng tamang dami sa tamang oras at hinahayaang tamasahin ng mga tao ang iba’t ibang mga pagkain ayon sa iba’t ibang mga oras at panahon. Iyon ang pinakamabuting paraan. Halimbawa, matapos tumira sa napakainit na tag-init, makakakolekta ang mga tao ng kaunting init, likas na pagkatuyo at pamamasa sa kanilang mga katawan. Kapag dumating ang taglagas, maraming mga prutas ang mahihinog, at kapag kumain ang mga tao ng ilang mga prutas, ang kanilang pagka-umido ay mawawala. Sa parehong panahon, ang mga baka at tupa ay lalaki nang malusog, kaya dapat kumain ang mga tao ng kaunting karne bilang nutrisyon. Matapos kumain ng iba’t ibang uri ng karne, ang mga katawan ng tao ay magkakaroon ng enerhiya at ang init ay tutulungan silang makayanan ang lamig ng taglamig, at bilang isang resulta, makakayanan nilang malampasan ang taglamig nang mapayapa. Ang oras sa paghahanda ng anumang bagay para sa sangkatauhan, at ang oras ng pagpapahintulot sa anumang bagay para tumubo, mamunga, at mahinog—ang lahat ng ito ay kinokontrol ng Diyos at isinaayos na ng Diyos noon pa, at lubos na sinukat. Ito ay dahil sa ang sangkatauhan ay hindi naiintindihan ang kagustuhan ng Diyos. Ito ang paksa tungkol sa “paano naghanda ang Diyos ng pagkain na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.”

Salita ng Diyos | Ang mga Karne, Pinagmumulan ng Tubig at mga Halamang Gamot na Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan
Bukod sa lahat ng uri ng mga pagkain, nagbibigay din ang Diyos sa sangkatauhan ng mga pinagmumulan ng tubig. Kailangang uminom ng tubig ng tao matapos kumain. Ang pagkain ba ng prutas ay sapat? Hindi kakayanin ng tao na kumain lamang ng prutas, at bukod pa rito, walang prutas sa ibang mga panahon. Kung gayon, paano maaaring masolusyunan ang problema ng sangkatauhan sa tubig? Sa pamamagitan ng paghahanda ng Diyos ng maraming pinagmumulan ng tubig sa ibabaw ng lupa at sa ilalim nito, kasama na ang mga lawa, mga ilog, at mga bukal. Ang mga pinanggagalingan ng tubig na ito ay maaaring inuman sa mga kalagayang walang anumang kontaminasyon, o pagpoproseso ng tao o pinsala. Kaugnay ng mga pinagmumulan ng pagkain para sa buhay ng mga pisikal na katawan ng sangkatauhan, gumawa ang Diyos ng napakatiyak, napakaeksakto, at napaka-angkop na mga paghahanda, upang ang mga buhay ng tao ay maging mayaman at masagana at hindi kapos sa kahit ano. Ito ay isang bagay na maaaring maramdaman at makita ng tao. Dagdag pa rito, sa lahat ng mga bagay, maging ito ay mga hayop, mga halaman, o lahat ng klase ng damo, lumikha rin ang Diyos ng ilang mga halaman na kailangan upang solusyunan ang mga pinsala at sakit ng katawan ng tao. Ano ang iyong gagawin, halimbawa, kung ikaw ay napaso? Maaari mo bang hugasan ito ng tubig? Maaari ka bang makahanap lamang ng isang pirasong tela kahit saan at balutin ito? Maaari nitong mapuno ng nana o maimpeksiyon sa ganoong paraan. Ano ang iyong gagawin, halimbawa, kapag ikaw ay napaso nang hindi sinasadya ng apoy o ng mainit na tubig? Maaari mo bang buhusan ito ng tubig? Halimbawa, kung magkaroon ka ng lagnat, mahawa ng sipon, masaktan sa pinsalang mula sa pisikal na gawain, isang sakit sa tiyan mula sa pagkain ng hindi tamang pagkain, o pag-usbong ng ilang mga karamdaman buhat ng mga kaugalian ng pamumuhay o mga emosyonal na mga isyu, gaya ng mga karamdaman sa ugat, mga kondisyon sa pag-iisip, o mga sakit ng mga lamang-loob—mayroong mga kaukulang halaman upang gamutin ang mga ito. Mayroong mga halaman na nagpapabuti ng daloy ng dugo upang tanggalin ang pagwawalang-kilos, tanggalin ang sakit, pigilin ang pagdudugo, magbigay ng pampamanhid, tulungan ang tao na makabawi ng normal nilang balat, alisin ang pagbara ng dugo sa katawan, at alisin ang mga lason mula sa katawan. Sa madaling salita, ang lahat ng mga ito ay maaaring gamitin sa pang-araw-araw na buhay. May gamit sila sa mga tao at inihanda ang mga ito ng Diyos para sa katawan ng tao sakaling kailanganin. Ang ilan sa mga ito ay pinahintulutan ng Diyos na hindi sinasadyang madiskubre ng tao, habang ang iba ay nadiskubre mula sa ilang espesyal na mga kababalaghan o sa pamamagitan ng ilang tao na inihanda ng Diyos. Kasunod ng kanilang pagkakadiskubre, ipapasa ito ng sangkatauhan, at sa gayon ay maraming mga tao ang makakaalam tungkol sa mga ito. Sa ganitong paraan, ang paglikha ng Diyos sa mga halamang ito ay may halaga at kahulugan. Samakatuwid, lahat ng mga bagay na ito ay mula sa Diyos at inihanda at itinanim noong lumikha Siya ng isang kapaligirang tinitirahan ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay lubos na kailangan. Hindi ba nito ipinapakita na noong nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng mga bagay, ang Kanyang mga konsiderasyon ay mas pinag-isipan nang mabuti kaysa inisip ng sangkatauhan? Kapag iyong nakikita ang lahat ng ginawa ng Diyos, nararamdaman mo ba ang katotohanan ng Diyos? Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito. Ang lahat ng ginawa Niya ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng kaligtasan ng kanilang buhay, at para sa konsiderasyon ng pag-iral ng sangkatauhan, upang maaaring mamuhay ang sangkatauhan sa mayaman at saganang materyal na mundong nilikha ng Diyos para sa kanila, at upang maaari silang mamuhay nang masaya, nang hindi kailangang mag-alala tungkol sa pagkain o mga damit, at hindi magkulang sa kahit ano. Nagpapatuloy ang sangkatauhan na magparami at mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran, ngunit hindi marami ang kayang maintindihan na nilikha ng Diyos ang lahat para sa sangkatauhan. Sa halip, pinalabas ni Satanas na ito ay nilikha ng kalikasan.

mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:mga nilikha ng Diyos