21.3.19

Mga Aklat ng Ebanghelyo-Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan


Mga Aklat ng Ebanghelyo-Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan



Sabi ng mga Kasulatan, “At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:20-21). Malinaw na sinasabi ng Kasulatan na, sa araw na ito, ginawa ng Diyos ang mga nilalang sa mga katubigan, at ang mga ibon ng himpapawid, ibig sabihin ay Kanyang ginawa ang iba’t-ibang isda at ibon, at inuri ang mga ito ayon sa klase. Sa ganitong paraan, pinasagana ng paglikha ng Diyos ang lupa, kalangitan, at mga katubigan…Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan…

Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, isang sariwang bagong buhay, na ang bawat isa ay may iba’t-ibang anyo, ang agad na nabuhay habang binibigkas ang mga salita ng Maylalang. Dumating sila sa mundong ito na nakikipaggitgitan sa posisyon, nagtatalunan, nagkakatuwaan sa galak…. Lumangoy sa mga katubigan ang mga isda na may iba’t-ibang hugis at sukat, lumabas sa mga buhangin ang iba’t-ibang klase ng kabibe, ang may kaliskis, may talukab, at walang gulugod na mga nilalang ay nagmamadaling lumaki sa mga iba’t-ibang anyo, kahit pa malaki o maliit, mahaba o maikli. Gayun din nagsimulang lumaki nang mabilis ang mga iba’t-ibang klase ng halamang-dagat, sumasabay sa galaw ng iba’t-ibang mga nabubuhay sa tubig, umaalun-alon, hinihimok ang mga kalmadong katubigan, na para bang sinasabi sa kanila: Galawin mo ang paa mo! Isama mo ang mga kaibigan mo! Dahil kailanman hindi ka na mag-iisa! Simula sa sandali na ang mga iba’t-ibang buhay na nilalang na ginawa ng Diyos ay nagpakita sa katubigan, nagbigay sigla sa mga katubigan na naging tahimik nang matagal ang bawat sariwang bagong buhay, at sinalubong ang isang bagong panahon…. Simula sa puntong iyon, kumiling sila sa bawat isa, at sinamahan ang bawat isa, at namuhay nang walang pagkakaiba sa bawat isa. Nabuhay ang katubigan para sa mga nilalang na nasa loob nito, pinapalusog ang bawat buhay na naninirahan sa loob ng sinasaklawan nito, at ang bawat buhay ay nabuhay alang-alang sa katubigan dahil sa pagpapakain nito. Isinalalay ang buhay sa bawat isa, at sa parehong oras, ang bawat isa, sa parehong paraan, ay naging testamento sa kahimalaan at kadakilaan ng paglikha ng Maylalang, at sa di-mapantayang kapangyarihan ng awtoridad ng Maylalang…

Dahil hindi na tahimik ang karagatan, gayun din nagsimulang punuin ng buhay ang mga kalangitan. Isa-isa, ang mga ibon, malaki at maliit, ay lumipad sa kalangitan mula sa lupa. Di tulad ng mga nilalang sa karagatan, may mga pakpak sila at balahibo na bumabalot sa kanilang mga payat at kaaya-ayang mga anyo. Ipinapayagpag nila ang kanilang mga pakpak, ipinagmamalaki at mayabang na ipinakikita ang kanilang kaaya-ayang balahibo at ang kanilang espesyal na mga tungkulin at kakayahanh ibinigay sa kanila ng Maylalang. Malaya silang lumipad, at mahusay na pabalik-balik sa pagitan ng langit at lupa, patawid sa mga damuhan at mga kagubatan…. Sila ang mga ginigiliw ng hangin, sila ang ginigiliw ng lahat ng mga bagay. Sila ang magiging ugnayan sa pagitan ng langit at lupa, at magdadala ng mga mensahe sa lahat ng mga bagay…. Kumakanta sila, masaya silang mabilis na lumilipad, nagbibigay sila ng saya, halakhak, at kasiglahan sa minsang walang buhay na mundo…. Gamit nila ang kanilang malinaw, mahimig na pagkanta, gamit ang mga salita sa kanilang mga puso upang purihin ang Maylalang para sa buhay na ibinigay sa kanila. Masaya silang sumayaw para ipakita ang pagkaperpekto at kahimalaan ng paglikha ng Maylalang, at igugugol ang kanilang buong buhay sa pagbibigay katibayan sa awtoridad ng Maylalang sa pamamagitan ng espesyal na buhay na Kanyang ibinigay sa kanila…


Kahit pa sila’y nasa tubig, o sa mga kalangitan, sa pamamagitan ng utos ng Maylalang, ang dami ng mga buhay na nilalang ay umiral sa iba’t-ibang kalagayan ng buhay, at sa utos ng Maylalang, nagsama-sama sila ayon sa kanya-kanyang uri—at ang batas na ito, ang patakarang ito, ay di maaaring baguhin ng anumang mga nilalang. Di kailanman sila nangahas na lumampas sa mga hangganang itinakda sa kanila ng Maylalang, ni hindi nila nagawa ito. Tulad ng iniatas ng Maylalang, nabuhay sila at nagpakarami, at mahigpit na sumunod sa kurso ng buhay at mga batas na itinakda sa kanila ng Maylalang, at sadya silang sumunod sa Kanyang mga di-binigkas na mga utos at sa mga kautusan at tuntunin ng kalangitan na Kanyang ibinigay sa kanila, hanggang sa ngayon. Nakikipag-usap sila sa Maylalang sa kanilang sariling espesyal na paraan, at kinilala ang kahulugan ng Maylalang, at sumunod sa Kanyang mga utos. Wala kailanman ang lumabag sa awtoridad ng Maylalang, at ang Kanyang kapangyarihan at utos sa kanila ay ipinatupad sa loob ng Kanyang mga kaisipan; walang mga salitang binigkas, ngunit ang awtoridad na natatangi sa Maylalang ang kumontrol nang tahimik sa lahat ng mga bagay nang di gumamit ng wika, at kung saan ay kaiba sa sangkatauhan. Ang pagpapatupad ng Kanyang awtoridad sa espesyal na paraang ito ay humimok sa tao na magkaroon ng bagong kaalaman, at makagawa ng bagong pakahulugan, sa natatanging awtoridad ng Maylalang. Dito, kailangan kong sabihin sa inyo na sa bagong araw na ito, ipinakita muli ng pagpapatupad ng awtoridad ng Maylalang ang pagiging bukod-tangi ng Maylalang.

Susunod, tingnan natin ang huling pangungusap sa talatang ito ng kasulatan: “nakita ng Dios na mabuti.” Ano sa tingin ninyo ang ibig nitong sabihin? Ang mga damdamin ng Diyos ay nakapaloob sa mga salitang ito. Pinanood ng Diyos na mabuhay ang lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha at itinatag dahil sa Kanyang mga salita, at dahan-dahang nagbabago. Sa oras na ito, nasiyahan ba ang Diyos sa iba’t-ibang mga bagay na Kanyang ginawa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at ang iba’t-ibang gawa na Kanyang nakamtan? Ang sagot ay “nakita ng Dios na mabuti.” Ano ang nakikita ninyo rito? Ano ang isinasagisag ng “nakita ng Dios na mabuti”? Ano ang isinisimbolo nito? Ibig sabihin nito, may kapangyarihan at karunungan ang Diyos para isagawa ang Kanyang binalak at inatas, para tuparin ang mga layuning Kanyang inilatag. Nang nakumpleto ng Diyos ang bawat gawain, nagsisi ba Siya? Ang sagot ay “nakita ng Dios na mabuti.” Sa madaling salita, hindi lang sa hindi Siya nagsisi, ngunit sa halip ay nasiyahan. Ano ba ang ibig sabihin ng wala Siyang pagsisisi? Ang ibig sabihini nito ay perpekto ang plano ng Diyos, na perpekto ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, at sa pamamagitan lamang ng Kanyang awtoridad na ang naturang pagkaperpekto ay maaaring mapatupad. Kapag may ginagawa ang tao, kaya ba niya, tulad ng Diyos, na makita na ito’y maganda? Kaya bang gawin ng tao ang lahat ng bagay nang mayroong pagka-perpekto? Kaya bang kumpletuhin ng tao ang isang bagay minsan at nang hanggang magpakailanman? Tulad ng sinasabi ng tao, “walang perpekto, mas gumanda lang,” walang bagay na ginawa ng tao ang maaaring maging perpekto. Nang nakita ng Diyos na maganda ang lahat na Kanyang ginawa at nakamtan, itinakda ng salita Niya ang lahat ng ginawa ng Diyos, kung saan maaaring sabihin na, noong “nakita ng Dios na mabuti,” ang lahat na Kanyang ginawa ay naging permanente na ang anyo, inuri ayon sa klase, at binigyan ng permanenteng posisyon, layunin, at tungkulin, minsan at nang hanggang magpakailanman. Bukod dito, ang kanilang papel sa lahat ng mga bagay, at ang landas na dapat nilang tahakin sa panahon ng pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay, ay itinalaga na ng Diyos, at di mababago. Ito ang batas ng kalangitan na ibinigay ng Maylalang sa lahat ng mga bagay.

“Nakita ng Dios na mabuti,” itong simple, di masyadong pinahahalagahang mga salita, na kadalasang binabalewala, ay ang mga salita ng batas ng kalangitan at alituntunin ng kalangitang ibinigay sa lahat ng mga nilalang ng Diyos. Isa na naman itong sagisag ng awtoridad ng Maylalang, na mas praktikal, at mas malalim. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, hindi lamang nakuha ng Maylalang kung ano ang itinakda Niya para makuha, at makamtan ang lahat ng itinakda Niyang makamtan, ngunit kaya ring kontrolin sa Kanyang mga kamay ang lahat ng Kanyang nilikha, at pagharian ang lahat ng mga bagay na Kanyang ginawa sa ilalim ng Kanyang awtoridad, at, dagdag pa rito, sistematiko at karaniwan ang lahat. Nabuhay at namatay rin ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita at, bukod diyan, nabuhay sila sa gitna ng batas na Kanyang itinakda sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, at walang di saklaw! Nagsimula agad ang batas na ito nang “nakita ng Dios na mabuti,” at ito’y iiral, magpapatuloy, at gagana para sa ikabubuti ng plano sa pamamahala ng Diyos hanggang sa araw na ipawalang bisa ito ng Maylalang! Hindi lang ipinakita ang natatanging awtoridad ng Maylalang sa Kanyang kakayahang lumikha ng lahat ng mga bagay at utusan ang lahat ng mga bagay na mabuhay, ngunit sa kakayahan din Niya na pamahalaan at magpanatili ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay, at magkaloob ng buhay at kasiglahan sa lahat ng mga bagay, at, bukod pa rito, ang Kanyang kakayahang magdulot, minsan at hanggang magpakailanman, sa lahat ng mga bagay na gagawin Niya sa Kanyang plano para lumitaw at mabuhay sa mundong gawa Niya sa perpektong hugis, at perpektong istruktura ng buhay, at isang perpektong tungkulin. Gayun din naipakita ito sa paraan kung saan ang mga kaisipan ng Maylalang ay hindi sumasailalim sa anumang mga limitasyon, na di-limitado ng oras, puwang, o heograpiya. Tulad ng Kanyang awtoridad, ang natatanging pagkakakilanlan ng Maylalang ay walang hanggang di magbabago. Ang Kanyang awtoridad ay laging huwaran at sagisag ng Kanyang natatanging pagkakakilanlan, at magpakailanman na mananatili ang Kanyang awtoridad kasabay ng Kanyang pagkakakilanlan!