19.3.19

Mga Diskarte ng Lugar ng Trabaho: Ang Mahimalang Taktika ng Pagpapanatili sa Ating Trabaho

Mga Diskarte ng Lugar ng Trabaho: Ang Mahimalang Taktika ng Pagpapanatili sa Ating Trabaho


Gawa ni Mary, Estados Unidos

Noong una akong dumating sa Estados Unidos, dahil sa hadlang sa wika, inabot nang matagal bago ako nakahanap ng trabaho sa isang restawran. Pero napakarahas ng pagiging magagalitin ng amok o. Sa parehong bago at lumang mga empleyadoo, kapag may nakita siyang mali sa sino man, o kung may nagawang hindi niya gusto ang empleyado, sisigaw siya, o sisisantehin niya ang mga tao doon din mismo. Noong una akong dumating, madalas din niya akong masigawan.

Sa restawran, ako ang pinagkakatiwalaan sa ilang mga pinggan. Minsan, para subukin ako, tinanong ako ng amo ko, “Mary, ano ang mga sangkap ng sweet and sour pork ribs?” Lubos akong kinabahan, medyo mahina ang boses ko, at nakalimutan ko ang isa sa mga sangkap, kung saan agad na ibinato ng amo ko ang hawak niyang espatula, sumigaw ng, “Bakit ako kumuha ng isang napakatangang tao. …” Labis akong nasaktan sa akusasyon ng amo ko, at hindi ako nangahas na magsalita ng ano man. Sa aming anim na nasa kusina, may ilan sa ‘ming napapagalitan araw-araw, at tatlo sa kanila ang nasisante dahil sa mga pagkakamali nila sa trabaho o sa paggawa ng mga bagay na hindi ayon sa gusto ng amo. Lubos akong nag-aalala tungkol dito. Araw-araw pagpasok ko sa trabaho, ninenerbyos ako, at nag-iingat ako sa lahat ng ginagawa ko, dahil takot akong mapagalitan ng amo ko sa harap ng lahat dahil sa paggawa ng maling mga bagay, o masisante.

Isang araw, maglalagay ako sa estante ng isang bandeha ng bagong hugas na mga pinggan, pero nadulas ako, kaya bumagsak sa sahig yung bandeha ng mga pinggan na hawak ko. Natigian ako habang tinitingnan ang dose-dosenang mga basag na pinggan. Naisip ko, “Ito na, tapos na, ang dami kong nabasag na pinggan, pag nalaman ‘to ng amo, siguradong sisisantehin niya ako! May mga kasamahan na akong nasisante noon dahil sa ganito ring pagkakamali.” Nakakatakot isipin ‘yon, at hindi ko alam ang gagawin ko. Nang marinig ng iba kong kasamahan ang nagawa ko, sabi ng ilan, “Bakit hindi ka nag-iingat? Wala akong ideya kung gaano kalaking pera ang ibabayad mo diyan.” Sabi ng iba, “Naku, ‘yan na ‘yon. Siguradong masisisante si Mary.” Lalo akong natakot nang marinig ko ang sinabi ng lahat. Mahirap mahanap ang trabahong ito, at kapag sinisante talaga ako ng amo ko, ano’ng gagawin ko para masuportahan ang sarili ko? Alam kong hindi ako magaling sa lenggwahe, na wala na akong ibang kakayahan, at hindi ako makakahanap ng ibang trabaho. … Sabi ng isa sa mga kasamahan ko, “Tara, linisin natin ‘to. Huwag nating ipaalam kay boss, kung hindi hindi natin alam kung pa’no ka niya pahihirapan, Mary.” Nagmamadali ring lumapit ang head chef at sinabing, “Bilis mga kasama, tumulong kayo sa paglilinis. Hindi ‘to dapat malaman ni boss!” Kumilos ang lahat ng mga katrabaho ko. Habang nagwawalis ng sahig yung ilan, at nagpupulot ng mga basag na pinggan yung iba, parehong takot at pagkalito ang naramdaman ko, at tumulong din ako sa mga kasamahan ko sa paglilinis, iniisip na sisikapin kong pagtakpan ‘yon.

Pero ko simulan ang ilang minutong paglilinis ng sahig, naramdaman kong hindi ako komportable sa loob. Isa akong Kristiyano. Maliwanag na nabasag ko ang mga plato, at gusto kong magsinungaling sa amo ko. Isa ‘tong panlilinlang. Hindi ito naaayon sa kalooban ng Diyos! Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang umaasal kagaya ng isang normal na tao ay ang makipag-usap nang may pagkakaugnay-ugnay. Ang ibig sabihin ng oo ay oo, ang hindi ay nangangahulugang hindi. Maging tapat sa katotohanan at magsalita nang akma. Huwag mandadaya, huwag magsinungaling.” “Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pakikipagtawaran na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at humihinging manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. … Walang malaking pangyayari sa iyo sa sandaling ito, at hindi ka nagdadala ng dakilang testimonya, nguni’t ang bawa’t detalye ng iyong pang araw-araw na buhay ay kaugnay sa testimonya sa Diyos. Kung kaya mong makamit ang paghanga ng iyong mga kapatid, mga miyembro ng iyong pamilya, at lahat ng tao sa iyong paligid.”

Yamang tinimbang ko ang mga salita ng Diyos, natanto kong: Isa akong Kristiyano, at ang pagiging tapat at hindi pagsisinungalig ay inaatas sa atin ng Diyos. Kung gumawa ako ng mali, dapat maging matapang ako at pasanin ang responsibilidad, dahil tanging sa pamumuhay sa ganitong paraan lang ako magkakaro’n ng pagkakahawig sa tao at magkakaro’n ng dignidad! Bagaman ang panlabas na itsura ng pangyayaring ito ay binasag ko ang mga pinggan, isang pagsubok para sa ‘kin ang pangyayaring ito. Nasa tabi ko ang Diyos para tingnan kung maisasabuhay ko ang katotohanan at magiging tapat, at pinapanood din ako ni Satanas at naghihintay na makita kung ano ang pipiliin ko. Kung sinubukan kong protektahan ang sarili kong mga interes, natakot na mapagalitan ng amo, o natakot na masisante, aaksyunan ko ito nang may panloloko, at mawawalan ng patunay. Paparatangan ako ni Satanas sa harap ng Diyos, na manghihiya sa ngalan ng Diyos. Ipapakita rin no’n na hindi ako isang taong tunay na sumasampalataya sa Diyos. Matapos kong isipin ito, lumiwanag ang puso ko. Kailangan kong maging matatag at magpatotoo para sa Diyos. Pagdating ng amo ko, handa na akong aminin sa kanya ang pagkakamali ko.

Sa sandaling ito, bumagal ang galaw ng mga kamay ko, at nang makita ‘yon ng head chef, sabi niya, “Mary, bilisan mo at linisin mo na ‘to! Malapit nang dumating si boss.” Nang marinig kong sabihin ‘yon ng chef, may ilang takot pa ako sa puso ko, pero nagpasya akong gusto ko pa ring kumilos ayon sa salita ng Diyos at maging tapat. Kahit pa masisante o mapagalitan ako, hindi ako magrereklamo.

Nang matapos kami sa paglilinis, nakita ko yung head chef na tinatago yung mga basag na piraso sa ilalim ng basurahan. Sabi ko, “Huwag mong itago ‘yan. Pagdating ni boss, sasabihin ko sa kanya ang totoo, at babayaran ko ‘yan kahit magkano ang halaga….” Bago ako matapos, balisang sumabat ang chef, “Mary, ano ba’ng nangyayari sa ‘yo? Gusto mong malaman ni boss? Para mo na ring hininging sisantehin ka! Ayaw mo ba sa trabahong ito? Hindi mo ba alam kung gaano kahirap maghanap ng trabaho ngayon? Tutulungan ka naming itago ‘to kay boss, para hindi ka niya bigyan ng problema.” Hindi ako sumagot, dahil determinado pa rin akong magsabi sa amo ko.

Mabagal na lumipas ang oras, 10 minuto, 20 minuto…. Nakikita ko na sa isip ko ang galit na galit na itsura ng amo ko, at nagsimula akong kabahan at matakot uli. Kahit alam ko ang kautusan ng Diyos na maging tapat tayong mga tao, at gusto ko talagang sabihin sa amo ko na nakabasag ako ng napakaraming pinggan, nag-alala ako na masisisante ako. Pa’no ko ba masasabi ito nang mabuti sa amo ko? Kung hindi ko ‘to sasabihin agad, siguradong magagalit din siya, o ang mas malala, lalo pa siyang magagalit! Habang lalo ko ‘yong iniisip, lalo akong nalilito. Mabilis na lumipas ang isang oras, at hindi magtatagal babalik na sa trabaho ang amo ko, pero hindi ko pa rin naiisip kung pa’no ako magsasabi sa kanya. Ang magagawa ko lang ay magdasal sa puso ko, “Diyos ko, natatakot ako. Alam kong ngayon, para maisabuhay ang katotohanan, dapat akong magbukas at maging tapat sa amo ko, pero pag haharap na ‘ko sa katotohanan, nag-aalala pa rin ako na masisante. Diyos ko, hinihiling ko lang na bigyan Mo ako ng kompyansa at lakas, at huwag Mong hayaang isipin ko ang sarili kong mga interes sa halip magawang isabuhay ang katotohanan upang mapasiya Ka.” Matapos ang panalangin ko, isang sipi ng salita ng Diyos ang biglang lumitaw sa isip ko, “Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.” Sa gabay at liwanag ng salita ng Diyos, nakaramdam ng kaliwanagan ang puso ko. Oo, pinahaharian ng Diyos ang lahat ng bagay, at mga tao, kaya ang isip ng amo ko at ang trabaho ko ay parehong nasa mga kamay ng Diyos. Kung papayagan ako ng Diyos na manatili, hindi ako sisisantehin ng amo ko, at pag nasisante naman ako, pinahintulutan din ‘yon ng Diyos, kaya dapat sumunod na lang ako sa mga pagsasaayos ng Diyos. Nang matanto ko ‘yon, naramdaman kong naging kalmado at matatag ang puso ko.

Matapos ang isang oras, dumating ang amo ko, at patuloy akong nanalangin sa Diyos sa puso ko para humingi ng lakas na malagpasan ang madilim na kapangyarihan ni Satanas at isabuhay ang katotohanan. Salamat sa Diyos. Matapos kong makita ang amo ko, hindi ko alam kung sa’n nagmula ang lakas ko, pero sinabi kong, “Boss, may nagawa akong mali ngayong araw.” Nang marinig ako ng amo ko, hindi lang siya hindi nagalit, may bakas pa ng ngiti sa mukha niya nang tinanong niya ako, “Ano’ng nagawa mong mali?” Binuksan ko yung basurahan at sinabi kong, “Aksidente kong nabasag yung maraming plato, nandito ‘yon sa loob, tapos sinabi niya sa normal na tono ng boses, “Hindi mo na kailangang magbayad, mga basag na pinggan lang ‘yan, hindi ‘yan mahalaga. Sana lang hindi nasugatan ang kamay mo. Mas mag-ingat ka na simula ngayon.” Tapos tinanong niya uli ako kung meron ba akong mga sugat. Nagulat ako at sumaya nang marinig ang mga salita ng amo ko. Hindi kapani-paniwalang makakapagsalita ng mga gano’ng bagay matapos akong makagawa ng mali ang isang among may marahas na pagkatao.

Nung sandaling ‘yon, tiningnan ako ng lahat ng mga kasamahan ko na may nagulat na ekspresyon sa kanilang mukha. Hindi nila inakalang kusa kong aaminin sa amo ko ang pagkakamali ko, at hindi ko inasahang hindi ako parurusahan ng amo ko, at kakausapin niya ako nang mahinahon. Habang tinatapon namin ng head chef ang basura sa labas, tinanong niya ako habang naglalakad kami: “Hindi ko alam kung ano’ng iniisip mo. Hindi mo kailangang sabihin kay boss ang tungkol dito. Tutulungan ka sana naming lahat, dahil alam naming napakalupit niya sa ‘yo. Nag-alala ka bang magsusumbong kami kay boss?” Seryoso kong sinabi, “Hindi, alam kong gusto niyo talaga akong tulungan, pero isa akong Kristiyano, at sinabi ng Diyos na maging tapat tayo, praktikal na gawin ang mga bagay, at at huwag gagawa ng panlilinlang. Pag nakagawa tayo ng mali, dapat maging matapang tayo na harapin at pasanin ‘yon. ‘Yon ang prinsipyo na pinamumuhay ng mga Kristiyano.” Nagulat ang head chef, at sinabing, “Isa ka ngang Kristiyano! Kaya pala matapos kitang makasama nang matagal, lagi kong naiisip na isa kang mabuting tao, iba ka sa iba! Hinahangaan talaga kita. Mabuting bagay ang paniniwala sa Diyos, at sa hinaharap hinahangad kong magkaro’n ako ng pagkakataon na mas matutunan ‘yon mula sa ‘yo.” Matapos kong marinig na sabihin ‘yon ng head chef, naging napakasaya ko, at taos-pusong nagpasalanat sa Diyos. Ito ang epekto sa ‘kin ng salita ng Diyos, hindi dahil sa mabuti akong tao.

Ang mas lalo kong ikinagulat ay simula no’n, hindi na ako sinigawan ng amo ko, at sa tuwing naghahanap ng mga bagong empleyado ang tindahan, kinakausap niya ako tungkol do’n at isinasaalang-alang niya ang mga opinyon ko. Tinaasan niya rin ang sweldo ko. Ang insidenteng ito ang nagpaintindi sa ‘kin na lahat ng sitwasyong nakakaharap ko at lahat ng tao, usapin, at bagay na nakakatagpo ko ay naglalaman ng kalooban ng Diyos, at ginagamit ng Diyos ang mga kapaligirang ito para bigyan tayo ng mas maraming katotohanan. Pag kumikilos tayo ayon sa mga hinihiling ng Diyos, makikita natin ang paggabay at mga biyaya ng Diyos. Salamat sa Diyos!