Pamilya-Paano Dapat Tumugon ang Kristiyano sa Krisis sa Kanilang Buhay May-asawa?
Ni Shuxing, Pransiya
Isang Kahanga-hanga, Masayang Buhay na May-asawa
Hanggang sa aking maaalala, magtatalo sa lahat ng oras ang aking mga magulang at makikita kong madalas ang aking inang umiiyak. Sa oras na iyon, masyado akong nanabik para sa payapa, masayang pamilya. Sa aking paglaki, napagpasiyahan kong humanap ng isang asawa na magiging maunawain sa akin at maaaring mag-alaga sa kanyang pamilya, at umasa ako para sa isang kahanga-hanga, masayang buhay na may-asawa.
Nakilala ko ang aking asawa sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang kamag-anak, at nagpakasal kami at nagkaroon kami ng dalawang anak na babae. Sa panahong iyon, kinontrata kaming magpatakbo ng isang tibagan ng buhangin, at nagtrabaho nang matindi ang aking asawa araw-araw. Ngunit sa sandaling umuwi siya sa bahay, gagawa pa rin siya ng mga bagay tulad ng paglalaba at paghahanda ng hapunan. Mahal na mahal ako ng aking asawa, at hindi niya kailanman hinayaan akong mag-alala o hiningi ang aking tulong sa anumang bagay, maging malaki o maliit man. Nainggit ang lahat ng aking kabitbahay na nagkaroon ako ng ganitong kabuting asawa at ganitong kasayang pamilya. Masyado akong nasiyahan at nadamang nakapag-asawa ako ng isang mabuting lalaki, at mayroon akong isang tao para sumuporta sa akin sa buong buhay ko. Di naglaon, ang aking asawa at isang kamag-anak ay umalis upang magsimula ng isang negosyo, at ako ang naiwang namahala ng negosyo ng tibagan ng buhangin. Kahit na napakahirap at nakakapagod, nadama kong sulit ito, hindi lamang sa naalis ang tensyon sa aking asawa, ngunit gayon din upang ang aming buhay ay bubuti nang bubuti. Sa ganitong paraan, magkasama ako at ang aking asawa na nagtatrabaho tungo sa parehong hangarin, pagkaraan ng isang taon ay bumili kami ng isang bahay sa lungsod. Nakakuha ako pagkatapos ng isang trabaho sa lungsod, at ibinigay namin ang pamamahala sa tibagan ng buhangin sa aking biyenang lalaki.
Bumuti nang bumuti ang aming pagsasama at nadamang napakatamis ng buhay. Madalas kong inasam na ako at ang asawa ko ay ginugugol ang buong buhay namin ng ganito, mapagmahal sa isa’t isa, magkasabay, lumilikha ng mas magandang buhay na magkasama. Hindi ko kailanman inisip na tahimik na dumating ang kasawian sa akin …
Pagtawag ng Isang Di Kilalang Babae
Isang araw, sinabi ng aking asawa na hindi maganda ang takbo ng kanyang negosyo at nais niyang magbukas ng restawran sa Shanghai kasama ng isang kaibigan. Sinang-ayunan ko ito at binigyan siya ng 20 libong yuan. Pagkatapos noon, huminto ang asawa kong magpadala ng pera sa amin, at sa tuwing bumalik siya sa bahay, uungol at mapapabuntong-hininga, na sinasabi kung paano hindi masyadong maganda ang takbo ng negosyo ng restawran. Aaliwin ko siya at sasabihing huwag masyadong mag-alala at bibigyan siya ng pera upang magkakaroon siya ng sapat para makapagpatuloy ang kanyang negosyo. Sa kabila nito, hindi na laging umaasa sa mabuti ang asawa ko gaya ng dati, at kung minsan sadyang iiwasan ako kapag sumagot siya sa telepono. At gayunpaman hindi ko masyadong inintindi ang tungkol sa kakaibang asal na ito, iniisip na maaaring nagigipit siya nang husto at ayaw niya akong mag-alala!
Isang araw, sa panahon ng bakasyon sa tag-init, umuwi ang asawa ko mula sa Shanghai at ibinili ako at ang aming mga anak ng ilang damit. Talagang masaya ako. Inisip ko na maaaring mahirap para sa aking asawa na maglaan ng oras na ito para dalawin kami at kaya dapat sulitin namin ang panahon nang magkakasama, ngunit sinabi niyang may kailangan siyang asikasuhin na negosyo sa hapong iyon, at mag-isa siyang umalis. Bagama’t nakaramdam ako ng kaunting pagkabigo, inisip kong masyadong abala ang asawa ko para sa kapakanan ng aming pamilya, at hindi ko na ito labis na dinamdam.
Nang gabing iyon, may tumawag sa telepono sa bahay, at sinagot ko ito. Hiningi ng isang nakababatang babae ang pangalan ng asawa ko, at pagkatapos ay agresibong sinabing siya at ang aking asawa ay nagsasama na sa Shanghai at mayroon na silang anak na lalaking walong buwan ang gulang … Nang narinig ko ito, bigla akong natulala at naging blangko ang isip ko. Sa aking puso, sumigaw ako nang paulit-ulit: “Imposible iyon, hindi iyon posible. Hindi kailanman magtataksil sa akin ang asawa ko at gawin ang isang bagay na tulad niyan! Mahal na mahal niya ako, paanong magtataksil siya sa akin? Hindi maaari ito!” Ngunit ang nakababatang babae ay nagsalita na siguradong-sigurado, at naisip ko ang kakaibang asal ng aking asawa—maaari kayang totoo ang kanyang sinabi? Paano ito mangyayari? Gusto kong umiyak ngunit ayaw tumulo ng mga luha, upang maipaliwanag ang lahat ng ito, agad kong tinawagan ang asawa ko at sinabi sa kanya na umuwi na.
Nang tanungin ko ang asawa ko tungkol dito, gayon pa man, ginulat niya ako sa pamamagitan ng pag-iyak, at sinabi niya sa akin, “Ikinalulungkot ko. Nakikiusap ako, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon….” Iyang dalawang salitang “Ikinalulungkot ko” sa sandaling iyon ay parang isang malamig na kutsilyong sumasaksak sa puso ko. Naramdaman ko sa aking puso na tila ang aking puso ay nagkapunit-punit. Napakasakit nito …. Lahat ng nagawa ko sa nakaraang ilang taon ay para maaaring magkaroon ng isang masayang pamilya. Hindi ko kailanman inisip na ang magiging ganti ay ang pagtataksil ng asawa ko! Tiniis ko ang sakit na nasa puso ko, umiiyak, at tinanong ko siya kung paano niya magagawa iyon sa akin. Nabubulunan sa mga paghikbi, sinabi niya na hindi na niya matatagalan ang kalungkutan ng pagtatrabaho na malayo sa tahanan, nang nakita niyang napakarami sa kanyang mga kasamahan ang may babae, hindi na niya malalabanan ang tukso at…. Sa sandaling iyon, ang unang bagay na pumasok sa isip ko ay diborsiyo. Ngunit pagkakita ko sa asawa ko na nagdaramdam ng masyadong pagsisisi at sinisisi ang kanyang sarili tungkol dito, nag-atubili ako. Kung talagang idiborsiyo ko siya, sa gayon ang aking pamilya ay mawawasak, at ang aming mga anak ay magdurusa rin…. Ako ay nasa hindi matiis na sakit, na parang inukit ng kutsilyo ang puso ko, at patuloy akong umiyak nang umiyak: “Diyos ko, ano ang gagawin ko?”
Sandaling isinaalang-alang ko ito. Sa huli, upang hindi lumaki ang aming mga anak sa isang wasak na pamilya, pinili kong patawarin ang asawa ko. Hiningi ko sa kanyang pumunta sa Shanghai para ibenta ang restawran at pagkatapos ay bumalik sa amin. Matapat niyang ipinangako na gagawin niya. Nang ang aking asawa ay nakabalik sa Shanghai, hindi ko kailanman inakalang magpapadala siya sa akin ng mensahe na ginawa akong mahulog ng pira-piraso sa kawalan ng pag-asa: “Wala na talaga akong pagpipilian. Kailangang magkasala ako sa iyo….” Pagkaraang nabasa ko ang kanyang mensahe, panandalian akong natigagal. Naisip ko kung paano siya napakatapat na humingi ng tawad at gumawa ng matatapat na pangako sa harap ko, ngunit lahat pala ng mga ito ay pawang mga kasinungalingan para linlangin ako. Nadama ng puso ko na parang nahulog ito sa isang hukay ng yelo, at naramdaman ko ang mapait na pagkabigo …
Sa pagkakita sa dating napakaligaya kong pamilya na nawawasak, at lahat ng kaligayahan ay nawala ko na, Nakahiga ako sa kama at biglang maiiyak. Mula ng napunta ang asawa ko sa Shanghai para magbukas ng kanyang restawran, naisip ko kung paano siya palaging nagsabi na hindi niya kayang kumita nang malaki dahil napakahigpit ng kompetisyon, at pinaniwalaan ko ang bawat salita at binigyan siya ng lahat ng perang pinaghirapan kong kitain. Hindi ko kailanman naisip na mayroon siyang babae roon, at hindi ko talaga mauunawaan kung paano niya magagawa iyon sa akin. Ano ba talaga ang nagawa kong mali? Sa panahong iyon, ginugol ko ang bawat araw sa pag-iyak. Hindi ako makakakain o makakatulog, at ganap kong nawala ang aking layunin at direksiyon sa buhay, at nadama ko ang ganoong hinanakit at pagkalito. Kung makikita ko ang mga pamilya na sama-samang nag-uusap at nagtatawanan sa kanilang paglakad sa tuwing natapos ang aking trabaho, o maririnig ang masasayang boses ng aking mga kapitbahay, labis akong maiinis. Kung minsan, mararamdaman ko ang ganoong hinanakit na talagang gusto kong maghiganti sa asawa ko at sa kanyang bagong babae, at pagkatapos ay tapusin na ang aking sariling buhay. Ngunit kapag naisip ko ang dalawa kong anak at ang aking mga magulang na matatanda na, hindi ko makakayang iwanan sila. Ang magagawa ko lang ay magtiis sa sakit, at damdam ko na ang isang araw sa buhay ko ay parang isang taon.
Tinunaw ng mga Salita ng Diyos ang Nagyelo Kong Puso
Kailan lang ng nagdusa ako nang pinakamatindi, ang kasamahan ko ay sumaksi sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw para sa akin. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng biglaang pagbabalik ng iyong gunita: ang pagkakaroon ng kamalayan ng katunayan na ikaw ay nagmula sa Diyos, kahit paano at kahit saan ay minsang nawala, bumabagsak na walang malay sa tabing daan, at pagkatapos, walang kaalamang nagkaroon ng isang ‘ama.’ Lalo mo pang naunawaan na ang Makapangyarihan sa lahat ay nagmamasid doon, hinihintay pa rin ang iyong pagbabalik noon pa man” (“Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat”). Naharap sa ganoong taos-pusong mga salita ng Diyos, ang mga luha ko ay tumulo tulad ng ulan, at lahat ng sakit at pagpigil ng damdamin na namuo sa ganoong kahabang panahon ay natunaw sa aking mga luha at malayang umagos palayo. Dati, palagi kong itinuring ang asawa ko bilang tanging suporta ko, at itinuring na ang pagkakaroon ng isang kahanga-hanga, masayang pamilya bilang ang layunin ng buhay ko. Pagkaraang nagtaksil sa akin ang asawa ko at umalis, ang puso ko ay naramdaman na parang naalisan ng laman at pagkatapos ay pinalutang-lutang, at nawala ko ang aking layunin sa buhay at namuhay sa hinanakit nang walang anumang ideya kung ano ang susunod na gawin. At gayunman, ang Diyos ay palaging naroon sa tabi ko, binabantayan ako. Alam ng Diyos ang hinanakit at pagkalito na aking naramdaman, at gaya lang nang ako ay nasa aking pinakamatinding kahinaan, inakay Niya ako sa harapan Niya, ginamit Niya ang Kanyang mga salita upang aliwin ang aking sugatang puso, at ginawa akong makita ang liwanag sa kadiliman. Pinasigla ng mga salita ng Diyos ang puso ko, ipinagkaloob ng mga ito ang tapang na magpatuloy na mabuhay, at ginawa ng mga itong maunawaan na tanging ang Diyos ang magiging suporta namin. Naghihintay ang Diyos sa aming bumalik sa Kanyang tahanan, ang Diyos sa tabi ko, at naisip ko, hindi ako mag-iisa. Mula noon, aktibo akong naging bahagi ng buhay sa iglesia, at madalas na umawit ng mga himno, nanalangin at nagbasa ng mga salita ng Diyos kasama ang aking mga kapatid na lalaki at babae. Sama-sama kaming nakibahagi tungkol sa katotohanan, tinutulungan ang isa’t isa at tinatrato ang isa’t isa nang may katapatan. Nadama ko ang isang uri ng kapayapaan at kagalakan na hindi ko pa kailanman dating naranasan.
Nilusaw ng mga Salita ng Diyos ang Poot sa Puso Ko
Pagkaraang nagsimula akong maniwala sa Diyos, ang sigla ko at anyo ko ay kapansin-pansing bumuti. Ngunit sa bawat gabi, kapag tahimik na ang lahat, pagmamasdan ko ang mga bagay na naiwan ng asawa ko, at hindi ko mapipigilan ang aking sarili mula sa pag-iisip tungkol sa bawat munting bagay na ginawa ko para sa asawa ko. Naisip ko kung paano ako nilinlang at pinagktaksilan ng asawa ko at mararamdaman ko ang nakalulungkot na sakit sa puso. Laban sa aking kalooban, napuno ako ng poot, kaya nga’t isinaalang-alang ko ang paghihiganti sa kanila. At gayunman alam ko iyon, kahit na magwagi ako sa huli, magsasanhi ako ng malaking kasiraan sa parehong panig at magsasanhi rin na sa maraming tao na mamuhay sa hinanakit. Ngunit hindi ko lang mabibitiwan ang poot ko sa asawa ko, at lahat ng magagawa ko sa aking hinanakit ay lumapit sa harapan ng Diyos at manalangin, hinihingi sa Kanya na tulungan akong makadaan sa kadiliman ng sakit na ito.
Di naglaon, nabasa ko sa salita ng Diyos: “Unti-unti, ang lahat ng mga kalakarang ito ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na patuloy na nagpapahina sa tao, na nagiging sanhi upang patuloy na mawalan ng konsensya, pagkatao at katuwiran na lalo pang mas nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kalidad ng kanilang pagkatao, hanggang sa masasabi nating karamihan ng mga tao ngayon ay walang dangal, walang pagkatao, ni sila ay mayroong anumang konsensya, at lalo’t higit ng anumang katuwiran. … Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman nalalaman kung ano ang katotohanan, na hindi makapagsasabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, unti-unting ipatatanggap ng ganitong uri ng mga kalakaran sa kanilang lahat nang maluwag sa kalooban ang mga kalakarang ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pagpapahalaga na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at kung paano mabubuhay na ‘ipinagkakaloob’ sa kanila ni Satanas. Wala silang taglay na lakas, ni mayroon silang kakayahan, lalo na ang kamalayang tumutol” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI”). Sa pagninilay ng mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang pagtataksil ng asawa ko at ang aking hinanakit ay sanhi ng masasamang kalakaran ni Satanas. Sa ngayon, ang buong mundo ay palala nang palala sa paglipas ng araw. Hinahangaan ng lahat ng tao ang masama at lalong-lalo pang nagiging tiwali, kinukutya ang dukha ngunit tinatanggap ang mga prostitute, at itinataas ang mga negatibong bagay na para bang mga postibo ang mga ito. Tulad lang ng masasamang pananaw ni Satanas na “Pagkakaroon ng asawang babae o asawang lalaki sa tahanan ngunit mayroon ding lihim na katalik,” at “Kung walang kerida, ang isang lalaki ay walang lubos na kasiyahan sa buhay; kung walang lihim na katalik, ang isang babae ay hindi mas mahusay kaysa sa inahing baboy.” Ang mga pananaw na tulad nito ay umapaw na sa lipunan at tumagos na sa puso ng bawat tao, nagpapaagnas sa ating mga kaisipan at pumipilipit sa maraming opinyon ng mga tao sa mga bagay-bagay. Iniisip ng lahat ng tao na ang “pagkakaroon ng lihim na katalik,” “pagkakaroon ng kerida,” “pagkakaroon ng lihim na pag-iibigan,” at “pang-isang gabi lang” ay ang pamantayan, nabubuhay sila sa isang malaking kaldero ng kawalang delikadesa at kasamaan, binibigyang lugod nila ang kanilang mga pisikal na kahiligan at sakim na nasisiyahan sa mga makasalanang kaluguran. Wala na sa ngayon ang sinumang nagsasalita tungkol sa pagiging tapat sa buhay na may-asawa o mga responsibilidad sa pamilya, at ang mga tao sa ngayon ay wala nang magandang asal o kahihiyan. Ang mga tao ay iniintindi lamang ang kasiyahan ng kanilang sariling pisikal na mga pagnanasa at hindi binibigyang-pansin ang ano pa man kung paano ang pakiramdam ng kanilang mga pamilya, lalong-lalo pa silang pasama nang pasama, at lalong-lalo pa silang nagiging makasarili at sakim. Sino nga ba ang nakakaalam kung gaano karaming pamilya ang nawasak at naghiwa-hiwalay sa dahilang ito? Ilang tao ang nabubuhay sa hindi matatakasang sakit, dahil hindi nila matitiis ang pagtataksil ng kanilang kapareha, na kung saan dumarating sa puntong winawakasan nila ang kanilang mga sariling buhay? Ilang tao, dahil puno sila ng poot, ang walang-awang naghihiganti sa kanilang kapareha, kaya nagaganap ang isang trahedya na walang katapusan? Naisip ko kung paano nagpamalas sa akin ang asawa ko ng pagsasaalang-alang sa bawat magagawang paraan, kung paano kami nagmahalan sa isa’t isa at naging mabait sa isa’t isa at nagkaroon nang isang kahanga-hanga, masayang pamilya. Ngunit pagkaraan niyang simulan ang pagtatrabaho nang malayo sa tahanan, nakita niya na napakarami sa kanyang kasamahan sa trabaho at mga kaibigan ang nagkakaroon ng lihim na pakikipag-ibigan at kaya, nang hindi namamalayan, naimpluwensiyahan at naapektuhan ng masasamang kalakaran. Sumunod siya sa masamang kalakarang ito at nagsimulang magkaroon ng kerida, nagkaroon siya ng anak sa babaeng iyon, ganap na walang pag-iintindi sa damdamin ko o sa damdamin ng aming mga anak, ngunit sa halip nagsinungaling lamang siya sa akin at paulit-ulit na nilinlang ako, at nawala sa kanya ang konsensiya at pagkatao na dapat taglayin ng isang tao. Lahat ng ito ay ang mapait na bunga at kasawian na dinudulot sa tao ng masasamang kalakaran! Tayong mga tao ay wala sa katotohanan, hindi makikilala ang masasamang kalakaran ni Satanas, at hindi nalalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama, hindi sinasadyang natutukso at ginawang tiwali ng masasamang kalakaran at pinaglaruan at pinahamak ni Satanas. Nang naunawaan ko na ang mga bagay na ito, napagtanto ko na hindi naunawaan ng asawa ko ang katotohanan at hindi nakayang maunawaan ang pandaraya ni Satanas. Sumunod siya sa masamang kalakaran at napagtaksilan ako nang di sinasadya. Sa oras na iyon, naunawaan ko nang kaunti ang kanyang pagtataksil, at hindi na ako gaanong napoot sa kanya.
Pagkatapos nito, nanalangin ako sa Diyos. Ayaw ko nang masadlak sa bagay na ito na nagsanhi sa aking mabuhay sa ganoong sakit, at sa halip ninais kong masigasig na basahin ang mga salita ng Diyos at hangarin ang katotohanan. Di naglaon, nagsimula akong gampanan ang aking pagkupkop na tungkulin sa iglesia, at namuhay ng isang buhay sa iglesia at sumamba sa Diyos kasama ng mga kapatid na babae. Sa puso ko ay nadama ang napakahalagang pagpapalaya at bumalik ang ngiti sa aking mukha.
Inakay Ako ng mga Salita ng Diyos Upang Magtagumpay sa Pandaraya ni Satanas
Isang araw, ang asawa ng nakababatang kapatid na lalaki ng asawa ko ay dumalaw sa aking tahanan at sinabing ang asawa ko at ang kanyang bagong babae ay bumalik sa aming bayan kasama ang kanilang anak. Ang kanyang bagong babae ay nakadamit mula ulo hanggang paa ng mga kilalang de-etiketang gamit at nakasuot ng maraming ginto at pilak na alahas, at sinabi niya sa akin na dapat kong tiyakin na magmukha akong maganda sa lahat ng oras …. Nang narinig kong sabihin niya ito, sobra akong nainis. Naisip ko kung paano ang asawa ko at ako ay palaging naging matipid at hindi maaksaya nang nagsasama pa kami at hindi kailanman gumugol ng pera kung hindi kinakailangan. Ngayon siya ay ang ganap na kabaligtaran at ginugol ang lahat ng pera sa kanyang bagong babae. Nakaramdam ako ng labis na lungkot at naiyak ako, na dinadaig ang damdamin ko. Inaliw ako ng hipag ko at sinabi, “Sa totoo lang, hindi ko kayang tingnan sila. Sa palagay ko ikaw at siya ang mas karapat-dapat na mag-asawa. Kung isasakdal mo siya ng bigamya, aalis ang kanyang bagong babae, at babalik siya sa iyo ….” Kaunting nagpabago sa isip ko ang kanyang sinabi, at naisip ko, “Kapag ginawa ko iyon, babalik ang asawa ko sa akin, at ang pamilya ng aming mga anak ay mabubuong muli.” Ngunit pagkatapos ay naisip ko, “Kung talagang isasakdal ko siya ng bigamya, hindi lamang makakasakit ito sa amin pareho, kundi magkakaroon din ng malaking epekto sa aming mga anak. Ano ang dapat kong gawin?” Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng napakatinding sakit sa aking puso. Natanto ko na ang sitwasyon ay hindi tama, kaya agad akong nanawagan sa Diyos na humihingi sa Kanya na panatilihing mahinahon ang puso ko at patnubayan ako. Pagkatapos nito, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat gising kayo at naghihintay sa bawat sandali, at dapat mas manalangin sa harapan Ko. Dapat matanto ang ibat ibang balak at mga tusong pakana ni Satanas…” (“Kabanata 17” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng isang malupit na paggising at natanto ko na ang isang pagsubok mula kay Satanas ay nasa akin. Sinabi sa akin ng hipag ko na magdamit nang maganda at isakdal ang asawa ko ng bigamya. Sa labas, nagmukha itong nasa pinakamabuti kong pakinabang, upang ang asawa ko ay muling magbabalik sa akin. Ngunit sa pag-iisip nang mabuti, ang diwa ng mga pagkilos na ito ay para kumilos sa sataniko at nakalalasong ideya na “Kung hindi ka mabait, hindi ako magiging patas!” Kung nabuhay ako sa aking tiwaling disposisyon at naghiganti sa asawa ko, masasaktan ang pamilya niya na ngayon at mapopoot siya sa akin. Sinubukan ni Satanas na linlangin ako, gawin ako at ang asawa ko na salakayin at saktan ang isa’t isa, upang mabubuhay kami sa sakit nang walang anumang sandaling ginhawa. Sa katunayan, mula nang napili na ng asawa ko ang iba pang babae sa akin, nagpamalas ito na wala na siyang damdamin para sa akin sa ngayon. Kahit na mapipilit ko siyang bumalik sa pamamagitan ng palihim na mga paraan, siya lamang ang makukuha ko, at hindi ang kanyang puso, at ano ang magiging kahulugan ng ganoong buhay na may-asawa na wala nang damdamin? Hindi ba’t magdudulot lamang iyon sa akin ng mas matindi pang sakit?
Sa oras na ito, naisip ko ang tungkol sa isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Bakit iniibig ng isang lalaki ang kanyang asawa? At bakit iniibig ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? At bakit ang mga magulang ay nahuhumaling sa kanilang mga anak? Anong mga uri ng mga intensyon ang talagang tinataglay ng mga tao? Hindi ba ito upang masiyahan sa sariling mga plano at makasariling mga hangarin?” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan”). Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan kong makasarili ang mga tao. Maging ito man ang asawang lalaki na nagmamahal sa kanyang asawang babae o ang asawang babae na nagmamahal sa kanyang asawang lalaki, ginagawa natin ang lahat ng ito upang masiyahan ang sarili nating mga makasariling pagnanais, at lahat tayo ay ginagamit ang isa’t isa—hindi ito ang tunay na pag-ibig. Naisip ko kung paano ako naging mabuti lamang sa asawa ko upang magiging mabuti siya sa akin, maging mapagbigay sa akin at pangalagaan ako. Hangga’t inalagaan ako ng aking asawa at hinangaan ako at nabigyang kasiyahan ang bawat nais ko, naging maligaya na ako; nang pinagtaksilan ako ng aking asawa, nabuhay na ako sa hinanakit, na iniisip na ang asawa ko ay naging hindi karapat-dapat sa lahat ng aking ginawa para sa kanyang kapakanan, at kaya’t napoot ako sa kanya; nang narinig ko na ang asawa ko ay masayang namuhay kasama ng kanyang bagong babae, nagselos ako at nagalit, ninais kong gawin ang iminungkahi ng aking hipag at isakdal siya ng bigamya at huwag siyang hayaang magkaroon ng lahat sa kanyang sariling paraan. Gusto ko pa siyang mabilanggo, at gamitin ang pagbabantang iyon bilang isang paraan na mapagbago ko ang kanyang isip at bumalik sa akin. Nakita ko na ako ay naging sobrang makasarili, kasuklam-suklam at may-masamang hangarin, at lahat ng ginawa ko ay talagang para masiyahan ang aking mga sariling pagnanais.
Sa aking pagninilay sa mga salita ng Diyos, unti-unting nagsimulang lumiwanag ang puso ko, at alam ko na ang dapat kong gawin. Kaya’t sinabi ko sa aking hipag, “Sa pagkakita na mayroon silang anak, kung talagang maghahain ako ng demanda laban sa kanya, walang magandang magagawa ito sa sinuman. Kung masaya silang namumuhay, kung gayon ibinibigay ko ang aking bendisyon.” Nang narinig niyang sabihin ko ito, tiningnan niya ako na may labis na pagtataka, at hindi makakahanap ng anumang sasabihin pa. Pagkaraan niyang umalis, nanalangin ako ng pasasalamat sa Diyos at nakita ko kung gaano katotoo ang sitwasyon na isinaayos ng Diyos para sa akin. Sa harap ng pandaraya ni Satanas, kung hindi sa pag-akay at patnubay ng mga salita ng Diyos, tiyak na mahuhulog akong muli sa buhay ng hinanakit at malamang na maliligaw, kung kaya’t mahuhulog ako sa tusong balak ni Satanas at makagagawa ng mga bagay na taliwas sa kalooban ng Diyos. Magdudulot ako sa kapwa naming mga pamilya na mabuhay sa loob ng mga panlilinlang ni Satanas sa hindi matitiis na sakit—nagpasalamat ako sa Diyos nang marami para sa Kanyang pamamatnubay!
Ako ay Mayroong Tunay na Masaya at Payapang Pamilya
Di naglaon, nabasa ko ang salita ng Diyos: “Tanging sa pamamagitan ng Diyos mo malalaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan ng Diyos mo maisasabuhay ang totoong buhay, matataglay ang katotohanan, malalaman ang katotohanan, at tanging sa pamamagitan ng Diyos mo makakamit ang buhay mula sa katotohanan. Tanging ang Diyos Mismo ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at ilisya ka mula sa kapinsalaan at kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang anuman ang makapagliligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa: Ito ay pinagpapasyahan ng kakanyahan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang magliligtas sa iyo nang walang pag-iimbot, tanging Diyos responsable sa bandang huli para sa iyong kinabukasan, para sa iyong tadhana at para sa iyong buhay, at isinasaayos Niya ang lahat ng bagay para sa iyo” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI”). Sa aking pagninilay sa mga salita ng Diyos, masyadong naantig ako. Iniisip ang landas na aking tinahak, ang pag-ibig ng Diyos ay laging kasama ko at gumabay sa akin. Pagkatapos akong pagtaksilan ng asawa ko, nabuhay ako sa hinanakit at nawala ang lahat ng pag-asa sa buhay. Hindi na ako makakaramdam ng anumang galak sa aking buhay, at kung hindi ako iniligtas ng Diyos, palagi na lang akong mabubuhay sa sakit na walang lakas na palayain ang sarili ko, wala na sana akong direksiyon o layunin sa buhay, at malilito na walang patutunguhan sa buhay gaya ng isang naglalakad na bangkay. Ginawa ng mga salita ng Diyos na maunawaan ko ang katotohanan ng katiwalian ng tao sa pamamagitan ni Satanas at makita ang katiwalian at pinsala na dulot ng masasamang kalakaran ni Satanas, at nagawa nito sa aking bitawan ang poot ko sa asawa ko. Nang ginamit ni Satanas ang aking hipag na tuksuhin ako, ninanais kong sundin ang aking masamang hangarin at maghiganti sa asawa ko, ang kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos ang nagpahintulot sa aking makilala ang pandaraya ni Satanas, at maunawaang mabuti na walang tunay na pagmamahal o pag-ibig sa pagitan ng mga tao, at lahat tayo ay ginagamit lamang ang isa’t isa, kung kaya’t hindi na ako magsisikap pang maghangad ng ganoong mga bagay. Lahat ng ito ay ginawa akong tunay na maramdaman na nasa tabi ko ang Diyos, inaakay ako at ginagabayan ako ng Kanyang mga salita, na hinahayaan akong isantabi ang aking hinanakit at alisin ang kasamaan ni Satanas. Ang pag-ibig ng Diyos sa akin ay talagang totoo! Kasabay nito, naunawaan ko sa pamamagitan ng pagninilay sa sarili, na magmula noong nagpakasal ako sa asawa ko, itinuring ko na siya bilang ang aking tanging suporta at naniwala na mabibigyan niya ako ng isang kahanga-hanga, masayang buhay. Pagkatapos lamang ng pagdaranas ng sakit na ito na napahalagahan ko na isang tao lamang ang asawa ko na ginawang tiwali ni Satanas, at siya mismo ay nabubuhay sa katiwalian ni Satanas, at hindi ako maaaring umasa lang sa kanya. Tanging ang Diyos ang aking suporta, at sa pamamagitan lamang ng paglapit sa harap ng Diyos, pagdaranas ng gawain ng Diyos, pag-unawa sa katotohanan at pamumuhay sa ilalim ng Kanyang patnubay ay maaaring makamtan ang tunay na kaligayahan.
Mula ng oras na iyon, ganap kong iniwan ang lahat ng hinanakit ng pagtataksil ng aking asawa. Ngayon nabubuhay ako sa isang malaking pamilya, puno ng pag-ibig ng Diyos. Araw-araw ay nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos, hinahangad ang katotohanan at tinutupad ang tungkulin ng nilikhang nilalang, at labis na mapayapa at maginhawa ang nadarama ko. Higit pa, sa loob ng iglesia, ang aking mga kapatid at ako ay nagmamahalan at sinusuportahan ang isa’t isa tulad ng isang tunay na pamilya. Kahit na nagkakaroon ng sama ng loob at mga maling palagay, maaari kaming ganap na bukas sa isa’t isa at nagbabahagi tungkol sa katotohanan para lutasin ang aming mga probleam. Talagang ito ang tunay na masaya at mapayapang pamilya na palagi kong inaasam! Salamat sa Diyos! Masigasig akong maghahangad ng katotohanan at tutuparin ang tungkulin ng isang nilikha upang suklian ang pag-ibig ng Diyos!