Ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, kasama na ang mga nakagagalaw at mga di nakagagalaw, tulad ng mga ibon at isda, tulad ng mga puno at mga bulaklak, at kasama ang mga hayop, mga insekto, at mga mababangis na hayop na ginawa noong pang-anim na araw—maganda ang lahat ng mga ito sa Diyos, at, dagdag pa rito, sa mga mata ng Diyos, ang mga bagay na ito, ayon sa Kanyang plano, ay umabot lahat sa rurok ng pagka-perpekto, at narating ang mga pamantayan na nais makamit ng Diyos. Paunti-unti, nagawa ng Maylalang ang mga gawang Kanyang nilalayon ayon sa Kanyang plano. Sunod-sunod, lumitaw ang mga bagay na Kanyang binalak likhain, at ang pagpapakita ng bawat isa ay pagpapahiwatig ng awtoridad ng Maylalang, at pagkatatag ng Kanyang awtoridad, at dahil sa mga pagkatatag na ito, hindi maiwasang kumilala ng utang na loob ang lahat ng mga nilalang sa biyayang ipinagkaloob ng Maylalang, at ang probisyon ng Maylalang. Habang nakikita sa kanilang mga sarili ang mapaghimalang mga gawa ng Diyos, lumobo ang mundong ito, paisa-isa, sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, at nabago mula sa kaguluhan at kadiliman patungo sa kalinawan at kaliwanagan, mula sa nakamamatay na katahimikan hanggang sa kabuhayan at walang hangganang kasiglahan. Sa lahat ng mga bagay sa paglikha, mula sa malaki hanggang sa maliit, mula sa maliit hanggang sa napakaliit, walang hindi nilikha sa pamamagitan ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at nagkaroon ng natatangi at likas na pangangailangan at kahalagahan sa pag-iral ng bawat nilalang. Sa kabila ng mga kaibahan sa kanilang mga hugis at istruktura, ginawa pa rin sila ng Maylalang para mabuhay sa ilalim ng Kanyang awtoridad. …
Kaya, ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng awtoridad ng Maylalang ay dapat tumugtog ng isang bagong pagkakaisang-himig para sa pangingibabaw ng Maylalang, dapat magsimula ng isang magandang pambungad para sa Kanyang trabaho sa panibagong araw, at sa sandaling ito, ang Maylalang ay magbubukas rin ng bagong pahina sa gawain ng Kanyang pamamahala! Ayon sa batas ng mga usbong sa tagsibol, paghinog sa tag-init, pag-aani sa taglagas, at ang pag-iimbak sa taglamig na itinakda ng Maylalang, ang lahat ng mga bagay ay dapat umayon sa plano sa pamamahala ng Maylalang, at dapat nilang salubungin ang kanilang sariling bagong araw, bagong simula, at bagong kurso ng buhay, at sila’y magpaparami nang sunod-sunod nang walang katapusan para salubungin ang bawat araw sa ilalim ng kapangyarihan ng awtoridad ng Maylalang…
Magrekomenda nang higit pa : Paglikha ng Diyos - Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap
Magrekomenda nang higit pa : Paglikha ng Diyos - Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap