25.3.19

Pagbalik sa Diyos-Bumalik sa Bahay ng Diyos


Pagbalik sa Diyos-Bumalik sa Bahay ng Diyos

Ni Mu Yi, South Korea

Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao. Inosente at puro, hindi nababagabag, puno ng biyaya sa buhay. … Ng taong may konsensya at may pagkatao, may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya” (“Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Sa tuwing maririnig ko itong himno ng mga salita ng Diyos, palagi akong hinihipo nito. Minsan akong nawala sa Diyos at kinalaban Siya. Ako, para akong isang nawalang tupa, na hindi makita ang daan pauwi. At ang dakilang pagmamahal ng Diyos ang nagbalik sa akin sa Kanyang pamilya. Gusto kong ibahagi ang karanasan ng pagbabalik ko sa pamilya ng Diyos kasama ang mga kapatid sa Panginoon at mga kaibigan na hindi pa bumalik sa Diyos.

Dahil madalas mag-away ang mga magulang ko noong bata pa ako, araw-araw akong nabuhay sa takot. Pakiramdam ko walang halaga ang buhay ko, pero takot ako sa kamatayan, hindi kasi natin alam kung bakit tayo nabuhay, bakit tayo namamatay; pero kahit pa’no naramdaman kong may pares ng kamay na sumusuporta sa akin para mabuhay.

Pagkatapos kong magtapos sa high school, nanampalataya sa Panginoong Jesus ang aking ina na hinikayat ng kapitbahay namin at sumama rin ako sa kanya sa iglesia. Magmula noon, alam ko na’ng Diyos ang Panginoon ng lahat ng nilikha, at Siya ang tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Nagkatawang tao siya at ipinako sa krus bilang alay sa kasalanan. Ang pagmamahal ng Panginoon para sa tao at tunay na dakila. Itinubog sa pagmamahal ng Panginoon, desidido ako na maging tagasunod ng Panginoong Jesus, para suklian ang pagmamahal Niya. Magmula nung araw na ‘yon, may isang direksyon ako at mithiin sa buhay. Pagkatapos, madalas akong dumalo sa mga pagtitipon, magbasa ng Biblia at purihin ang Panginoon. Unti-unti, nakaramdam ako ng saya sa puso ko. Lalo na, pag binabasa ko ang mga talata sa Biblia na nagsasabing bababa ang Panginoon sakay ng ulap sa mga huling araw para dalhin tayo sa kaharian ng langit, punong-puno ako ng pag-asa. Bukod pa ron, palaging ipinapaliwanag ng mga pastor ang banal na kasulatan sa mga pagpupulong, “Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? Itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Dahil dito mas lalong tumatag ang paniniwala ko na bababa ang Panginoong Jesus sakay ng ulap at ibabalik tayo sa tahanan natin sa langit.

Nung 2005, nagkaron ako ng isang Koreanong kasintahan at sinundan ko siya sa Korea. Wala akong makitang iglesia ng Tsina doon dahil sa problema sa komunikasyon. Unti-unti, humina ang espiritu ko at hindi sinasadyang lumayo sa Diyos. Matapos ang kasal, dahil sa malaking pagkakaiba sa pagitan ng kulturang Tsino at Koreano, hindi na kami pwedeng magsama nang payapa at hindi nagtagal nagdiborsyo na kami. Matinding suntok sa kaluluwa ko ang diborsiyo at labis na nagdurusa ang puso ko. Bukod dito, wala akong mga kamag-anak at kabigan sa banyagang bansa na ito, na lalong nagpalungkot sa akin. Ang tanging magagawa ko lang ay manalangin sa Diyos. Sinabi ko sa Diyos ang lahat ng paghihirap ko at sinabi ko sa Kanya na gabayan ako para makahanap ng isang iglesiang Tsina.

Isang taon ang nakalipas, nakahanap ako ng isang kagawaran ng Presbyterian Church ng Tsina. Nung panahon na ‘yon, tuwang-tuwa ako dahil sa wakas pwede na ako uling sumamba sa Diyos sa iglesia. Kaya lang, sa aking kabiguan, binabasa lang sa amin ng mga pastor doon ang mga talata sa Biblia at ipinaliwanag ang literal na mga kahulugan sa mga pagtitipon, nang walang anumang liwanag. Hindi namin makuha ang panustos ng buhay at ang pagkakaroon ng mga pagpupulong ay ginagawa nalang dahil kailangan. Sa mga pagpupulong, nagbubulungan ang ilang tao sa isa’t isa, ang iba naglalaro ng mobile game, ang iba natutulog, yung iba naghahanap ng makakasama at yung iba naman magka-angkla ang mga braso. Naisip ko, “Ang iglesia ay isang lugar para sa pagsamba sa Diyos at banal ito, pero nandito tayo nagkakaron ng mga pagpupulong na walang puso ng paggalang sa Diyos. Siguradong kinamumuhian ito ng Diyos. Aabandonahin ba ng Panginoon ang maruming lugar na ito? Ganon pa man ang mga pastor at mangangaral ay kumikilos na parang bulag sila at hindi nila ito pinapansin.

Nabuhay ako sa putikan ng kasamaan na ‘to, kaya unti-unti akong pinasama. Madalas akong lumabas para uminom kasama ang mga kaibigan ko kapag walang ginagawa. Para na talaga akong isang hindi mananampalataya sa ikinikilos ko. Ganon pa man, sa tuwing nahihiwalay ang puso ko sa Diyos, lumalabas ang mga salita ng Panginoong Jesus sa isip ko. “Datapuwa’t ang karumaldumal na espiritu, kung siya’y lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong. Kung magkagayo’y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na, at nagagayakan. Kung magkagayo’y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kaysa kaniya, at sila’y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una” (Mateo 12:43-45) Ang mga salita ng Panginoon ay nagbibigay sa akin ng pagpipigil at pag-iingat. Hindi ako naglalakas-loob na lumayo sa Panginoon at gumawa ng mga bagay na labis dahil natatakot ako na kamuhian at talikdan ng Panginoon kapag ginalit ko Siya, at pagkatapos sa huli mapupunta ako sa mga kamay ng masasamang mga espiritu.

Nung Pasko ng 2016, para sumaya ang kapaligiran, hiniling ng iglesia sa ilang mahuhusay na mga kapatid na gumawa ng palabas. Isang sister na noon ko pa lang nakita ang kumanta ng isang himno para sa aming lahat, “Ang pag-ibig ng Diyos sa tao nakakamangha at kahanga-hanga. Unang naipakita sa Biblia, sa istorya ni Adan at Eba, nakaka-antig at madamdamin ang pag-ibig ng Diyos sa tao. Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao. Inosente at puro, hindi nababagabag, puno ng biyaya sa buhay. Alaga siya ng Diyos, at laging sakop ng Kanyang pakpak. Lahat ng ating salita’t gawa, ay kaugnay ng Diyos at di mai-wawalay. Mula nang unang likhain ang sangkatauhan, nasa isip ng Diyos, protektahan at laging bantayan, nais Niyang manalig ang tao sa Kanya. At sundin ang Kanyang salita, ito ang inasahan ng Diyos sa sangkatauhan. … May pag-ibig ba? Malasakit at Kalinga? Ito ay nadarama, pag-ibig Niya at alaga. Ng taong may konsensya at may pagkatao, may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya. Dahil sa ‘yong nadarama, ano ngayon ang tugon mo sa Diyos? Kakapit ka ba sa Kanya? Mapitagang pag-ibig lalago sa puso? At sa Diyos ay mas lalapit pa? Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos, ngunit mas mahalaga na dama’t unawa ng tao. Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos, ngunit mas mahalaga na dama’t unawa ng tao” (“Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).

Habang nakikinig ako sa bawat salita at parirala sa himnong ito, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko at bigla akong napaiyak dahil sa labis na pagka-antig. Naramdaman ko na parang nandito ako sa magandang larawan na ‘to, sinamahan ng Diyos, minahal Niya, at tinamasa ang lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos, kagaya ng hangin, sikat ng araw, tubig. Ang lahat ng ‘yon ay may pagmamahal ng Diyos. Nagpapakasaya ako sa lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos, pero lumalayo ang puso ko mula sa Diyos. Tiyak na galit na galit ang Diyos. Naramdaman kong tumatawag Siya sa puso ko at kaluluwa ko, lalo na nang marinig ko ang pariralang, “Ng taong may konsensya at may pagkatao, may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya.” Kung babalikan noong taong 2007 nung ayoko nang makisama sa asawa ko: Nang wala akong mapuntahang lugar, ang Diyos ang naghanda ng isang lugar para sa akin sa Female Protection Center para sa mga dayuhan, kung saan binigyan nila ako ng pagkain at matutuluyan, naghanap ng abogado na tutulong sa akin sa diborsyo ko, lahat walang bayad; nang kailangan ko ng isang tagapanagot para sa paghahain ng kahilingan para sa pagkamamamayan, naghanda uli ang Diyos ng isang pinuno ng Departamento ng iglesia ng Presbyterian para maging garantor ko (Karaniwan, ang mga Koreano hindi magiging garantor ang isang tao nang ganon kadali, lalo na isa akong dayuhan, bukod pa ron, tatlo o apat na beses pa lang akong pumunta sa iglesia na ‘yon. Alam kong ang Diyos ang lihim na tumulong sa akin); ang maghain ng kahilingan para sa pagkamamamayan ay nangangailangan ng 30 milyong KRW (Korean Won) pag-aaring lupain, pero ni wala nga akong 3 milyong KRW, ganon pa man ang mga tao sa customs nagsabi lang sa akin na ipakita sa kanila ang sertipiko ng panunungkulan ko para patunayan na may trabaho ako na susuporta sa sarili ko at hindi na ako inabala pa; … Palaging nagpapakita sa akin ng mga himala ang Diyos kung kailan pinakakailangan ko ng tulong. Lahat sila ay nasa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang pagmamahal ng Diyos ay tunay na malawak at malalim, pero labis akong naging mapaghimagsik na nakalimutan ko ang Diyos at sinaktan ko ang puso Niya. Hinaplos ng himnong ito ang kaluluwa ko. Napagdesisyonan kong ibalik ang pananampalataya na mayroon ako dati at hindi na muling sirain at saktan ang puso ng Diyos.

Noong Pebrero 19, 2017, sumasakit nang husto ang ulo at mata ko at hindi ito mapagaling ng mga doktor sa ospital. Pagkatapos si sister Li na mula sa iglesia ipinakilala ako sa kaibigan niya, isang doktor na Tsino, at sinabi na mapapagaling ako sa loob lang ng dalawang linggong gamutan. Kaya pumunta ako para makita ang kaibigan niya. Nung araw na ‘yon, nakilala rin namin si Brother Jin, ang kaibigan ng doktor na Tsino. Nakakagulat na makilala rito ang isang kapatid sa Panginoon, naisip ko na siguradong pagsasaayos ito ng Diyos, kaya sinimulan na namin pag-usapan ang tungkol sa Biblia. Binasa sa amin ni Brother Jin ang sipi mula sa Biblia tungkol sa Talinhaga ng Sampung Birhen. Pagkatapos tinanong niya ako, “Sister, umaasa ka ba sa pagbabalik ng Panginoon Jesus?” Sumagot ako, “Siyempre!” Tinanong niya uli, “Kung ganon, alam mo ba kung pa’no darating ang Panginoon?” Sumagot ako nang walang pag-aalinlangan, “Sinasabi sa Biblia na darating Siya sakay ng ulap.” Sabi ni Brother Jin, “Alam mo bang nagbalik na ang Panginoong Jesus?” Nagulat ako at sinabi, “Marcos 13:32 mga tala, ‘Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.’ Walang sinuman ang nakakaalam ng araw ng pagbabalik ng Panginoong Jesus, pa’no mo nalaman?” Hindi sinabi sa akin kaagad ni Brother Jin ang sagot, sa halip kinuha ang ilang propesiya sa Biblia tungkol sa pagdating ng Panginoong Jesus, “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito. At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao” (Lucas 17:24-26). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).

Matapos basahin ang mga talatang ito sa Biblia, sinabi ni Brother Jin, “sinabi ng Panginoon sa atin na magbantay at maghintay dahil walang sinumang nakakaalam ng araw ng Kanyang pagbabalik. Ganon pa man, ayon sa mga propesiya, ang Panginoon ay babalik sa anyong Anak ng tao. Kapag sinabi nating ‘ang Anak ng tao,’ ibig sabihin nito ang Diyos ay magiging tao, sa madaling salita ang Diyos ay magkakatawang-tao. Kahit hindi natin alam ang eksaktong oras ng pagdating ng Diyos, makikilala natin Siya sa pamamagitan ng Kanyang tinig dahil ang mga tupa ng Diyos ay maririnig ang Kanyang tinig at susunod sa Kanya. “Nung oras na ‘yon, naisip ko kung yung sinabi ng pastor nung nakaraan, “Sinumang nakasaksi tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay manloloko.” Ayoko ng makinig sa sinasabi ni Brother Jin, kaya nagpadala ako ng mensahe sa pastor, “May taong nagsabi sa akin na nagbalik ang Panginoon sa katawang-tao. Saang iglesia sila galing?” Sagot ng pastor, “Taga-Kidlat ng Silanganan sila.” Sinabihan niya ako na iwan ko sila kaagad. Sinabi niya rin sa akin na huwag na akong makipag-ugnayan sa kanila o magbasa ng anumang mga libro nila, at pagkatapos ipinadala niya sa akin ang ilang artikulo tungkol sa pagbabantay laban sa maling pananampalataya. Ang akala ko tama ang sinabi ng pastor, kaya nagpasya akong itigil ang pakikinig sa pagbabahagi nina Brother Jin at huwag silang pansinin.

Kaya lang, sinong makakapagsabi na nung Pebrero 20, pumunta uli si Brother Jin at ang bunso niyang kapatid na babae sa lugar kung sa’n ako ginagamot at sinabi sa akin ang maraming bagay tungkol sa gawain ng ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Dahil katatangap ko lang ng balita tungkol sa pagkamatay ng aking ina nung umaga, sinamahan pa ng pagdududa ko kung ano ang sinasabi nila, hindi ako pwedeng makinig sa mga sinabi nila. Nagpatuloy sila sa ganong paraan sa loob ng tatlong araw at si Brother Jin mukhang determinado talaga siyang ipalaganap sa akin ang ebanghelyo. Inis na inis ako, kaya sinubukan ko siyang itaboy at sinabing, “Tigil! Kapag pinagpatuloy mo ‘to at hindi ka umalis, ako nalang ang aalis!” Naisip ni Brother Jin na ayoko na talagang makinig sa kanya, kaya umalis na siya. Ang akala ko hindi na siya babalik. Ganon pa man, nagulat ako, bumalik siya nung sumunod na araw at kasama si Brother Cheng para ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng ebanghelyo sa akin. Naisip ko, “May katapusan ba ito? Hindi ko na ‘to kaya! Alang-alang sa kahihiyan, hindi ko sila itinaboy at nakipag-usap lang nang konti sa kanila. Kahit na nagpahiwatig ako ng kawalan ng interes, matiyaga pa ring nakikipag-usap sa akin si Brother Cheng. Sinabi niya, “Ang Panginoon ay nagkatawang-tao at pumunta sa kalagitnaan ng mga tao para gawin ang gawain ng paghatol at pagkastigo.” Pagkatapos binasa niya sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Fariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isipan kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawa’t isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ng mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag magpapadala o iwawala ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma’y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!” (Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Kahit hindi ko gaanong natanggap ang mga salita ng Diyos, nakita kong napakamatiyaga at magiliw ni Brother Cheng kapag kinakausap ako. Naisip ko, “Lahat ng tao sa iglesia namin nagiging mahina na, lumiliit din ang pananampalataya nila at wala na silang pagmamahal para sa isa’t isa. Bakit ang mga taong naniniwala sa Kidlat ng Silanganan ay labis ang paniniwala at pagmamahal? Anong klaseng kapangyarihan ang sumusuporta sa kanila para magpatuloy sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa akin? Kapag walang gawain ng Banal na Espiritu, walang sinumang makakagawa non gamit lang ang lakas ng tao.”

Nung panahong ‘yon, si Brother Yang kasama ako na sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Palagi akong nagpapakita ng walang ingat na saloobin para sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, habang si Brother Yang seryoso itong sinusuri. Sinabi ni Brother Yang, “Noong nakaraan, isang tao ang nagbahagi sa kanya ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos, pero umayaw siya. Ngayon, marahil pagkakataon ito na ibinigay sa kanya ng Diyos para suriin niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, para hindi na niya ito mapalampas.” Nang makita na sinunod ko lang ang mga sinabi ng pastor nang walang mapagkumbaba at mapaghanap na puso, binasa niya sa akin ang ilang talata ng banal na kasulatan, “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang maamo: sapagka’t mamanahin nila ang lupa. Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin” (Mateo 5:3-6). Nang marinig ang mga salita ng Panginoon, nagpag-isip-isip ko, “Bakit hindi ako makatahimik sa harap ng Panginoon para masuri ang gawain ng Makapangyarihang Diyos? Kung talagang bumalik ang Panginoon, aabandunahin ba ako dahil sa pagtanggi kong pakinggan at suriin ito? Dapat akong maging mapagkumbaba, at hindi ako dapat bumuo ng konklusyon na parang bulag ayon sa aking imahinasyon.” Nang nagpasya akong manahimik para masuri ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa pastor sa iglesia namin kung saan sinabihan akong huwag ko ng ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang sinabi ng pastor ang nagbigay sa akin ng ideya na huwag na uli ituloy ang pagsusuri sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, pagkatapos sinabi ko sa sarili, “May higit na pang-unawa sa Biblia ang pastor at mangangaral, pero hindi nila kinikilala ang muling pagbabalik ng Panginoong Jesus. Dapat akong sumunod sa kanila dahil konti lang ang naiintindihan ko sa Biblia at kulang sa pag-unawa.” Matapos ang tawag, sinabi ko kay Brother Cheng, “Tutal payag naman si Brother Cheng na suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, ituloy mo nalang ang pagbabahagi ng tungkol don na wala ako.” Kaya, tinanggihan ko uli ang kaligtasan ng Diyos.

Natapos na ang isang linggong terapiya, at nagsimula na uli akong magtrabaho. Dahil sa pagkamatay ng aking ina, nakaramdam ako ng lungkot at sakit sa puso ko. Araw-araw pag-uwi ko galing sa trabaho, tinitingnan ko ang larawan ng aking ina at kinakausap ito na parang siya ang kinakausap ko, punong-puno ang puso ko ng pananabik sa aking ina. Isang araw, bigla ko nalang naisip na ako, bilang isang mananampalataya sa Panginoon, dapat nananalangin ako sa Panginoon kahit na anong paghihirap at kahinaan ang meron ako. Matapos ‘yon, sa tuwing mahaharap ako sa paghihirap, lumalapit ako sa Panginoon at nananalangin sa Kanya, hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng kaginhawahan. Ganon pa man, hindi natinag ang puso ko kahit na anong panalangin ko sa Panginoon, at kung minsan nakakatulog ako kapag nananalangin sa Kanya. Sa panahong iyon, nabuhay ako sa takot at pagkabalisa araw-araw, at nakakaramdam din ako ng matinding takot kapag may anumang tunog. Sa pagkagulat at kahinaan, taimtim akong nanalangin sa Panginoon, “O Panginoon! Nararamdaman ko ang dilim sa puso ko, takot at pagkabalisa. Dahil ba may ginawa akong mali? O Panginoon! Ilang araw na ang nakalipas, may nagsabi sa akin na nagbalik ka na bilang Makapangyarihang Diyos. O Panginoon! Kung ganon nga, ipinapanalangin ko sa ‘Yo na utusan si Brother Yang na tawagan ako o padalhan ng mensahe sa tamang oras, at pagkatapos tatanggapin ko ang Iyong bagong gawain at mga salita na may masunurin at pananabik na puso kahit anong ibahagi nila sa akin; Kung hindi ito ang Iyong bagong gawain, kung mali ang pangangaral nila at mapanlinlang, ipinapanalangin ko sa ‘Yo para pigilan sila sa kanilang landas.”

Kahanga-hanga, tunay na dininig ng Diyos ang panalangin ko at inayos si Brother Yang para tawagan ako. Sinabi ko kay Brother Yang ang tungkol sa sitwasyon ko nung mga araw na ‘yon. Sinabi niya sa akin na madilim ang nararamdaman ko sa puso ko dahil ayaw kong suriin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at sinuway ang Diyos. Umaasa si Brother Yang na itutuloy ko ang pagsusuri sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pagkakataon na ‘to, hindi ko na ‘to tinanggihan.

Pagkatapos non, pinadalhan ako ni Brother Yang ng isang pelikula ng ebanghelyo na “Pananampalataya sa Diyos.” Ginising ako ng isang linya sa pelikula, “Dahil naniniwala tayo sa Diyos, dapat makinig tayo sa Diyos, hindi sa tao.” Sinabi ko sa sarili ko, “Tama! Dapat akong makinig sa Diyos, hindi sa tao! Kaya lang, palagi kong tinatanong ang pastor at sinusunod ang mga sinasabi niya at ng mangangaral ng mangaral si Brother Jin at Brother Cheng sa akin ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi ko isinaalang-alang ang paggawa ng maingat na pagsusuri sa bagong gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Bilang isang mananampalataya sa Panginoon, hindi ako nananalangin sa Kanya at hinahanap ang Kanyang kalooban, pero parang bulag na sinusunod ang mga salita ng pastor at mangangaral, hindi ba’t napakahangal ko? Sinasabi sa Biblia, “Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao’ (Mga Gawa 5:29). Hindi ko sinunod ang Panginoon, pero nakinig ako sa tao, hindi ba ang pinaniniwalaan at sinusunod ko ay tao? Hindi ba ako lumalaban at nagtataksil sa Panginoon? Kung tunay ngang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, hindi ko tinatanggap ang Makapangyarihan Diyos pero narerebelde laban sa Kanya at nilalabanan Siya, kung ganon hindi ba bulag at mangmang din ako? Hindi ko ba pinagsasarahan ang Panginoon? “Nang maisip ito, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi sa puso ko, may luhang umaagos sa akin mga mata.

Lumapit ako sa Panginoon at nagdasal sa Kanya, “O Panginoong Jesucristo! Minsan may isang nangaral sa akin na nagbalik Ka na sa mundong ito sa katawang-tao, at Ikaw ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo sa mga huling araw. Ganon pa man, hindi ako sigurado tungkol dito. Ngayon nakahanda akong pumunta sa Inyong harapan at hanapin ang Inyong kalooban, umaasa akong bibigyan Ninyo ako ng kaliwanagan para makilala ko ang Inyong tinig. Kung nagbalik Ka na bilang Makapangyarihang Diyos, magsisisi ako sa Inyo at tatanggapin ang Inyong gawain at kaligtasan. O Panginoon! Nananalangin ako sa Inyo na pangunahan ako na makabalik sa Inyong harapan.” Matapos manalangin, nakaramdam ako nang matinding kasiyahan at kaginhawahan sa puso ko na matagal kong hindi naramdaman. Alam ko at malinaw sa akin na narinig ng Panginoon ang mga panalangin ko at binigyan ng kaginhawahan at kumpirmasyon. Nang oras na ‘yon, gustong-gusto kong suriin kaagad ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero nang naisip ko na ginalit ko ang mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pa’no ako nagkaron ng lakas ng loob na harapin uli sila?

Habang pinoproblema ‘to, nakatanggap ako ng tawag mula kay Brother Yang. Tinanong niya ako kung may oras ako at kalooban na magpatuloy sa pagsusuri sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sinabi ko sa kanya ang mga alalahanin sa puso ko. Sinabi sa akin ni Brother Yang, “Ayos lang! Tayong mananampalataya sa Diyos ay isang pamilya. Walang sinuman ang siseryoso ron.” Nang marinig ang sinabi niya, alam ko na ang Diyos ang umayon sa aking maliit na katayuan. Kaya, si Brother Yang at ako pumunta kami sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang sumunod na araw.

Mga kapatid tuwang-tuwa kami na nakabalik ako sa tamang daan. Pormal silang nagpatotoo sa akin na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, at ipinahayag Niya ang katotohanan at ginawa ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ibinahagi nila sa akin ang ibig sabihin ng Diyos na nagkawatang-tao para isakatuparan ang Kanyang gawain at ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para sa pinasamang sangkatauhan. Matapos ‘yon, binasa ko ang mga salita ng Diyos, “Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay ang kategorya na magdurusa ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbabalik sa katawang-tao ay tiyak na anak ng impiyerno, mga inápó ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang-pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, nguni’t nais Ko pa ring sabihin sa bawa’t tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakikita ninyo ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa iyo, subali’t dapat mong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagka’t nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayo’y napapadalisay, ay nakabalik na sa harapan ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Maylalang. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang mapapasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagka’t naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, nguni’t hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na daan ng buhay. Kaya maaari lamang na harapin sila ni Jesus kapag hayagan Siyang bumalik nang nasa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang mga sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang mga gayong mabababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga yaon na kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga yaon na hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (“Kapag Namamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus ay Magiging Kung Kailan Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa pamamagitan ng siping ito ng mga salita ng Diyos at mga kapatiran, mga naunang pagbabahagi at mga patotoo, naunawaan ko na may dalawang paraan kung saan ang Panginoon ay nagbalik: Ang isang paraan ay lantad, ang isa ay lihim. Ngayon ang nagkatawang-taong gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos na nagsisimula sa bahay ng Diyos ay gawain lang ng Panginoon na dumarating ng palihim. Dahil ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay dumating sa mga tao sa anyo ng isang normal, karaniwang tao, walang sinuman ang makapagsasabi na Siya ay Diyos, walang nakakaalam ng Kanyang totoong pagkakakilanlan. Ito ay lihim sa tao. Tanging ang mga makakapagsabi lang ng kaibahan sa tinig ng Diyos ang maaaring makakilala, tumanggap at sundin ang Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27). Ang mga ‘yon na hindi makikilala ang tinig ng Diyos tiyak na pakikitunguhan Siya bilang isang normal na tao, itatatwa at lalabanan Siya, tatangging sumunod sa Kanya, kagaya ng mga Fariseong Hudyo, hindi nila alam ang Kanyang pagkakakilanlan at lalong parang bulag na hinatulan ang Panginoon nang makita nila ang Panginoong Jesus. Ito ngayon ang yugto kung saan dumating nang palihim ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain at iligtas ang sangkatauhan. Siya ay kasalukuyang nagsasagawa ng pagpapahayag ng Kanyang mga salita para maghatol, linisin at gawing perpekto ang sangkatauhan, gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang kalamidad. Ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos at lihim na pagbaba sa kalagitnaan ng tao ay makukumpleto matapos magawa ang isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos ay darating ang mga kalamidad sa lupa, at parurusahan ng Diyos ang masama habang ginagantimpalaan ang mabuti, lumilitaw nang lantaran sa lahat ng bansa sa mundo. Sa puntong ‘yon, matutupad ang mga propesiya ng lantad na pagbaba ng Panginoon sa lupa, tulad ng sinabi sa Biblia, “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa” (Pahayag 1:7). Ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng magkakamag-anak sa mundo ay mananaghoy kapag dumating ang Panginoon sakay ng mga ulap. Nakadama ng biglang pagliwanag sa aking puso at naintindihan ang gawain ng lihim na pagdating ng Panginoon ay isang dakilang kaligtasan para sa atin. Tanging sa pamamagitan lang ng pagtanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos sa panahon ng gawain ng lihim na pagbaba ng Panginoon, maaari tayong malinis at mailigtas ng Diyos. Kapag hindi natin tinanggap ngayon ang gawain ng paghatol ng Diyos, tayo yung magiging mga lumalaban sa Panginoon kapag hayagan Siyang bumaba sakay ng mga ulap, tiyak na tatangis at magkikiskisan ang ating mga ngipin. Pagkatapos huli na para magsisi, sapagkat sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan.

Salamat Makapangyarihang Diyos! Binuksan ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng mga misteryo, malinaw na ipinaliwanag sa lahat ng aspeto ng katotohanan. Tunay na binuksan nito ang aking mga mata at kinumbinsi ako. Nang mga sumunod na araw, pumunta ako sa iglesia sa oras para sa mga pagtitipon, ibinabahagi sa mga kapatiran ang pagkaunawa ko sa mga salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pinapaanood ang lahat ng klase ng video na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, tulad ng mga himno, MVs, resitasyon ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at mga pelikula ng ebanghelyo. Bawat pagtitipon nakakakuha ako ng bagong bagay, na puno ng labis na kagalakan ang aking puso. Lalo na sa mga pelikula ng ebanghelyo, may detalyado at malinaw na pagbabahagi ang mga kapatid tungkol sa bawat isyu, na nalutas ang mga tanong at pagdududa na mayroon ako sa aking puso sa loob nang maraming taon magmula ng manampalataya sa Panginoon. Tunay na naramdaman ko na ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naglalaman ng gawain ng Banal Espiritu at ng katotohanan. Ang mas nakapagpatuwa sa akin ay nung ikatlong araw na pumunta ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nakilala ko ang isang sister na kumanta ng mga himno ng papuri sa Diyos sa entablado nung Pasko ng 2016. Tinanggap din niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Salamat sa Diyos! Ang gabay at kaliwanagan ng Diyos ang nanguna sa amin para sundan ang bakas ng Kordero, ang naglabas sa amin sa ilang at nagdala sa amin sa mabuting lupain ng Canaan. Sa wakas, bumalik na kami sa bahay ng Diyos, at tamasahin ang masaganang panustos ng mga salita ng Diyos.